Share

CHAPTER TWENTY EIGHT

TAHIMIK lamang na nakatingin si Kendra sa mga kasama niya sa van.

"Natitiyak ko mag-eenjoy ka sa pupuntahan natin,"wika ni Gio na ngiting-ngiti sa tabi niya.

"Tama siya Selina magugustuhan mo ang dagat,"pakikisali naman sa usapan ni Aziel.

"O-oo,"matipid lang na ani ni Kendra. Saka muli niyang ibinalik ang pansin sa lalaking nagmamaneho. Walang iba kung 'di si Mavy o Timothy. Kahit ano man ang pangalan nito ay maliwanag naman na ito ang mahal niyang asawa.

"Masaya ako at magkasundong-magkasundo kayong apat,"wika naman ni Vivian na inayos-ayos ang suot na antipara sa mata.

Lihim na naiinis si Kendra sa pasimpleng paghawak-hawak lang naman ng babae kay Mavy!

Kaya isang ideya ang naisip niya para kahit paano ay makaganti sa kalandian nito.

"May tao!"biglang tili ni Kendra. Kaya upang mariin tapakan ni Mavy ang preno ng sinasakyan nila.

Kulang na lang ay mapasubsob sa harapan si Vivian, gusto niyang
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status