Share

Dugo

Gilda Point of View

        Napayuko ako habang sumusubo ng pagkain. Ano kaya ang iniisip ni Maria? Bakit tila hindi na maganda ang pagiging mabuti niya? Maya’t maya niya akong tinatawag na anak. Tila ba parang anak na niya ako. I mean wala naman masama sa ginagawa kaso sobra sobra na eh. Naweweirduhan na ako na hindi ko maintindihan.

        Ang mga ngiti niyang ibinibigay sa akin. Sa tuwing makikita ko ito ay tumataas ang balahibo ko na para bang walang magandang idudulot ang mga ngiti niya.

        Ang pag aalala niya sa akin. Hindi niya naman ako kadugo pero sobra sobra siya mag alala. Nakakatakot na.

        Baka mamaya bigla na lang siyang mag – transform sa harap ko ah. O kaya naman baka mamaya ay bigla na lang niya akong tuklawin.

        Unti – unti kong itinaas ang aking mukha at iginawi sa kanya ng dahan dahan ang aking tingin.  Agad ko rng ibinalik ang tingin ko sa aking plato sa may lamesa.

        Sh*t!  Sh*t! Sh*t! Nakatingin siya sa akin habang ngumunguya, at ang kanyang mga labi kahit ginagamit niya sa pagkain ay nakangiti pa rin. Ang weird.

        Kinikilabutan ako. Pakiramdam ko nakatingin pa rin siya sa akin.

        Tumikhim ako at dumiretso ng ayos. Huwag kang matakot, Gilda! Si Maria lamang ang kaharap mo. Walang nakakatakot doon. Nakangiti lamang siya at…

        At nakatingin sa iyo…

        Normal lang iyon! Tama! Normal lamang iyon. Normal na tignan ka ng isang tao pero…

        Pero…

        Pero normal ba na halos isang oras ka na niyang tinititigan? Buti sana kung si crush ang nakatingin sa akin kahit dalawang oras pa yan maiintindihan ko dahil malay mo baka nagagandahan siya sa akin pero si Maria?

        OH! Baka nagagandahan rin siya sa akin. Dahil ba hawig na hawig ko si Tatay Dan? Anak ng tokwa, Maria please parang awa mo na huwag mo akong titigan ng ganyan. Natatakot ako ng sobra.

        Napakagat ako sa aking labi. Kahit anong isip ko ay hindi normal ang kanyang pagtitig.

        Tila may dumadaan na anghel ngayon sa aming hapag kainan at napupuno ng katahimikan ang buong kainan habang…

        Habang nakatitig siya sa akin.

        Tumulo ang pawis ko sa aking mukha. Pinagpapawisan na ako dahil sa kanya.

        Mukha akong tanga dito na pilit pinatatatag ang loob ko kahit dumadagundong na sa kaba ang aking dibdib.

        Hindi niya naman siguro naririnig ang pagtibok ng malakas ng aking puso hindi ba?

        Tumingin ako kay Maria upang tignan kung nakatingin pa rin sa akin at nais kong mapamura ng malakas. Nagtama an gaming mga tingin.

        Nakakakilabot ang tingin niya sa akin. Hanggang kailan niya ako tititigan.

        “B-bakit po?” tanong ko sa kanya. “M-may problema po ba? B-bakit niyo po ako tinititigan mula pa kanina???”

        Ang labi nito na nakangiti ay mas lalong ngumiti pa.

        “Bakit?” tanong niya pabalik. “Hindi ka ba komportable? Nako pasensya na anak. Natutuwa lang akong makita ka at tila ayaw ko nang tanggalin pa ang tingin ko sa iyo. Natatakot ako na mawala ka sa aking mga mata.”

        Ha? Pinagsasabi niya? Anong mawala?

        Sinubo ko na ang mga natitira pang kanin sa aking bibig upang makaakyat na ako ng kwarto.

        “Hindi naman po ako mawawala,” ani ko. “Narito lang ako palagi.”

        Awkward akong tumawa at niligpit ang aking kainan.

        “Sige po akyat na muna ako,” paalam ko ‘kay Maria ngunit nagulat ako noong naabot niya agad ang aking kamay bago pa ako makatalikod sa kanya.

        “Huwag ka na munang aakyat, anak,” aniya sa akin. “Dito ka na muna. Samahan mo na muna ako. Pagkatapos ko nito ay may sasabihin ako sa iyo.”

        Sasabihin?? Ano ang sasabihin niya? Bakit mamaya pa? Pwede bang ngayon na lamang? Ayoko na muna siyang makasama. Ang creepy niya at lagi siyang nakatitig sa akin. Nakakailang. Kung pwede ko lamang sabihin sa kanya iyon ay sinabi ko na. Ayoko lamang masaktan ko ang kanyang damdamin dahil naging mabuti siya sa akin.

        “Ano po ang sasabihin niyo?” tanong ko sa kanya.

        “Mamaya, malalaman mo rin,” sabi niya at kinuha na ang mga plato at inilagay sa lababo.

        Wow! Pasuspense! Bakit mamaya pa?

        “Ano po yon? Sabihin niyo na po,” ani ko sa kanya na may paggalang sa boses dahil baka mabastusan siya sa pagtatanong ko.

        “Hindi ba at gusto mo na makakuha ng maganda at batang balat?” tanong nya sa akin.

        Nagulat naman ako at napahawak sa kanyang kamay.

        “Opo!” sagot ko sa kanya habang tumatango tango. “Tuturuan niyo na po ba ako??”

        Tumango naman siya sa akin.

        “Oo, anak,”aniya sa akin. “Ituturo ko na sa iyo. Sa tingin ko ay handa ka na rin naman dahil tinanggap mo na ako bilang ina. Pagkatapos ko maghugas ay tuturuan na kita.”

        “Wow talaga po?!” hindi ko makapaniwalang tanong sa kanya. “Salamat po, nay! Uupo na lang muna ako rito habang hinihintay ko kayong matapos sa paghuhugas.”

        Hinawakan nya muna ako sa mukha at pinisil ang aking pisngi bago tumalikod at nagsimulang maghugas ng plato.

        OMG! Ituturo niya na sa akin ang sikreto. Who you kayo ngayon mga tigyawat ko! Hindi niyo na uli ako malalapitan.

        Ang ganda ng kutis ni Maria. Kung makikita mo lang talaga siya sa personal ay aakalain mong artista at bata sa ganda ng kanyang balat.

        Animo ay hindi siya tumatanda. Pang kutis koreana ang kanyang magandang balat.

        Noon pa man ay pangarap ko ng maggkaroon ng glass skin! Sigurado akong magugulat din ang mga kaibigan ko kapag nakita ako.

        Tatanungin nila kung paano ako nagkaroon ng kay gandang balat. At tatanungin nila kung ano ang secret ko. OMG! I can’t wait.

        Napatigil ako noong marinig kong humimig si Maria. Isang himig na kay lamig at nakakalungkot pero kung mag isa ka lang sa bahay ay paniguradong nakakatakot marinig ang himig na ito.

        “Halika na,” aya niya sa akin at lumapit.

        Tapos na pala sya maghugas.

        Tumango naman ako at sumama sa kanya.

        Kunot ang noo ko noong makita na mayroon pa palang isang CR sa kabila. Akala ko kwarto iyon dahil nakalock.

        Nakangiti ako habang binubuksan ni Maria ang pinto. OMG this is it! Ito na ang sikreto.

        “Ito na,” ani ni Maria at binuksan ang pinto.

        Naglaho bigla ang ngiti ko.Gilda Point of View

 Nalaki ang aking mga mata. Nangatal ang aking panga at nanginig ako bigla. Tila nanghina ako sa aking nakita.

 Naparalisa ako bigla at hindi makagalaw. Tila namaos ako at hindi makapagsalita. 

 Nakapako ang aking tingin sa bath tub ng Cr. Sa loob ng tub ay kitang kita ko ang malapot na dugo. 

 Malansa ang amoy nito at inuuod ang paligid.

 Napatakip ako ng ilong.

 Ito ba ang sinasabing sikreto ni Maria? Anong dugo ng hayop naman kaya ang ginamit niya? Gaano na katagal ang dugo rito? Sobrang nakakasuka ang amoy.

 Nais kong iluwa ang lahat ng aking kinain. Nakakapanghina ng bituka ang tanawin sa loob ng nakatagong banyo.

 “Iyan na,” ani ni Maria. “Iyan ang sikreto sa magandang balat, anak. Gagamitin mo iyan paligo.”

 Ano? Nababaliw na ba siya? Paanong hindi ko man lang naamoy ang lansa sa katawan niya gayong ito ang ginagamit niya sa pagligo. Tama! Imposible yon! Imposibleng hindi siya mangamoy sa baho nito.

 O baka naman prank lang? Baka niloloko niya lamang ako.

 “Seryoso ba?” tanong ko habang nakatakip ng ilong. “Naliligo ka riyan?”

 “Walang halong biro, Gilda,” sagot sa akin ni Maria. “Iyan ang lagi kong ginagamit sa tuwing ako ay naliligo. Hindi ko lamang tinanggal pa ngayon dahil gagamitin mo rin naman. Naisip ko na sabihin na sa iyo. Kahapon ay naligo rin ako riyan.”

 Napatingin naman ako sa bath tub. Anak ng siopao! Kakadiri! Never akong maliligo riyan!

 Ilang baboy o baka kaya ang kanyang kinatay para lamang mapuno ang bath tub na iyan? Ang laki pa naman.

 Grabe, may tinatago pa lang ganito si Maria. Sabagay. Ano pa nga ba ang pinagtataka ko. Kay ganda ng kanyang kutis at mukhang batang bata siya. Imposibleng basta basta lamang ang kanyang sikreto sa balat.

 No thanks na lang! Hindi ako maliligo riyan! Kahit kumulubot na lamang ang buhok ko pero ang maligo sa bath tub ng dugo na napupuno pa ng mga malulusog na uod?! NEVER!!! Mas gusto ko pang maligo sa putikan o sa irigasyon kaysa riyan.

 Saka isapa baka kung saan saan pumasok ang mga uod na iyan. Baka mamaya maimpeksyon pa ko niyan! Iniisip ko pa lamang na maliligo ako ay sukang suka na ako. 

 Paano niya naatim na  maligo sa ganyan kabaho at kadumi?

 Napatingin ako kay Maria. Nakangiti siya habang nakatingin sa may bath tub. Kala ko sa akin nanaman siya nakatingin eh!

 Mukha namang matino si Maria. Mukha namang wala siyang sapak sa ulo.

 Pero ngayon ay talaga naman nagtataka na ako. Sinong matinong tao ang gagawin yan? Teka may nabasa nga pala ako! Hindi ko na matandaan kung saan iyon. Basta yung reyna naliligo sa dugo para mapanatiling bata ang kanyang kutis.

 Ang kaibahan lang ay…

 Napatuptop ako ng aking bibig at nanlaki ang aking mga mata habang nakatingin kay Maria.

 “Bakit?” tanong ni Maria na ngayon ay nakatingin na rin sa akin. “Natatakot ka ba? Huwag kang mag – alala, Gilda. Safe ang papaliguan mo.”

 Safe? Nahihibang na siya! Puno ng mikrobyo ang bath tub na iyan! Kitang kita pa nga ang mga uod. 

 “A-ano pong dugo ang g-ginamit niyo?” tanong ko sa kanya. “H-hindi naman dugo ng tao yan ano po?”

 Patawa akong nagtanong dahil namumuo ang kaba sa aking dibdib.

 “Dugo ng mga babaeng tulad natin,” sagot sa akin ni Maria.

 Malakas na kumabog ang dibdib ko sa narinig.

 “Mga babaeng hayop,” ani ni Maria at ngumiti.

 Napahinga ako ng malalim. Anak ng Siopao! Akala ko ay dugo na ng tao. Kasi yung reyna na nabasa ko ay dugo ng mga babaeng birhen ang ginagamit niya sa kanyang pagliligo sa araw araw. Imagine na lang kung gaano karaming tao ang kailangan niyang patayin para roon.

 “K-kayo naman,” ani ko habang awkward na tumatawa. “Kinabahan naman ako sa inyo. Akala ko naman ay mga tao na.”

 “Halika maghubad ka na ng makaligo ka,” ani sa akin ni Maria at hinawakan ang aking kamay. “Iisisin ko ang iyong likuran.”

 Napahawak ako sa may pinto at sinalungat ang pwersa niyang pahatak sa akin.

 Hibang na siya! Hubad? Anong hubad? Alam kong pareho kaming babae pero hindi na ako bata! Kaya kong paliguan ang sarili ko ng TUBIG! HINDING HINDI AKO MALILIGO SA DUGONG IYAN! NEVER IN MY LIFE!

 “H-ha? Sa susunod na lang siguro, inay,” tangi ko at umiling iling. “A-ayoko munang maligo sa sikretong liguan niyo.”

 “Ano ka ba? Sa una lang naman yan,” aniya sa akin at pilit akong hinatak. “Masasanay ka rin naman. Halika ka na.”

 Mahigpit kong hinawakan ang pinto.

 “Ayoko po talaga!” madiin kong tanggi.

 Ayoko talaga! Please lang bitawan mo na ako! Kahit kaladkarin mo pa ako ay hindi ko talaga gusto! Bugbugin mo na lang ako pero hindi ako maliligo riyan! Baka mamaya ay magkasakit pa ako!

 Baka nga isang minuto pa lang ay tumakbo na ako. My gosh!! Hindi ko kaya ang amoy! Ang sangsang at ang lansa!!

 Kung siya ay kaya niya ay siya na lamang.

 “Halika ka na,” hatak sa akin ni Maria.

 “AYOKO PO!!” sigaw ko at natulak ko siya.

 Sumaldak siya sa may tiles na puno ng dugo habang gulat na napatingin sa akin.

 Shems! Napalakas ang tulak ko.

 “Ayan, sabi ko  naman po kasi ayoko,” ani ko sa kanya.

 Tinulungan ko siyang makatayo ngunit pagkahawak ko sa kanyang kamay ay bigla niya akong hinatak patungo sa may bath tub. Sa dulas ng tiles ay dumulas ako ng tuloy tuloy sa bath tub.

 Lumubog nauna ang aking mukha at  noong akmang iaangat ko ang aking ulo ay hindi ko magawa dahil nakaharang ang kanyang kamay.

 “MPPPH!” inda ko upang makaangat agad. Naramdaman ko na inilubog niya rin ang katawan ko.

 Hindi na ako makahinga! Lumaban ako ng lumaban upang bitawan niya ako.

 Mga ilang minuto pa ang lumipas ay binitawan niya ak at dali dali akong pumaibabaw habol ang aking hininga.

 Napatingin ako kay Maria at nakangiti siya sa akin.

 “Kamusta?” tanong niya sa akin habang dala dala ang creepy niyang ngiti.

 Napatingin ako sa kamay ko. Balot ito ng dugo at may mga uod.

 “AAHHHHH!!!!” sigaw ko ng malakas.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status