Share

XVII - Surprise Gone Wrong III

Third Person's Point of View

Dahan-dahan silang lumabas sa bar upang masiguro na walang naghihintay sa kanila na paparazzi sa labas. Bago umalis kanina ay hindi mapigilang bulungan ni Juliana si Noah na nagse-serve sa ibang mga customer.

“Good luck in your work, handsome. I will text you later,” bulong niya at hinalikan sa pisngi ang binata nang makitang walang tao na nakatingin sa kanila.

Kaagad naman siyang kinindatan nito at tuluyan nang bumalik si Alexa na nasa restroom. Inaya na siya nito na ituloy na ang surpresa para kay Elaine. Pinalipas lang nila ang oras upang masiguro nila na wala nang nakasunod sa kanila na mga reporter, masyado kasi itong makukulit at hindi sila makapapasok sa loob ng hospital dahil sa dami ng mga ito.

“Nakita ko 'yon, haliparot ka. If you don't kuwento mamaya, isusumbong kita kay Kuya Kaizer,” bulong ni Alexa habang papasok sila sa hospital. Napakalinaw talaga ng mga mata nito sa mga ganitong bagay. Kung sabagay, wala siyang dapat itago sa dalaga dahil ito ang pinakamaasahan sa mga nakapaligid sa kanya.

Hindi naman siguro siya ilalaglag ng sarili niyang pinsan.

“Oo na, basta huwag ka lang maingay,” wika niya. Dahan-dahan silang pumasok sa loob ng hospital. Sinenyasan niya ang iba nilang kasama na wala nang mga reporter sa loob.

“Are you sure na makakaabot pa tayo? Baka naman naunahan na tayo ni Kuya Louis,” tanong ni Alexa habang naglalakad sila papunta sa elevator. Masyado kasing nakakatamad kung maghahagdan lang sila papunta sa silid kung nasaan si Elaine.

“Kung gano'n, alam mo na ang gagawin,” sambit ni Juliana. Nang makapunta na sila sa harap ng silid ng dalaga ay kaagad silang kumatok. Inihanda nila ang mga balloons na natira at ang regalo ni Louis.

Binuksan ni Alexa ang pinto at akmang magsasalita. Kaya lang ay natigilan sila nang makita ang Kuya Louis na nakayakap sa babaeng nasa kama.

“Nakakaabala ba kami?” tanong ni Juliana, ngunit kaagad namang itinulak ng dalaga si Louis at nagtakip ng kumot.

“Obviously. Tss,” wika ni Louis habang nakakunot ang noo. Sinasabi na nga ba niya na papalpak ang mga ito sa plano. Kung alam niya lang ay hindi na sana niya ipinagkatiwala ang sorpresa sa kanila.

“Sorry, Kuya Louis. Lalabas na lang kami,” sambit ni Juliana at akmang isasara ang pinto nang bigla itong pigilan ni Louis at kaagad silang tinutukan ng baril.

“K...K-uya, anong ginagawa mo?” tanong ni Alexa. Napapalunok siya nang wala sa oras dahil sa kaba. 

Huwag mong sabihin na balak sila nitong patayin dahil nagkamali sila ng babaeng sinopresa?

“Follow my lead,” bulong ni Louis na kaagad niyang ikinatango dahil sa kaba. Mukhang balak nitong ituloy ang sorpresa sa dalaga, pero ano kaya ang binabalak nito?

Binuksan nila ang pinto at kaagad silang sumigaw ng, “Happy Valentine's Day, Ma'am Elaine!” Na kaagad ikinabangon ng dalaga upang tingnan ang mga tao na nasa labas.

Kaagad siyang napalingon kay Louis na ngumiti sa kanya. “Happy Valentine's Day, wifey. Can we have a date tomorrow?” tanong ng binata. Hindi mapigilang mapaiyak ni Elaine dahil ngayon lang siya nasorpresa nang ganito. 

Ang buong akala kasi niya ay para kay Mariella ang lahat ng inihanda ng mga ito dahil nakita niya ang balita sa TV. Hindi lang 'yon, ang akala niya ay kung sino lang ang nagbukas ng pinto kaya kaagad siyang nagtalukbong ng kumot dahil sa hiya.

“Of course,” sagot niya at kaagad na lumapit kay Louis upang yakapin ito. 

Hindi alam ni Elaine, ngunit sobrang saya niya na ayos lamang ang binata at hindi siya nito nakalimutan ngayong Valentine's Day. 

Sana lang ay hindi ito magbago ng pakikitungo sa kanya dahil alam niya sa sarili na nahuhulog na siya sa binata.

Nagulat siya nang bigla nitong ialok ang kanang kamay sa kanya. “Can I have this dance?” tanong nito na kaagad niyang ikinatango.

Sinenyasan ni Louis ang mga ito na magpatugtog ng kanta na kaagad nilang sinunod. P-in-lay nila ang musikang Every Woman in the World na kinanta ng Air Supply.

Napangiti naman sila nang magsimulang magsayaw ang dalawa. Ito na yata ang pinaka-sweet na nakita nila. Ngayon lang kasi nila nakita na mag-effort ang kuya Louis nila sa isang babae.

Mga ilang minuto pa ay natapos na ang mga ito. Lumapit naman si Juliana at nginitian si Elaine. “Ito nga po pala ang regalo ni Kuya Louis. Pasensya na, Ate. Wala kasi siyang binanggit na pangalan kung kanino ibibigay, eh,” pang-aasar ng dalaga. Kaagad namang napangiti si Elaine dahil nakakunot ang noo ng binata habang ibinibigay nila ang aso at pusa na regalo nito.

“Tss, you can leave now,” wika ni Louis habang isinesenyas ang kamay niya na umalis na silang lahat.

“Oo na, wala man lang thank you. Hmp,” sambit ni Juliana at tumatalikod pa kunwari ay nagtatampo. Kaagad naman siyang kumaripas ng takbo nang marinig niya ang pagkasa ng baril ni Louis.

“Goodbye, Ate Elaine. Ikaw na bahala kay Kuya,” sigaw nito at kumaway pa habang paalis sila ng silid kung saan naroon ang dalawa.

“Salamat,” mahinang bulong ng dalaga ngunit sapat na upang marinig ni Louis.

Napangiti naman ito nang palihim at kaagad na tumalikod sa dalaga upang hindi nito makita ang pamumula ng mga pisngi niya.

“You deserve it,” sambit ni Louis. Nilapitan niya ang dalaga upang halikan sa noo, ngunit natigilan sila nang biglang may kumatok sa pinto.

Napabuntonghininga naman ang binata dahil sa sumira ng moment nila. Nginitian lamang siya ni Elaine at binuksan ang pintuan. 

Tumambad sa kanila ang isang babaeng naka-wheelchair, nakasalamin ito at nakasuot ng scarf upang hindi siya makilala ng mga papparazzi.

“Where is Louis?” tanong nito kay Elaine. Napataas ang kanang kilay niya dahil sa sinabi nito. Sino ba siya para hanapin ang binata?

“Ano ang kailangan mo sa kanya?” pabalik na tanong ng dalaga, ngunit kaagad lamang nitong tinanggal ang shades niya at muling nagsalita.

“Kung isa ka man sa flings niya, get out of my way,” wika nito at tinabig siya upang makadaan, ngunit kaagad namang nabaling ang atensyon ni Louis sa kanila at pinuntahan si Elaine.

“What is happening here?” tanong ng binata. Tiningnan niya ang dalaga kung ayos lamang ito at saka ibinaling ang tingin kay Mariella nang masigurado niyang ayos lamang si Elaine.

“And what the hell are you doing here?” kunot-noong tanong ng binata. Sinubukan namang tumayo ni Mariella sa wheelchair niya upang mapantayan ang mukha ng binata.

“Can you tell your fling to go out for a while?” sambit nito na ikinainit ng ulo ng binata. Hindi niya alam kung bakit gano'n nalang ang nararamdaman niya sa tuwing may nagsasabi nang gano'n kay Elaine ngunit, kaagad niyang hinigit ang dalaga at hinalikan ito sa harap ni Mariella.

“She is my wife. Now, if you'll excuse us, we have something important to do,” sambit ni Louis at hinawakan ang baywang ni Elaine upang alalayan itong maglakad palabas.

Bakas sa mukha ni Mariella ang gulat, ngunit bago ito tuluyang makalabas ay hinawakan niya ang damit ng binata.

“Sandali lang, Louis, may gusto lang akong sabihin sa 'yo,” wika ng dalaga. Tiningnan lamang siya ng binata na parang wala itong pakialam sa kanya.

“I don't care,” sagot nito at dahan-dahan na ulit naglakad, ngunit this time, si Elaine naman ang hinawakan ng dalaga sa damit.

“Please, this is important,” pagmamakaawa ni Mariella sa dalaga. Tiningnan naman siya ng binata na parang hinihintay ang sasabihin niya.

Napabuntonghininga naman siya bago tuluyang sumagot, “Go on, I will just wait you here,” sambit ni Elaine at akmang magsasalita pa sana si Louis, ngunit nginitian na lamang siya nito bago tuluyang maglakad papunta sa pinakamalapit na upuan.

Pinanood niyang pumasok sina Mariella at Louis sa silid upang mag-usap. Sa totoo lang ay wala naman siya sa posisyon upang magselos dahil wala naman silang label ng binata.

Hindi rin malinaw kung parehas sila ng nararamdaman. Paano kung ginagawa lamang ito ng binata upang makumbinsi ang mga tao na nasa paligid nila?

Nang makapasok ang dalawa ay kaagad naman siyang tinanong ng binata, “What do you need?” Kumuha ito ng isang stick ng sigarilyo at sinindihan ito. 

Hindi niya ito ginagawa sa harap ni Elaine dahil mukhang ayaw nito sa usok, ngunit isa ang paninigarilyo sa ginagawa niya sa tuwing wala siya sa mood.

“T...t-otoo ba ang sinabi mo na asawa mo ang kasama mo?” nauutal na tanong ng dalaga dahil hindi siya naniniwala na makahahanap si Louis ng ipapalit sa kanya. 

Parang dati lang ay siya lang ang hinahawakan ng binata nang gano'n. Ngayon ay ginagawa na nito ang lahat kay Elaine. Hindi niya alam ang dapat maramdaman sa binata simula noog malaman niya na may alam ito sa pagkamatay ng kanyang ama, ngunit mas nananaig ang nararamdaman niya rito.

“Yeah. And what will you do about it?” tanong ni Louis. Tiningnan siya nito nang may galit, ngunit hindi niya alam ang isasagot dito nang maalala niya kung bakit siya nakipaghiwalay sa binata.

“Tita Hacel, narito po ba si Louis?” nakangiting tanong niya sa ina ng kanyang kasintahan, pero tinaasan lamang siya ng kilay nito na parang may sinabi siyang masama.

Balak kasi niyang sorpresahin ang binata dahil anniversary nila at nais niya rin itong makita. Hindi pa kasi ito nagpaparamdam sa kanya nang tatlong araw na parang ayaw siya nitong pansinin.

“Mukha ba siyang nandito? Maaga siyang pumasok sa office. Tingnan mo na lang doon,” masungit na wika ng ginang habang nakaupo sa couch. Nagpapalinis ito ng kuko habang ang isa naman ay pinaplantsa ang buhok nito.

“Maraming salamat po, Tita. Ito nga po pala ang cake na ginawa ko para sa 'yo,” wika niya, ngunit tiningnan lamang siya nito habang ibinababa niya ang isang paper bag na naglalaman ng ginawa niyang blueberry cheesecake.

Nang tumalikod siya ay hindi mapigilan ang pagtulo ng mga luha niya. Isang taon na sila ni Louis, ngunit masama pa rin ang pakikitungo sa kanya ng ina nito na parang hindi ito sang-ayon sa relasyon nila.

Sinubukan niyang kontakin ang binata, ngunit nakapatay ang cellphone nito kaya wala siyang nagawa kundi sumakay sa taxi upang puntahan ito.

“Sa Montemayor's Building lang po, Kuya,” sagot niya habang mahigpit ang hawak sa box na naglalaman ng cake na ibibigay niya sa binata. 

Nang makababa si Mariella ay binati siya ng guard na nakabantay sa labas, “Good morning, Ma'am Mariella. Have a nice day,” sambit nito bago buksan ang pintuan.

Kaagad niya naman itong binati pabalik at tuluyan nang pumasok sa loob. Nagulat siya nang biglang may lumapit sa kanyang babae na galing sa frontdesk.

“Hi, Ms. Mariella, pa-autograph naman ako. Fan na fan mo kasi ang anak kong babae,” sambit nito at iniabot sa kanya ang isang photocard na may litrato niya sa likod. Hindi niya mapigilang mapangiti dahil sa sinabi nito at sinimulan itong pirmahan. 

Natuwa siya nang malaman na may humahanga pala sa kanya kahit kasisimula pa lang niyang tumanggap ng mga proyekto sa mga telebisyon.

“Anong pangalan ng anak mo?” tanong niya na kaagad naman nitong sinagot nang may ngiti sa labi. 

Hi, Elisse, 

Thank you for supporting me, I hope you're doing fine. Don't forget to greet your mom when she gets home. Love yah!

Love,

Mariella Althea

Nang matapos siyang makipag-usap dito ay kaagad siyang dumiretso sa office ni Louis at akmang pipihitin ang doorknob nito nang marinig niyang nagsasalita ang Tito Izaak niya habang kausap nito si Louis.

“I told you to breakup with Mariella,” asik ng ama nito na ikinagulat niya. Ano ba ang nagawa niya upang magalit sa kanya nang ganito ang ama ng binata?

“She is my girlfriend, Dad, and you don't have the right to give an order to me,” matapang na sagot ng binata.

“Then I will give all of my properties to Kaizer if you won't follow me,” sambit ng Tito Izaak niya. Bago pa nito matapos ang sasabihin kay Louis ay napatakbo na lamang palabas si Mariella habang hindi niya mapigilang mapaiyak.

Ngayon ay alam niya na kung bakit gano'n na lamang ang pakikitungo sa kanya ng magulang ng binata tuwing dinadala siya ni Louis sa mansion nito.

“Do you love her?” tanong niya sa binata habang pinipigilan ang mga luha niya, ngunit tumalikod lamang ito at akmang lalabas na.

Dahan-dahan siyang tumayo at hinila sa damit ang binata upang halikan sa labi, ngunit nanlaki ang mata niya nang bigla siya nitong itulak na ikinatama ng puwitan niya sa sahig.

“Don't fucking touch me because I don't know what I can do to you,” sambit nito na tuluyan nang ikinatulo ng mga luha niyang kanina pa gustong kumawala sa mga mata niya.

“I think I know the answer to my question. Thank you for proving it,” wika ng dalaga. Dahan-dahang siyang tumayo upang kunin ang wheelchair niya. Isinuot niya ang salamin upang itago ang mga luha niya sa binata. Bubuksan na sana niya ang pinto nang bigla itong magsalita.

“Don't think about the surprise that happened earlier, it's for my wife,” cold na sambit nito sa kanya.

Tumango lamang siya bago sumagot. “I know. Just help me clean my name in the media,” wika niya at tuluyan nang binuksan ang pinto upang magpaalam.

Nakalimutan niya ang dahilan kung bakit siya nagtungo sa silid ng binata para nga pala sabihin dito na tulungan siyang linisin ang pangalan niya. Masyado kasi siyang nadala sa emosyon niya.

Ngunit ngayon, isa lang ang sigurado niya at ito ay hindi na siya mahal ng binata. 

Kung gano'n ay tatanggalin niya na ang posibilidad na hindi ito ang pumatay sa ama niya dahil mukhang kaya na nitong gawin ang bagay na ito. Kasi kahit siya ay nagawa na nitong saktan dahil lang sa isang babae.

Nagbago na nga talaga ang binata, malayong-malayo na ito sa nakilala niyang Louis noon.

Mga Comments (4)
goodnovel comment avatar
Jerry Cochesa
dapat free nalang
goodnovel comment avatar
lesley jordan
lotie duran
goodnovel comment avatar
lesley jordan
mahal naman masyado ng coins sarap sana basahin araw araw..
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status