Gilda Point of View
Kinuha ko ang panghilod sa may sabunan ng banyo. Hindi sa banyo ng may bath tub ng dugo na napupuno ng uod kundi dito sa palikuran na may shower at totoong tubig.
Gusto kong maiyak kanina sa ginawa ni Maria. Muntik ko na syang mamura at masabunutan dahil sa ginawa niyang pang lublob sa akin. Mabuti na lamang at napigilan ko ang sarili ko dahil mas matanda pa rin siya sa akin kahit papaano.
Napasuka pa ako ng marami dahil sa lansa at sa tuwing naiisip ko iyong ginawa niya ay nais kong maiyak.
Kinuskos ko ng mabuti ang aking balat. Feeling ko maninikit ang mabahong amoy sa akin. Bwiset kasi! Sinabi ko na sa kanya na ayaw ko tapos nilublob pa ako. Sino naman ang matutuwa sa ganoon diba?
Para siyang bida bidang kaklase ko. Although nag sorry naman na siya sa akin. Sinabi ko sa kanya na huwag na niya akong pilitin dahil ayoko talaga. Kahit hindi na gumanda ang kutis ko ay ayos lamang.
Pinuno ko na nga ng shampoo ang aking buhok. Halos maubos ko na yung shampoo masigurado lang na mababanlawan ng mabuti yung buhok. Naiisip ko baka mamaya ay may uod na gumagapang sa anit ko. Shemay nakakasuka ata nakakadiri.
Binuksan ko ang shower at tinanggal ang sabon sa aking katawan at matapos ay inamoy kong muli ang aking balat.
Napatakbo ako sa bowl at napasuka.
Tumulo na ang luha ko. Napakabaho pa rin! Kahit anong kuskos ko ay ayaw maalis ng lansa.
Paano na ngayon iyan? Panigurado pati buhok ko napakabaho na!
Tapos napasukan pa yung tainga ko ng dugo kanina pati na ilong. Naaalala ko pa lang ang mga nangyari kanina ay gusto ko ng maghurimentado. Tila masisiraan ako ng bait.
Nilagya ko ng maraming sabon ang pang – hilod saka muling kinuskos ag aking katawan.
Please, please! Mawala ka na. Bumango ka na please! Hindi ako mapapakali habang amoy malansa ang buong katawan ko.
Nakaramdam ako ng gumagapang sa aking hita. Napatingin ako roon at nakita ko ang isang malusog na uod na gumagapang paitaas.
Agad kong hinampas ito paalis at nagtatalon.
Napisak pa ang uod sa balat ko. My god!!! Agad kong sinabuyan iyon ng tubig saka sinabon at madiin na inis - is.
Napatingin ako sa may pintuan ng banyo noong may kumatok dito.
“Gilda ayos ka na ba?” tanong sa akin ni Maria.
Ayos? Mukha ba akong ayos matapos ng ginawa niya sa akin? Nakaka trauma!
Sobrang nainis talaga ako sa kanya dahil sa ginawa niya sa akin kanina. Sa sobrang inis ko ay hindi ko siya sinagot.
Dahil dakilang makulit siya ay kumatok muli at tinawag ang aking pangalan.
“Gilda? Ayos ka lang ba?!” ani niya sa boses na naghehesterikal.
“Please leave me alone!” madiin kong sabi. “Please!”
“Sige, hahantayin na lang kita dito sa labas,”ani ni Maria at matapos noon ay wala ng kumatok.
Crazy woman! Wala siyang isip! Batsta naiinis ako!
***
Napadilat ako ng aking mga mata dahil sa mga katok na narinig ko sa pinto ng aking silid.
Umaga na agad? Napaamoy ako sa aking balat. Wala na itong amoy di tulad kahapon na nanununtok sa lansa.
“Gilda, gumising ka na,” tawag sa akin ni Maria sa kabilang panig ng pinto. “Samahan mo ako sa pamamalengke.”
Talagang malakas ang loob niyang ayain pa ako. Hindi ba siya nahiya man lang sa ginawa niya?
Nag inat inat ako.
“Susunod na lang po ako sa baba,” sagot ko dahil paniguradong kakatok nanaman siya pag hindi ako sumagot.
Para siyang obsessed kung makapag alala siya sa akin. Panget talaga kapag sobra. Parang ang OA na.
Napapikit ako. Kung ano ano na ang nasasabi ko dahil sa inis ko. Hindi ko naman kasi makalimutan talaga ang ginawa niya. Sa tuwing naaalala ko ay naiinis pa rin ako.
Tumayo ako ng higaan at napagawi ang tingin ko sa salamin. Wala nanaman ang saklob nito. Tila nasanay na ako na laging natatanggalan ng taklob ang salamin sa tuwing magigising ako.
Pinulot ko ang tela sa sahig upang takluban ang malaking salamin ngunit pagtayo ko ay napatigil ako habang nakatitig sa sarili kong repleksyon sa salamin.
Nabitawan ko ang tela at napahawak sa aking mukha.
Anong mahika ito? Napakinis ng aking balat at napakaganda. Mukhang sariwang sariwa.
Tinignan ko ang aking mga balat. Hindi ko agad napansin kanina.
Napakagat ako ng aking labi at sinipat ang mukha ko. Marahan kong sinampal ang aking sarili. Hindi ako nanaginip! Kutis ko nga ito! Napakaganda! Napakaganda mo ngayon Gilda!
Tila nawala ang lahat ng inis ko kay Maria noong makita ko ang aking itsura.
Parang gusto ko na agad magpasalamat sa kanya sa ginawa niyang panglulublob sa akin.
Teka paano ito? Talaga bang ganoon kabisa ang dugo? Wala na akong makitang flaws sa balat ko.
Papasa na akong artista nito.
Napahawak ako sa aking buhok. Hinimas himas ko ito.
Bakit ganoon? Kay lambot? Lumambot bigla ang aking buhok. Tinignan ko ito mabuti sa may salamin.
Napatakip ako ng aking bibig. Ang shiny niya mga teh!
Pagkabihis na pagkabihis ko ay agad akong bumaba at pumunta kay Maria.
“Ang ganda na ng kutis ko!” ani ko kay Maria habang nakangiti.
“Hindi ba at sabi ko naman sa iyo. Sulit na sulit,” aniya sa akin at hinawakan ang aking buhok.
“Hindi na ba ito mawawala?” tanong ko sa kanya habang hinihimas ang balat ko. “Permanente na ba ito?”
“Hindi, anak,” ani ni Maria sa akin. “Ano pa nga at muling tatanda ang iyong kutis sa paglipas ng araw ngunit mapapanatili mo ang gandang kutis na iyan kung maliligo ka sa dugo isang araw sa loob ng isang linggo.”
Isang araw sa loob ng isang linggo? Parang di ko pa rin keri. Pwede kayang wisik wisik lang.
Hindi na bale. Ang mahalaga ngayon ay nagdulot ang pagbabad sa akin ni Maria sa kasuka sukang dugong tub na iyon!
Ang ganda ganda na ng kutis ko parang di ko pa ata kayang gawin p arin ang mga ginagawa ni Maria. Wala na kaya siyang maituturong ibang paraan?
THIRD PERSON POINT OF VIEWNagkalat ang mga pulis sa bahay ni Teresa kasama si Joeslito. Siya mismo ang naglead ng kanyang mga kapwa pulis papunta sa bahay na ito dahil tatlong araw ng nawawala ang kanyang anak na si Carmen. Wala siyang ibang pinaghihinalaan kundi ang pamilyang ito lalo na at sinabi sa kanya ng kanyang anak na lalaki na iniisip ni Carmen ang kaibigan nitong si Gilda na apo ni Teresa.Kanina pa sila naghahanap ngunit wala silang makita n kahit anong bakas ng mga may ari ng bahay. Narito pa ang mga gamit nila ngunit wala ng tao.“Jose, mukhang tumakas na ang mga suspek,” ani ng kasamahan ni Jose na kapwa niya rin pulis. “Wala ng tao ang bahay na ito.”“Hindi pupwedeng mawala sila! Nasa kanila ang anak ko!” mariin na ani ni Joselito. Puno siya ng panlulumo simula ng mawala ang kanyang anak.Sinisisi niya ang kanyang sarili na hindi niya ito nabantayan mabuti.“Ang mga kwarto? Wala bang
THIRD PERSON POINT OF VIEW Napaiyak bigla si Gilda noong makita si Carmen. Bumalik na siya sa dati niyang huwisyo.“Anong ginawa niyo? Bakit niyo ginawa ito?” Naiiyak na tanong ni Gilda habang walang magawa sa kanyang sitwasyon.Hindi naman siya pinansin ni Teresa at bumalik sa kanyang pwesto. Pinatakan niya ulit ng kanyang dugo ang batsa saka muling inusal ang kanyang mga dasal sa pagtawag ng kang sinasamba. Itinaas niya ang kanyang mga kamay“Domine tenebrarum, exaudi uocem meam.Ego voco vos de altero mundo. Accede ad me. Gloriosam crucem tu divide. Haec utinam sic veniat.”(Panginoon ng kadiliman, dinggin mo ang aking panawag.Tinatawag kita mula sa kabilang mundo. Lumapit ka sa akin. Tawiran mo ang matanyag na hati. Ito ang aking kagustuhan kaya naman ito ay matutupad.)“Domine tenebrarum, exaudi uocem m
THIRD PERSON POINF OF VIEW Nagising si Gilda sa kanyang pagkakatulog noong marinig niya ang ingay ng kaluskos sa taas ng kwartong kinalalagyan niya. Maya maya pa ay nagbukas ang pintuan na iyon. Agad na binuksan ni Maria ang ilaw sa basement na siya namang ikinasilaw ng dalagang pinagkaitan ng liwanag sa loob ng silid. Hinatak ni Maria ang naghihingalong katawan ni Carmen sa loob ng basement pababa ng hagdan. Pilit sinanay ni Gilda ang kanyang mata sa upang makita ang kung ano mang dala dala ng taong pumasok sa may silid.&nbs
Third Person Point of ViewMatapos igapos ni Maria si Carmen sa isang upuan ay agad siyang umakyat ng kwarto upang sabihan si Teresa.Kumatok si Maria ng marahan sa harap ng kwarto ni Lola Teresa. Tinawag niya ang pangalan nito ng dalawang ulit. Walang sumasagot sa kanya kaya naman sa tingin niya ay atutulog ito.Ngunit hindi naman tulog mantika ang kasama niyang si Teresa. Konting kaluskos lamang ay nagigising na ito agad.Binuksan ni Maria ang pintuan noong walang sumasagot sa kanya. Ang gagawin niya ay gigisingin niya ito kung sakali man na natutulog upang agad nilang maisagawa ang ritwal para sa huling alay nila sa sinasamba nilang demonyo.Pagkabukas ni Maria ng pinto ay kadiliman ang agad na sumalubong sa kanyang mga mata. Kinapa niya ang kandila sa isang gilid. Dahil palagi nilang gawain na iwan ang posporo, at kandila sa ibabaw ng lamesa na pinakamalapit sa pinto ay nasanay na silang ganoon.
Third Person Point of View Nakangiti si Maria habang hinahatak niya si Carmen pabalik sa kanilang pinanggalingan. Hindi niya maitago ang saya sa kanyang mga mukha na kumpleto na ang kanilang biktima. Sa wakas ay makukumpleto na nila ang kanilang siyam na alay. Siguradong matutuwa sa kanya ang matanda na si Teresa kapag nalaman nito na mayroon na silang bagong maiaalay. Habang si Carmen naman ay hindi makapaniwalang sinaksak siya ni Maria sa kanyang likuran ng walang kalaban laban. Hatak hatak pa nito ang kanyang paa na nanakit na sa kanyang kakatakbo kanina. “Bitiwan mo ako!!!” si
Gilda Point of View Sa hindi inaasahan ay natamaan ng aking kamay ang baso ng juice na nasa tabi ng plato ko. Diretso itong natapon sa baba at nabasag. Napatakip ako ng aking bibig sa gulat at agad na napatingin ‘kay Lola Teresa dahil natakot ako na magagalit ito. Naabutan ko agad ang masungit na tingin ni Lola Teresa sa akin. “Nako! Pasensya na po, Lola Teresa,” ani ko sa kanya. “Hindi ko po sinasdayang masagi ang baso. Pasensya nap o talaga.” Yumuko yuko pa ako at pinagtalop ang dalawa kong palad habang humihingi ng sorry dito. “Sa susunod naman ay mag – ingat ka,” madiin na sabi sa akin ni Lola Teresa. “Ang tagal na ng baso kong iyan. Kahit sabihin mo pang kaya mong bayaran ay hindi mo mapapalitan ang importansya n
CARMEN POINT OF VIEW Pilit kong hinatak ang aking kamay palayo sa kamay na nakahawak sa akin. Si Maria ang taong iyon. Ngitng ngiti siya sa akin habang nanlalaki ang kanyang mga mata. Pilit niya akong ipinapasok sa may bintana eh hindi naman ako doon kasya. Gusto niya ata akong mabali bali. Ang sangsang ng amoy na lumalabas sa kwarto niya. Pakiramdam ko ay niraragasa nito ang aking ilong. Napakasakit masinghot! Gusto kong masuka pero wala akong panahon para gawin iyon. “BITAWAN MO AKO!!!” sigaw ko.
THIRD PERSON POINT OF VIEW Itinaas ni Carmen ang kanyang bintana sa kwarto. Kalagitnaan ng gabi na ng mga oras na iyon. May nabubuong bagay sa kanyang isipan. Nais niyang makasigurado na ligtas si Gilda. Mula sa kanyang maliit na bintana ay dahan dahan siyang lumabas upang tumakas sa kanyang ina. Paniguradong tulog na rin ang mga ito ngunit kung sa mismong labas ng kwarto niya siya dadaab ay siguradong maririnig siya ng kanyang ama na mababaw lamang ang tulog dahil maingay ang kanyang pintuan sa tuwing magagalaw. Lumalangitngit ito sa buong kabahayan.
CARMEN POINT OF VIEW Kanina pa ako nag iisip. Ilang araw ko ng hindi nakikita si Gilda. May nangyari kaya sa kanya? O baka naman nahuli na siya ng mga kasama niya sa bahay na nakikipag usap sa akin kaya pinutol na nila ang koneksyon naming dalawa. Baka kinumpiska ng kanyang lola ang kanyang cellphone. Araw – araw akong nagtetext sa kanya pero hindi niya ako nirereplyan. O baka naman wala siyang load? Sana nga ay walang nangyari kay Gilda. Sana ay ligtas siya sa kanilang bahay. Kakaiba kasi ang nararamdaman ko. Animo ay may mali sa bawat araw na nagdadaan. Siguro kung hindi ako kokontakin ni G