Share

XV - Surprise Gone Wrong I

Third Person's Point of View

Nagising naman dahil sa liwanag si Elaine. Agad bumungad sa kanya ang puting kisame na agad niyang ikinabangon.

“Anak, gising ka na pala. Mabuti naman, ang akala ko ay mawawala ka sa akin,” wika ng kanyang ama. Agad itong lumapit sa kanya upang yumakap. Nasa tabi nito si Kaizer na ngumiti sa kanya, mukhang alam na nito ang nangyari sa kanila ni Louis.

“A...a-yos lang po ako. Nasaan po si Louis?” tanong niya, ngunit nagkatinginan lamang sina Kaizer at ang kanyang ama na parang walang gustong sumagot sa tanong niya.

“A...A-ma?” pagtawag niya kay Mr. Natividad, ngunit ngumiti lang ito sa kanya at hinawakan siya sa kanyang ulo.

“Anak, mas mabuti kung magpahinga ka muna. Ang bilin ng nurse ay huwag ka raw munang masyadong gumalaw lalo na at nakaka-trauma ang mga nangyari sa 'yo,” sagot sa kanya ni Mr. Natividad, ngunit hindi niya kayang magpahinga hangga't hindi siya nakasisigurado na ayos lamang si Louis. Ito ang dahilan kung kaya't ligtas pa siya. Nais niyang pasalamatan ang binata.

“Ngunit, Ama. Nais ko siyang makita. Ayos lamang ba ang kalagayan niya? Sabihin ninyo sa akin!” nagpapa-panic na tanong ko habang dahan-dahang sinusubukan na umalis sa kama. Kaya lang ay pinipigilan ako ni Ama.

“Anak, magpahinga ka muna. Ayos lamang si Louis. Siguradong magagalit siya kapag pinuwersa mo ang sarili mo na makita siya,” sambit ng ama niya hanggang sa lumapit sa kanya si Kaizer upang pakalmahin siya.

“Shhh, Elaine. Matagal mamatay ang masamang damo kaya chill ka lang,” wika ni Kaizer at ngumiti sa kanya ang binata, ngunit nagulat sila nang bigla siyang sampalin ng dalaga.

“Tao pa rin si Louis!” sigaw nito. Agad namang na-realize ni Elaine kung ano ang nagawa niya kaya agad siyang napayuko at humingi ng pasensya sa binata.

“Pasensya na, masyado lang ako nag-aalala kay Louis. N...n-apahamak kasi siya dahil sa akin,” nauutal na wika ng dalaga at nagsimulang umiyak. Kaagad naman siyang niyakap ni Kaizer upang pakalmahin. Siguradong na-trauma ang dalaga dahil sa nangyari at wala man lang siya roon upang ipagtanggol ito.

Hindi nagtagal ay nakatulog ang dalaga habang nasa bisig ito ni Kaizer. Dahan-dahan niya itong ibinaba sa kama upang kausapin si Mr. Natividad.

“Mukhang masyado itong nagpa-trauma kay Elaine. May nangyari na bang ganito sa kanya noon?” tanong niya sa ama ng dalaga upang siguraduhin kung tama ang nakalap niyang impormasyon tungkol sa past ng dalaga. Ang pagkakaalam niya kasi ay may psychiatrist na pinupuntahan sina Elaine at Mr. Natividad upang magamot ang kalagayan ng dalaga.

Sobrang interesado kasi siya sa dalaga kung kaya't pinaimbestigahan niya ito. Doon niya rin nalaman na gano'n din pala ang ginagawang hakbang ni Louis. Kaya't bago pa man makarating ang mga impormasyon sa binata ay tinakot niya na agad ang imbestigador. Sa totoo lang ay dapat kukuhanin niya ang pinsan niyang si Lucas upang ito ang mag-imbestiga sa dalaga dahil isa itong private detective, ngunit nasa misyon pala ang binata kaya't wala siyang nagawa kundi kumuha na lang ng ibang mag-iimbestiga.

“Ano pa nga ba ang maitatago ko sa 'yo, iho. Ikaw ang lubos na pinagkakatiwalaan ko pagdating sa aking dalaga,” sambit ng matanda. Dahan-dahan nitong pinihit ang pintuan upang senyasan si Kaizer na sa labas sila mag-usap tungkol sa bagay na 'yon dahil baka marinig ito ni Elaine.

Kumuha ng sampung piso ang binata at inihulog ito sa vending machine upang bigyan ng kape ang matanda. Naupo sila sa upuan na nakapuwesto sa harap ng silid ng dalaga.

“Sa totoo lang ay hindi ko gustong maikasal ang anak ko kay Louis Montemayor dahil sa estado nito sa buhay,” pag-uumpisa ni Mr. Natividad habang humihigop ng kape. Nakikita nila ang bawat dumadaan na tao na may kanya-kanyang mundo. Mayroong mga nakikinig ng musika sa earphones habang ang iba naman ay may dalang bulaklak at prutas upang ibigay sa taong dadalawin nila. 

Kumuha ng isang stick ng sigarilyo ang matanda at nagsimula itong sindihan, habang ang papel na baso niya ay binaba nito sa isang upuan na nakapagitna sa kanila ni Kaizer.

“Ngunit wala na akong magagawa sa bagay na 'yon kundi magtiwala sa pamilyang Montemayor dahil ito ang hiniling sa akin ng asawa kong si Serena,” pagpapatuloy niya. Matiim namang nakikinig si Kaizer dahil interesado siya sa kung anong buhay mayroon ang dalaga at ang pamilya nito bago niya ito makilala.

“Isinama niya ang anak namin na si Elaine noong ito ay limang taon pa lamang para makita ng kanyang kapatid. Ang sabi nito ay handa na itong talikuran ang ama nila upang matapos na ang illegal na ginagawa nito. Kaya lang, ang bumalik na lang sa akin ay ang anak ko na may bahid ng dugo sa damit at hindi na nagsasalita. Ang masiyahin kong anak na laging nakangiti ay lagi na lamang tulala at hindi na makausap. Kaya't nang pinahanap namin si Serena ay nakita itong wala nang buhay. Nakumpirma rin namin na ang dugo na nasa damit ng aking anak ay sa kanyang ina kaya hindi na ako nagdalawang-isip na dalhin siya sa hospital upang ipagamot. Ang sinabi lang sa amin ng doctor ay pumunta kami sa isang psychiatrist dahil masyadong na-trauma si Elaine,” detalyadong pagkwekwento ni Mr. Natividad habang nakakadalawang sigarilyo na. Ito lang kasi ang tanging bagay na nagpapakalma sa kanya sa tuwing naaalala niya ang nangyari sa mag-ina niya.

“Bakit hindi kayo humingi ng tulong kay Tito Izaak? Siguradong matutulungan niya kayo na mahuli ang kapatid ng iyong asawa at mabayaran ang mga bills ni Elaine,” tanong ni Kaizer. Kung alam na pala ng matanda ang tungkol sa kasunduan ni Izaak at ng kanyang asawa ay bakit hindi ito humingi ng tulong?

“Dahil nais kong ilayo ang anak ko sa buhay ng mafia!” singhal ni Mr. Natividad na ikinatigil ng binata. Masyadong nakakatakot ang aura nito kapag nagagalit.

“Hindi mo ba naiintindihan na habang malapit sa Montemayor ang anak ko ay hindi mawawala ang ganitong sitwasyon sa kanya? Kaya hindi ko pinansin ang sinabi ng asawa ko at inilayo ang anak ko, ngunit natunton pa rin siya ni Izaak,” seryosong wika ni Mr. Natividad at ininom ang kape na ngayon ay malamig na dahil sa haba ng kuwentuhan nila.

Hindi pa rin sapat ang mga impormasyon na sinabi ng ama ni Elaine, ngunit isa lang ang sigurado niya at iyon ay hindi dapat malaman ni Louis ang sinabi ni Mr. Natividad dahil magbabago ang tingin nito sa dalaga.

“Kung wala ka nang gustong malaman ay pumasok na tayo sa silid ng aking dalaga,” wika ni Mr. Natividad. Pinigilan siya ni Kaizer nang makita ang babaeng kapatid niya kasama ang pinsan nila na kumakaway sa kanya.

Ano ang ginagawa nila rito? Ang alam niya kasi ay nasa ibang bansa ang mga ito upang mag-aral, pero bakit bigla itong napadpad sa Pilipinas? Ang nakagugulat pa ay hindi man lang nito sinabi sa kanya na uuwi pala ito.

“Mauna ka na po pala, Tito, wala na rin po ako gustong itanong,” sambit niya na ikinatango nito. Nilapitan naman niya sina Alexa at Juliana na nakasuot pa ng red dress na parang may pupuntahan na party.

“At ano sa tingin ninyo ang suot n'yo? Kapag hindi pa kayo nagpalit ngayon sa pinakamalapit na CR, parehas ko kayong iuuwi kay Tita Serendipity!” pananakot ni Kaizer na agad namang ikinatingin ng masama sa kanya ng dalawa. Pinaghandaan pa naman nila ang okasyon ngayon at sobrang ginandahan nila ang venue kung saan nila balak sopresahin si Elaine, ngunit nasira ang bagay na ito nang maka-receive sila ng tawag na sa hospital na pagmamay-ari na lamang ng Tito Alexander nila gaganapin ang suprise dahil may nangyaring masama kay Louis.

“Jusko naman, this is so expensive kaya and very bagay to me. Panira ka talaga, Kuya Kaizer!” pagtataray na wika ni Alexa habang umiirap-irap pa kay Kaizer.

“Ay naku, you're lagot kaya ’pag nalaman ni Tita Serendipity na you're dressed like that,” pang-aasar ng binata habang ginagaya pa ang tono ng pagsasalita ni Alexa na agad nitong ikina-pout.

“Tse! Tara na nga, Juliana. Let's change our clothes before Kuya Kaizer tells it to Mom,” sambit nito habang pasimpleng pinandilatan ng mata ang binata na ikinatawa na lamang nito. Kahit kailan talaga ay parang isip-bata pa rin ang pinsan niyang si Alexa. Masyado kasi itong na-spoil ng tita nilang si Serendipity dahil nag-iisang babae ito sa magkakapatid.

Napasapo na lamang si Kaizer ng noo nung maalala niya na nakalimutan niyang itanong kung bakit nasa Pilipinas ang mga ito. Mukhang tumakas na naman ang dalawa upang maglakwatsa, katulad no'ng huling makita niya ang mga ito na nasa isang party na saktong naimbintahan siya ng isa sa kanyang flings. Tinawagan pa nga niya ang Tita Serendipity niya upang itanong kung kailan pa umuwi sina Alexa, ngunit hindi pala nito alam na nasa Pilipinas ang dalawa at nag-cut ng klase upang makapunta lang sa isang party.

Kaya simula no'n, mahigpit na ang security sa bawat airport dahil ipinag-utos ito ng kanyang tita dahil lagi daw nakatatakas ang dalawa at hindi na pumapasok sa klase.

Mga ilang minuto pa ay lumabas na ang dalawa mula sa pinakamalapit na CR. Nakasuot na ang mga ito ng croptop na p-in-artner-an ng cargo pants. 

“Ang tagal n'yo naman magbihis,” reklamo ni Kaizer na kanina pa naiinip sa paghihintay sa kanilang dalawa na lumabas.

“Sino ba kasing nagsabi sa 'yo, Kuya, na hintayin mo kami?” pilosopong tanong ni Juliana na agad ikinatawa ni Alexa at nakipag-apir pa sa kanya.

Kaagad naman inilabas ni Kaizer ang cellphone niya at kunwaring tatawagan ang tita nila nang pigilan siya ng dalawa. “Joke lang naman, kuya naming gwapo,” panunuyo ng dalawa sa kanya. Kaagad naman niyang itinago ang cellphone niya at nagsimulang magtanong sa dalawa.

“Bakit ba nandito kayong dalawa?” tanong niya. Nagsimula naman silang maglakad patungo sa silid ni Louis.

“Hindi kami tumakas, duh. Napag-utusan lang kami ni Kuya Louis na dalhin ang pinakamahal na aso at pusa sa buong mundo,” wika ni Juliana habang tinatawagan ang nirentahan nilang mga tao na mag-aayos ng mga balloons at pa-suprise. Hindi naman sinabi ni Louis na gagawin nila ang bagay na 'yon, pero nais nilang maging romantic ang pagbibigay nila ng regalo sa babaeng bumihag sa puso ng pinsan nila.

“Where na ba kasi 'yong room ni Kuya Louis?” reklamo ni Alexa dahil masakit na ang mga paa niya sa suot niyang heels. Sinabi kasi sa kanya ni Juliana na huwag na 'yon ang isuot, pero nagpumilit pa rin ito kaya ngayon ay nahihirapan na ito.

“At bakit naman kayo inutusan ni Louis na bilhin ang pinakamahal na aso at pusa? Kanino raw niya ibibigay?” tanong ni Kaizer. Alam niya na ang sagot, pero nais niyang makasigurado kung para kanino ang pinahandang suprise ng binata.

“Kaya nga kami pupunta sa silid niya kasi hindi namin alam kung para kanino. Ni hindi nga niya sinabi sa amin sa cellphone,” pagrereklamo ni Juliana. Iyon kase ang pinakamalaki nilang problema kaya hindi nila napalagyan ng pangalan ’yong cake at mga balloons.

“Tss, come here, Alexa. I will carry you,” sambit ni Kaizer nang makitang hindi na makalakad ang pinsan niya. Agad naman itong sumakay sa likuran niya dahil hindi na rin nito kayang maglakad.

“Sa susunod kasi ay magdala ka ng spare shoes,” pangaral ng binata na ikinatango na lamang nito. 

Nang makita nila ang room ni Louis ay agad itong binuksan ni Kaizer. Tumambad sa kanila ang binata na mahimbing ang tulog habang nakabantay naman ang tatlong alagad nito sa kanya.

“Puta, pre. Nandito ka na pala, akala ko ay hindi magiging succesful ang operasyon ni bossing, pero ayos naman. Alam mo naman kapag masamang damo, matagal mamatay,” sambit ni Volstrige at lumapit kay Kaizer. Nang makita nito si Alexa ay agad itong nagpakilala.

“Hanep ka, may bago ka na namang fling at dinala mo pa kay bossing. Inamo!” sigaw nito sa kanya. Sinapak niya lamang ito at sinenyasan sina Brennon at Alex na umalis sa upuan. Ibinaba niya ang pinsan niyang si Alexa roon at nagsimulang magsalita.

“Pinsan ko 'yan, bobo. Ito nga pala ang kapatid kong si Juliana. Subukan n'yo lang landiin at kakain kayo ng lupa,” sambit ni Kaizer. Dahan-dahan namang pumunta si Juliana sa tabi ni Alexa na ngayon ay nagsusuot na ulit ng heels.

Alam nila ang organisasyon sa pamilya nila at hindi lamang si Louis ang mafia sa pamilyang Montemayor. Marami rin, karamihan ay mga pinsan nila.

Kung kaya't tuwing a-attend sila ng family reunion ay ito na yata ang pinaka-astig na lugar ng pinupuntahan nila. Ginaganap ito sa isang yacht o kung minsan ay nakadepende sa pamilya kung sino ang nakatakda sa taon na 'yon. Isa lamang ang iniingatan ng mga Montemayor, at 'yon ay dignity nila dahil lumaki silang may responsibilidad sa bawat isinisilang na sanggol. At isa pa, once na ipinanganak kang may Montemayor na apelyido ay makaka-receive ka ng mga mamahaling regalo simula baby. Dahil ang mga magiging ninong at ninang mo ay bilyonaryo sa iba't ibang mundo.

“Handa akong kumain ng lupa makapiling lang ang pinsan mo,” pagbibirong wika ni Volstrige. Dahan-dahan itong lumapit kay Alexa upang magpakilala, pero agad namang humarang si Kaizer.

“Fuck you, womanizer!” asik ng binata na ikinatawa na lamang ni Volstrige dahil mukhang seryoso na si Kaizer.

“Fine, ito nga pala si Brennon. Walang bisyo at babae 'yan, baka magustuhan ninyong dalawa para may iba namang pagtuunan ng pansin ang ugok na ito,” sambit ni Volstrige habang itinulak-tulak pa ang binata papunta kina Alexa at Juliana.

“Ano ba, ayaw kong mapaaga buhay ko. Tingnan mo naman si Kaizer, parang handa nang maglabas ng baril,” pagbibiro ni Brennon. Dahan-dahang lumapit si Alexa sa binata at nagpakilala na ikinagulat ng lahat, lalong-lalo na si Kaizer.

“Hello, ako nga pala si Alexa, but you can call me baby for short,” sambit ng dalaga at kumindat pa kay Brennon. Mukhang nakuha nito ang atensyon ng binata.

“Hoy, Alexa. Ano bang ginagawa mo? Nakakahiya ka!” bulong ni Juliana dahil nakatulala na ito sa mukha ni Brennon na agad nilang ikinatawa.

“Wala na akong magagawa riyan, Kaizer. Mukhang tinamaan ni kupido ang pinsan nimyo,” sambit ni Volstrige na humahagalpak pa ng tawa. Napakamot naman ng ulo si Brennon dahil sa ginawa ng dalaga.

“That's fine, Brennon is a nice man compared to you. But, Alexa, have some delicacy. You're a Montemayor for Pete's sake,” sambit ni Kaizer at hinila ang pinsan niya palayo kay Brennon.

“Kuya naman, eh. I'm just introducing myself to him. He is my type kaya and besides, he looks decent naman,” wika ni Alexa habang kinikilig ito kay Brennon. Agad naman itong nilapitan ng binata at inilahad ang kamay niya.

“Ako nga pala si Brennon, but you can call me by any name you're comfortable with,” sambit nito. Masama naman siyang tinitigan ni Kaizer dahil dumadamoves na ito sa pinsan niya.

“Hey, weirdo, ang sabi ko lang ay mas mabuti kang tao kumpara kay Volstrige, hindi ko sinabing pinapayagan ko na si Alexa na makilala ka,” usal ni Kaizer. Agad namang tumikhim si Alex na ikinatigil ng lahat.

“Here comes the bitter one,” kibit-balikat na wika ni Volstrige. Kaagad namang nabaling ang atensyon nila kay Alex na mukhang naiinip na.

“Sasagutin ko lamang ang tawag sa cellphone,” sambit nito. Agad naman silang nagtinginan na lahat nang lumabas ito.

“Sabog ba 'yon, pare? Wala namang tumatawag sa cellphone niya, eh,” wika ni Volstrige na ikinatawa ng lahat. Agad namang lumapit si Kaizer kay Volstrige upang itanong kung ano ang nangyari sa resort.

“Kuya, nandiyan na raw ang mga staff. Nasaan ba ang babaeng sosorpresahin ni Kuya Louis?” tanong ni Juliana na ikinatingin ni Volstrige dahil sa sinabi nito.

“Si Ma'am Elaine ba ang tinutukoy mo o 'yong ex ni bossing na actress?” tanong ng binata dahil kahit siya ay walang kaide-ideya kung sino ang nais i-surprise ni Louis sa dalawa.

“Walang nabanggit si Kuya Louis. Bakit hindi na lang natin puntahan ang dalawa at sopresahin? Ikaw, Volstrige bakit hindi mo siya tanungin kapag nagising na siya? 

Tapos tawagan mo kami para ma-retrieve namin ang surprise sa oras na mali pala kami,” sambit ni Juliana na kahit si Kaizer ay napakamot ng ulo dahil sa naisip ng kanyang kapatid. Magiging malaking gulo ito sa oras na magkamali sila kung sino ang isu-suprise sa dalawang babae sa buhay ni Louis.

“Anak ng puta. Ako ang kinakabahan sa inyo, pero sige. Nasa ground floor ang silid ni Mariella. Ang alam ko, naroon pa rin siya dahil hindi pa siya masyadong magaling. Si Elaine naman ay itanong mo na lang kay Kaizer,” sambit ni Volstrige. Dahan-dahang tumango si Juliana sa kanya at nagpasalamat. Hinila naman niya si Alexa na ngayon ay nakikipag-usap kay Brennon.

“Ano ba naman 'yan. Istorbo ka naman, eh. Kita mo namang we're talking,” reklamo ni Alexa dahil bigla na lang siya hinila ni Juliana sa gitna ng pag-uusap nila ni Brennon.

Ngunit ayos na rin ito dahil nakuha nila ang social media accounts ng isa't isa. Mabuti na lamang at natuon ang atensyon ng Kuya Kaizer niya kay Volstrige dahilan upang makapag-usap sila ng binata.

Ang una nilang hinanap ay ang silid ni Mariella na nasa ground floor at inihanda ang suprise, maraming tao ang nagdadaan at napapahanga ang mga ito dahil sa hinahandang suprise ng mga kasama nina Juliana.

Balak nilang katukin na lamang ang dalaga at palabasin ito upang makita ang inihanda nilang suprise dahil gahol sila sa oras. May isa pa silang pupuntahan sa oras na hindi pala ito ang babaeng tinutukoy ni Louis.

Nang matapos na sila ay kaagad nilang kinuha ang Ashera cat at Samoyed puppy na binili nila upang ibigay kay Mariella, ngunit hindi pa sila sigurado kung kaya't itinago muna nila ito sa likod.

Kinatok nila ang silid nito at lumabas ang dalaga na tulak-tulak ng nurse ang wheelchair. Nakasuot ito ng shades dahil baka may paparazzi na kumuha sa kanya ng litrato.

Agad itong nagulat nang makita ang surprise na inihanda nila. “Sino ang nagpapabigay nito?” tanong ni Mariella dahil iniabot nila ang iba't ibang mga brand ng damit at 'yong cake.

“Si Sir Louis po,” sambit ni Juliana upang maging pormal ang sinabi niya, ngunit nagulat sila nang itapon nito ang cake at kaagad na nagsalita.

“Don't ever say his fucking name to me. Umalis na kayo!” sigaw nito. Ang mga paparazzi ay walang sawang kumukuha ng litrato.

“Miss Mariella, nagkabalikan na ba kayo ni Sir Louis?”

“May iba ka na ba, Miss Mariella? Bakit mo tinapon ang cake na hinanda ni Sir Louis para sa 'yo?”

“May iba ka na bang nagugustuhan, Miss Mariella?”

Sari-saring mga tanong ang iginawad ng mga ito kay Mariella, ngunit kahit isa ay wala itong pinansin sa mga katanungan.

Agad namang napakamot ng ulo sina Juliana at Alexa nang dumugin sila ng mga paparazzi ng mga katanungan tungkol sa suprise. Mukhang malalagot sila sa oras na kumalat ito sa buong telebisyon.

Mukhang hindi si Mariella ang tinutukoy ng binata na balak nitong sopresahin, ngunit ang nakagugulat lang sa reaksyon ng dalaga ay bakit sobra ang galit nito sa kanilang pinsan na si Louis? May nagawa ba itong masama sa dalaga?

Ang akala kasi nila ay balak ng pinsan nila na makipagbalikan sa ex nito dahil narinig na nila ang pangalan nito noon mula sa pinsan nilang si Louis.

Ngayon, kailangan nilang isipin kung paano malilinis ang gulo na ginawa nilang dalawa dahil kung hindi ay malilintikan silang dalawa sa kanilang Tita Hacel.

“Pagbilang ko ng tatlo, tatakbo tayo,” sambit ni Juliana na ikinatango ng mga staff. “Isa, dalawa, takbo!” sigaw niya. Dahan-dahan naman silang tumakbo palabas ng hospital dahil hanggang ngayon ay hinahabol pa rin sila ng mga ito.

Sana lang ay makatakas pa sila sa mga ito.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status