Share

XIII - Her Protector

Elaine's Point of View

Tahimik lang si Louis habang nagmamaneho. Patungo na kami sa resort na sinasabi ni Tita Hacel.

Hindi ko tuloy mapigilan mapaisip kung ano ang naging daloy ng usapan nila ni Itay. No'ng bumalik kasi siya sa loob ay tahimik lamang at hindi na masyadong kumibo. Nanginginig na rin ako sa lamig ng aircon dahil nakatutok ito sa akin. Si Louis ang nagda-drive ngayon habang nasa kabilang sasakyan naman sina Itay at si Kaizer.

Noong una nga ay ayaw pumayag ni Kaizer, ngunit pinilit s'ya ni Itay na huwag silang sumabay sa amin. 

“Wear this,” sambit ni Louis at dahan-dahang binuksan ang compartment niya upang kunin ang isang denim jacket.

Iniabot niya ito sa akin na agad ko namang tinanggap dahil kaunti na lang ay magiging yelo na ako sa lamig. Kahit ang mga binti ko ay hindi ko na maigalaw. 

“Salamat,” wika ko. Tumango lamang siya at tuluyan nang nagmaneho. Hindi ko alam kung nauna na sina Kaizer sa amin sa resort dahil naipit kami sa traffic. Kaya baka mas mauna sila ng mga 30 minutes.

“Ano nga pala ang pinag-usapan n'yo ni Itay?” tanong ko dahil hindi ko na kayang pigilan ang curiosity na nararamdaman ko. Sa totoo lang ay kanina ko pa nga ito iniisip. Nahihiya lang ako na tanungin siya. Bakas sa mukha niya na ayaw sagutin ang tanong ko, pero mas lalo akong hindi mapapakali kung wala akong makukuha na sagot mula sa kanya.

“It's not that important,” sambit niya. Kinuha niya naman ang cell phone na nasa bulsa niya at agad na binasa ang nakasulat.

“My mom said that they will be having dinner in a French restaurant. They will also stay with their friends for a while. Kaizer and your father are there, too? Do you want to go or we will go ahead to our resort?” tanong niya na agad kong ikinalunok. Kung ganoon ay maiiwan kaming dalawa sa resort kung mauuna na kami roon. Mukhang bukas pa uuwi sina Tita Hacel.

Did they set up us, so we could spend time together? Hmm, but I think my father would never agree to it.

“Kung anong gusto mo, doon na lang din ako,” sagot ko at marahang nagkamot ng ulo. Sa totoo lang ay nahihiya pa rin ako na kami lang dalawa lalo na noong may muntik nang mangyari sa amin. Hindi ko alam, but he was so kind to me na sana ay hindi magbago. 

“Then we shall go ahead to our resort. I'm a bit tired and you should rest, too,” sambit niya na ikinatango ko na lamang. Mukhang magiging awkward ang gabing ito para sa aming dalawa.

***

Nang makarating kami sa resort ay agad niyang binuksan ang pintuan ko habang lumapit naman ang isang staff sa amin.

“Welcome back, Sir Louis and Ma'am Elaine. Your mother told us that the two of you will go here, so we prepared a special room for the both of you,” wika ng babae. Kasing-tangkad ko lamang ito. Nakasuot ito ng black skirt na above the knees habang naka-white long sleeve ito na nakabukas ang dalawang butones.

Sinundan namin ang babae, na panay lang ang kuwento tungkol sa history ng resort na pinapakinggan ko naman. Nababagot naman si Louis sa sinasabi niya na parang hindi siya interesado na pakinggan ito. Marahil ay ilang beses na niyang narinig ang bagay na 'yon dahil sila ang may-ari ng resort.

“Fuck, can you stop the—” Magsasalita pa sana si Louis nang hilahin ko siya upang halikan na nagpatigil sa kanya. Napalingon naman ang babae, ngunit agad rin itong tumalikod nang makita ang ginagawa namin.

“Pasensya na po, ma'am at sir sa pag-abala. Hayaan n'yo po at dadalhin ko na kayo agad sa inyong silid,” sambit nito. Wgad naman akong bumitiw sa aming halikan upang magpaliwanag sa staff, ngunit hinila lang ako ni Louis sa baywang upang halikan nang mas marahas na agad kong ikinapikit.

Natigil ang ginagawa namin nang biglang may tumikhim sa harapan namin. Nang lumingon kami ay nakita ko si Tyron habang nakangisi sa aming dalawa.

“Nagambala ko ba ang mukbangan ninyo?” tanong nito habang nakangisi. Napatalikod naman ako dahil sa hiya nang ma-realize ko na nakita niya ang ginawa namin ni Louis.

Masyado itong nakakahiya, dapat ay patatahimikin ko lamang si Louis, ngunit bakit parang bumalik sa akin ang ginawa kong pagpapatahimik?

“What are you doing here, Tyron?” tanong ni Louis. Kahit ako ay nagulat din sa biglaan niyang pagsulpot. Ni hindi ko siya napansin na dumating.

“Well, Tita Hacel wants me to cook for the both of you. She instructed me to make your dinner memorable,” sambit ni Tyron na ikinagulat ko. Ibig-sabihin ay siya ang magluluto ng kakainin namin ngayon?

“Ah, p'wede ko na po ba kayo maabala, ma'am and sir? Ihahatid ko na po muna sana kayo sa inyong silid,” sabat naman ng staff na agad ko na lang sinagot ng oo upang matapos na ang usapan.

“Hmm, mukhang may excited sa moment nila together. By the way, I will just call the both of you on the telephone. Enjoy each other,” wika ni Tyron at kumindat pa sa akin. Nagulat naman ako nang bigla akong hawakan ni Louis sa braso upang ilapit sa kanya. “Why are you staring at him like that?” tanong niya sa akin na agad ikinapula ng pisngi ko.

Lumayo naman ako sa kanya habang iwinagayway ang kamay ko upang ipagtanggol ang sarili. “Hindi ko naman siya tinitignan, ano ka ba!” depensa ko. Agad niya akong binuhat at sinundan ang babae na maghahatid sa amin sa silid.

Nang makarating kami sa loob ay maraming bumabati sa amin. Hindi ko naman mapigilang takpan ang mukha ko dahil sa daming nakatingin sa amin. Buhat-buhat niya na naman kasi ako na pa-bridal style, baka akalain ng iba ay binabakuran ko na agad si Louis, hindi pa naman kami kasal.

“Ayan ba 'yong mapapangasawa ni Sir Louis?” bulungan ng tatlong babae na agad kong ikinatanggal ng kamay na ipinangtakip ko sa aking mukha. 

Kitang-kita ang irita nila habang tinitingnan ako. “Hindi bagay ang ganiyang hitsura sa tabi ni sir. Magmumukha lang siyang b****a,” sambit ng isa na may kulay brown na buhok. Napatawa naman ang kasama niya. Sanay na ako makarinig ng pangungutya, ngunit kakaiba lang dahil ngayon ay nasaktan ako sa sinabi nila.

Ganoon ba ako kapangit para kay Louis?

“Ibaba mo ako, Montemayor,” wika ko. Pinipigilan ko ang mga luha ko na tumulo, pero nais kong bumaba mula sa pagkakabuhat niya. Totoo naman sila, mukha lang akong b****a sa tabi ni Louis katulad ng sinabi ni Karen.

“And why would I do that?” sagot niya naman sa akin pabalik. Hindi ko masagot ang tanong niya na parang naputulan ako ng dila.

“Tss, you should never listen to someone saying bad to you. The three of you, I will zipper your mouth if you can't stop saying stupid words,” sigaw ni Louis. Agad naman niyang ibinaba si Elaine sa harap ng mga ito na ngayon ay nanginginig na dahil sa tindig ni Louis.

“Do anything you want, wife. Here is my pistol,” wika niya habang iniaabot sa akin ang baril na hawak niya. Napapikit ako nang mariin at hindi ko alam, pero dahan-dahan ko itong kinuha mula sa mga kamay niya.

Mas lalong nagulat ang mga nasa paligid nang itutok ko ang baril sa nasa gitnang babae na nagsabi na mukha akong b****a kapag katabi si Louis, pero napalingon ako nang may narinig akong putok ng baril na nagmula sa aming likuran.

Mga nakasuot ito ng itim na suit habang nakatutok ang kanilang mga baril kay Louis.

“Mukhang tamang-tama ang araw na ito, Montemayor. Bakit hindi natin ngayon ayusin ang away ng organisasyon natin? Iyon ay kung buhay ka pa,” sambit nito at tumawa nang malakas na um-echo sa loob ng hotel. Nag-panic ang mga tao at ang iba ay nagtatakbuhan, binabaril lamang sila ng kasamahan ng lalaki bago pa sila makalabas.

“Hide on my back, wife. I will protect you,” bulong ni Louis. Hinawakan niya ang baba ko at tinaas ito upang halikan ako sa noo. “Close your eyes when I say, I love you, okay?” malambing na wika niya. Napahawak naman ako sa puso ko dahil sa kaba. 

Ngunit isa lang ang na-realize ko. Ayaw kong mawala siya sa akin.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status