Gilda Point of View
Napangiti ako habang naglalakad sa may palengke. Bakit pakiramdam ko ay ang ganda ganda ko ngayon?
Grabe kasi naman. Kung makikita niyo lamang ang gada ng kutis ko ngayon baka gustuhin niyong lumangoy sa dugong bath tub.
Pakiramdam ko nag niningning ako ngayon. Ang aking buhok. Kahit hindi ko na shampuhin at gamitan ng conditioner ay napakaganda.
Napakagat ako sa aking labi. Kung patuloy ko lamang gagawin ang itinuro sa akin ni Maria ay hindi ko na kailangan pang intindihin kung ano ang aking itsura dahil mananatili akong palaging maganda at sariwa habang patuloy akong naliligo sa bath tub ng dugo.
Kung iisipin ay hindi naman masama. Wala naman kaming natatapakan na ibang tao. Nag iinarte lang talaga ako.
Kasi naman. Grabe ang itsura ng bath tub. Nakakapang hina ng laman! Inuuuod at ang lansa lansa. Parang gusto ko uli masuka ngayon!
Napahawak ako sa aking ulo. Hindi naman ako nababaliw hindi ba? Yung reyna nga naliligo sa dugo eh. Sa dugo pa ng tao. Hindi naman big deal ang paliligo ko roon. Isang ordinaryong mamayan lamang ako.
Pero paano kung may makaalam? Paano kung malaman nilang ginagawa ko ang bagay na iyon?
Baka tawagin nila akong baliw. Baka kutyain nila ako. Baka hindi na ako kausapin ng mga kaibigan ko.
Relax, Gilda! Hindi mo naman kailangan ipaalam sa kanila iyon. Tama na ikaw at si Maria na lang ang nakakaalam.
Ngunit paano kung ilaglag niya ako? Sabagay? Ano naman ang mapapala niya? Isa pa ay napakabuti niya sa akin. Para na nga niya akong isang anak.
Hindi! Malabo na traydurin ako ni Maria. Ang lahat ng gagawin niya ay para sa ikabubuti ko. Hindi siya gagawa ng ano mang ikapapahamak ko! Tama iyon nga!
Pero…
Naisip ko lamang. Alam ba ni Lola Teresa ang ginagawa niya? I mean? Kung alam niya okay lang sa kanya? Hindi man lang niya sinisita si Maria? Ibig sabihin ba noon…
Hindi! Imposible. Kung alam niya bakit hindi niya ginaya si Maria? Bakit kulubot na ang kanyang mga balat at kitang kita na ang kayang katandaan?
Tama, kung alam niya edi sana fresh an fresh din siya ngayon. Pero baka naman ayaw niya lang talaga. Baka maarte rin siya katulad ko at ayaw maligo sa sang katerbang dugo.
Hindi lang siya mapilit ni Maria dahil alam ni Maria na masungit ang lola.
Siguro naman hindi niya ako pagbabawalan maligo kung sakali hindi ba? Kung sakali lamang. Hindi pa ako sigurado kung ipagpapatuloy ko ang pagliligo sa dinguang tub tulad ng ginagawa ni Maria.
Gaya nga ng sabi ko kanina ay nasusuka pa rin ako at nasusulasok sa amoy. Apakalansa!
Pero kung iisipin natin. Bigla na lamang nawala ang lansa sa katawan ko. Sa itsura ko ngayon parang pati pawis ko mabango.
Paanong nangyari iyon? Sa loob lamang ng magdamag ay nawala ang amoy ko sa katawan?
I mean imagine na lamang naligo ka sa dugo ng mga isda habang may uod uod pa. Napakalansa noon pero bigla ka na lamang bumango.
Napailing iling ako. Pasasakitin ko lamang ang ulo ko kakaisip kung pwede ko naman itanong kay Maria ang mga bagay na ito.
Sya nga pala! Kailangan ko ng magpaload. Naubos ko na ang data ko.
“Nay,” tawag ko kay Maria. “Mag papaload lang po ako.”
“Sige, bilisan mo lamang,” sagot sa akin ni Maria.
Tumango naman ako at binagtas ang daan sa tindahan nila Carmen.
Pagkadating ko roon ay wala si Carmen. Isang lalaki lamang ang nagbabantay sa kanilang tindahan.
“Paload po,” ani ko sa binata na nagbabantay kaya napatingin ito sa akin.
Nakita ko na napatulala siya.
“Bakit po?” tanong ko.
“A-ah wala naman,” aniya sa akin at binigyan ako ng papel at ballpen. Sinulat ko roon ang aking phone number at ibinalik sa kanya ang papel.
“Ngayon lang kita nakita,” aniya sa akin. “Bago ka rito? Galing kang maynila?”
Bakt alam nila agad na bago ako? Galing agad maynila? Paano pag galing akong ibang bansa.
“Opo,” sagot ko at napasulyap sa mukha ng binata.
Medyo kamukha niya si Carmen. Kapatid niya ba ito?
“Kapatid po kayo ni Carmen?” tanong ko sa kanya.
Napatingin naman siya sa akin.
“Oo, paano mo nalaman?” tanong nito sa akin.
“Magkahawig po kayo,” sagot ko.
Ngumiti naman siya sa akin. Anong nginingiti ngiti niya?
“Ah…” aniya sa akin. “By the way ako nga pala si Popoy. Kuya ako ni Carmen.”
Napatango naman ako.
“Ah, ako po si Gilda, kaibigan ako ni Carmen,” sagot ko naman sa kanya at nakipag kamay sa inaaabot niyang kamay.
“Gilda,” tawag niya sa pangalan ko kaya naman binigyan ko siya ng tingin na nagtatanong kung bakit. “Hmmm… Gilda, parang narinig ko na ang pangalan mo pero hindi ko na matanadaan. Saan kayo nagkakilala ni Carmen? Hindi niya nasabi sa akin na may bago pala siyang magandang kaibigan.”
Napangiti naman ako sa kanya at hinawi ko ang buhok na nakaharang sa aking mukha.
Ganito ba talaga ang epekto ng secret paliguan namin ni Maria. Ngumiti ako sa kanya.
“Dito lang din,” ani ko sa kanya. “Noong nagpaload ako nagkakilala kami.”
Ramdam ko na titig na titig siya sa akin.
“May kamukha ka,” aniya sa akin at napahawak sa kanyang baba. “Hmm… Saan ko na nga ba nakita ang mukhang iyan.”
Kamukha? Ah! Si tatay Dan! Marami ang nagsasabi na kamukha ko nga siya.
“Si Tatay Dan?”
“Yung future wife ko!”
Sabay naming sabi. Nagulat ako sa sinabi niya at mukhang nagulat din siya. Nawala ang kanyang ngiti na kanina ay dala dala niya.
“Dan? Dan Houssein?” tanong niya sa akin.
Ganitong ganito ang reaksyon ni Carmen noong malaman niya kung sino ang kapamilya ko.
Ganoon ba talaga sila natatakot sa aming pamilya?
“O-oo,” ani ko sa kanya at nawala na rin ang ngiti ko sa labi.
“Ito ang bayad,” sabi ko at binaba sa may basket. “Sige una na ako.”
Tumalikod na ako at dire diretsong lumakad. Bigla na lamang sila nadidisappoint kapag naririnig nila na kamag anak ko si Lola Teresa at si Tatay Dan.
Ganoon ba talaga kalala ang chismis sa kanila?
Gilda Point of View Nakauwi na kami ni Maria mula sa palengke. Gaya ng dati ay ako na nga ang nagbitbit lahat. Tila naging katulong ako ni Maria. Napakadami niya kung bumili ng stocks namin na animo ay magugutuman kaming tatlo. Gusto ko nga sabihin sa kanya na maghunos dili siya kakabili. Ang dami naman pala nilang pera pero bakit ayaw ni Lola Teresa na mag aral ako? Hindi naman pala magiging hadlang ang katayuang pinansyal namin pero hanggang ngayon ay wala pa rin akong nakukuhang sagot. Nalalapit na ang pasukan. Ayoko naman nang mangulit pa sa kanila baka lalong mapasama pa ang hinihintay ko. Nakakalungkot lang. Kung siguro ay narito sina nanay at tatay ay baka nakapag enroll na agad ako. Lalong lalo na si Nanay Lilybeth. Nako! Mas exc
Third Person Point of View Isang malakas na panahaw ang maririnig ngayon sa kalsada. Panahaw ng isang ina na nawalan ng kanyang mahal na anak. Kanina pa ito humahagulgol mula ng makita ang kahindik hindik na sinapit ng kanyang anak. Nagkakagulo ang mga tao ngayon habang pinagmamasdan ang dalagang wala ng buhay sa isang tabi na kalong kalong ng kanyang humahagulgol na ina. “Ano ba iyan? Grabe? Hayop ba ang gumawa niyan?” “Kakadiri! Ang salbahe! Bakit ginawa nila iyan!” “Hindi tao ang kayang gumawa niyan!” “
Gilda Point of View Narito kami ngayon ni Maria sa aking kwarto. Nakasilip na ang buwan sa kalangitan at sinusuklayan niya ang aking mahabang buhok. Sa lahat ng parte ng aking katawan ay gustong gusto niya ag buhok ko sa di ko malamang dahilan. Ewan ko ba. Basta gusto gusto niya itong sinusuklayan tuwing gabi. “Nabalitaan niyo po ba ang nangyari kanina?” tanong k okay Maria habang nakatingin ako sa salamin. Nabalitaan ko ang kahindik hindik na krimen kanina sa balita. Nag text muli sa akin si Carmen kaya muli nanaman akong binalot ng pangamba. Pero alam ko namang hindi magagawa iyon ni Maria o ni Lola Teresa. Mabuti silang mga tao at ang mga katulad nila ay hindi babahidan ng kadumihan ang kanilang mga kamay. Al
Third Person Point of View Napahinga ng malalim si Kathy habang mahigpit na hawak hawak ang kanyang bag sa kanyang dibdib. Kinakabahan sya dahil madadaanan niya nanaman ang mga lalaking nag iinuman sa tapat ng tindahan nila aling Linda. Kung mayroon lamang ibang daraanan kahit malayo ay doon na lang dadaan si Kathy dahil natatakot siya sa mga tambay na lasenggo. Lagi na lamang siyang napagtritripan ng mga ito sa tuwing umuuwi siya ng gabi. Wala naman siyang magagawa dahil hanggang alas onse ng gabi ang kanyang trabaho at inaabot na siya ng alas dose ng gabi bago makauwi sa kanilang tahanan. Wala rin siyang nakaksabay na makakasama dahil iba ang daan ng kanyang mga kasama sa kanilang trabaho.&
Third Person Point of View Nakaupo ang tatlong lalaki sa harap ng lamesa at kinukwestiyon sila ni Joselito dahil sa nangyaring krimen kagabi. Natagpuan nila ang isang bangkay na kinikilala bilang si Kathy. Ayon sa saksi na si Aling Linda kagabi ganap na mag aaladose ng umaga ay hinabol ng tatlong lalaki na sina Baldo, Carding at Samuel ang pauwing dalaga mula sa kanyang trabaho. Matapos noon ay hindi na bumalik ang tatlong lalaki kaya siya na ang nagligpit ng mga naiwang kalat nito sa harap ng kanilang tindahan. Pinukpok ng malakas ni Joselito ang lamesa gamit ang isang folder na gawa sa plastic. Malakas ang ginawang tunog nito na nakapag pagulat kila Baldo na animo ay nagising sa kanilang mahimbing na pagpapatansya.&
Gilda Point of View Sumubo ako ng isang kutsarang kanin na may sabwa at pasulyap sulyap kay Lola Teresa. Humahanap ako ng timing kung paano siya kakausapin. Mukhang hindi maganda ang kanyang araw at nakabusangot siya ngayon sa hapunan. “Narinig niyo po ba ang usap usapan dito sa ating baranggay?” basag ni Maria sa katahimikan. Naunahan niya akong magsalita. “Anong mga balita?” tanong naman ni Lola Teresa sa kanya. “Mga balitang pagpatay? Krimen? Alam ko na iyan.” “Bukod doon,” ani ni Maria at ibinaba ang kanyang hawak na kutsara. May iba pang balita? Ano naman iyon? Hindi ko pa narinig. Akala ko ba ay walang nababalitaan itong si Maria. Mero
Gilda Point of View Akmang kakatok ako sa pintuan ni Maria noong may narinig ako na parang boses. Inilapat ko ang aking tainga sa pintuan ni Maria at doon ay narinig ko siyang nagsasalita. Medyo hindi ko lamang maulinigan mabuti ang mga salitang binibigkas niya ngunit panigurado akong mayroon siyang kausap. Kausap? Mayroon siyang kausap? Dis oras ng gabi? Sino naman ang kakausapin niya ng ganitong oras Ah baka sa cellphone o telepono. Mayroon ba siya noon? Parang hindi ko naman napapansin na may sarili siyang cellphone. Puro mga gagamitin sa kusina kasi ang hawak niya. Ano kayang pinag uusapan nila? Kumunot ang aking noo. Ano raw? Dan? Nagkakamali ba ako? Teka ano ba kasi ang sinasabi niya. Ang hinhin kasi ng boses. Hindi ko maulinigan. 
Third Person Point of View Isang babae ang tumatakbo sa may talahiban. Pawis na pawis ito at palinga linga sa kanyang likuran. May humahabol sa kanyang tatlong babaeng nakasuot ng mga itim na belo at itim na bestida. Hinihingal na siya ngunit wala siyang balak tumigil. Kahit mamanhid na ang kanyang mga paa basta huwag lang siyang maabutan ng mga ito. Nalingon ang babae sa kanyang likuran at lahat na ng santo ay kanyang natawag sa kanyang takot. Hindi niya matanaw ang mga mukha nito. Mabibilis itong tumakbo na daig pa ang isang kabayo. Akala mo ay may lahing kidlat sa pagtakbo. Hindi niya matanaw ang mga mukha nito dahil sa dilim ng gabi. Nais niyang magsisi na hindi sya nakinig sa