Share

Plano

Gilda Point of View

          “Sa kwarto ko po kanina may nakita akong tatlong babae,” ani ko kila Maria habang kumakain kami ng hapunan. “Nasa likuran ko sila habang nagsasalita sila ng hindi ko maintindihan na lengwahe para silang… para silang nagdadasal.”

          Napatawa naman si Maria sa sinabi ko. Ano ang nakakatawa? Seryoso ako! Hanggang ngayon nga ay kinikilabutan pa rin ako sa tuwng maaalala ko iyon.

          “Tumititig ka ba sa salamin?” tanong ni Maria sa akin.

          “Paano niyo pong nalaman? Bigla po kasing natanggal ang telang tinakip ko rito kaya napatingin ako,” sagot ko naman sa kanya.

          Anong meron sa salamin? May multo ba roon? Tokwa! Nakakatakot!

          “Ano ka ba,” ani ni Maria. “Hindi ba nature sa eskwelahan niyo? Hindi ba kapag matagal kang nakatitig sa salamin ay gumagawa ng ilusyon ang iyong utak upang makakita ng kung ano ano na hindi naman totoo. Kumurap kurap ka naman kasi.”

          Napayuko naman ako. Nag – iilusyon lang ba ako? Pero hindi ko na matandaan kung kumurap ba ako. Basta alam kong may nakita akong mga babaeng pawang mga nakabelo. Nakatayo sa aking likuran habang umuusal ng kung ano ano.

          “Yung tumatakbo sa bukid,” ani  ko kay Maria. “Paano niyo ipapaliwanag iyon? Bumukas pa nga ang lahat ng bintana bigla.”

          “Ano ka ba,” ani ni Maria sa akin at sumubo ng karne sa bibig. Napatitig ako sa pagnguya niya. “Sino namang nilalang ang mag papasyal sa bukid ng ganitong oras. Baka madilim lang kaya ka nag ilusyon akala mo may tao.”

          “Seryoso po ako,” ani ko sa kanya at tumitig sa kanyang mga mata. “May nakita talaga ako sa bukid at tumakbo sya papunta sa bahay natin. Kung gusto niyo po ay tignan niyo ang bintana ng aking kwarto. Nakabukas pa iyon dahil naiwan ko sa sobrang takot ko.”

          “Sige sasamahan kita mamaya sa iyong kwarto,” ani ni Maria sa akin. “Pero kumain ka muna sa ngayon upang hindi ka magutom.”

          “Natatakot po ako,” sabi k okay Maria.

          Hinawakan niya naman ang aking mga kamay.

“Wala kang dapat ikatakot Gilda,” ani ni Maria sa akin.

Hindi na lamang ako sumagot at iniisip ko pa rin ang mga nangyari kanina. Imposileng ilusyon ko lamang iyon. Nakita ko! Nakita ko sila ng dalawa kng mga mata. Malinaw na malinaw pa sa aking isipan ang pagtakbo ng kung sinong nilalang patungo sa amin.

Hindi na ako nakakain ng maayos dahil sa pag iisip. Nagpasama ako agad kay Maria upang tignan ang mga bintana ngunit laking gulat noong sarado lahat nito.

Paanong nangyari iyon?

“Kita mo na,” ani ni Maria sa akin. “Masyado ka lang atang napatitig sa salamin kaya akala mo ay may mga nilalang kang nakita kahit wala.”

Napatingin ako sa bintana. Sigurado akong naiwan kong nakabukas iyon.

“Minsan kasi ang akala nating realidad  ay ilusyon lang pala dahil tila totoong totoo ito,” ani ni Maria. “Sige na at umupo ka na para masuklayan ko na ang iyong buhok.”

***

Third Person Point of View

          Bumaba si Teresa ng hagdan. Hindi pa sikat ag araw ngunit aalis na siya upang mag – aral.

          Nagulat siya noong makasalubong niya si Gilda na nagwawalis sa baba. Hindi niya pa ito nakitang nagwawalis ng ganoon kaaga kaya naman bigla siyang nagtaka.

          “Aalis po uli kayo Lola Teresa?” tanong ni Gilda sa kanyang lola at itinigil ang pagwawalis.

          “Oo, nasaan si Maria?” tanong ng matanda sa kanyang apo.

          “Nag aayos pa po sa itaas,” sagot naman ni Gilda sa kanyang Lola. “Mamaya maya ay bababa na rin po iyon.”

          “Sabihin mo na lang sa kanya na umalis na ako,” sabi naman ng matanda at dumiretso na sa pintuan.

          Humabol naman si Gilda dito habang dala dala ang hawak na walis.

          “Ah lola Teresa,” tawag niya rito kaya napatingin sa kanya ang matanda. “Napag isipan niyo na po ba ang pag aaral ko?”

          “Saka nanatin pag usapan iyan kapag pagbalik ko mamaya, “ ani naman ni Teresa. “Sa ngayon ay nagmamadali ako at may pupuntahan ako.”

          “Gusto niyo po ba  ng kasama??” tanong ni Gilda na nag aalala para sa matanda. “Baka kailangan niyo po ng makakasama sa inyong pag – alis ng bahay. I mean kasi medyo matanda na rin ho kayo baka mamaya ay bigla kayong mahili sa daan.”

          Tinignan naman ni Teresa ang dalaga mula ulo hanggang paa.

          “Huwag na,” ani nito. “Kayak o ang aking sarili.”

          Napatahimik naman si Gilda sa isang tabi habang si Teresa ay dali dali ng lumabas ng kanilang bahay.

***

          Pagdating ni Teresa sa isang bahay ay pumasok na siya agad at nagtakip ng kanyang mukha ng belo. Inilabas niya mula sa kanyang itim na damit ang itim na libro. Sinalubong siya ng dalawa niyang kasama.

          “Nasaan ang bangkay?” tanong ng isang babae kay Teresa.

          “Naroon lamang sa bahay namin,” ani ni Teresa. “Hindi ko ipinalibing at tinago na lamang ni Maria sa kanyang kwarto.”

          “Bukod sa nakita natin kahapon ay kailangan pa natng humanap ng ibang iaalay,” ani ng kanyang kasama. “Hindi sapat ang isang buhay para iaalay sa diyos ng mga patay. Kailangan ay makaaim tayo para mabuhay ang anak mo na si Dan.”

          “Kahit ilan pa ang kailangan nating iaalay ay gagawin ko basta mabuhay lang ang aking anak,” madiin na sabi ni Teresa. “Kung bakit ba kasi sumama pa siya sa LIlybeth na iyon ayan at tgnan niya ang kahuno hunos na kanyang sinapit.”

          “Pwede na nating ihuli ang iyong apo sa pila tutal naman at magiging madali lang ang trabaho mo sa kanya,” ani ng babae sa matanda. “Ngunit sigurado ka ba? Sigurado ka ban a nais mo rin siyang iaalay? Apo mo siya at dumadalo ang dugo mo sa kanya. Mas maganda siyang taga pagmana mo kaysa kay Maria.”

          “Sigurado na ako,” ani naman ni Teresa. “Hindi ko matatanggap ang batang iyon dahil anak siya ni Lilybeth. Pwede pa naman magkaanak si Dan kay Maria at iyon ang gagawin kong tagapag mana.”

          “Kung ganoon ay simulan na muli natin ang pagdadasal at makahanap na tayo n gating mga dapat ialay,” ani ng babae sa dalawa.

          Sumang ayon naman sila at umakyat na sila sa itaas na kwarto. Nagsindi sila ng mga kandila at umupo sa gitna. Pumikit sila at umasal ng mga salitang Latin. Isang dasal. Dasal ng isang kulto.

Gilda Point of View

          “Nakaalis na po pala si Lola Teresa kanina,” ani ko kay Maria na kababa lamang ng hagdan. Nakita ko na napaisip siya sa aking sinabi. “Pinasasabi niya sa iyo na umalis na sya ng bahay.”

          “Pinuntahan ka niya sa iyong kwarto upang sabihin lamang iyon?” tanong ni Maria sa akin.

Umiling iling naman ako.

          “Ah hindi po,” sagot ko. “Nadatnan niya po ako sa baba at hinanap ka. Sinabi ko na nasa itaas ka pa. Mukhang nagmamadali nga ang Lola Teresa kaya hindi ka na naantay bumaba.”

          “Sinabi niya bas a iyo kung saan siya pupunta?” tanong ni Maria sa akin.

          “Hindi po,” sagot ko.

          Tumango naman sa akin si Maria.

          “May gusto ka bang ulam para sa tanghalian?” tanong ni Maria. “Ipagluluto kita.”

          “Adobo po, gusto ko ng adobo,” suhestiyon ko. Napakasarap niya kasing magluto ng adobo.

          “Sige, iyon ang iluluto ko,” aniya at tumalikod na matapos ay tumigil. “Oo nga pala. Naimbita mo na ba ang mga kaibigan mo na pumunta dito at magbakasyon?”

          “Ah hindi pa po,” ani ko sa kanya. “Siguro sa susunod naming pag uusap.”

          Hindi naman na siya sumagot sa akin at tumalikod na.

          Sinundan ko naman siya.

          “Nahanap niyo po ang mabaho sa inyong kwarto?” tanong ko kay Maria.

          “Oo, daga lang pala,” sabi niya naman sa akin.

          “Ilang araw na kaya iyong patay? Grabe ang amoy,” sabi ko at napakagat ng labi noong napansin ko na dumilim ang awra ni Maria.

          “Ayos lang po ba kayo?” tanong ko sa kanya.

          “Oo naman,” sagot niya at tinalikuran ako.

          Nagpatuloy naman ako sa pgawawalis ko sa sahig. Wala naman masyadong dumi pero kailangan ko pa ring magkusa magwalis.

          Ayokong maging pabigat sa kanila. Lalo na at nais kong makuha an goo ni Lola Teresa. Sana naman ay payagan na niya ako. Hindi naman ako nagiging makulit at matigas ang ulo. Promise talaga kapag pinayagan niya ako eskwelahan at bahay lang ako.

          Naeexcite na rin ako pumasok sa eskwelahan. Senior high school na kasi ako at bagong yugto nanaman ng aking buhay ang aking haharapin

          Hindi sinasadyang napagawi ang tingin ko sa ilalim ng hagdan. Napalunok ako noong makita ko ang siwang nito. Bukas? Bukas ang pintuan?

          Akala ko ba walang gumagamit ng kwarto na iyon. Napalunok ako at nagsimulang maglakad patungo sa pintuan. Sisilipin ko lang pero wala naman akong pakikielamanan sa likod.

          Hindi ko matanaw ang loob nito dahil madilim at kailangan talagang lapitan upang makita mo ang nasa loob.

          Dito ko narinig ang kumakalabog noong isang araw. Ilang beses kumalabog ito kaya hindi ako pwedeng magkamali. Hindi ko iyon guni guni lamang. Totoong may kumakalabog.

          Ayan na…

          Malapit na ako…

          Anong laman ng silid na ito?

          Sisilip ako ng kaonti.

          “GILDA TULUNGAN MO AKO RITO!” napatigil ako sa sigaw ni Maria. Umatras ako habang nakatingin sa pinto.

          Umiling iling na lamang ako at sumundo kay Maria.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status