Share

XIV - Sacrifice

Third Person's Point of View

“Kita mo nga naman, huwag mong sabihin na may girlfriend ka na namang bago? Tss, ang bilis naman. Hindi pa namin napapatay si Mariella sa harap mo, pero huwag kang mag-alala, sisiguraduhin kong makikita mong mamatay ang bago mo!” sigaw nito habang ang boses niya ay dumagundong sa buong lugar. Mga limang tao na ang nakahandusay sa sahig dahil sa tama ng baril ng mga ito sa puso.

Pumaikot ang grupo ng mga armado kay Louis. Nasa likod si Elaine na kanina pa nanginginig sa takot. Hawak niya pa rin ang pistol na ibinigay sa kanya ng binata, ngunit hindi niya alam kung paano gagamitin ito. 

Naranasan niya lang makahawak ng ganito noong magpunta sila nina Venice at Baklang Elena sa isang bagong bukas na firearm training na nagtuturo kung paano humawak ng baril, ngunit nagtungo lamang sila roon dahil sa poging instructor na crush na crush ni Elena. Halos matanggal nga ang kaluluwa nito sa tuwing lalapitan siya ni Xypen. Kaya lang ay hindi pa sila nagtatagal sa training ay nakita nilang may kasama itong babae na ikinaselos ni Elena. Kaya't inaya sila nito na sa iba na lang ulit mag-enroll na tinanggihan na nilang dalawa ni Venice.

“Huwag kang magalit, Montemayor, ngunit may mata ako sa likuran mo. Kaya mamili ka kung sino ang pagkakatiwalaan mong mabuti,” wika ng lalaki. Dahan-dahan itong lumapit kay Louis na ngayon ay nakalabas na ang isang pistol.

Nang makalapit ang lalaki ay hinawakan nito ang baba ni Elaine na agad tinabig ni Louis. “Don't fucking touch her!” asik ng binata habang nanlilisik ang mga mata sa galit. 

“Chill, Montemayor. Wala naman akong balak agawin ang girlfriend mo,” wika nito at tinaas ang dalawang kamay upang patigilin si Louis. Nakatutok na sa kanya ang pistol habang hawak naman nito sa braso si Elaine na parang pinoprotektahan ito.

“Hayaan mo. Dumilat ka, Elaine. Ako nga pala si Serverus, tandaan mong mabuti ang mukha ko dahil ito na ang pagkakataon mo na makita ang papatay sa inyong dalawa ni Montemayor,” sambit ni Serverus. Ang mga mata niya ay napupuno ng galit at poot kay Louis dahil sa ginawa nito sa kanyang magulang.

Pinapangako niya sa sarili na ipaghihiganti ang mga ito.

Dahan-dahang dumilat si Elaine upang tingnan si Serverus. Ang mga mata nito ay napupuno ng galit. Mukha itong sobrang nai-stress dahil sa malaking eyebags nito at bitak bitak na labi. Mukhang masyado itong nagfo-focus kung paano makakapaghiganti kay Louis kaysa sa kalusugan nito.

“Mukhang mas maganda ang nabihag mo ngayon kaysa kay Mariella,” wika ni Serverus. Nagbulungan naman ang kasamahan niya dahil sa sinabi ng kanilang amo.

“Sa tingin mo ay nahihibang na si bossing? Eh ang pangit naman ng kasama ni Louis Montemayor. Mas sexy at matangkad ang kasama niya no'n,” panlalait ng isang lalaki na nasa gilid ni Elaine, sapat na upang marinig niya ito.

“Ulol, huwag mo akong pangunahan!” sigaw ni Serverus at binaril ang kasamahan niya na nagsalita nang masama tungkol kay Elaine. Ang ayaw niya sa lahat ay pinapakialaman ang kanyang mga sinasabi. Hindi niya ito pinatay dahil sa dalaga, dahil wala naman siyang nararamdaman dito na kahit ano.

“Bakit mo pinatay si Felix? Tama naman ang sinabi niya tungkol sa babaeng 'yan!” sigaw ng isa. Tinutok nito ang baril kay Serverus na nakangisi lang sa kanya. Masyado itong maingay.

“Bakit, gusto mo bang sumunod sa kapatid mo?” tanong niya. Ang labi ng kapatid ni Felix ay nagngingitngit sa galit.

“Totoo naman ang tinuran niya. Huwag mong sabihing gusto mo na ang kasama ni Louis!” sabat naman ng isa na ikinapikit ni Serverus sa inis. Kung papatulan niya ang mga ito ay baka maubos ang mga kasamahan niya.

“Putangina, tahimik!” sigaw niya at nagpaputok ng baril mula sa taas upang makuha ang atensyon ng mga kasamahan niya.

“Si Louis ang kalaban natin kaya kung wala kayong magandang sasabihin, huwag na lang kayo magsalita kung ayaw ninyong matulad kay Felix,” sambit niya. Tumango naman ang mga ito. 

Agad namang nagsalita si Louis na kumuha ng atensyon nila. “Then shoot me, but if you ever try to touch, her I'll kill all of you,” pagbabanta niya na ikinatawa ng malakad ni Serverus. “Hindi mo kami tauhan, Louis, para utusan. Papatayin kita kasama ng pinagtatanggol mong babae kaya huwag kang mag-alala!” sigaw nito at tuluyan nang sumugod ang mga tauhan ni Serverus kay Louis.

Ang mga unang sumugod ay mga kutsilyo lang ang gamit kung kaya't bago pa man sila makalapit ay binabaril na sila ni Louis. Si Elaine naman ay napatakip ng tainga dahil sa ingay. Parang bumabalik tuloy siya sa lugar kung saan laging may dumudukot sa kanya noong bata siya. Mabuti na lang at lagi siyang naliligtas ng ama niya.

Palipat-lipat pa nga sila ng bahay noon dahil sa mga pagtatangka sa kanila. Kaya't one time, tinanong niya ang ama kung bakit siya dinudukot ng mga ito, pero lagi lang nitong sinasagot na malalaman din niya ito sa madaling panahon. 

“Nakapagtataka lang, Louis, kung bakit inuuna mo pang ipagtanggol ang babaeng 'yan kaysa sarili mo. Hindi ka ba natatakot sa kamatayan na naghihintay sa 'yo?” sambit ni Serverus. Pawisan na si Louis dahil sa pagbaril nito sa mga lumalapit sa kanila ni Elaine.

Ngunit sa tuwing naaalala niya ang sinabi ng ama niya na protektahan ang dalaga nang buong buhay niya ay nagtataka siya kung bakit. Lalo na ngayong nalaman niya na anak ito ng dati niyang yaya. Siguradong may koneksyon ito sa lahat ng bagay na kailangan niyang pagsama-samahin.

“Puntiryahin ninyo ang babaeng kasama ni Louis!” sigaw ni Serverus na sinunod ng mga kasama niya. Tinutok nila ang mga baril sa dalaga at sinimulang paputukan ito, ngunit binuhat lamang siya ni Louis upang i-dodge ang bala na tatama sa kanila.

Nang idilat ni Elaine ang kanyang mata ay nakita niya ang binata na pinagpapawisan na. Nakakatatlong tapon na ito ng pakete ng bala, ngunit sa sobrang daming tauhan ni Serverus ay parang mas mauuna pang maubos ang mga dala niyang bala kaysa mga ito.

Nanlaki ang mata ni Elaine nang biglang magpaputok ng baril si Serverus mula sa malayo na tatama sa kanya, parang naestatwa siya sa kinatatayuan at unti-unting nag-flashback sa kanya ang nangyari sa kanyang ina.

***

“Elaine, umalis ka na rito!” sigaw ng kanyang ina habang tumatakbo sila sa madamong kagubatan. Hindi niya alam kung bakit sila hinahabol ng mga armadong lalaki, ngunit may tama na ang kanyang ina sa tagiliran nito kung kaya't kinakapos na ito ng hininga.

Wala siyang kaalam-alam sa nangyayari. Ang akala niya ay pupunta lamang sila sa tito niya na sinasabi ng ina niya.

“Anak, umalis ka na rito bago ka pa nila mahabol. Nagmamakaawa ako sa 'yo. K...k-apag nakita mo ang ama mo, sabihin mong mahal na mahal ko siya,” wika nito. Tuluyan na itong kinapos ng hininga. Hindi na niya kayang tumakbo pa at napapapikit na rin siya. Alam niya anumang minuto ay matutunton na sila ng kapatid niya at hindi ito mag-aalinlangan na patayin ang anak niya. 

Ang buong akala niya ay nagbago na ito at balak sumapi sa kanya, ngunit nagkakamali siya. 

Nagulat ang batang si Elaine nang marinig niya ang hakbang na patungo sa kanilang dalawa ng kanyang ina. Tumutulo na ang mga luha niya. Hinalikan lamang siya ni Serena sa noo. “Shhh. K...k-ailangan lagi kang maging matapang,” nauutal na wika nito bago siya tuluyang itulak ng kanyang ina upang tumakbo na.

Hindi mapigilan ang pagtulo ng mga luha niya habang binabagtas ang daan palabas sa kagubatan. Mas lalong lumakas ang kabog ng dibdib niya nang marinig ang bala ng baril na ang ibigsabihin ay natunton ng mga ito ang kanyang ina.

Napahawak na lang siya nang mariin sa bracelet na ibinigay ng kanyang ina. Bata pa lamang siya, pero ito ang nagbigay ng trauma sa kanya. Ilang buwan siyang hindi nakapagsalita dahil dito kaya't nagpupunta sila ng kanyang ama sa psychologist upang laging patingnan ang kalagayan niya.

***

“Fuck, wife. Get down!” sigaw ni Louis. Tumakbo ito papunta sa kanya na ikinatama ng bala ng baril sa likuran ng binata. Nagulat siya sa ginawa nito nang tuluyan silang bumagsak sa sahig.

Puro dugo ang nahawakan niya mula sa likuran nito na ikinaiyak niya. Nangyayari na naman ang bagay na ito dahil sa kanya. Nagsimulang tumulo ang luha niya, ngunit agad naman siyang pinatahan ni Louis. “Shhh,” sambit nito. Nanginginig na si Elaine. 

Hindi niya alam kung ano ang gagawin, ngunit nagsalita siya habang humihikbi. “K...k-asalanan ko ito, sorry. Hindi mo dapat ginawa ang bagay na 'yon. Para sa akin ang bala, hindi para sa 'yo,” wika ni Elaine habang sinisisi ang sarili sa nangyari. Ngumiti lamang sa kanya ang binata.

“It's my duty to protect you, so don't feel guilty about it. Besides, I'm happy that you're fine. I can't forgive myself if something happens to you,” sambit ng binata. Kaagad namang nagsalita mula sa likuran nila si Serverus na pumapalakpak pa. 

“Wow, napaka-romantic naman. Akala ko ay nanonood ako ng drama. Hayaan mo, isusunod kita kay Louis,” wika nito. Itinutok nito ang baril kay Elaine. Dahan-dahan namang humarap si Louis habang hawak ang likod nito na tinamaan ng baril at tinutok din ang baril kay Serverus.

“As if I will let you do that,” sambit ni Louis. Nanghihina na siya sa tama ng bala sa likod niya, ngunit hindi niya hahayaang galawin nito si Elaine.

“Tss, ayaw mo bang makasama ang girlfriend mo sa impyerno? Dapat nga, magpasalamat pa kayo sa akin dahil hindi na kayo magkakalayo,” wika ni Serverus. Nagulat sila nang bumukas ang pinto at tumambad roon sina Volstrige na may kasamang mga tao.

“Damn, you're all late,” mura sa kanila ni Louis. Humingi naman ng tawad ang mga ito at tuluyan nang sinugod ang mga kasamahan ni Serverus. 

“Sumuko ka na, Serverus. Napaliligiran na namin kayo,” sigaw ni Brennon. Mas lalong nanlisik ang mga mata ng binata at tinutukan muli ng baril si Louis.

“Kung lalapit kayo, papatayin ko muna ang boss ninyo!” sigaw nito. Bakas sa mga mata niya ang galit dahil hindi pa siya tuluyang nakakapaghiganti kay Louis.

Hindi naman sila makalapit kay Serverus na ikinatawa nito nang malakas. “Masunurin naman pala kayo, eh. Hayaan ninyo, bibilisan ko ang pagtapos sa boss ninyo,” wika nito. Nanlalabo na ang mga mata ng binata.

“Anong problema, Louis? Mukhang nanghihina ka na yata,” pang-aasar nito sa binata na hindi na makatayo. Mabuti na lamang ay inalalayan ito ni Elaine na ngayon ay sinisisi pa rin ang sarili.

“Fuck!” mura ni Louis dahil tuluyan nang nanlalabo ang mga mata niya. Hindi naman siya ganito sa tuwing tinatamaan siya ng bala. Sa totoo lang ay parang sanay na nga ang katawan niya sa ganito, pero kakaiba ang ngayon.

“Anong problema? Kawawa ka naman. Ilang sandali na lang ay mamamatay ka na dahil sa cyanide na inilagay ko sa bala ng baril. Akala mo ba ay maiisahan mo ako, Louis?” wika nito habang humahalakhak na ikinalaki ng mata ni Elaine. Kailangan nilang madala agad sa hospital ang binata. Kung hindi ay mawawala ito sa piling niya. Tuluyan nang nanghihina ang tuhod ng binata. Tinutok nito ang baril kay Elaine na ikinagulat niya.

“W...w-ife, go away,” nauutal na sambit ng binata. Umiiyak lamang si Elaine. Hindi niya iiwan ang binata na isinakripisyo ang sarili para sa kanya.

“Barilin mo na ako, pero huwag na si Louis!” wika niya habang umiiyak. Tiningnan lamang siya ni Serverus at kinalabit ang gatilyo, pero bago pa man ito tuluyang tumama sa kanila ay niyakap ni Elaine si Louis at nagpagulong sa sahig hanggang sa bigla na lamang bumagsak si Serverus sa sahig dahil sa tama ng baril nito.

“Tss, hindi ko alam na may kakayahan ka palang humawak ng baril,” wika ni Serverus at akmang papaputukan pa sila ng baril ni Louis nang muli niyang barilin ito na tumama sa kamay nito.

“Damn you, woman!” sigaw nito. Bago pa makalapit ang binata kina Elaine ay may tumamang baril dito na galing kay Alex.

Agad itong napadapa dahil sa tama ng baril nito. “B...b-akit mo ako tin—” Naputol ang sasabihin ni Serverus dahil pinaulanan ito ng bala ni Alex upang hindi na ito tuluyang makapagsalita.

Nabitiwan naman ni Elaine ang baril na hawak niya at tuluyan nang nahimatay sa tabi ng binata. 

Sana lang ay maging maayos ang kalagayan nito.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status