Share

Chapter 61a

Author: R.Y.E.
last update Huling Na-update: 2025-07-28 08:30:09

Colleen's POV

"Colleen, anak, bakit andito ka pa rin?" tanong ni Mama nang madatnan akong nakaupo sa isang silya malapit sa gilid ng pool. Halos lulubog na ang araw at ang malamig na simoy ng hangin ay gumapang sa aking balat lalo at wala akong suot na sweatshirt. Ramdam ko ang panlalamig ng hapon, pero hindi ko magawang pumasok.

"Gusto ko lang hintayin si Jared dito," mahina kong sagot habang pinagmamasdan ang langit na unti-unting nilalamon ng dilim. "Napapansin kong lately, palagi siyang gabi na nakakauwi. Kinakabahan ako na baka may problema sa kompanya."

Napabuntong-hininga siya at lumapit sa akin. “Anak, huwag mong pahirapan ang sarili mo sa kaiisip. Kung meron mang problema sa kompanya si Jared, sigurado akong kaya niya ‘yon. Hindi mo kailangang dalhin lahat ng alalahanin sa balikat mo.”

“Paano mo nasasabi, Ma?”

“Hindi ko pa nakitang umuwi siya nang tila pasan niya ang mundo. Kung meron man siyang iniisip, siguro ay ikaw ‘yon, ikaw at ang baby nyo.”

Napalunok ako at nag-alala.
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter

Pinakabagong kabanata

  • The Love That Passed (Tagalog)   Chapter 64

    Jared's POVNapakasaya ni Colleen nang malaman naming babae ang magiging anak namin. Matagal na niyang ipinagdarasal ‘yon at gaya ng sabi niya, sinagot nga raw ng Diyos ang dasal niya. Pero bakit hindi na lang ‘yon ang ipagdasal niya, na gumaling siya?Hindi naman ako pihikan pagdating sa kasarian ng anak. Para sa akin, basta’t ligtas silang mag-ina, sapat na ‘yon. Hindi lang sapat, mas higit pa. Walang katumbas ang pasasalamat ko kung pareho silang magiging maayos.Habang lumilipas ang mga araw, unti-unti akong nilamon ng takot. Hindi para sa sarili ko, kundi para sa kanya. Nakikita ko kung gaano siya nahihirapan. Kung pwede ko lang sanang akuin ang sakit na nararamdaman niya, matagal ko na sanang ginawa. Pero bakit ganun? Parang ang Diyos ay hindi patas. Bakit Siya pumipili ng kagaya ni Colleen para pahirapan? O baka naman... sakim Siya. Gusto Niyang mapasakanya si Colleen dahil siya ang isa sa pinakabusilak niyang nilikha.Ayokong isisi sa Kanya ang lahat. Alam kong may pagkukulang

  • The Love That Passed (Tagalog)   Chapter 63

    Colleen's POV"Kumusta ka na?" muling tanong ni Dra. Chin sa akin. Hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin sa kanya kung ano talaga ang nararamdaman ko lalo na ngayong kasama ko si Jared. Ayokong mag-alala siya para sa akin, pero hindi ko rin mapigilang mag-alala para sa baby namin."Gusto kong sabihin na okay lang ako," sagot ko sa wakas. Pareho silang tumingin sa akin, si Dra. Chin at si Jared na halatang may pag-aalala sa mga mata nila. "Pero nitong mga nakaraang araw, parang may lungkot na bigla na lang sumisiksik sa puso ko. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito, ng awa para sa sarili ko. Maapektuhan ba nito ang baby namin?" dagdag ko pa habang hinigpitan ni Jared ang pagkakahawak sa kamay ko.Tumingin ako sa kanya at nakita kong may lungkot rin sa mga mata niya, tila naaawa rin siya sa akin. Hindi ko na kinaya ang damdaming ‘yon kaya inilihis ko ang tingin at sa halip ay tinitigan ko na lang si Dra. Chin, na mukhang ramdam din ang bigat ng pinagdaraanan ko."Normal lang ‘yan, Co

  • The Love That Passed (Tagalog)   Chapter 62

    Jared's POVBinuhat ko si Colleen dahil mahimbing na siyang natutulog. Napabuntong-hininga ako nang mapansin kong napakagaan pa rin niya, kahit na limang buwan na siyang buntis.Maingat ko siyang inilapag sa kama namin. At tulad ng mga nagdaang gabi, tahimik ko siyang tinitigan, ang kanyang magandang mukha na bakas ang pagod at pag-aalala.Alam kong nahihirapan siya. ‘Yun ay isang bagay na siguradong-sigurado ako. Sino ba naman ang hindi? Kung sino man ang nasa kalagayan niya ngayon, tiyak na madudurog din ang damdamin, hindi lang dahil sa sakit ng katawan kundi pati na rin sa takot na unti-unti niyang tinatanggap.Habang ako’y tahimik na lumalaban sa kalungkutan, dahil alam kong darating ang araw na mawawala siya sa akin. Habang siya naman ay pilit na itinatago ang lungkot, ang pangambang iiwan niya ang pamilyang nagsisimula pa lamang naming buuin.Dahan-dahan kong hinaplos ang kanyang pisngi, at napangiti ako nang mapansin kong ngumiti rin siya kahit tulog. Parang isang sanggol na p

  • The Love That Passed (Tagalog)   Chapter 61b

    Pakiramdam ko ay tinamaan ako sa puso at sa simpleng kilos na ‘yon, ramdam kong espesyal ako. Kahit na ganun ang nararamdaman ko, alam kong napakarami kong dapat ipagpasalamat. Isa na roon ay ito, ang simpleng desisyon niyang ito na hindi ko kailanman inasahan. Pero heto siya ngayon, handang gawin ang lahat para lang mas makasama ako ng mas matagal.“Paano ako naging ganito kaswerte?” tanong ko sa kanya, habang nakatitig sa mga mata niyang puno ng lambing.“Siguro kasi may gwapo kang asawa?” sagot niya, may halong pang-aasar, kaya napangiti ako ng bahagya at napailing.“’Yon at marami pang iba na hindi ko na kayang isa-isahin,” sagot ko, sabay tawa.Tumawa rin siya, 'yung masarap sa pandinig na parang musika sa puso ko.“Hindi, wifey. Ako ang mas masuwerte. I must have saved the world in my previous life kaya binigyan ako ng Diyos ng isang tulad mo ngayon,” sagot niya habang hinawakan ng dalawang palad niya ang aking mukha, marahan, parang ako'y babasaging kristal.Gustung-gusto ko ‘p

  • The Love That Passed (Tagalog)   Chapter 61a

    Colleen's POV"Colleen, anak, bakit andito ka pa rin?" tanong ni Mama nang madatnan akong nakaupo sa isang silya malapit sa gilid ng pool. Halos lulubog na ang araw at ang malamig na simoy ng hangin ay gumapang sa aking balat lalo at wala akong suot na sweatshirt. Ramdam ko ang panlalamig ng hapon, pero hindi ko magawang pumasok."Gusto ko lang hintayin si Jared dito," mahina kong sagot habang pinagmamasdan ang langit na unti-unting nilalamon ng dilim. "Napapansin kong lately, palagi siyang gabi na nakakauwi. Kinakabahan ako na baka may problema sa kompanya."Napabuntong-hininga siya at lumapit sa akin. “Anak, huwag mong pahirapan ang sarili mo sa kaiisip. Kung meron mang problema sa kompanya si Jared, sigurado akong kaya niya ‘yon. Hindi mo kailangang dalhin lahat ng alalahanin sa balikat mo.”“Paano mo nasasabi, Ma?”“Hindi ko pa nakitang umuwi siya nang tila pasan niya ang mundo. Kung meron man siyang iniisip, siguro ay ikaw ‘yon, ikaw at ang baby nyo.”Napalunok ako at nag-alala.

  • The Love That Passed (Tagalog)   Chapter 60b

    Alam ko… alam kong mahirap para sa kanya. Ang makabuo ng mga koneksyon, ng mga taong umikot sa paligid niya, tapos iiwan lang niya ang lahat. Masakit na ‘yon. Pero mas masakit pa siguro kung alam mong may buhay sa sinapupunan mo, isang batang inaasahang makikita ang mundo ngunit kailangan niyang lumaki nang wala ang ina, na siyang dapat gumabay at umalalay sa kanya sa bawat hakbang. Oo, nandito pa rin ako. Pero hindi ko kayang ipangakong maibibigay ko sa anak namin ang uri ng pagmamahal na kayang ibigay ni Colleen. ‘Yung uri ng pagmamahal na puno ng pang-unawa, ng sakripisyo, at ng walang kapantay na lambing. Nakita ko kung paano nahirapan ang Mommy ko noong namatay si Dad. Halos gumuho ang mundo niya. Pero marahil, kasing tibay din siya ni Colleen dahil kinaya niyang itaguyod kami ni Ate Ingrid kahit pa nanghihina siya sa loob. Kaya ko rin kaya ‘yon kapag dumating ang panahon? Napabuntong-hininga ako habang iniisip iyon. Sa sobrang bigat ng damdamin ko, naalala ko bigla si Mommy. N

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status