Share

Chapter 7

Kinabukasan maaga palang pansin ko na ang pagiging aligaga ni Gia. Hindi ko alam kung ano na naman ang gagawin niya ngayong araw at kanina pa ito paikot-ikot at hindi mapakali.

"Z, hindi ako matutulog ngayong gabi dito." Sabi ni Gia na busy sa kung ano man ang pinagkakaabalahan niya ngayon.

Busy ako sa paglilinis sa maliit naming apartment dahil wala namang panahon si Gia maglinis dito. Sabado ngayon at wala akong pasok sa paaralan pero meron akong duty sa bar mamaya. Hindi talaga mapirmi si Gia dito sa apartment, parang sinisilihan ang puwet niya kapag andito siya.

Kung sana sa mga ganitong araw dahil parehas naman kaming walang pasok ay tinutulungan niya ako hindi din ako mapapagod ng ganito. HIndi na nga siya tumutulong sa paglilinis, siya pa ang makalat. Kung saan-saan niya lang nilalagay ang mga gamit niya.

Kung saan siya makahubad ng sandals at sapatos niya, doon niya na lang din iniiwan. Para siyang may taga-sunod ng kalat niya. Minsan nga ako pa ang nagtutupi ng kumot niya.
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Fannie Doloricon
p unlock po, ty
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status