Share

TMST 99 - My Turn

Huminto si Genesis sa harap ng double wooden door, isang malalim ng buntonghininga ang pinakawalan niya, pagkatapos ay tinanguan niya si Nathaniel na agad namang tumalima at pinunch ang hawak na keycard sa isang key card door lock system. Tumunog iyon sinyales ng pag-unlock ng pinto, at saka ito kusang bumukas.

Agad na pumasok si Genesis, si Nathaniel ay nakasunod lang sa kanya habang binagtas nila ang may kadiliman ng hallway, at nang makarating sa dulo bumungad sa kanila ang malawak na meeting hall. Nakapalibot sa buong silid ang bleacher style ngunit mamahaling mga upuan, at sa gitna ang napakahabang oblong wooden table, sa dulo niyon nakaupo ang lalaking nasa kanyang Seventies, sa tabi nitong siliya nakaupo ang matandang matagal-tagal na ring hindi nakikita ni Genesis, at sa likod ng matanda nakatayo ang butler nito.

“Genesis of the Gevorgian Mafia, my King,” pagbibigay galang ni Genesis sa lalaking may hawak ng pinakamataas na titulo sa kinasasakupan na organisasyon ng kanilang
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status