Share

Sikreto

Third Person Point of View

                “Ilang taon na po kayo?” tanong ni Gilda habang sinusuklay siya ni Maria.

                “Alam mo bang hindi mo dapat itinatanong iyan sa mga babae,” ani ni Maria at nagpatuloy pa rin sa pagsusuklay ng buhok ni Gilda.

                “Pasensya nap o,” ani naman ni Gilda. “Ang ganda ganda po kasi ng kutis niyo. Pang artista. Oo nga po pala, nabanggit niyo  sa akin na ituturo niyo ang sekreto ng makinis at batang balat. Pwede niyo na po bang ituro sa akin?”

                Ngumiti naman si Maria habang sinusuklay ang buhok ni gilda.

                “Saka na, kapag handa ka na. Ituturo ko sa iyo kung paano,” ani ni Maria.

                “Paano pong handa? Hindi ko maintindihan,” tanong ni Gilda kay Maria.

                “Malalaman mo rin,” ani nI Maria. “Sasabihin ko sa iyo kapag handa ka na.”

                Hindi naman na sumagot pa si Gilda at matapos ang ilang minuto ay inilapag na ni Maria ang suklay.

                “Sige na, matulog ka na,” ani ni Maria rito. “Bukas na muli.”

                Tumayo naman si Gilda sa kanyang kinauupuan.

                “Oo nga po pala,” ani ni Gilda dito. “Wala po ba kayong tv talaga dito? I mean kasi ang boring ng bahay. Hindi naman ako masyadong nakakagamit ng cellphone dahil mahina ang net at tinitipid ko ang data. Pwede po ba tayo bumili ng tv? Mukha namang hindi iindahin ng bulsa ni Lola Terersa ang isang tv.”

                “Tv?” ani ni Maria at napaisip. “Mayroong tv. Kaso nakatago. Huwag kang mag – alala. Bukas na bukas ay ilalabas ko upang makapanood ka.”

                “Talaga po?” hindi makapaniwalang tanong ni Gilda. Napayakap siya kay Maria dahil sa tuwa at kabutihan nitong ipinapakita sa kanya.

                “Maraming salamat po talaga,” ani ni Gilda. “Hulog kayo ng langit. Kung wala kayo ay baka nabaliw na ako dito sa loob ng kwarto.”

                “Mabuti pa nga at nabaliw ka na lamang,” bulong ni Maria sa kanyang sarili.

                “Ano poi yon?” pagtatanong naman ni Gilda na hindi narinig ang mga binulong na salita ng ginang.

                “Ang sabi ko ay natutuwa rin akong makita ka at makasama,” ani ni Maria dito. “Siguro kung wala ka ay naging malungkot na ang bahay. Paano na lamang kung walang Gilda na dumating. Baka ako naman ang mabaliw. Hindi naman kami masyadong nakakapag usap ng Lola Teresa mo pagka’t busy siya sa mga bagay bagay.

                Hinawakan ni Maria ang buhok ni Gilda at hinimas. Gustong gusto niya ang buhok ng dalaga. Makintab at malambot.

                “Ikaw lang ang nakakausap ko sa buong maghapon. Hindi rin naman ako palalabas ng ating bahay pagka’t gusto na dito lamang ako. Wala rin naman akong masyadong kaibigan sa labas dahil nga hindi ako masyadong nakikihalubilo sa mga tao.”

                Ngumiti naman si Gilda. Pakiramdam niya ay may sumasalo sa kanya sa lahat ng oras dahil kay Maria. Ipinaramdam nito sa kanya na hindi siya nag – iisa na meron siyang makakasama sa ano mang oras. Ang kabutihan nito sa kanya ang patunay na hindi niya na dapat pang isipan ng masama ang dalagta.

                Ilang araw na rin pala silang hindi nag – uusap ni Carmen. Nagbabatian lamang sila sa mga mensahe.

                “Sige na at matulog ka na,” ani ni Maria at binitawan ang buhok ng dalaga.

                Lumapit naman si Gilda sa kanyang higaan at humiga roon. Damang dama niya ang lambot ng kutson at kay sarap tulugan. Pakiramdam niya ay pagod na pagod siya gayong wala naman siyang masyadong ginawa maghapon.

                Lumabas naman na si Maria at pinagpag ang kanyang sarili.

                “Kakadiri,” mariin na sabi niya. “May payakap yakap pang nalalaman ang bruhang ito. Kailangan kong maligo.”

                Dumiretso si Maria sa baba at kumuha ng mga balde sa loob ng silid na nasa ilalim ng hagdan. Nilalagay niya ang laman ng mga balde sa bath tub. Ilang beses rin siyang pabalik balik upang mapuno lamang ang bathtub na paliliguan niya.

                Noong mapuno niya ito ay nilock niya ang pinto ng banyo at nagtanggal ng kanyang mga damit.

                Lumapit siya sa bath tub at napangiti.

                “Ito ang sikreto ng magandang balat, Gilda,” aniya sa sarili habang inaalala ang sinabi sa kanya ni Gilda na mukha siyang artista.

                Humiga si Maria sa bathtub at naramdaman niya ang malapot at mainit na pulang likido sa kanyang balat. Inihilamos niya ito sa kanyang mukha at sarap na sarap siya sa kanyang nararamdaman.

                “Ito na nga!” ani ni Maria at napatawa. “Dugo ng mga babae ang nagpapanatili ng bata kong itsura.”

                Tama. Dugo ng ng mga babae ang laman ng mga timbang binubuhat ni Maria kanina. Ito ang gamit gamit niya sa tuwing siya ay naliligo kaya naman napakaganda niya. Ilang babae rin ang kanyang pinatay para mapuno lang ang bath tub na paliliguan niya.

                Kinuha niya ang salamin sa gilid at tumingin roon. Nakita niya ang kanyang mukha na punong puno ng likido.

                “Artistahin,” aniya sa kanyang sarili. “Mas maganda talaga ako kay Lilybeth. Anak na niya mismo ang nagsabi na maganda ako. Pero bwiset na pesteng bata iyon. Nagdemand pa ng tv. Manong manahimik na lamang siya sa isang tabi. Pahihirapan niya pa ako.”

                ‘Bakit mo kinabwibwisitan si Gilda? Dapat ay matuwa ka.’ Ani ng boses sa isipan ni Maria.

                “Matuwa? Bakit naman ako matutuwa sa babaeng iyon? Hadlang sa amin ni Dan ang anak nila.”

                ‘Ayaw mo ba siyang maging anak? Wala na si Lilybeth at pwede na kayong tatlo. Isang pamilya. Isang masayang pamilya. Wala na si Lilybeth at ikaw na ang nanay ni Gilda. Matutuwa si Dan kapag kumpleto kayo.’

                “Matutuwa? Isang masyang pamilya?” tanong ni Maria habang nakatitig sa kawalan. “Kaming tatlo? Isang pamilya?”

                Tumango tango si Maria at napatawa.

                “Tama, anak ko si Gilda,” ani ni Maria habang nakangiti. “Sa akin si Gilda, ako ang nag iri sa kanya. Anak namin siya ni Dan.”

                Malakas na tumawa si Maria, “Anak ko si Gilda!!! Anak namin siya ni Dan!!!”

                At tumawa muli.

***

                Napamulat si Gilda ng kanyang mata dahil bigla syang nagising ng isang tawa nagbigay kilabot sa kanya. Napatingin sita sa salamin upang tignan kung nakatakip pa ito ng tela. Noong makitang nasa maayos na lagay ito ay nagkibit balikat na lamang siya at mulng bumalik sa pagtulog.

Maharlikang Pilipina

DISCLAIMER: This is a work of fiction. Unless otherwise indicated, all the names, characters, businesses, places, events, and incidents in this book are either the product of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental. This episode contains sensitive scenes that may find disturbing for some viewers. Please read at your own risk.

| Like

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status