Biglang tumibok ng mabilis ang puso ko, ang lamig nang boses niya parang binabalot ang puso ko. Bakit ang ganda ng kanta kung siya yung kumakanta nito at ang pag hampas niya pa sa drum ay parang nakaka adik ‘Sino ka?’
“… I'm only human
And I bleed when I fall down
I'm only human and I crash and I break down
Your words in my head, knives in my heart
You build me up and then I fall apart
Cause I'm only-“
"Human" dahil sa nadala ako sa kanta ay nakanta ko ang huling lyrics, agad kong tinakpan ang aking bunganga. Ang ganda kase ng boses niya napakanta tuloy ako. Napapikit akong napag tanto na baka narinig niya ito, inilapat ko ulit ang tenga ko sa pinto gaya ng inaasahan ay tumingil nga ang pag drum at may naririnig akong humahakbang 'takbo na Avyrylle!'.
"Sino yung na riyan?" malalim na boses na tanong niya. Lagot baka sabihin niya stalker ako 'takbo na Avy! Isa, mapapahiya ka!' pangungumbinsi ng isip ko, mabilis na ang mga footsteps kaya tumakbo na ako, tamakbo ng tumakbo wala na akong pake kung pinag titinginan na ako ng mga estudyante rito. Good thing na malapit lang yung music room sa classroom namin kaya mabilis akong nakarating dito sa tapat ng classroom. I am the great Red Diamond, why am I running? Ano ngayon kung makita niya ako? I composed myself at pumasok sa loob. Pero halatado pa rin na tumakbo ako dahil,
Someone handed me a bottle of water, tinignan ko kung sino ang nag bigay nito. Hindi ko alam na nandito na pala si Sofi, “I know you want it.” she said, hindi ko na pinalag pas dahil uhaw na uhaw ako, pake ko s apag pretend di na kaya ng lalamunan ko na walang tubig. “Why are you running?” kunot noong tanong niya at tinignan ang labas ng classrom kung mayroon bang humahabol saakin. Huminga ako ng malalim at umupo ako sa katabing upuan ni DK at nag kuwento. Kinuwento ko ang lahat sa kanila mula sa naka lock na pinto at yung pag takbo ko and I can't believe it pinag tawanan lang nila ako.
"Hey what did you do to our Avyrylle?" niyugyog pa ako ni Sofia habang sinasabi iyon. Si Daphanie Keith naman ay nakangiti habang nag babasa. I rolled my eyes at them, I’m not used on running away from everyone kaya ngayon lang akong tumakbo para takas ang kung sino. “Ha Ha, guys. By the way where’s Kesha?” I changed the topic, she should be here by now. “Maybe mamaya pa siya dadating” umupo na si Sofia sa tapat na upuan ko.
"So, Avyrylle hahanapin mo kung sino yung lalaki sa music room?" tanong ni Sofi habang naka tingin saakin. "Sofi you do realize na madaming lalake sa CGMA diba, paano ko hahanapin yun? at isa pa madami akong gagawin" ngumiti ako sa kanya, gusto kong hanapin ang lalaking iyon but I have a lot on my plate right now. “You mean Red Diamond have a lot on her plate right now, but Avyrylle doesn’t” pasimple akong luminga linga sa paligid hoping na walang nakarinig nun, lahat naman sila ay may sariling mundo and Sofi’s voice is low. “Same thing, her business is mine too. Remember iisa kami” pag papaalala ko sa kanya. The thing about Red Diamond is she’s fiercer than my normal self, it’s still me but tougher. Hindi ko sila mapag sama dahil madami pa akong di alam tungkol sa sarili ko and once I learned all of it then I guess I will be the new Lavianna, the founder of Diamond Organization.
"Baka saan pa mapunta ang usapan niyo” Daphanie Keith stated, kung kaya’t inibahan na lang namin ang pinag uusapan. “Anong gamit mo ngayon na sasakyan, did you use your Bugatti Veyron?" pag iiba ng pinag uusapan, Daphanie Keith is right though baka kung saan pa mapunta ang usapan at baka may makarinig pa saamin. Even worse ay baka ang Skulls pa mismo ang maka rinig.
"I used my Mazda CX-9 and I saw Keith's Volvo XC60 mag katabi lang kami ng pinarkingan. Naisip ko kase na kapag yung Bugatti Veyron yung gamit ko baka pag diskitahan pa nila, kaya yung Mazda CX-9. Yours? Did you use your Lamborgini Veneno? hindi ko nakita yung sasakyan mo, saan ka ba nag park?" tanong niya saakin, inagaw ko ang kinakain niyang gummies.
"No, Satana GTS gamit ko, nakaka head turn naman kung yung Lamborgini Veneno ang gagamitin ko. Nakakaliit nga dahil yung katabi ng kotse ko ay yung mga sports car” tumango tango naman siya saakin. Then all of the sudden ay nag salita si Daphnie Keith "Sofi" sabay kaming lumingon ni Sofi sa kanya, ibinaba niya ang kanyang libro at nag salita. "Did you talk to your twin?" nag pabalik balik ang tingin ko sa kanilang dalawa, I almost forgot about that little detail may kambal si Sofi pero hindi naman sila mag kasama lumaki, parang kaming apat na ang mag kakapatid.
Our mothers trained the four of us, pilit nilang ibinabalik ang nakagawiang rule na hindi hahawakan ng sino mang lalaki ang Diamond Organization, hindi ko alam kung bakit may ganoong rule pero sumusunod lang kami, that rule was made by my own grandmother the first generation of the diamond the one and only Lavianna Cartier. When we four girls were born our fate is already written. Kapalit ni tita Lorelai si Sofia, kapalit naman ni tita Kathleen si Kesha, kapalit naman ni tita Dorothy si Daphanie Keith at ako ang papalit kay mommy.
Noong una ay tutol ang mga daddy namin dahil mahirap ang pinag daanan nila mommy dati, they don't want us to get hurt sinong magulang ang gustong saktan ang sariling anak? Wala naman diba? Pero wala silang choice that's our fate.
But thank the stars, pumayag sila at narito kami ngayon mas malakas at mas mulat sa mundong ito. Soon enough we will claim our throne ‘Queen of Underground Organization’ natitiyak ko na kapag nangyari iyon ay wala na kaming kinatatakutan kahit sino man. Kung sino man ang bumangga saamin ay makakatikim ng bala ng mga baril and take note that I don't want wasting my bullets, when I fire, my bullets aim directly at my victim’s forehead.
"No, hindi pa kami nag uusap, ayaw niyang makipag usap parang ibang tao lang ako sa kanya" malungkot na saad ni Sofi. "You know what Keith, Avyrylle” tinignan niya kaming dalawa “I really miss my twin" she said with an almost broke tone and it pained me, I hate it when they are about to cry.
"13 years akong nawala sa buhay niya pero, hindi ko pa rin siya makalimutan siyempre kambal ko yun ang close close pa namin noong 5 years old pa kami” natulala siya sinasariwa ang mga ala-ala nilang dalawa, “I want those times to happen again I miss my twin so much" maiiyak iyak na sabi niya agad kong hinagod ang likod ni Sofi.
She can't blame the organization, responsibilidad namin iyan. One-time ko pa lang nakita silang dalawa na mag kasama that was 13 years ago mga 5 years old sila noon. Tuwang tuwa nga ako dahil hindi sila mapag hiwalay and that time nag request pa ako kila mommy at daddy na gusto ko din ng kakambal and they said na hindi puwede kase mag isa lang ako na niluwa, pero yung makulit na ako noon sinabing bumili sila ng kambal ko, can you believe it?
Simula noong mag training kami ng basics laging kinakamusta ni Sofi ang kambal niya. She always sends him a gifts everytime na may icecelebrate Birthday, Christmas, New year, Graduation name it palaging merong regalo iyang si Sofi kay Yuel, ang napansin ko lang ay hindi nag bibigay si Yuel ng regalo pabalik kay Sofi.
I remember when she escaped training just to go and see her twin from afar, kung ano-ano na ang sinabi namin para pag takpan siya. But her efforts are not enough because her twin is mad at her, he refuses to breathe the same air as her.
I can’t blame him either kase ganon din mararamdaman ko kung iniwan din ako nang walang paalam. "Don't worry Sofi, mag kaka ayos din kayo, just give him time" ani ko habang hinahagod hagod ang likod niya "Hope so" malungkot pa ring saad niya, “Hey! Cheer up” nang sabihin iyon ni Daphanie Keith ay huminga siya ng malalim at pinunasan ang maliit na luha na nabuo sa kanyang mata. “Hindi ako nawawalan ng pag asa, I am sure one day ay lalambot din ang nag yeyelo niyang puso. Pag titiisan ko na lang” confident na saad niya, “That’s the Sofi we know” humagikhik kami ni Daphanie Keith at sumali na din si Sofi sa hagikhik namin. I hope Yuel will come to his senses and forgive her, she's after all his twin sister. I am looking forward to that day dahil finally ay magiging buo na si Sofi. Nag kuwentuhan pa kaming tatlo at ilang minuto lang ay tumunog ang speaker.
@iamnobody
Jorge’s POVNakita kong tinurukan ng pampatulog ng kakambal ko si Red Diamond, lumapit ako sa kanya at nag umpisa nang maging flat line nag nasa machine. “What are you doing” aagawin ko na sana ang syringe ng tanggalin niya na ito, umugong ang tunog ng machine sa buong kwarto.“Wag mong tapakan!” nagulat ako nang bigla bigla na lang sumisigaw ang kambal ko. “Nahuhugot yung saksakan ng machine” agad akong umalis sa sinasabi niya at iniayos ang saksakan, muling bumalik ang pag tunog nito.“Gising na siya bakit mo pinatulog ulit?” tanong ko rito at lumapit sa anak ni Deline na nag papahinga sa kwarto ni Jasper. “She needs a rest dahil sa mga tama niya” naalala ko nanaman ang nang yari sa isla, mabuti na lang at naitawag ni Jasper saakin ang location ng mga tauhan ni X nanasundan nito” oo Jasper is my twin brother at hindi ko alam kung papaano siya napunta sa loob ng organization ng SKULLS.“Kilala mo na ba kung sino si X” umiling ito saakin, Jasper found out na si X ang ulo ng SKULLS siy
***Papalubog na ang araw ng dumaong ang bangaka na sinakyan namin ni Manang Kira. Nakangiting inaalalayan ko siya sa pag baba ng bangka. “This place is really beautiful, it’s sad dahil aalis na ako bukas” nakita kong lumingon saakin ang matanda, luminga naman ako sa kanya. “Aalis ka na iha?” tumango ako sa kanya, reality will not stop for me. SKULLS is on the move and I will not let them destroy what Lavianna and mommy built.“Mabuti naman iha at hindi mo na tatakbuhan ang mga problema mo-” nanlaki ang mga mata ako at agad ko siyang sinalo, nakita ko ang dugo sa kanyang tiyan. Lumingon ako sa likod at agad na binunot ang baril sa bag ko. Ipinutok ko ang baril sa lalaki at pinasabog ang ulo nito. “Manang sandali lang ho at tatawag ako nang tulong” hindi niya ako hinayaan na umalis, inilabas niya ang wallet at ibinigay saakin. “G-Gusto kong maki-makita ako sa huling pag kakataon ng aki-aking anak” pag katapos niyang sabihin iyon ay pumikit na ito.Mas lumalim pa ang pag hinga ko. Hawak
X’s POVIlang araw nang hindi umuuwi ang babaeng anak ni Deline. Napabagsak niya ang isa sa mahahalagang tao sa loob ng organisasyon ko. Talaga yatang napaka tapang ng diamond na ito, I guess I underestimate her ability to rule. Kahit na namatay na ang kanyang ina ay hindi ko aakalain na mamanahin niya ang kalmadong pakikipag laban ni Lavianna.“Boss, may taong gusto kang makausap” saad ni Q na pumasok dito sa loob ng VIP lounge ng club red. I sip my brandy and signaled him na papasukin ang bisita. Napangiti ako nang pumasok ang isang babae na nakangiti saakin.“Long time no see, E” tumango siya at kumuha ng isang baso. “Are you looking for her?” tanong niya saakin. “Your leader is a tough hider, saan siya nag lalagi” nilagok niya muna ang nasa baso at saka ngumiti saakin. “Isla Cartier, Pag mamay ari ng kanyang pinaka mamahal na magulang, the late Deline Cartier” tumawa siya nang sabihin iyon. I snapped my finger and my men instantly came, “Mag padala ka nang sampung assassin sa Isla
Avyrylle’s POVI requested na hayaan muna nila ako na mapag isa kahit ilang araw lang. Sinabi ko ito kay Lawrence at sa mga diamond. Naintindihan naman nila ang kahilingan ko kaya pinayagan nila ako if I give them my location, kung saan ako mag lalagi. Ibinigay ko ito sa kanila para mapanatag ang kanilang loob. Sa diamond ko lang sinabi ang location ko, kila Lawrence at tita ay hindi ko na sinabi.Dito ako nag lalagi sa isang island na iniregalo ni Lavianna kila daddy at mommy. I know I shouldn’t go to a place where I can remember mommy, but this place is and will be my solitude lalong lalo na noong 16 hanggang nag 18 ako. This place gives me peace of mind and brings me nostalgic memories.Naka upo ako sa isang swing nakatingin sa papalubog nang araw. Ang mga taong nasa dalampasigan ay nag hahanda na para mangisda sa dagat. Itong islang ito ay isang kumonidad, hindi ito private island. Gustuhin ko mang baguhin ang islang ito I can’t ayokong sirahin ang solitude na mayroon ako.“This i
Lawrence texted me the location kung nasaan si tita Pamela.Lawrence:Mauna ka na muna, hinihintay ka ni mommy. May gagawin lang ako.Me:Okay.Dumiretso ako sa lugar kung nasaan si tita Pamela. Ilang minuto lang naman ito. Ipinark ko ang kotse sa tapat ng boutique. Ayon sa mga nabasa kong reviews ay magaling gumawa ang may ari ng mga wedding gown, Charles ang pangalan ng boutique. Lumabas ako at kinuha ang handbag, isinara ko ang pinto at inilock iyon. Pag nasa tapat ka na ng boutique ay makikita mo ang mga naka display na wedding gown.Binuksan ko ang boutique at dumiretso sa counter. “Pamela Silvera” saad ko sa kanya at ngumiti. Tinignan niya ang isang notebook. “This way ma’am” inigaya niya ako sa isang silid. Binuksan niya ito, agad ko namang nakita si tita Pamela nakikipag tawanan sa isang lalaki. “Hi tita” lumapit ako sa kanya at nakipag beso.“Ito na ba ang mapapangasawa ng anak mo” saad ng lalaki. “Oo, Avy this is Charles” nakipag kamay ako sa kanya at ngumiti. “Siya ang may
Napangiti ako, one down five to go. Hindi pa ako tapos sumingil sa ginawa nila kay mommy nag uumpisa pa lang ako, humanda kayo sa mga patibong na inihanda ni Red Diamond. Nang masiguro na naming na wala nang buhay ay isa isa naming ipinaandar ang mga ducati at nag umpisa nang umalis sa lugar. Malaki laki din ang nakuha naming kayamanan kay Suaverdez kaya pinag pasyahan namin nila Kesha na sa mga tauhan nalang namin ibibigay ang mga ito, they deserve it after all.Ilang oras bago pa kami nakarating sa DHQ. “Napagod ako dun” saad ni Kesha habang inaalis ang kanyang helmet. “Sa tingin ko kulang yung lakas ng mga bombang iyon” I suddenly mumbled. Natigilan naman sila Kesha, Sofi at DK sa sinabi ko. Nasa kabilang headquarters sila tita Dorothy at si tita Magnolia naman ay dumiretso sa kanyang bahay kasama ni Jorge. “Sofi” napatingin naman siya saakin. “Gusto kong mas palakasin mo pa ang Alpha D.”“Got it, the Alpha D is currently in 45% we will make sure that Alpha D bomb will reach a 100%