Share

Chapter 12 Overprotective Boss

                     (Sabrina's POV)

Dalawang araw na ang lumipas simula noong makarating kami dito ni Damien sa resort at dalawang araw na din na wala kaming ibang ginawa kung hindi ang libutin, maligo at minsan mas pinipili na lang namin ang magkulong sa loob at walang ibang ginawa kung hindi ang maglaro sa kama. 

Ewan ko din sa sarili ko. Hindi ko magawang tanggihan si Damien. Sa ngayon 'yong nararamdaman ko sa kanya ay mas lumalalim. Alam ko nagsisimula na akong mahalin siya. 

Hindi siya mahirap mahalin. Hindi mahirap sa isang tulad niya na madaming magkakagusto na babae. Bukod sa guwapo nitong mukha at pera ay may katangian siya na gustong-gusto ko. Hindi ko lang matiyak kung ano iyon. Basta't ang alam ko, nagsisimula na akong mahalin siya. 

Ang hindi ako aware ay ganoon din siya sa 'kin. Unti-unti na ba niya akong minamahal. Ang sabi niya gusto niya ako pero hindi naman ni

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status