INICIAR SESIÓN“Maghiwalay na tayo. She’s back, hindi na kita kailangan.” Gumuho ang mundo ni Yasmin nang sabihin iyon ng kanyang asawa. Dalawang buwan pa lang silang kasal ni Sebastian pero tatlong taon na silang magkasintahan, nang sa isang iglap ay tinapon nito ang divorce papers sa kanya. “Maawa ka...buntis ako, Sebastian!!” pagmamakaawa ni Yasmin habang nakaluhod sa paanan nito. “Hindi ko kayang buhayin ang anak natin ng mag-isa.” Mahirap lang siya at hindi pa nakakapagtapos ng pag-aaral. Graduating student siya nang magpakasal sila at binuntis sa pag-aakalang papanagutan siya ng lalake, pero matapos siyang angkinin ng paulit-ulit, basta na lang pala siyang itatapon dahil wala ng silbi. Tinitigan lang siya nito at ang sumunod na sinabi nito ay tuluyang sumira sa kanyang buong pagkatao. “Ipalaglag mo.” Umiiyak, puno ng galit at paghihiganti ay pinirmahan niya ang divorce papers. At pagkatapos ng limang taon, muling nag-krus ang kanilang landas. Sapilitan nitong kinuha ang anak niya mula sa kanya, at para makapiling ang anak, pumayag siyang maging parausan. Pero ang hindi alam ni Sebastian na ang pagpapasok niya kay Yasmin sa kanyang buhay ay may bitbit pa lang lason na sisira hindi lang sa buhay niya, kundi sa buong imperyo ng Salvatore.
Ver másUmatras si Yana nang makita ang tindig ni Sebastian sa pint*. Tatakbo sana sa akin ang bata pero mabilis siyang hinarang ng lalake at agad na binuhat.Nagwala ito at mas lalong umiyak. “Bitaw! Mommy! Mommy!”“Bitawan mo siya, Sebastian!” sigaw ko habang pilit nagpupumiglas sa mga guard.Malamig lang siyang nakatingin sa akin habang mahigpit na hawak si Yana.“Binalaan na kitang ayoko ng nagsisinungaling. Ang akin ay akin, Yasmin.” “Alam mong buntis ako nung nakipaghiwalay ka sa akin!” Bawa't salita ko ay may kasamang luhang umaagos. “Bakit ngayon... bakit ngayon gusto mo pa ring kunin ang anak ko?”Lumabas ang isang madiin at walang emosyong ngisi sa labi niya. “I need her to get my inheritance."Umawang ang labi ko. Akala ko kaya niya kukunin ang bata dahil mahalaga sa kanya ang dugo't pawis niya, pero gagamitin lang pala niya si Yana. Katulad ng kung paano niya ako ginamit at itinapon noon.Wala akong nagawa kundi ang umiyak nang lumabas si Sebastian kasama ang anak ko. Narinig ko
“Mommy! Jollibee!”Pagpupumilit ni Yana habang mabilis kong isinisiksik ang mga damit niya sa maleta. Matapos kong makita si Sebastian, hindi na kami tumuloy pang kumain dahil nagmamadali na akong umuwi. Sumusunod siya sa bawat galaw ko. Hindi ko siya binibigyan ng pansin at nakatuon lang sa pag-immpake. Biglang yumakap ang bata sa binti ko bago humagulgol nang husto, tsaka humiga sa semento at nagwala.Umayos ako ng tayo at sumabog sa inis. “Sinabing bukas na!”Natigilan siya. “Hindi ka ba marunong umintindi? Nagmamadali nga tayo!”Huminto ang pagpedal ng maliliit niyang paa. Humihikbi siyang bumangon at patakbong lumabas ng kwarto. Inayos ko ang zipper ng maleta. Halos lahat ng gamit ni Yana ang inimpake ko. Ilang pares lang ng damit at importanteng dokumento ang dinala ko para sa sarili ko.Isang maleta at dalawang bag ang bitbit ko nang lumabas kami ng bahay. Tahimik ang anak ko sa loob ng traysikel, nakatitig lang sa daan para magtampo. Bumuntong hininga ako at inutusan ang d
“Wife...” Mabilis na nanlabo ang mga mata ko. Bumalik ang lahat ng masasayang alaala ko sa kanya, nag-echo ang pagtawag niya sa akin ng ‘wife’ kahit hindi pa man kami noon kasal, at ang matinding sakit na iniwan niya. All those years, pinangako kong hindi ako iiyak sa harap niya kapag nagkita kami ulit, pero hindi ko mapigilan ang sarili. Sobrang sakit. Atras ako nang atras habang patuloy siyang naglalakad papalapit. Sa huling atras ko, naramdaman kong wala na akong tatapakan. Nasa dulo na pala ako ng hagdanan. Nanlaki ang mga mata ko at inaasahang magpapagulong-gulong ako pero mabilis niya akong inabot sabay hila papalapit sa kanya. Niyakap niya ako. “Got you. It’s been a long time, wife,” bulong niya. Wife? Ang kapal ng mukha niyang tawagin akong asawa kahit siya naman itong nakipaghiwalay! Tinulak ko siya at malakas na sinampal. Suminghap ang lahat. Tumakbo naman ako nang hindi lumilingon. Pumasok ako sa banyo ng staff room at agad na naghilamos. Gusto kong sumigaw at
“Ilang beses ko bang sasabihin sayo Yasmin na the customer is always right?” sigaw sa akin ni Ma’am Layla dito sa loob ng staff room. May isang matandang customer na naman kasi ang niyaya akong uminom pero tumanggi ako. Alam kong hihipuan lang ako nun. “Kahit katawan ko na ang habol? Waitress ako sa bar na ’to, Ma'am, hindi bayarang babae.” Sa kabila ng galit ko ay pinilit kong huwag tumaas ang boses ko. Boss ko pa rin siya at baka patanggalin niya ako. Ang hirap pa naman maghanap ng trabaho ngayon, kahit dishwasher, kailangan college graduate. “Hindi ko na kasalanan kung bakit sobrang ganda mo at bet na bet ka ng mga customer! Pabor nga dapat sayo yan dahil mas malaki ang perang maiiuwi mo. Nangangailangan ka ng pera, ’di ba?” Oo, malaki ang problema ko sa pera, pero gusto ko na ang perang ibubuhay ko sa anak ko ay galing sa marangal na paraan. Mahirap man ako, pero hindi ko ibebenta ang dignidad. “Naku, umayos ka! Isa pang reklamo mula sa customer, tatanggalin na kita!” Nan


















Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.