WITH MATURE CONTENTStacey's POVKasama ko si Derrick sa kanyang sala, naglalaplapan kami, nang biglang tumawag si Jared. Ayoko sanang sagutin, pero pinilit ako ni Derrick. Napailing na lang ako sa kanya, at tahimik siyang natawa, baka daw marinig siya ni Jared.Sinagot ko ang tawag gamit ang pinakamatamis kong boses para hindi niya mahalata na may kakaiba.Gusto raw niya akong makausap bukas, kaya pumayag ako. Lagi siyang gano’n, yung tipong bigla na lang tatawag at yayayain akong magkita kinabukasan.Nagkunwari akong nag-aalala at tinanong kung may problema ba. Wala raw, paalala lang daw sa meeting namin bukas. Sumang-ayon ako, tapos binaba na namin ang tawag."Ano raw?" tanong ni Derrick, na halatang interesado."Gusto niya raw akong makita bukas. Eh kakikita lang namin two days ago. Iniisip ko na tuloy kung ano na naman ang ibibigay niya sa akin," sagot ko habang natatawa siya.“Hindi ko alam na ganon pala katanga si Jared. Niloloko na natin siya simulat simula pa, pero hindi pa r
Last Updated : 2025-04-28 Read more