Share

Parusa

Gilda Point of View

                “Condolence, Gilda,” ani ng mga kaibigan ko na kavideo call ko ngayon.

                Narito ako sa may kwarto habang nakikipag usap sa kanila via phone video call.

                Nwala naman ang mga ngiti ko sa labi at naalala nanaman ang masakit na bagay.

                “Saan ka na nga pala ngayon??” tanong nito sa akin. “Dinalaw kita sa bahay niyo at napag alaman kong wala ka na pala ron.”

                “Ah, sumama ako sa lola ko,” sagot naman sa kanya. “Umuwi na kami ng  probinsya. Sa probinsya ng tatay ko.”

                “Bakit? Hindi ka ba kinuha ng mga kapati ng nanay mo na nasa ibang bansa?” tanong nito habang kumakain ng barbe q.

                Umiling iling naman ako.

“Wala eh,” sagot ko sa kanya at bigla akong nalungkot. “Minessage ko na sila sa f******k pero hanggang ngayon ay hindi nila ako sinasagot. Nakalimutan na nga ata talaga nila kami nila nanay.”

                “Grabe naman, namatay na ang kapatid nila pero wala pa rin silang pakielam,” ani sa akin ni Clara.

                Hindi naman ako nakasagot sa sinabi niya. Nakakalungkot lang na wala silang pakielam sa amin. Simula noong makapg ibang bansa na sila ay nakalimutan na nila si nanay. Kahit noong burol ay hindi sila pumunta.

Imposible naman na hindi nila nakita ang mensahe ko. Friends kami sa f******k kaya babalandra ang message ko sa inbox nila. Isa pa ay nakikita ko pa nga na active sila sa f******k pero kahit seen o condolence ay hindi nila magawa man lang.

                Nakakatampo. Siguro ay pag nalaman ni inay ang mga bagay na ito ay malulungkot siya. Sino ba naman kasi ang hidi kapag ganyan ang ginagawa sa iyo ng mga kapatid mo.

                Hindi naman sa panunumbat pero si nana yang tumulong sa kanila mangibang bansa. Si nana yang nagbigay suporta sa kanila nooong down na down sila pero ngayon na kailangan sila ni nanay ay wala sila.

                Bigla tuloy ako nagkaroon ng inis sa kanila. Nakakainis naman talaga.

                “Hay nako! Huwag mo na ngang isipin iyong mga iyon,” ani ni Clara sa akin na nabasa ata ang iniisip ko. “Sasakit lamang ang ulo mo kung iintindihin mo sila. Maiba tayo. Tingin ko ang probinsya niyo!”

                “Ito ang kwarto ko,” ani ko at itinaas ko ang angle ng camera at ipinalibot ang kwarto ko.

                “Wow ang laki! Kwarto mo lang iyan?” tanong sa akin ni Clara.

                Tumango tango naman ako sa kanya.

                “Oo, mag – isa lang akong natutulog dito,” sagot ko sa kanya. “May sari – sarili kaming mga kwarto dito at puro malalaki. Kung makikita mo lamang ang bahay ay malulula ka sampung beses ang laki sa bahay namin sa maynila!”

                “Talaga! Patingin nga!” ani ni Clara sa akin na halata sa boses ang excitement.

                “Sige sandali, lalabas ako,” ani ko at tumayo sa aking kama.

                “Sino sino pala ang mga kasama mo riyan?” tanong ni Clara sa akin.

                “Si Lola Teresa saka si Maria,” sagot k okay Clara habang bumababa ng hagdan.

                “Sino si Maria?” tanong ni Clara. “Kapatid ng tatay mo?”

                “Ha? Hindi,” sagot ko at dirediretsong lumabas ng bahay. “Kababata ng tatay ko.”

Itinutok ko ang camera sa bahay namin.

“Ito oh, yung bahay ni Lola Teresa,” ani k okay Clara.

“Wow grabe ang laki nga girl! Tiba tiba ka riyan! So kamusta ang pagtira sa napakalaking bahay?” tanong sa akin ni Clara.

Napaisip naman ako. Kamusta? Malungkot. Napakalaki ng bahay ngunit tatlo lang kaming nakatira hindi gaya noon sa maynila. Maliit lang pero kasama ko sila nanay at tatay.

Sa totoo lang ay balewala ang ganito kalaking bahay kung hindi naman ako masaya. Hindi ako masaya. Hindi ako masaya sa bahay na ito.

“Tahimik, medyo boring. Wala naman kasing pagkakaabalahan dito,” sagot ko at iniharap na sa akin ang camera.

“Girl tama ba ang nakikita ko? Wala kayong kapitbahay? Bat parang nasa gitna ng bukid ang bahay niyo?” ani ni Carmen sa akin.

“Literal,” sagot ko sa kanya. “Nasa gitna talaga ng bukid ang bahay ni Lola Teresa. Saka nakita mo ang mga ektaryang iyan? Sa Lola ko raw iyan.”

“Seryoso ba? Ang yaman niyo pala! Bakit naghihirap kayo sa maynila. Dapat sa probinsya na lang kayo nanirahan,” ani ni Clara sa akin. “Pero bakit naman ganyan. Sa gitna ng bukid talaga? Hindi ka ba natatakot, Gilda? Haler! Ang hirap humingi ng tulong pag wala kang kapitbahay. Saka baka mamaya kung ano ano pa ang umaaligid ligid diyan! Lalo na kapag gabi girl nakakatakot!”

Natawa naman ako sa sinabi niya.

“Umamin ka nga, Gilda,” ani sa akin ni Clara. “Aswang ka noh! Aswang kayong pamilya mo noh? Aminin mo na, girl. Tanggap naman kita kahit ano ka.”

Napakunot ang aking noo sa sinabi ni Clara. Bahagya akong napaisip.

“Bakit mo naman naitanong?”  tanong ko sa kanya at pinalo ang lamok na kumakagat sa aking binti.

“Hindi mo tinanggi so aswang ka talaga?” tanong ni Clara na gulat na gulat ang mata.

“Hindi noh! Baliw ka talaga!” ani ko at napatawa.

“Eh kasi naman nasa gitna kayo ng bukid,” ani niya sa akin. “Mga aswang lang naman gumagawa niyan. Nako ganyan na ganyan mga nababasa ko sa kwento o kaya naman barang.”

“Huy!” sita ko sa kanya. “Porket nasa gitna ng bukid aswang at mangkukulam na? Baliw ka! Mga normal na tao lang kami noh! Huwag ka!”

“Sorry na,” ani ni Clara at napatawa. “Naisip ko lang naman. Wait lang saglit. Tinatawag lang ako ni mama. Babalik uli ako.”

“Ha, hindi na,” ani ko. “Bukas na lang uli at baka maubos na rin ang data ko. Kanina pa tayo nag uusap.”

“Oo nga pala walang internet diyan. Sige na babush na, bukas uli!” sabi niya at nag flying kiss pa sa akin.

Napatawa ako at kumaway sa kanya.

“Bye bye!”

Pinutol ko na ang tawag at napabagsak ako ng kamay. Napatingin ako sa bahay ni Lola Teresa at pagkatpos ay nilibot ang aking tingin sa paligid.

Tunay na wala ka ngang makikitang kahit isang bahay kapag nakatayo ka rito. Malayong malayo sila sa amin. Kahit sino naman ay matatakot kung magpapatayo ka ng bahay sa gitna ng bukid kung saan mahirap kang puntahan ng mga tao.

Binabagabag na tuloy ako ng aking isipan dahil sa sinabi ni Clara. Ano kayang dahilan bakit nag iisa ang bahay ni Lola Teresa rito?

Biglang sumagi sa isipan ko ang sinabi ng driver dati sa akin. Yung driver ng sasakyan na sinakyan namin ni tatay pauwi rito.

Ano kaya ang ibig niyang ipahiwatig doon? Hindi ko na kasi masyadong pinansin iyon dahil abala ako sa nadumihang sapatos ko. Isa pa ay masyado akong emosyonal noong mga oras na iyon.

Napailing na lamang ako at pumasok sa loob ng bahay. Babalik na lamang ako sa aking kwarto.

Umakyat na ako ng hadgan at itinago ang phone ko sa may bulsa.

Napatigil ako sa aking paglalakad noong may maamoy akong kakaiba.

Suminghot singhot ako at agad akong napatakip ng aking ilong. Anong amoy iyon? Nakakasulasok at sobrang kasuka suka. Nais ko tuloy maduwal.

Parang nabubulok…

Amoy nabubulok…

Nabubulok na karne…

Tama! Amoy nabubulok na laman!

Saan nanggaling ang amoy na iyon?!

Tumingin ako sa paligid at ang una kong nakita ay ang pinto ni Maria.

Lumapit ako roon at bahagyang sumingot singot. Agad kong tinakpan ng madiin ang aking ilong.               

Walang duda na dito nga galing ang nakakasulasok na amoy. Parang bulok na karne na ilang linggo ng napabayaan. Ano naman kaya iyon? Ano kayang nasa loob ng kwarto ni Maria? Hindi niya ba naamoy ang napakabahong amoy?

Sobrang nakakasuka.

May patay na daga ata ang naabutan ng kamatayan sa kwarto niya. Kailangan niyang mahanap kung nasaan ito sa lalong madaling panahon. Grabe kase ang amoy! Umaalingasaw.

Pero… kung patay na daga ito ay hindi dapat ganito kalansa at kabulong ang amoy. Tila sinusuntok ako ng kamao ng pambansang boksingero sa tuwing pumapasok ang amoy nito sa ilong ko.

Mas mabaho pa ito sa isang piste! Halos masuka ako sa aking naaamoy. Gusto kong dumuwal pero wala naman akong mailabas sa aking bibig. Naduduwal lamang ngunit walang suka.

Kakadiri. Bakit ganoon. Wala bang proper hygiene si Maria? Hindi ba siya naglilinis ng kwarto niya?

Kasi naman ay kapag pinaglilinis niya ako ay dito sa lang sa baba at sa aking kwarto. Hindi niya hinahahayaan na makapasok ako sa kwarto niya o sa kwarto ni Lola Teresa.

Ang baho baho ng amoy. Panigurado na ito rin ang naamoy ko noong isang araw. Akala ko sa hangin sa labas lamang ang amoy na iyo pero dito pala. Mas bumaho na ang amoy ngayon.

Baka naman patay na pusa? Saan naman kaya manggagaling ang pusa eh wala nga kaming kapitbahay. Malamang sa malamang na daga lang ito. Kaso kakaiba talaga ang amoy. Hindi ko keri.

Kumatok ako sa pinto ni Maria.

“Tao po,” tawag ko. “Nanay Maria!”

Sasabihin ko na sa kanya. Baka naman may sinus siya kaya hindi niya maamoy na mabaho na ang kanyang kwarto.

Kumatok muli ako noong walang sumagot sa akin.

“Nanay Maria nasa loob ka ba?” tanong ko at kumatok katok uli.

Medyo may pagkabingi rin ata siya at hindi niya ako marinig.

“Gilda! Anong ginagawa mo sa kwarto ko?” tanong ni Maria na nasa labas pala ng kwarto.

Napatingin ako sa kanya.

“Ang baho po kasi rito,” ani ko sa kanya.

“Mabaho? Anong amoy?” tanong ni Maria sa akin.

“Amoy nabubulok,” ani ko sa kanya. “Amoy nabubulok na karne. Sobrang nakakasuka po ang amoy. Nakapanghihina ng tiyan. Hindi niyo po ba naaamoy ito?”

Suminghot singhot naman si Maria sa hangin at napakunot ang kanyang noo.

“Wala naman akong naaamoy ha,” ani ni Maria sa akin. “Baka naman yung hangin sa labas ang naaamoy mo. “Alam mo naman nasa bukid tayo at marami ring mga namamatay na piste sa labas. Baka iyon lang iyon. Isarado mo na lamang ang iyong mga bintana upang hindi mo na maamoy pa.”

Napakunot ang noo ko. Sa lakas ng amoy ay imposibleng hindi ito maamoy ng kahit na sino.

“Meron po talagng umaamoy. Nasa loob ng bahay,” ani ko kay Maria. “Hindi po sa labas. Sa loob po ata ng kwarto niyo nanggagaling ang amoy na iyon. Amuyin niyo po uli. O kaya naman ay buksan niyo na lamang ang kwarto niyo at tutulungan ko kayong hanapin kung saan nanggaling ang mabahong amoy.”

                “Hindi na!” mariin na sagot sa akin ni Maria. “Ako na ang bahala. Pumasok ka nasa sa  iyong kwarto at ako na ang mag – aasikaso rito.”

                “Sigurado ho ba kayo?” tanong ko sa kanya. “Para kasing hindi nyo naaamoy. Tulungan ko na po kayo.”

                “Sinabi kong hindi na!” nagulat ako sa kanyang pagsigaw sa akin at mukhang napagtanto nya agad ang nagawa. “Ang ibig kong sabihin ay huwag mo ng pagurin pa ang sarili mo. Kaya ko naman ng gawin ito. Kaya sige na at mamahinga ka na lang muna sa iyong kwarto.”

                Biglang nagbago ang tono ng boses niya.

                “S-sige po,” sabi ko at naglakad na papasok sa aking kwarto.

                Bago pumasok ay tumingin muna ako kay Maria. Nakatingin ito sa akin habang seryoso ang kanyang mukha.

                Pumasok na lang ako sa kwarto at hinayaan na siya. Bahala siya. Ako na nga ang nag mamagandang loob. Pero okay lang naman baka masuka pa ako pag pasok sa loob ng kwarto niya. Sobrang baho kasi.

Maria Point of View

                Noong makapasok si Gilda sa kanyang kwarto ay binuksan ko naman ang kwarto ko at pumasok. Pabalag kong isinara ang kwarto ko at nilock.

                “Narinig mo ba iyon, Dan?” tanong ko sa aking asawa. “Binabasto ka ng anak mo! Sinasabi ko na nga ba at manang mana iyon sa bruha mong asawa dati na si Lilybeth! Ayan na nga ba ang sinasabi ko. Hindi magtatagal at lalabas na rin ang tunay na kulay ng bwiset mong anak. Harap harapan kang binabastos. Kesyo ang baho baho mo raw. Pagsabihan mo iyang anak mo ha! Baka bigla ko na lamang iyon masaktan.

                “Saka ano ba ang pake niya kung may umaamoy? Hindi niya naman ito kwarto! Kwarto natin itong mag – asawa. Konti na lang talaga ay tatahiin ko na ang bibig niyang magaling mong anak ng matuto!”

                “Swshhsgw.” Rinig ko na bulong sa hangin.

                “Ano iyon?” tanong ko kay Dan at lumapit sa kanya. “Pangaralan ko ang iyong anak? Gusto mong bigyan ko siya ng leksyon?”

                Napangiti naman ako sa aking iniisip.

                “Sigurado ka? Gusto mong pangaralan ko ang anak niyo ni Lilybeth? Sigurado ka na ba sa gusto mo, Dan? Alam mo namang malupit ako magparusa lalo na at bastos pa iyang anak mo. Pero sige kung gusto mo ay wala naman na akong magagawa. Gusto ko ring turuan ng leksyon ang Gilda na iyan.”

 “Swhwhshshs”

“Ano?” tanong ko sa aking asawa. “Oo babalik ako agad. Pagkatapos kong pangaralan ang anak mo ay babalikan uli kita agad dito. Huwag ka ng malulungkot. Dito lang naman ako sa tabi mo. Hindi kita iiwanan. Huwag kang mag – alala, Dan. Wala ng sino mang lalaki ang makakakuha ng atensyon ko dahil nasa iyo na ang aking puso.”

Hinaplos ko ang mukha ng aking asawa.

“Napakagwapo mo talaga, honey,” ani ko rito. “Wala kang kasing kisig. Kaya naman hindi ka talaga bagay kay Lilybeth. Sa akin ka bagay. Sa akin lang. Sa akin ka lang! Naiintindihan mo ba?”

“Bakit hindi ka sumasagot. Tinatanong kita, honey!” madiin kong sabi kay Dan.

“Swwwhshs”

“Shshhsw”

“Shwhwhhw”

Napatawa naman ako.

“Iyan ang gusto ko. Sumasagot agad,” ani ko.

Tumayo ako mula sa pagkakaupo ko sa kama at dumiretso sa drawer ko. Binuksan ko ito at inilabas ang isang kutsilyo. Isang malaking kutsilyo na kayang humiwa ng mga laman.

“Ano sa tingin mo? Pwede na ba ito para parusahan ang matigas na ulo mong anak?” tanong ko kay Dan at sinukat ang talim ng kutsilyong aking hawak hawak. “Siguradong baon ito agad sa kanyang laman.”

Napatawa ako sa aking mga iniisip habang sinasaksak si Gilda.

“Ilang baon ba ang gusto mo?” tanong ko kay Dan. “Apat? Apat na beses? Gawin na kaya nating lima upang magtino siya. Ano sa tingin mo. Huwag kang mag alala, Dan. Hindi pa nga sagad ito. Kulang na kulang pa para sa bruha mong anak. Wala naman tayong magagawa kung mana ‘kay Lilybeth ang anak mo. Pareho silang bruha. Ang magagawa na lang natin ay parusahan at pangaralan siya na dapat ay hindi siya bastos. Hindi ba?”

“Ano? Ano iyon?” tanong ko. “Gusto mong maligo? Nahihiya ka ba sa sinabi ng anak mo? Sige, pagkatapos kong parusahan ang bruha mong anak ay papaliguan kita.”

Suminghot singhot ako.

“Hindi ka naman masyadong mabaho, honey,” ani ko sa kanya. “Huwag kang magpapaniwala sa sinasabi ni Gilda. Barado ang ilong niyon kaya kung ano ano na lamang ang kanyang naaamoy. Pero ikaw. Kung gusto mong maligo ay wala namang problema sa akin. Gustong gusto ko na tulungan ka maligo.

“Pero tama na muna ang usapan natin, honey. Alam kong gusto mo pa akong kausap pero kailangan ko munang pangaralan ang iyong anak. Kaya aalis na muna ako ha.”

Lumapit ako kay Dan at hinalikan ito sa noo.

Tapos ay dumiretso na ako sa aking pintuan at pinihit ang senadura. Lumabas ako sa kwarto at dahan dahang lumapit sa kwarto ni Gilda.

Marahan kong pinihit ang senadira at itinago sa aking likuran ang dala dalang kutsilyo. Dahan dahan akong sumilip sa maliit na siwang at nakita kong nakatalikod siya.

Noong kasya na ako sa siwang ng pinto ay pumasok na ako at dahan dahang lumapit kay Gilda sa saka itinaas ang kutsilyo.

Maharlikang Pilipina

DISCLAIMER: This is a work of fiction. Unless otherwise indicated, all the names, characters, businesses, places, events, and incidents in this book are either the product of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental. This episode contains sensitive scenes that may find disturbing for some viewers. Please read at your own risk.

| Like

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status