Share

Fifteenth Attack

I'm sure I didn't hear it right. 

"P-Po?"

"Ang sabi ko ay umalis ka sa bahay ko!" Ulit niya pa, mas mariin at mas galit.

"D-Dad..." Hindi ko na alam ang sasabihin ko. Bakit niya ako pinapaalis? Ang akala ko ay matutuwa sila sa pagbalik ko. Na hindi na nila ako kailangang hanapin dahil ako na ang kusang dumating.

"Paano ka nakarating dito?" Nanliliit ang mga mata ni Mom habang mariing nakatitig sa akin.

"S-Sinamahan po ako ng mga kaibigan ko papunta rito. I woke up in a building and I can't remember anything-"

"Napakaswerte mo naman kung gano'n! Na wala kang maalala sa kahit na ano!" sigaw ni Dad sa akin. Kaagad akong napa atras dahil sa takot. 

Baka mali lang ang bahay na napuntahan namin o kaya ay hindi rin nila ako maalala... O kaya ay may nagawa akong mali. 

A bile inside my throat started to grow until I can hardly say a word. I tried to swallow it but it just kept on coming back.

"Ilabas mo rito 'yan, Batch. Ayaw kong makita ang batang yan." Si Dad ulit atsaka kaagad na pumasok sa isang  walk-in closet.

"P-Pero..." Hindi rin makapaniwala si Batch. "Hindi po ba kayo natutuwa na buhay si Collier? Bakit po kayo nagagalit sa kanya?" 

"Lumabas ka muna, Batch. Bumaba ka at maglinis sa garden," mariing sabi ni Mom.

Tila estatwa lang si Batch kagaya ko. 

"Labas na, Batch!" mas malakas na sabi ni Mom kaya napatakbo si Batch palabas kahit pa ayaw niya.

Ngayon ay kaming dalawa nalang ang naiwan sa kwarto. Silence enveloped the whole room. No one decided to initiate the conversation.

"How dare you to come back here? Ipinatapon ka na namin sa South wing, ha? At paano nangyaring buhay ka ngayon at nakakapagsalita nang maayos?" Nanliliit ang mga mata niya. Humakbang ako ng isang beses papalapit. Kaagad niyang itinaas ang mga kamay niya hanggang sa tiyan niya. "Don't you dare come near me."

Bakit parang grabe ang galit nila sa akin? Ang akala ko ay magpapa-party pa sila dahil nakauwi ako. At bakit parang dismayado pa sila na buhay pa ako? Anak ba talaga nila ako?

Bumalik si Dad galing sa walk-in closet at nang makitang hindi pa ako umaalis ay kaagad na bumigat ang paghinga niya.

"Hindi ka pa rin umaalis?!" sigaw niya. "Gusto mo bang ako pa ang kumaladkad sa'yo?"

Hindi ko na kinaya pa at isa-isa nang nag unahan ang mga luha ko. Without a warning, without blurring my vision. Sobrang dami at sunod-sunod. My heart went heavier. I've never felt this feeling before. Mas malala pa kaysa noong muntik na akong maibenta sa Market.

It feels like someone is holding my heart and squeezing it slowly until I can't bear it anymore. The pain is excruciating and palpable.

"B-Bakit ba kayo nagagalit sa akin? Hindi niyo ba alam ang hirap ng pinagdaanan ko makarating lang dito? I went through the eastern forest, got caught by a random squad and got almost sold as a sex slave. And yet... You want me to leave?"

"Who told you to come here? We don't want you here. We don't even want you alive. You are the reason why we are suffering right now. Because of your stupidity!"

"Ipaliwanag mo sa akin, Dad-"

"Don't you dare call me Dad! I am not your father anymore."

"Ano bang ikinagagalit mo? Wala akong matandaan sa lahat ng nangyari! Wala akong maalala! Hindi kita maalala!"

"Hindi mo naman pala ako maalala, bakit mo pa akong tinatawag na ama mo?" mahina ngunit mariin niyang tanong. His jaw tightened as his eyes reddened. 

"Ipaalam mo sa akin kung bakit ka nagagalit! Bigyan mo ako ng dahilan!" My voice cracked but that didn't stop me to shout at him.

"Gusto mo ng dahilan? Oh, eto ang dahilan." Dali-dali niyang hinatak ang braso ko. Mahigpit at masakit. Inilabas niya ako sa kwarto at hinatak pababa. Ang akala ko ay kakaladkarin niya ako palabas ng bahay ngunit nagkamali ako. Dumiretso kami sa basement ng mansion. Sumusunod naman sa amin si Mom. 

Pagkarating namin do'n ay agad niyang binuksan ang ilaw.

"Reason? You want a reason? Here," itinuro niya ang isang babaeng zombie sa isang kulungan na gawa sa bakal. Naka kadena ang leeg niya at tahimik lang siyang nakaupo sa sulok. 

Nang makita kami ay kaagad siyang nagsisigaw at pilit kaming inabot gamit ang madudumi niyang mga kamay. Napa atras naman ako dahil sa takot. Naiwan ko ang baril ko sa sala at wala akong nadala rito kung hindi ang isang maliit na dagger na nasa gilid ng bewang ko. 

"You are the reason why she became a zombie. Your sister became a zombie because of your stupidity, Collier. Because of your selfishness and envy."

Hindi ko maintindihan. Wala akong naaalala. Hindi ko maalala kung anong ginawa ko sa kanya para maging zombie.

"You are the reason why your brother is still in loose. Ni hindi namin alam kung buhay pa siya." Halos maiyak si Mom.

"H-Hindi ko pa rin maintindihan, anong ginawa ko?"

"You were the very first case of the zombie virus, Collier!" Dad revealed. His voice roared inside the room that made me stumble on the floor. 

I was the first zombie? Is that the reason why I can't remember anything? 

"You are the reason why the world is in chaos. Kaya sarili mo ang sisihin mo kada nakakakita ka ng zombies sa daan. Sarili mo ang sisihin mo kung bakit ka muntik na maibenta sa market. Because in the very first place, ikaw ang dahilan kung bakit nangyayari ang lahat ng ito," Dad explained. I already lost my strength. Hindi ko na alam kung paano ako makakatayo pa. Napatingin ako sa kapatid kong umuungol kagaya ng isang normal na zombie. Nakahawak ang isa niyang kamay sa leeg at pinipilit tanggalin ang kadenang nakapilipit sa leeg niya. 

She's my sister... And I made her that way. My brother is still missing. 

"Pagtapos mong ma-acquire ang virus, kinalat mo sa mga kapatid mo. Naikalat ni Ryle ang virus sa ibang mga tao kaya dumami na nang sobra ang cases. Ngayon, ayos na ba ang rason na ito para kamuhian ka namin?" seryosong tanong ni Mom.

"I... I-I'm sorry..." I stuttered. 

"May magagawa ba ang sorry mo?! Naibalik mo ba sa dati ang kapatid mo? Naayos mo ba ang mundong nasira mo?" sigaw ni Dad.

Umiling-iling ako habang patuloy na umiiyak. 

"Sa isang linggo na ang euthanasia ng kapatid mo. Masaya ka na ba?" His tears pooled in his eyes. "We don't want her to suffer more that's why we're setting her free."

Umiling-iling ako. "No, please. Gagawa ako ng paraan. Uubusin ko ang oras ng buhay ko para makahanap ng solusyon. Wag mo siyang hayaang mamatay, Dad."

"Anong magagawa ng isang batang puno ng inggit sa katawan para makahanap ng gamot sa pandaigdigang virus na 'to?"

"Kasalanan ko kung bakit naging ganyan ang ugali ni Collier, Raven. I'm sorry..." malungkot na sabi ni Mom.

"I've changed! I can't even feel selfishness and envy right now!"

"Ibinigay ka namin kay Doc Stephen para sa Euthanasia pero hindi ko alam na itinabi ka pala niya at pinagaling." Dad said, clearly ignoring my words. "If he can heal you, he can heal your sister, too." 

"I-I already killed him," I murmured.

"You what?!" Mom shrieked.

"He became a zombie. A week before I woke up, he introduced himself to me.  Then I woke up again, he became a zombie that's why I killed him." And that was an accident. It was my instinct to kill him.

"Wala ka na talagang nagawang tama!" He's fuming mad.

'Kasalanan ko bang naging zombie siya?!' Sasabihin ko sana kaso naalala kong kasalanan ko nga pala ang lahat.

He immediately grasped my arm forcing me to stand up. Muntik pa akong ma-out of balance sa pagtayo. 

"Kaya kung pwede lang ay umalis ka na rito!" sigaw niya atsaka ako hinila palabas ng basement.

Hindi pa natutuyo ang luha ko ay may panibago na naman. His words are like daggers penetrating through my heart. He talks as if I am not his daughter or I am not a family member. Siguro nga ay sobra-sobra ang ginawa ko kaya hindi niya ako mapapatawad kahit na kailan.

Sobrang bilis ng paghila niya sa akin kaya halos madapa na ako. Dumaan kami sa sala kaya nakita ko ang mga kasamahan ko na payapang kumakain at nakikipagkwentuhan pa.

"Nasaan na si Batch? Sabihin mong tawagan ang mga guard at sabihing 'wag nang papapasukin dito ang babaeng ito kahit na kailan." Dad's low baritone echoed in the whole area. 

Napalingon sa akin sila Nate at gulat na napatayo. Tila hindi maintindihan ang mga nangyayari. Mas lalo akong napaiyak nang maalala ang ginawa kong kasunduan sa kanila. Siguro ay papayag nalang akong maibenta sa Market kapalit ng mga armas at supplies na hindi ko na maibibigay sa kanila.

"Who are these dirty people?! Sino ang nagpapasok sa mga maduduming ito?!" sigaw naman ni Mom nang makita sina Pisces.

Patuloy ang paghila sa akin atsaka ako itinulak palabas ng gate ng mansion. I wiped my tears that are uncontrollably falling from my eyes. The lump inside my throat intensified and the swelling of my eyes became very evident. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Ano pa bang gagawin ko? My life is fucked up. My friends will surely be mad at me, too. Nagsayang lang sila ng panahon para sa wala. 

"Anong nangyayari?" tanong ng naguguluhang si Cedrick.

"Sino kayo? Umalis kayo sa pamamahay ko," mariing sabi ni Dad. "Isama niyo ang babaeng 'yan at wag nang babalik kahit na kailan."

"Collier, what happened?" Inalalayan ako ni Nate para makatayo pero masyado akong mahina para gawin 'yon. "Tito, bakit mo sinasaktan si Collier?" seryoso at medyo pagalit na tanong ni Nate.

Nanliliit ang mga mata ni Dad. "Donatello? Ikaw ang nagdala rito sa babaeng 'yan? Alam mo bang kinasusuklaman ko 'yan?"

That's it. I ran as fast as I could. Hindi ko na kaya ang mga naririnig ko galing sa sarili kong pamilya. Hindi ko na kayang makatanggap pa ng mga bagong rebelasyon. Ayaw ko na. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Gusto ko nalang tumakbo hanggang sa matapos ang lahat ng problema ko. Binalak niyang ipa-euthanasia ako kaya nando'n ako sa Alcandar building. He want me dead. They do not love me. 

Bakit ba ako selfish dati? Bakit ba ako naiinggit dati? Bakit hindi sinabi ni Nate ang ugali ko noon? Bakit wala siyang sinabing masama tungkol sa akin?

Kasabay nang pagpatak ng luha ko ay ang pagpatak ng mga butil ng ulan. Kung gaano kainit kanina ay siya namang biglaang pagbagsak ng ulan. Sinabayan ng mga ulap ang nararamdaman ko ngayon. 

Hinayaan kong bumagsak ang lahat. Pati ako, hinayaan kong magpalamon sa matinding lungkot at sakit. I've changed. That's what I know. Hindi na ako ang dating Collier. Kasabay nang paglaho ng ala-ala ko, gano'n din ang pagbabago ng ugali ko. 

I, Collier Harrington, the very first zombie and the very first who recovered, will make sure that I will be the very first who will solve the mess that I started.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status