Share

Fourteenth Attack

"Nope, I want to sleep." Pisces immediately popped Celine's bubbles.

"Ang kill joy mo naman, leader." Angal ni Celine. Kunot-noo siyang tumingin kay Pisces. "Just for tonight, wag kang maging KJ, please?" Nagpaawa pa siya kay Pisces e halata namang hindi gagana.

"No."

"Fine! But promise me! Next time mag-oopen forum tayo!"

"Whatever."

Kahit natatakot ay nagawa kong makatulog no'ng gabing 'yon. Siguro ay dahil alam kong kahit papaano naman ay ligtas kami kumpara sa labas.

"Malapit na tayo sa north." 

Pagod na pagod na ako sa paglalakad at nang ideklara 'yan ni Pisces ay nagsimula nang bumilis ang tibok ng puso ko. Finally! Makikita ko na ang pamilya ko at magiging maayos na ang buhay ko! After more than a week of walking, I thought we would take an eternity! 

Mamimiss ko 'tong mga 'to, that's for sure.

I've learn a lot of lessons from them. Even kay Pisces, may natutunan akong lesson sa kanya. Na wag basta-bastang magtitiwala.

Tanghali na at tirik na tirik ang araw.

"Pahinga na muna tayo ro'n, Leader. Sobrang init," suhestyon ni Celine. "Mas okay pang dumaan sa East kay sa rito sa Center. Buti pa sa East, maraming puno at di gaanong mainit. Dito, parang may trial card sa impyerno!" angal ni Celine habang pinupunasan ang tagaktak niyang pawis.

"Malapit na tayo, ngayon ka pa susuko," singit ni Max.

"Hinto muna tayo ro'n sa bahay. Di sapat yung ligo ko kanina, init na init na naman ako ngayon." Si Celine ulit na halatang hindi na kaya ang init.

Namumula na ang balat niya dahil sa init ng araw. Her skin is milky white kaya naman pansin na pansin kung namumula ang balat niya. Ngayon ko lang napansin nang maayos ang itsura niya. She's very pretty, I must say. She has this long eyelashes, honey-colored deep set of eyes, narrow and pointed nose, naturally pink luscious lips, and perfect shape of jaw. She also got bangs and a shoulder length sunkissed-colored hair.

"Why are you drooling over me, Collier?" 

Shit, di ko napansin na nakatitig na pala ako sa kanya.

"Wala naman." Pinagmamasdan ka lang. 

She raised her brow as if waiting for me to say something.

"We're here sabi ni leader!" sabi niya atsaka itinuro ang gate. Kaagad naman akong napatingin sa lugar. Napanganga ako sa laki at lawak ng gate at taas ng walls. Hindi ko inaasahan na magiging ganito kalaki ang entrada ng north wing. Para bang ibinuhos nila ang lahat ng pera nila sa main gate. Sa loob ay nahihirapan akong makita ang nasa loob. "Ayan, masyado ka yatang nagagandahan sa akin, hindi mo na kami naririnig." Nagpa cute si Celine at hinawi pa ang buhok.

"Maputi ka lang pero hindi ka maganda," pang-aasar ni Max.

"Sijrik babe oh, inaaway na naman ako ni Max!" 

Tumawa lang si Cedrick at hindi na nagsalita pa.

"Ano pong kailangan niyo?" Dumating ang isang guard para tanungin kami. He is wearing a black outfit with a red F logo on his left chest. Nakangiti siyang lumapit sa amin.

"Harrington." Si Nate ang sumagot. 'Yun na yon? Harrington lang?

"Bisita po ba o taga rito talaga?" 

Tumaas ang isang kilay ko. Magsinungaling kaya kaming taga rito kami para papasukin kami.

"Taga rito kami." Si Pisces naman ang sumagot. Demonyo talaga ang Pisces na ito. Marunong din yatang bumasa ng pag-iisip.

"Ah, ganon ba? Sige, pasok!" Malaki ang ngiti niya habang pinapapasok kami.

Sinara niya ang gate at bumalik sa pwesto niya. May kasama siyang isa pang guard na may toothpick pa sa ngipin at relax na relax habang nakapatong ang paa sa isa pang upuang monobloc.

"Wag kang masyadong mabait sa mga dadating. Baka unang araw mo palang ngayon ay matanggal ka na agad." Dinig kong sabi ng lalaki habang sinisipsip pa ang pagitan ng mga ngipin niya. "Sayang ang apat na taong pag-aaral mo sa ZU."

"Ah, gano'n ba? Sige, sa susunod." Humalakhak ang binatilyo.

"Bilisan niyo sa paglakad," mahinang utos ni Pisces. Nakasunod siya kay Nate na alam kung saan kami nakatira. 

Sa lugar na ito, parang walang bahid ng zombies sa paligid. May mga signs pa na nakakalat sa paligid.

Zombie-Free Zone

-Zaps

May mga sign pa sa isang simbahan.

Keep your hands clean before entering the church.

-Zaps

Pati sa crosswalks ay may mga signs din.

Slow down. We rather want to be a zombie than to die because of your shitty driving skills.

-Zaps

Bawat sign ay may nakalagay na Zaps. Sino bang Zaps 'yan? Pati ang isang building sa dulo ay may kulay yellow lightning bolt logo at nakasulat, Zaps.

May mangilan-ngilan na nasa labas para maglaro, maglakad, at ipasyal ang mga aso nila. Parang walang apocalypse na nangyayari rito, ah! Napakaswerte naman ng mga tao rito!

Mahigit isang oras kaming naglakad para makarating sa isang bahay. No, scratch that, isang malaking mansion! I can't believe it! Dito ako nakatira? 

"Sino po kayo?" Tanong ng isang lalaki sa loob ng mansion.

Naalala kong walang pangalan ang squad nila. Bakit hindi nila naisip na bigyan ng cool or badass name ang squad nila?

"Hindi na mahalaga 'yon-" Kaagad na pinutol ng lalaking bantay ang sinasabi ni Pisces.

"Balikan niyo nalang ako pag mahalaga na ang mga pangalan niyo."

"Batch..." Tawag ni Nate sa lalaki. Kaagad namang lumingon sa kanya ang lalaki.

"Donatello?" Hindi makapaniwalang tanong ng lalaki.

"I got Collier here. We found her." Mas lalong nagulat itong si Batch nang mapatingin sa akin.

"Collier!" sigaw niya atsaka dali-daling binuksan ang gate. Tumakbo siya papalapit sa akin atsaka ako niyakap ng sobrang higpit. "H-How?" Utal niyang sabi habang hindi makapaniwalang nakatingin sa akin.

Diretso lang akong nakatingin sa kanya dahil hindi ko naman siya maalala. Hindi naman ako pwedeng magpanggap na kilala ko siya dahil baka pag tinanong niya ako ng tungkol sa kanya ay wala akong maisagot.

"I-I thought you were dead..." Napatingin ako kina Nate na para bang tinatanong kung anong gagawin ko. He's holding my hands real tight and I think my bones are going to crush. "Please, say something. Tara, pasok kayo sa loob. Sasabihin ko kina Ma'am Becca at Sir Raven na buhay ka!"

"She can't remember anything, Batch." Nate said.

Napanganga nalang siya dahil sa sinabi ni Nate. "Ako 'to, Collier. Yung childhood servant mo. Dito kami nagtatrabaho ng buong pamilya ko! Di mo ako maalala? Batch the butler? Huh? Huh?" tanong niya kaya dahan-dahan akong umiling. 

Wala akong maalala at hindi ko naman mapilit pigain ang utak ko para alalahanin siya.

"Hindi na mahalaga 'yon, ang mahalaga ay buhay ka." Pinapasok kami ni Batch sa mansion habang ipinapaliwanag sa akin ang nakaraan ko. "Kahit brat ka dati, palagi kitang kinakampihan dahil alam ko naman sa sarili kong mabuti ka naman talaga. Hindi ka lang nabibigyan ng atensyon nila Sir."

"Kulang naman pala sa atensyon," pang-aasar ni Max habang mahinang tumatawa.

"Bratinella ka rin pala dati, Collier." Humagalpak ng tawa si Celine.

Nahihiya naman akong tumingin kay Batch. "Masama ang ugali ko dati?" tanong ko.

"Hindi ah! Medyo inggit lang sa ate mo pero di ka naman totally masama." Mas lalo lang tuloy akong pinamulahan ng pisngi dahil mas lumakas ang tawanan nila.

I cannot believe it! Hindi pala ako mabait? Spoiled brat siguro ako dati at kulang sa pansin. Baka kagaya ko yung mga kontrabida sa mga movies, wag naman sana.

"Pero simula no'ng nawala ka, everything went downhill. Bigla ring dumami ang pagsulpot ng mga zombies kaya akala ko talaga isa ka na ring zombie. Mabuti nalang at hindi, at ngayon ay buhay na buhay ka pa rin. "

Nang makarating kami sa napakalaking sala nila ay hindi ko maiwasang mamangha. Ang laki ng chandelier na nagpapailaw sa buong lugar. Malaki rin ang flat screen TV nila at ang mga sofa nila ay sobrang linis at nakaayos. 

"Ipaghahanda ko muna kayo ng meryenda pagtapos ay tatawagin ko na sila. I'm very sure na matutuwa sila pag nakita ka Collier!" Batch giggled in excitement. He prepared orange juice and tuna sandwiches for us. Nagdala rin siya ng mga grapes, crackers, sausages at iba't ibang dip. 

I just can't believe that I used to live with a life like this. I was lucky. At ngayon ay mararanasan ko na ulit ito. Salamat sa mga kaibigan kong ito.

"Wag mong kakalimutan ang usapan, Collier. We need supplies, armor, weapons and food," mariing sabi ni Pisces. Tinignan ko lang siya atsaka tumango.

Kumain nang marami sina Max dahil ngayon lang daw sila ulit nakakain ng mga gano'ng pagkain.

"Fuck, if I could just bring their refrigerator back to our base." Halatang sarap na sarap si Max sa kinakain.

"Eat all you want, guys. Collier, gusto mong sumama sa room nila para ikaw nalang ang sumorpresa sa kanila?" Suhestyon ni Batch. 

I smiled widely as I nodded repeatedly. "Sure."

Naglakad kami paakyat sa mahabang staircase at dumiretso sa isang hallway.

"I thought you were gone. Inanunsyo nila Ma'am Becca na patay ka na," sabi niya atsaka kumatok sa isang kahoy na pinto. Nakaukit sa pinto ay iba't ibang klase ng mga anghel. Sila pala ang nagpakalat...

"Ma'am? Sir? Si Batch po 'to," tawag niya.

"Pasok, Batch!" sinig kong sigaw mula sa loob.

Binuksan ni Batch ang pinto at kaagad akong pumasok. Isang ginang na nasa late 40's ang edad. May mga puting hibla na ang buhok niya at may kaunting wrinkles sa gilid ng mata. Hindi mo mapapansin ang katandaan niya dahil sa taglay niyang ganda. Maputi ang balat niya at halatang naaalagaan nang mabuti. Her red lips was pressed in a hard line. She looks very sophisticated with her red dress.

"Anong kailangan-" Napahinto siya sa pagsasalita nang lumingon kay Batch at sunod naman sa akin. Tila nanigas siya sa kinatatayuan niya at hindi alam ang sasabihin. Nanatili lang siyang nakaawang ang bibig dahil sa gulat. "C-Collier..." nauutal niyang tawag sa akin.

I smiled gently. In front of me is my Mom. I'm finally home. Ito na yata ang epilogue ng mga paghihirap ko.

"Raven!" mariin niyang sigaw. Nanatili akong nakatingin sa kanya. Sinusuri ang buong detalye sa kanya. I may not remember her but I'm pretty sure that she's my mom. She slightly resembles me. "Raven, ano ba?! Lumabas ka sa CR!"

Dali-daling lumabas ang isang hindi pa katandaang lalaki. He is just wearing a piece of towel on his lower extremities. He put his pinky finger on his left ear.

"Ano ba 'yon, mahal? Kung makasigaw ka naman-" Lumingon din siya sa akin at tuluyan nang hindi na nakapagsalita.

"Hello po, I am Collier." Idiot, Collier! Malamang ay kilala ka nila! Anak ka kaya nila. Hindi lang sila makapaniwalang buhay ka at ngayon ay nasa harapan na nila.

"Umalis ka sa pamamahay ko!" mariing sigaw ni Dad atsaka nanginginig na itinuro ang pinto. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status