Share

Paunang Dasal

Maria Point of View

                Pinagmasdan ko ang batang si Gilda habang naka higa sa kanyang higaan at okupado sa paggamit ng kanyang cellpone.

                ‘Anak yan ni Dan.’

                Bigla kong naibaba ang aking kamay mula sa pagkakaitaas at napahawak sa aking ulo dahil sa boses na bumulong sa aking isipan.

                Agad akong lumabas ng kwarto habang madiin na hawak hawak ang aking ulo. Bumaba ako sa hagdan at luminga linga sa paligid.

                “Sino ka! Magpakita ka! Ang lakas ng loob mong pigilan ako kanina!” sigaw ko habang paikot ikot ang tingin sa aking paligid dahil baka lumabas na ang nilalang na bumubulong sa akin.

                ‘Kaya mo bang patayin ang anak ng pinakamamahal mong lalaki?’

                “Bakit hindi??!” galit na tanong ko. “Kung anak niya naman iyon sa iba! Papatayin ko siya! Lalo na at hadlang siya sa aming pagmamahalan!”

                ‘Akala ko ba ay ituturing mo na siyang anak. Hindi ba at tinawag ka niyang nanay.’

                Itinutok ko ang kutsilyo sa hangin at tinignan ang bawat parte ng bahay.

                “Manahimik ka!” sigaw ko habang sumasakit ang aking ulo. “Kahit kailan ay hindi ko matatanggap na anak ang bruhang iyon! Hindi ko kailanman mamahalin ang anak ni Lilybeth! Siya ang pinaksalot sa buhay ko. Inagaw ng nanay niya sa akin si Dan! Sinira niya ang relasyon naming dalawa. Mas nanainisin ko pang mamatay kaysa maging nanay ng batang bruhang iyon.”

                ‘Hindi na ba magbabago ang iyong isip? Hindi mo ba nakikita ang itsura ni Gilda? Kamukha kamukha siya ng lalaking mahal mo. Si Dan. Hawig na hawig siya ng tatay nya.’

                Umikot ang aking paningin.

                ‘Isa siyang ebidensya na natalo ka ni Lilybeth sa komptensya. Siya ang pinili ni Dan at hindi ikaw. Isa kang talunan na babae. Isang babaeng walang kwenta dahil natalo ng kaagaw niya!’

                Matapos ay tumawa ang nilalang na nagsasalia. Mas umikot pa ang paningin ko at hindi ako makapagsalita.

                Napahawak ako sa aking ulo at kumikirot ito. Rinig na rinig ang tawa ng nilalang sa aking isipan at sobrang sumasakit ang ulo ko sa tawa niya.

                “TAMA NA!!!” sigaw ko. “TIGILAN MO AKO!!!!!”

                Tumigil naman ang pagtawa kaya kumalma ako ng kaonti.

                ‘Hindi ka pa ba gagawa ng gamot? Baka mamaya malaman ni Gilda na nasa kwarto mo ang tatay niya dahil nangangamoy na ang bangkay nito.’

                Nanlaki ang aking mga mata.

                “Gamot? Tama! Kailangan kong gumawa ng pabangong gamot upang bumango si Dan!”

Agad akong nagtungo sa may ilalim g hagdan at binuksan ang pinto nito. Tumambad sa akin ang mga gamit namin ni Lola Teresa at ang kumakaldabog na pintuan sa baba.

Tinadyakan ko ang pintuan ng ilang beses at hindi na muling kumaldabog ito.

Dumiretso ako sa mga estante at isa isang kinuha ang mga kailangan ko. Tama, ito. Kailangan ko ito. Saka ito pa. At ito pa!

Pagkatapos  ay lumabas na ako gng kwarto sa ilalim ng hagdan at nagtungo sa kusina. Kailangan ko na agad makagawa ng gamot upang hindi magduda si Gilda. Isa pa ay papagalitan ako ng Lola Teresa kapag nalaman niya na may amoy na lumalabas sa aking kwarto.

Siguradong katakot takot na talak na naman ang aabutin ko. Kay tanda na ay hindi pa rin nauubusan ng boses ang byudang iyon. Bakit ba kasi hindi pa ito mamatay matay. Sabagay, mahirap mamatay ang masamang damo. Sa sobrang sama niya ay ilang taon na siyang nabubuhay sa mundo.

Kinuha ko ang maliit na kutsilyo at hiniwa ang aking daliri saka itinapat sa ginagawa kong pabango. Matapos pumatak roon ang ilang dugo mula sa akin ay sinpsip ko naman na ang aking daliri upang mawala na ang dugong lumalabas doon.

Naglagay ako ng iba pang mga ingredient sa kawang hinahalo ko. Siguradong mabangong mabango ito dahil magaling ako. Wala ng maaamoy pa si Gilda. Mas mabibighani siya sa pabangong ito at hindi na siya magrerelamo.

‘Sa tingin mo ay sapat na iyan?’

“Sigurado akong sapat na ang pabangong ito upang takpan ang umaalingasaw na amoy ni Dan,” sagot ko. “Hindi na siya magtataka.”

‘Paano kung isumbong ka niya sa Lola Teresa upang kuhanin ang tiwala nito?’

“Subukan niya lamang at puputulin ko ang kanyang dila ng sa ganoon  ay hindi na niya magamit ito,” sagot kong muli habang naghahalo. Naamoy ko ang aroma na nanggaling sa hinahalo kong likido. Napakabango!

Gilda Point of  View

                Napatingin ako sa aking likuran. Akala ko ay may tao rito sa likod ko kanina pa na nakatayo. Bigla tuloy akong kinabahan.

                Napatayo ako sa aking pagkakahiga. Nahanap na kaya ni Maria kung saan nanggagaling ang masangsang na amoy? Siguro pagpasok niya ng knayang kwarto ay halos masuka siya dahil umalingasaw.

                Icheck ko nga siya. Baka kailangan niya ng aking tulong.

                Ichinarge ko ang aking phoe at naglakad ngunit napatigil ako noong mahulog ang takip ng salamin.

                Napalunok ako at napatingin sa sarili kong repleksyon. Sakto na nasa tapat ako nito noong mahulog ang telang ipinangtakip ko rito.

                Napailing na lamang ako at pinulot ang tela upang takpan uli ito. Easy, Gilda. Huwag mong takutin ang iyong sarili.

                Inayos ko ang tela at tinakpang mabuti ang salamin. Akmang aalis na muli ako noong mahulog muli ang tela mula sa salamin. Napaatras ako sa nangyari.

                Malakas na bumukas ang mga bintana at pumasok ang malakas na hagupit ng hangin.

‘Swhshshs’

‘Swhshshs’

‘Swhshshs’

‘Swhshshs’

‘Swhshshs’

‘Swhshshs’

Napatakip ako ng mga tenga noong makarinig ako ng mahinang bulong sa aking gilid. Malapit lang. Tila malapit lang sa akin ang bulong na iyon ngunit hindi ko maintindihan ang sinasabi nito.

Ano ang sinasabi nila?  Tila… tila ang daming bumubulong…

Inikot ko ang aking paningin. Walang tao sa loob ng aking silid kung hindi ako lamang! Saan nanggaling ang tunog na iyon?!

Napatngin ako sa salamin at nagulat ako noong makita ang tatlong nilalang sa may likuran ko. Nakatayo ito at nakasuot ng itim. Nakatakip ang mga mukha ng itim na belo na tanging bibig lamang ang iyong makikita.

Malakas na kumabog ang diddib ko. Bumubulong sila! Ang mga bibig nila ay gumagalaw ng maliit na galaw.

‘Swhshshs’

‘Swhshshs’

‘Swhshshs’

‘Swhshshs’

‘Swhshshs’

‘Swhshshs’

Unti unti kong pinihit ang aking mga mata sa aking gilid.

Isinunod ko ang aking leeg at unti unting lumingo sa akin likuran. Lakas loob akong tumingin ng mabilis sa aking likuran.

Wala! Walang tao! Walang tao sa likuran ko! Tanging aparador lamang.

Nawala rin ang mga bulong. Tumingin ako sa salamin. Wala na sila! Wala na ang mga babaeng kanina ay nakita kong nakatayo sa lkuran ko.

Agad kong pinulot ang tela at tinakpan ang salamin. Kinikilabutan ako habang ginagawa ito. Dinaganan ko rin ito ng maliit na bagay sa taas ng sa ganoon ay hindi na hanginin o matanggal.

Dumiretso ako sa bintana at isa isang isinara ito at nilock. Anak ng tokwa! Paanong nabuksan ang mga ito kung nakalock naman in the first place? Ganto ba talaga ang hangin sa probinsya? Kayang kaya mag bukas ng mga saradong bintana?!

Akmang isasarado ko na ang huling bintana ng kusang napatingin ang tingin ko sa may bukid. Madilim na rin pala ang paligid at…

At may taong nakatayo sa dulo! Shemay! Bakit may tao roon? O madilim lang kaya akala ko meron?

Inilapit ko ang aking mukha sa labas ng bintana at tinitigan ang dulong bahagi mabuti. Kumurap kurap pa ako.

Nagsitaasan ang mga balahibo ko. May tao nga! Isang babae… babaeng nakabelo… nakasuot ng itim at nakatingin sa banda kung nasaan ako.

Bigla itong tumakbo! Papunta sa… papunta sa akin!

Napasigaw ako ng malakas at agad na tumakbo palabas ng aking kwarto. Iniwan ko na lamang ang aking bintana.

Agad akong kumatok sa pintuan ni Maria.

Katok! Katok! Katok!

Tokwa! Bakit walang sumasagot! Baka nasa baba siya!

Dali dali akong bumaba ng hagdan at halos talunin ko na ang mga baitang.

At napatid pa ako! Napatid ako sa gitna ng mga baitang. Sumubsob ang aking mukha sa semento.

Napatingin ako sa may pintuan noong makita ko na may tao roon. Agad akong napaatras at ang sakit ng paa ko. Hindi ko magawang makatayo at nakapako ang tingin ko sa hindi ko maaninag na tao.

“AHHHHHH!!!!” sigaw ko.

Narinig ko ang ilang yabag na patungo sa akin.

“Gilda, anong nangyayari? Bakit ka sumisigaw??” isang pamilyar na boses ang narinig ko mula sa aking likuran. Si Maria iyon!

Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat at iniharap sa kanya. Napatingin naman ako sa may pintuan muli.

“Napaano kang bata ka?” tanong ng tao sa pintuan. “Ano ang isinisigaw mo riyan?! Mukha ba akong multo?!”

Tila natauhan ako at napatingin mabuti sa may tao sa pintuan. Tuloy tuloy na pumasok sal loob si Lola Teresa habang nakatungkod.

Napaisip ako kung siya ba ang nakita kong tumatakbo kanina. Pero… matanda na siya at hindi siya makakatakbo ng ganoon kabilis.

“May nakita po akong tao sa labas ng bahay kanina,” ani ko sa kanila. “Tumatakbo ito ng mabilis papunta sa bahay natin! Nakakatakot! Nakasuot po ito ng itim.”

“Kung ano ano kasi ang binabasa mo kaya nagkakaganyan ka,” ani naman sa akin ni Lola Teresa. “Maria nakaluto ka na ba?”

“Opo,” sagot naman ni Maria. “Pwede na tayong kumain. Tara na, Gilda?”

Napatingin naman ako kay Maria. Parang balewala lang sa kanila ang sinasabi ko! Ano bang akala nila? Gumagawa lang ako ng kwento?

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status