MATAPOS na masiguro ni Zain na makalayo na ang mga ito. Nagdudumali na siyang lumapit sa ina."Mama! Mama! Gising po!" Tawag niya rito matapos niyang maitihiya ito.Hindi naman siya binigo ni Kendra, dahil unti-unti itong nagmulat ng mata kahit hirap na hirap pang maidilat iyon."Z-Zain..." usal nito sa pangalan niya."Ako nga Mama, mabuti at hindi ko hinayaan ang sarili ko maniwalang iniwan mo na kami. Bumalik ako para magkasama pa rin tayong babalik. Tara na po!" sabi niya. Akmang bubuhatin na niya ito nang iniiiwas nito ang kamay."Umalis ka na Zain, iwanan mo na ako rito. Hayaan mo na akong mamatay para matapos na ito..." ang hirap na saad ni Kendra."Hindi Mama! Kahit ilang beses mo along ipagtabuyan ay hindi kita susundin!" matigas na saad ni Zain.Hindi na nakasagot si Kendra dahil tuluyan ng pinanawan ng ulirat ito.Naging tyansa naman iyon sa binata.Binuhat na nga ito ni Zain at dinala sa kanilang mansyon. Nang makarating sila sa pinto ng pagsasanay ay kusa iyon bumukas."Z
PINAGMAMASDAN lamang ni Oreo ang nakahigang ama at ina. Wala pa rin malay ang mga ito ng mga sandaling iyon.Ang sabi sa kanya ni Eleezhia kanina kapag inabot pa ng umaga na hindi nagigising ang mga ito ay tiyak na magiging critical ang kalagayan ng mga magulang."Ma-co-coma pa yata kayo Papa." Pakikipag-usap ni Oreo sa sarili lamang habang may bahid ng kalungkutan ang makikita sa mukha niya.Doon naman naalimpungatan si Coleene na siyang hinayaan lang ni Oreo na makatulog."Hindi ka pa natutulog niyan?" patanong niya."Hindi pa, hindi ako dalawin ng antok. Sige na bumalik ka na sa pagtulog ako ng bahalang magbantay kina Papa," tugon ni Oreo."Nais ko man na bumalik sa pagtulog ay mahihirapan na ako. Sasabayan na lang kita sa pagbabantay. Gusto mo ba ng makakain, do you want cofee?" sabi naman ni Coleene na nag-inat na. Nang balingan niya ang relo na nakasabit sa dingding ay alas-kuwatro na pala ng madaling-araw."Cofee na lang," matipid na pagsagot nito. Tumango naman si Coleene at
MULING bumalik sa pagkakaupo si Oreo. Hihintayin na lamang niyang makabalik si Halls bago siya tuluyan magpunta sa silid niya.Ngunit hindi na namamalayan ni Oreo na tuluyan na pala siyang nakatulog mula sa kinauupuan...NALIMPUNGATAN si Oreo nang maramdaman niya ang malakas na ihip ng hangin mula sa nabuksan na bintana."Teka.. bakit bukas ito?" takang tanong ni Oreo sa sarili. Naalala niya kasi na ipinagbawal ni Yalena na huwag buksan ang bintana lalo at napasensitibo parehas ng kalagayan ng kanilang mga magulang.Tuluyan na siyang tumayo at naglakad para isara iyon. Saglit pa siyang napatayo sa harapan ng bukas na bintana."Umaga na pala..." usal niya. Biglang tinambol ng malakas ang puso niya nang mapagtanto ang isang bagay."Mama!" Pagsigaw niya. Nang lingunin niya ang kama kung saan nakahiga ito ay lalo siyang nagulat--- wala ang ina sa kinahihigaan."Teka... nasaan si Mama?" Kinakabahan na usal niya. Halo-halo na ang nararamdaman niya ng mga sandaling iyon katuwaan at excit
NAKITA ni Halls na pumasok si Yalena sa silid kung saan naroon ang Mama Kendra nila. Ilang Buwan na rin ang nakalilipas at nanatiling nasa coma ito."Hon, tara kumain muna tayo." Pag-aya ni Yalena sa lalaki."Past muna, wala akong ganang kumain," sagot niya."Na naman? Hindi ba't kahapon hindi ka na naman nag-dinner. May sakit ka ba?" Takang-tanong ni Yalena at hinipo pa ang noo nito."Teka... malamig ka? May nararamdaman ka bang kakaiba? Halika mahiga ka muna rito." Inakay na nito si Halls na mahiga sa bakanteng kama.Kinuha niya ang stethoscope at tyi-nek niya ang pagpintig ng puso nito."Nauuhaw ako Yalena," usal ni Halls."Sandali at kukuhanan lamang kita ng maiinom na tubig." Akmang tatalikod siya para lumabas ng kuwarto nang pigilan siya ni Halls."Stay, iba ang tinutukoy ko. Ang gusto kong inumin... ay ang dugo mo."Hindi na nakapalag si Yalena, dahil bigla na lang siyang kinagat nito. Naramdaman na lang niya ang pagsisip ni Halls sa may leeg niya."Please h-hon... itigil mo..
BIGLANG nabaling ang buong pansin nina Timothy nang magising si Zain at Oreo. Ngunit hindi na katulad ng dati ang gawi ng dalawa.Biglang nagwawala ang mga ito na parang ulol na aso."A-ano pong nangyayari sa kanila?" Nahihintakutan at umiiyak na tanong ni Coleene.Hindi naman nasagot ni Timothy ito dahil sa tuluyan niyang tinalian ang mga anak. Masakit man sa loob niya na gawin iyon ay iyon ang dapat.Agad naman niyakap ni Eleezhia si Coleene, maging siya ang nabibigla rin sa mga nangyayari. Kanina lang ay maayos pa nilang nakakausap ang dalawa. Pero ngayon halos hindi na nila makilala ang dalawa."Lumabas na muna kayo." Utos ni Timothy matapos na gumilid. Katatapos lang niyang matalian ng mahigpit ang dalawa. Pinagpawisan siya at nahirapan dahil sa pangangalmot at ginawang pagwagwag ng mga kamay."Pero gusto po namin silang bantayan, kung pahihintulutan niyo po." Pakiusap ni Coleene."I'm sorry ija, pero hindi pwedi... mas mabuting iwan niyo muna sila. Hindi kayo safe rito," sabi n
HINDI pa sumisikat ang araw ng mapagpasiyahan ni Timothy na umalis. Hindi na siya nagpaalam sa mga kasama niya, dahilan niya ay baka mahirapan pa siyang makaalis.Sa paglabas niya ng pinto ay hindi niya inasahan ang madadatnan niya mula sa kabilang pinto."Sinasabi ko na nga ba, tama ang sinabi sa akin ni Aureus. Kusang ikaw ang lalabas sa pintong ito!" Sikmat ni Lerryust at agad siyang hinila."Bitiwan mo ako walang hiya ka!" Pagpapalag naman ni Timothy na natumba pa sa lapag. Hindi siya makatayo dahil dinaganan siya nito mula sa likuran niya."Tanga ba ako Tim? Hindi ako uto-uto katulad mo. Kita mo na magpahanggang ngayon ay talunan ka!" Saka ito nagtatawa. Agad na sinenyasan nito ang mga kawal na kasama nito na pasukin ang silid ng pagsasanay."Ngayon, nadiskubre na namin ang pinagtataguan niyo ay tatapusin na namin kayo isa-isa! Ayaw mo niyon Tim hindi na kayo maghihirap at magkakahiwalay habang panahon!""Hindi mangyayari iyan!" Pagsisigaw ni Timothy. Tumigil na siya sa pagpapa
DINALA na nga siya ni Lerryust sa magiging silid niya sa palasyo.Inilibot niya ang tingin sa paligid, pula ang kulay ng dingding. Itim ang mga blinds ng bintana, ang chandelier na glamoroso tignan na nakadikit sa itaas ng kisame ay sapat na para mabigyan ng liwanag ang silid.Inilinga pa niya ang pansin, isang katre ang naroon na may matress. Katulad ng mga panahon ng espanyol ay may tabing iyon. Isang lampshade ang nakita niyang nasa lamesa ng tabi ng hihigaan niya. Pati ang aparador na sa tingin niya'y antic ay bumagay naman."Tapos ka na ba sa ginagawa mo, kung maari pumasok ka na sa loob. Hintayin mo na lang ang pagkain na ibibigay sa iyo." Pag-agaw ng pansin ni Lerryust sa pagmamasid niya."Salamat," pagsagot naman ni Timothy bilang pasasalamat. Dahil napansin niya ay tila bumait ito sa kanya."Salamat? para saan. Anong inaakala mo ayos na tayo, huwag kang aasa na porke't pinatutunguhan kita ng maayos ay okay tayo. Nagkakamali ka Timothy, dahil kalaban pa rin ang turing ko sa'y
UNTI-UNTING iminulat ni Kendra ang namimigat na mata. Nang tuluyan siyang makaaninaw ang una niyang nagisnan ay ang puting kisame.Sobrang napakatahimik ng paligid niya, nang inilinga-linga niya ang ulo ay nasa isang silid pala siya. Doon niya rin napagtanto na may mga nakakabit na mga tubo sa kanya.Akma niyang hahablutin ang isa sa mga iyon nang madinig niya ang pagbukas ng pinto."My god your awake Kendra!" Gulat na gulat ang reaction ni Yalena. Nagmadali itong naglakad palapit sa kanya."Y-Yalena, a-anong nangyari?" nagtataka naman na tanong ni Kendra."Wala ka bang maalala?" balik-sagot naman nito. Saglit na hindi nakapagsalita si Kendra, inalala nga nito ang huling nangyari bago siya panawan ng ulirat."Ang pagkakatanda ko ay na-enkuwentro ko sina Rosso, pinagtulungan nila ako. Akala ko mamatay na ako... hindi pa pala." May bitterness sa tinig niya.Mas gusto pa kasi niyang mamatay, dahil ang totoo ay siya lamang ang magiging susi para matigil na ang paghaharian ni Rosso ang anak