Elaine
Hindi ko alam, ngunit walang lumalabas na kahit anong boses hanggang sa bigla na lang akong hatakin ni Eron papalayo kay Louis na abala sa pakikipag-usap sa isang babae.
Kasabay ng paghila niya ay ang luha na hindi ko alam kung bakit bigla na lang tumulo sa mga mata ko.
Mukhang wala naman itong pakialam dahil hindi niya man lang ako tinapunan ng kahit katiting na tingin. Abalang-abala siya sa pakikipag-usap sa babaeng iyon. Sino ba ang babaeng iyon at noong kausapin siya ay ayaw niya na akong pansinin?
“Ayos ka lang ba, Elaine?” tanong ni Eron nang makita niyang tumutulo na ang luha ko. Kaagad ko naman itong pinahid upang hindi niya mahalata na umiiyak ako dahil sa inis.
“A, oo. Ayos lang ako. Huwag mo akong pansinin. Napuwing lang,” pagdadahilan ko sa kaniya at pilit na ngumiti. Mukhang hindi naman siya masamang tao dahil ang sabi niya ay naging kaklase niya noong high school sina Kaizer at Louis.
Kaya ang akala ko ay matutuwa si Louis na makita si Eron, ngunit mukhang wala sila sa maayos na kondisyon.
Nagpatuloy kami sa paglalakad, ngunit nagsisimula nang mangawit ang mga paa ko kaya huminto muna ako upang habulin ang hininga. “Saglit nga, saan ba tayo pupunta, ha?” tanong ko sa kaniya. Sa halip na sagutin niya ito nang maayos ay nginitian niya lamang ako.
“Kung wala kang balak sabihin ay babalik na lang ako sa football game,” pananakot ko. Agad naman siyang napabuntonghininga bago muling nagsalita.
“Oo na. Ito na nga, sasabihin ko na. Babalik ka pa r’on, e nasasaktan ka na nga. May alam akong lugar kung saan mo puwedeng ilabas lahat ng hinanaing mo sa buhay,” sambit niya na ikinakunot ko ng noo dahil hindi ko lubusang maintindihan ang sinasabi niya.
“What do you mean about that?” tanong kong muli. Ngumiti siyang muli na parang nang-aasar bago muling sumagot.
“Hinanaing mo sa buhay. Katulad ng pagseselos mo kanina,” sambit niya na agad kong ikinanganga. Ang lakas naman ng loob niya mang-asar. Sinubukan kong kuhanin ang sapatos ko at akmang ibabato sa kaniya, pero bigla na lamang siyang tumakbo. Wala naman akong nagawa kundi sumunod na lamang sa kaniya dahil hindi ko na alam ang daan pabalik sa pinuntahan namin ni Louis.
Bakit ba ako sumama sa mokong na ito? Kung alam ko lang na malakas ang tama niya ay sana pinag-untog ko na lang silang dalawa. Pareho naman silang nakakainis. Lalo na si Louis na pagkatapos kang pakiligin, bigla na lang haharot sa iba, hays. Mga leche talaga ang mga lalaki!
Tumigil kami sa isang lugar kung saan natatanaw ko ang mga nakahandang balloons na parang may magaganap na party. Kaagad akong tumalikod dahil baka nagkamali kami ng napuntahan na dalawa. Ang sabi niya kasi ay lugar kung saan maglalabas ng hinanaing kaya ang ine-expect ko ay parang bundok na walang tao, pero sabagay, saan ba makahahanap ng ganoong lugar sa isla na ito?
Nanlaki ang mata ko nang bigla akong hilahin ni Eron papasok sa loob kaya agad ko siyang hinampas. “Gagi, saglit lang. Wala akong matandaan na may okasyon ngayon, saka ngayon lang kita nakilala. Huwag mong sabihing type mo na agad ako?” reklamo ko sa kaniya habang iwinawagayway ang kamay ko na parang pinalalayo siya.
Bigla na lamang siyang humalakhak nang malakas na ikinataas ko ng kilay. Aba, gago pala ito, e.
“Hoy, kung akala mo, easy to get ako, nagkakamali ka. Kaya ibalik mo na ako kay Louis,” sambit ko at nagpamaywang pa upang hindi niya mahalata na kinakabahan na ako.
“Huwag kang mag-alala, hindi kita type. Libre mangarap, pero ’wag lubusin. Sa guwapo kong ito, malabong ikaw ang tipo ko,” wika niya at tiningnan pa ako mula ulo hanggang paa na parang kinikilatis ako.
Dahil sa inis ko ay tinadyakan ko siya. Ang kapal naman ng mukha niya. Akala mo kung sinong guwapo. Akmang tatakbo na sana ako palayo sa kaniya nang bigla niya akong hilahin sa baywang kaya nagkalapit ang mga mukha namin.
Napalunok ako dahil sa kaba. Ikakasal ka na, Elaine, kaya huwag kang malandi riyan, pangungumbinsi ko sa sarili. Nagulat ako nang bigla niyang inilapit lalo ang mukha niya kaya bigla ko siyang naitulak dahil sa gulat.
“Kita mo, assuming ka talaga. As if namang hahalikan kita,” sambit ni Eron at umakto pang nasusuka na agad kong ikinairap.
“Halika na kasi sa loob. Huwag ka nang umarte. Si Eros ang may-ari ng lugar na ’to kaya huwag kang mag-alala, hindi naman kita ipapahamak,” dagdag pa niya. Wala akong nagawa kundi sumunod na lamang sa kaniya dahil ang layo ko na rin sa stadium kung nasaan si Louis.
“Siguraduhin mo lang. Kapag tayo nahuli ng mga pulis dito. Trespassing,” wika ko sa kaniya habang nakahawak sa kaliwang dibdib ko. Masyadong malakas ang kabog nito dahil sa kaba.
Itinaas niya ang kadena na nakaharang sa entrance at naunang pumasok. Akmang tatakbo na sana ako nang may lumabas na guard. Nagulat ako nang bigla siyang batiin ng mga ito.
“Magandang tanghali, Sir Eron. Mukhang may kasama ka na namang babae ngayon, a?” wika nito. Nginitian naman ako ng kasama niya at wala akong nagawa kundi bigyan din ito ng isang pekeng ngiti.
Mukhang akala nito ay isa ako sa flings ni Eron. Ang kapal naman ng mukha niya na dalhin ako rito gayong puro babae pala niya ang dinadala rito.
“A, oo. Ito nga pala si Elena, bago kong kasintahan,” wika ni Eron. Lumapit pa ito para akbayan ako. Sisipain ko sana siya palayo nang bigla niya akong bulungan na magpanggap na lang din.
“Nice to meet you po,” sambit ko upang hindi nito mahalata na nagsisinungaling lang kaming dalawa. Kaagad naman itong tumango at tuloy-tuloy na kaming naglakad ni Eron.
Nang hindi na ito nakatingin ay kaagad kong tinanggal ang kamay niya sa balikat ko. “Masyado mo naman yatang nagustuhan, kupal,” wika ko at akmang hahampasin siya nang bigla niya akong buhatin papunta sa lugar na puno ng pagkain.
Pagkatapos naming maupo ay inabutan niya ako ng strawberry na agad ko namang kinuha. “Ano ba pag-uusapan natin?” tanong ko sa kaniya at tumingin sa view. Sigurado kayang ayos lang na rito kami maupo? Mukhang may gaganapin pa naman dito na event.
Napakaganda ng tanawin. Kung sino man ang babaeng sosorpresahin dito ay napakasuwerte naman niya. Maganda ang lugar na napili ng boyfriend niya.
“Nakita ko ang selos mo kanina sa kausap ni Louis. Huwag mong sabihin na-in love ka sa kaniya?” tanong nito habang nagsisimulang kumain ng saging na nasa basket. Kaagad naman akong napaiwas ng tingin nang banggitin niya ang binata. Kahit sa akin ay hindi pa rin malinaw kung dapat ba akong maniwala sa mga ipinakikita niya sa akin.
Alam naman naming dalawa na ipinagkasundo lang kami.
“Anong selos ba sinasabi mo, ipinagkasundo lang kaming dalawa kaya bakit naman ako mai-in love sa kaniya?” sarcastic na tanong ko at sinimulang kainin ang strawberry. Napalingon ako kay Eron nang makita kong tumatawa ito.
“Ano ba’ng problema mo?” inis na tanong ko sa kaniya at na-realize ko na lamang ito nang makitang pati ang green sa strawberry ay nakain ko na.
“’Yan ang hindi nagseselos,” wika niya at tumawa pa nang malakas para asarin ako. Napairap naman ako sa inis, ngunit nagsimula nang tumulo ang luha ko na kanina ko pa pinipigilan.
“Oo na, nagseselos ako! Masaya ka na ba, ha?” sigaw ko sa kaniya. Tumayo ako upang umalis na sa lugar na iyon, ngunit nagulat ako nang bigla niya akong inabutan ng panyo na kaagad kong ikinatingin sa kaniya.
“O, tanggapin mo bago pa magbago ang isip ko,” sambit niya at lumingon palayo para hindi niya makita na umiiyak ako. Agad ko naman itong tinanggap at pinunasan ang luha ko.
Nagka-crush din naman ako sa isang lalaki, pero hindi ganito ang naramdaman ko.
Umupo akong muli at kumain ng mga prutas. “Ilabas mo na para wala ka nang kinikimkim diyan,” wika niya. Pumikit ako at huminga bago magsalita. Siguro nga tama siya, kailangan kong ilabas ang nararamdaman ko para hindi ako mapuno.
“Hindi ko alam kung tama ba na magselos ako, pero n’ong makita ko silang dalawa ni Mariella, parang gusto kong pumasok sa kuwarto kung saan sila nag-usap at ilayo si Louis sa lugar na ’yon, pero tuwing naalala ko kung paano niya banggitin ang babaeng ’yon n’ong lasing siya, parang may pumipigil sa akin,” panimulang wika ko. Nakatingin naman sa akin si Eron na kumakain ng ubas. Mukha namang nakikinig siya sa akin.
“Tapos nagulat na lang ako na bigla na lang siya naging mabait sa akin. May pa-surprise pa nga siya. Kaya lang, dahil sa isang babae, nakalimutan niya agad ako. Ano ba’ng alam ko kung may past sila ng babaeng kausap niya? Hindi ko pa malalaman. Ano ba ang akala niya sa akin, rebound? Ha? Sabihin mo nga! Rebound ba ako?” sigaw ko. Kaagad naman akong kumalma nang makita ko si Eron na napahinto sa pagkain dahil sa ginawa ko.
Nagulat ako nang bigla niya akong binigyan ng isang bote ng gin. “Ano ang gagawin ko rito?” tanong ko dahil wala akong kaide-ideya kung ano ang gagawin ko sa ibinigay niya.
“Try mong basagin, sige. Malamang, iinumin. Tanga, tsk,” wika niya na ikinakunot ko ng noo. Nagulat ako nang agawin niya ito mula sa mga kamay ko at nagsalin. Tumayo naman kami para pumunta sa gawing dalampasigan.
Maganda ang dagat sa lugar na ito, pero wala naman akong dalang pamalit kaya titingnan ko na lamang ito.
Nang maging abala ako sa paghawak ng mga buhangin ay bigla na lamang may kumalabit sa akin. “Elaine,” wika nito at nang lumingon ako ay nakita ko si Kaizer na nakangiti sa akin.
Ano ang ginagawa niya rito?
“Paano mo nalaman na nandito ako?” tanong ko sa kaniya. Lumingon naman ako upang tingnan si Eron na nagkakamot lamang ng ulo. Mukhang pinagti-trip-an ako ng lalaki na ito. Sinamaan ko naman siya ng tingin, ngunit nagkibit-balikat lamang siya sa akin at tumakbo.
Aba, siraulo ’yon, a.
“Suotin mo ’to. May mahalaga tayong pupuntahan,” wika ni Kaizer na ikinapagtaka ko. Ano ba ang binabalak niya?
“Para saan?” tanong ko. Hindi niya ako sinagot at sinuot na lamang sa akin ang isang handkerchief upang takpan ang mga mata ko.
Hindi naman maawat ang kaba ko habang naglalakad kami. Nang huminto kami ay hindi ko na maramdaman ang buhangin sa mga paa ko, napalitan ito ng malamig na tiles.
Dahan-dahan tinanggal ni Kaizer ang harang sa mata ko. Nang idilat ko ang mata ko ay bigla na lamang may pumutok na party popper na agad kong ikinagulat. Nakita ko si Louis na papalapit sa akin. Ang mga musicians ay sabay-sabay na tumugtog ng Marry Your Daughter na kanta ni Brian McKnight.
Halo-halong emosyon ang naramdaman ko nang makita kong nakangiti sa akin sina Tita Hacel habang papalapit sa akin ang anak nila.
“Hello, wife,” wika ni Louis at ngumiti sa akin. Bakit sila nakaayos? Ano ba ang mayroon ngayon?
Nagulat ako nang biglang lumuhod si Louis na agad kong ikinaiyak. Ano ang ginagawa niya?
Mas lalong kumabog nang malakas ang dibdib ko nang bigla siyang naglabas ng isang box at binuksan ito sa harap ko. “Will you marry me?” tanong niya. Ang mga mata niya ay nakatingin sa akin na parang hindi lang dahil sa kagustuhan ng magulang niya kaya siya nag-propose, kundi dahil gusto niya na rin.
Nang lumingon ako sa paligid ay parang hinihintay nila ang sasabihin ko. Napangiti naman ako. Kung sakali mang walang nararamdaman sa akin si Louis ay sapat na ang ginawa niya upang ma-realize ko sa sarili ko na mahal ko na siya.
“Yes,” sagot ko at huminga nang malalim upang ulitin muli ang sinabi ko, “Yes, Louis. I will marry you.”
At sa mga oras na iyon, ang tanging nararamdaman ko lang ay ang pagkabog ng dibdib habang ikinakabit niya ang singsing sa palasingsingan ko.
Kahit walang kontrata, siya at siya pa rin ang pipiliin ko na pakasalan. Dahil siya lamang ang nagparamdam sa akin nang ganito.
ElaineMabilis lumipas ang mga araw, nalaman namin ang balita na nakawala si Zap kaya mas lalong dumoble ang security namin habang naghahanap ng leads kung sino ang tumulong kay Zap na makatakas at kung nasaan ang tunay kong ama.Nagbitiw ako ng malalim na buntonghininga bago tuluyang isandal ang ulo ko sa upuan. Ang buong akala ko ay matatapos na ang kasamaan ng mga Valencia, pero we were back to zero again.“Everything will be fine, wife. As long as we are together, we can do anything. I’ll dispatch more people to look for leads,” wika ni Louis. Hinawakan niya ang kamay ko. Napangiti ako.“Thank you, hubby, for always being by my side. Even when I’m still looking a part of my past identity, you’re patient,” usal ko at binigyan siya ng halik sa pisngi.Kinagabihan, habang inaasikaso ko ang paperworks na ipinasa sa akin ng wedding organizer na kinuha namin ay biglang umiyak si Mace
LouisI’ve always thought of myself as the man who knew everything. Someone who was calculated, cold, and efficient—that’s who I am. Or rather, who I was, before Elaine. She wasn’t just a woman I was ordered to marry; she was the reason I started questioning everything about my carefully constructed world.It all started when I saw her for the first time walking with her friends down the street. I was in the backseat of my car, flipping through meaningless reports about the family’s business when I caught sight of her. She wasn’t extraordinary by any conventional standard. She had oversized glasses perched on her nose, braces, and hair that seemed to have a life of its own. Yet, there was something about her laugh. It was carefree. It was pure.“Who’s that woman?” I blurted out, startling Brennon.His eyes flicked to the rearview mirror, confused. “I—I don’t know, si
Elaine Malamig ang simoy ng hangin noong araw na nagpunta ako sa sementeryo. Tirik ang araw, pero hindi masakit sa balat dahil pa-hapon na. Tahimik, ramdam ko pa rin ang bigat sa puso ko habang nilalakad ang daan patungo sa puntod ni Ama. Sariwa pa rin sa akin ang lahat ng nangyari, sa isang iglap ay natapos ang lahat ng kasamaan ng mga Valencia. Pero alam kong hindi pa rin dito nagwawakas ang lahat dahil may mga organisasyon pa rin na gustong mapasakamay ang ledger na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maalala. Sa huli, nakulong si Zap na may patong-patong na kaso habang si Mariella ay dinala ni Lucas sa psychiatrist dahil halos mabaliw ito sa lahat ng nangyari. Binasa ko ang lapida na may nakasulat na Raymond Natividad. Ibinaba ko ang bouquet na ng puting rosas at nagsindi ng kandila. Napakabuting ama niya sa akin, lahat ay ginawa niya para maprotektahan ako. “Ilang buwan na lang, manganganak na ako. Sisiguraduhin kong dadalhin ko sila rito para makita mo,” wika ko habang kumiki
Elaine Nang idilat ko ang mga mata ay naramdaman ko ang pahirap na nakatali sa aking mga kamay. Ito ay matigas at malamig, parang sinadyang higpitan para magdulot ng matinding sakit. Nanginginig kong tiningnan ang paligid. Para kaming nasa storage room, at bukod sa akin ay may dalawa pang tao—si Kaizer at Ama, na parehas ding nakatali sa upuan. “Ely . . .” Boses ni Kai. Mahina iyon ngunit puno ng pag-aalala. “Ayos ka lang ba?” Tumango naman ako kahit taliwas ang sinasabi ng puso ko. Mabilis ang pintig nito dahil sa kaba at takot na may mangyayari sa amin na masama. “A-Alam mo ba kung nasa’n tayo?” tanong ko. Nag-crack ang boses ko. Napailing siya. “Sa ngayon, ang alam ko lang ay na-kidnap tayo ng Valencia Organization. Hindi ko alam kung paano nila tayo nahanap, I will make sure na makatatakas tayo.” I was scared for the baby in my womb. Wala siyang kinalaman dito. “Everything will be fine, Ely, trust me,” sambit ni Kaizer. Mukhang may plano siya. “Ugh,” ungol ni Ama habang dah
ElaineNag-stay kami ni Louis sa Florida nang dalawa pang linggo. Nang makita ako ni Louis noong gabing iyon ay lagi niya akong kino-comfort. Bihira na lang din kaming gumala ulit at kung lalabas man kami ay may bantay kami. Hindi niya rin ako tinanong kung ano ang nangyari, mukhang hinihintay niya na ako ang kusang magkuwento.Ngayong araw ay susunduin kami ni Valerian para ihatid kami pabalik sa Pilipinas.“I want to stay here for awhile,” wika ko habang inaayos ang mga damit at pasalubong na binili namin.“We will come back here again. This is one of our houses now, I just need to finish all my work,” Louis answered and pecked a kiss on my cheek.Nang makasakay kami ay nginitian ako ni Valerian. “Looks like the newlyweds enjoyed their honeymoon that much. Aunt Hacel said to get both of you after three days, but someone wants to stay longer.”“Shut up, dickhead,” wika ni Louis na ikinatawa ko. So siya lang pala ang nagplano na isang buwan kami rito.“Nasaktan naman ako sa bati mo, pr
ElaineIt had been a week, paulit-ulit ang naging routine namin ni Louis. Para na talaga kaming tunay na mag-asawa. Sa umaga ay ipinagluluto niya ako at gagala kami sa buong maghapon. Halos gabi-gabi ring may nangyayari sa amin. Sa totoo lang, parang panaginip ang lahat at ayaw ko nang magising.“Wife, are you still mad at me? I didn’t mean to act roughly last night,” wika ni Louis habang sinusubukan akong subuan ng kanin.“No. I’m not mad,” matipid na sagot ko.“Then why are you so quiet? Hmm,” tanong ni Louis. Sa totoo lang, gugustuhin ko na lang na nandito kami dahil baka mamaya kasi kapag umuwi kami ay may magbago na naman sa relasyon namin.“May iniisip lang ako,” sabi ko.Sumeryoso ang mukha niya. “What is it? You can tell me.”Bahagya na lang akong napangiti. Mas mabuti nang itago ko na lang muna ang nakita ko. Baka mamaya ay paghinalaan niya ako na may connection kay Zap.“I’m just thinking about where we will go today. Ang dami palang magagandang view rito. Maligo muna ako par