Tiningnan kong maigi ang sariling repleksyon nang madaanan ko ang isang glasswall ng abandonadong establisimyento. Sinigurado kong maayos ang pagkaka-disguise ko bago marahang lumingon sa paligid, wala akong ibang nakikitang tao maliban sa akin ngunit alam kong hindi ako nag-iisa.
I knew that my movements were being watched and I was being followed the moment I set foot in Genovese Street. Inaasahan ko nang mangyayari iyon dahil teritoryo ng mga notorious gang ang street na ito, not to mention na napaka-revealing ng suot kong dress at hindi ako taga-rito.
Well, change of plans. Nagpatuloy ako sa paglakad at mabilis na lumiko sa isang madilim na iskinita. Kumurap-kurap pa ang ilaw ng poste nang sakto ko iyong madaanan.
“Just how long do you intend to follow me?” tanong ko nang mapagdesisyunan kong huminto at lumingon na sa likuran. Inayos ko pa ang suot kong blonde na wig dahil ramdam ko nang nangangati ang anit ko. Damn it! Ilang beses na akong nag-suot ng wig ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nasasanay.
“Tagu-taguan? Uh, bibilang na ba ako? Come on! Kahit naka-high heels ako, I will deal with yoㅡ” hindi ko na nagawang ituloy pa ang sasabihin nang may biglang lumabas mula sa isang poste ng ilaw. Nakasuot ito ng itim na sweatshirt kung saan nakasuksok ang mga kamay nito sa bulsa noon. Nakasuot din ito ng itim na sombrero, dahilan upang hindi ko maaninag nang mabuti ang kanyang mukha, ngunit base sa tindig at pangangatawan ay halatang lalake itong nasa harapan.
Humakbang ito palapit sa akin habang ako naman ay nanatili lamang sa kinatatayuan.
“Sino ka?” Hindi niya sinagot ang tanong kong iyon hanggang sa tuluyan itong makarating sa mismong tapat ko. Naningkit na lamang ang mga mata ko nang makitang gumalaw ang kanang kamay nito na tila ba mayroong huhugutin mula sa bulsa.
Agad akong naalarma at naisip na unahan ito sa gagawin. I start executing good hand speed. Suntok dito, suntok doon ngunit mabilis niya iyong naiiwasan, dahilan upang magsalubong ang kilay ko. Wala man lang ba siyang balak na gumanti sa mga suntok kong iyon? At isa pa, parang kabisado niya ang mga galaw ko.
“Mister, wala ‘kong oras para rito. I’m a busy woman. I have something important to doㅡ”
“So am I,” Napahinto ako sa paggalaw nang magsalita ito. Marahan niyang tinanggal ang suot na sombrero at halos malaglag ang panga ko nang makitang si Troy iyon, my childhood friend slash colleague.
“The heck! Anong ginagawa mo rito?”
“I’m the one who should be asking that.” anito bago ako tingnan mula ulo hanggang paa, halatang na-weirduhan sa getup ko. “Don’t tell me papasok ka talaga sa nightclub na ‘yon? Ilang beses ko bang sasabiㅡ”
“Troy, come on. Save your scolding for another time.” Inangat ko ang suot kong black crisscross backless dress na binili ko pa sa ukay-ukay. Ugh, I didn’t know it was going to be so uncomfortable.
“Alam ba ni Chief na nag-iimbistiga ka pa rin sa case ng kapatid mo?”
“I’m off-duty, wala silang alam.” Nagkibit ako ng balikat bago mapatingin sa suot na wrist watch. “I need to go.”
“Rei.” Hinawakan ni Troy ang braso ko, dahilan upang mapahinto ako at lingunin ito. I know he’s concern but for pete’s sake, we both know how desperate I am to solve my sister’s case. Dalawang taon na ang nakalipas ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin nahuhuli ang mga taong gumawa noon sa kanya.
“Troy, matagal ko nang hinahanap ang nightclub kung saan huling nagpunta si Ivy. Ngayong may lead na akoㅡ”
“I know, I know. Hindi na kita pipigilan. Mag-ingat ka, alam mong mahihirapan kang mag-isa. Wala kang backup, if things go awry, hindi ka mapo-proteksyonan ng organisasyon. Ayoko lang mangyari sa ‘yo ang nangyari kay Ivy.” Ngumiti ako nang tipid atsaka hinawakan ang kamay nitong nakahawak pa rin sa braso ko.
“Worry not my friend. The chance of that happening is about as likely as hell freezing over.” Napailing ito matapos ko iyong sabihin kaya naman nilagpasan ko na ito at dumiretso sa nightclub kung saan hinarangan ako ng isang bouncer na halos doble ang laki sa normal na size ng tao.
“What?!” singhal ko nang titigan ako nito.
“Membership card.” Inabot sa akin ng bouncer ang kamay nito, naghihintay na ipakita ko sa kanya ang hinihingi.
“Oh my! Silly me, sorry.” Ngumiti ako ng matamis bago marahang ipinasok ang kamay sa suot na dress sa may bandang dibdib at i-abot iyon sa kanya. Marahas itong lumunok bago i-check ang card na inabot ko, dahil doon ay hinawakan ko ang braso niya para mas lalo itong ma-distract at hindi mapansin na fake iyong card na ibinigay ko.
“Nice muscles, huh?”
“S-salamat.” Tipid akong kumindat nang iabot niya sa akin ang card pabalik at pagbuksan ako ng pinto.
Pagpasok na pagpasok ko sa loob ay sinalubong ako ng makikinang na ilaw at nakabibinging tugtog. May ilang babae ang nagpo-pole dancing sa stage at karamihan ng okupadong mesa ay may kanya-kanyang mundo, ang iba ay masayang nagku-kwentuhan at ang iba ay nagme-make out. Hindi na rin ako nabigla nang makakita ng ilang politician at celebrity.
“Hi, you’re a new member?” Hindi pa man ako nakakaupo nang tuluyan sa bar stool ay nakuha ko na agad ang atensyon ng lalaking naka-black suit, mukhang galing pa ito sa isang business meeting dahil sa sobrang pormal ng suot nito. Hindi naaayon ang suot niya sa dresscode ng nightclub, mukhang big shot ang isang ito.
“Oh! You can tell?” nakangiting tanong ko nang tabihan ko ito at humarap sa bartender. “One negroni, please. Thank you!”
“The drinks on me, what’s your name?” Umangat ang gilid ng labi ko bago ipatong ang siko ko sa counter at tingnan ang katabing lalake.
“You can call me Shane.” Pag-iiba ko ng pangalan. Ngumiti ako ng matamis at balak pa sanang tanungin ang pangalan nito ngunit may isang lalake ang biglang lumapit dito at bumulong. Naningkit ang mata ko dahil namukhaan ko ang lalaking iyon, if my memory serves rightㅡnasa background siya noong huling beses na nag-send sa akin ng picture si Ivy. Iniwas ko na lamang ang tingin sa kanila at sinimulang inumin ang in-order kong negroni. Mukhang nasa tamang nightclub na nga ako, finally!
“Give me 10 minutes,” rinig kong sambit ng lalake, matapos noon ay umalis na rin ang taong bumulong sa kanya. “Sorry about that, may prior engagement kasi ako. Do you mind if we chat a bit?”
“Sure, so... What’s your name?” nakangiting tanong ko.
“Lucian,” Matapos noon ay nagsimula na nga kaming mag-usap, mostly ay about sa nightclub. Kung gaano siya kadalas dito at kung anong oras siya pumupunta. Ayon din sa kanya ay isa siyang VIP member, dahil doon ay mas lalo akong nagkainteres. Hindi malabong may kinalaman siya sa nangyari kay Ivy lalo pa’t mukhang righ-hand man niya iyong bumulong sa kanya kanina.
Paminsan-minsan ay napapansin ko rin ang palitan nila ng tingin ng bartender, doon pa lang ay napansin ko na ang binabalak nitong gawin.
“Huli ka pero ‘di ka kulong.” I thought to myself.
“Actually, I’m looking for a part-time job. Meron ka bang alam?” tanong ko.
“Gusto mo ng trabaho? I can help you if you want.” Nagkunwari akong nagulat at humarap dito para lang hawakan ang kamay nito. Sa pagkakataong iyon ay nagtinginan ulit sila ng bartender, and I’m sure they took that opportunity to spike my drink.
“Really? Thank you!”
Nang masigurado kong tapos na sila sa binabalak ay muli akong humarap sa counter at hinawakan ang baso ko. Lumingon pa ako saglit kay Lucian para ngitian ito at tuluyang inumin ang alak. It was a reckless move, I know. Pero kung hindi ako susugal, hindi ko malalaman kung ano ang ginagawa nila sa mga babaeng nad-drugs nila.
Hindi malabong ganito rin ang sinapit ng nakatatanda kong kapatid. I swore to her grave that I will do anything to give her the justice she deserves, even if it means sacrificing myself.
Pinikit ko nang mariin ang mga mata nang maramdaman ko ang pagkirot ng ulo ko. Ramdam ko pang pinapaamoy ako ng ammonium carbonate para lang gisingin ako mula sa pagkakawalan ng malay.
“Fuck!” I cursed under my breath. Pilit kong minulat ang mga mata at kahit na blurred pa ang paningin ay unti-unti rin iyong luminaw kalaunan.
“Oh, you’re awake?” bungad sa akin ng babae. Tinignan ko ito at napansin kung paano niya akong bihisan. Halos sumigaw ako sa gulat nang makitang mas revealing na ang suot ako, I'm almost naked! Kinagat ko na lamang ang labi at pilit ikinalma ang sarili.
“A-anong gagawin mo sa ‘kin?” tanong ko ngunit hindi ito sumagot, imbis ay hinawakan niya ang dalawang kamay ko sa likuran at sinuotan iyon ng zip tie. Napadaing pa ako dahil sa sobrang higpit ng pagkakasuot niya noon sa akin.
“S-saan mo ako dadalhin? Nasaan ako?” Wow! Feeling ko ay pang-Oscar ang acting kong iyon.
“Heaven darling.” tipid na sagot ng babae bago ako nito inalalayan palabas ng kwarto at dalhin sa parang back stage.
“And our last item for tonight!” Halos mapapikit ako nang biglaang bumukas ang pulang kurtina at tumapat sa akin ang nakasisilaw na spotlight. Unti-unting lumakas ang ingay dahilan para maimulat ko ang mga mata. Inalalayan din ako ng babae nang sa gano’n ay mas lumapit ako sa harapan. “Let’s start the bidding.”
“Fifty thousand!” sigaw ng matandang lalake mula sa mga audience, nagtaas pa ito ng isang auction paddleㅡnow, everything make sense. I’m in a fucking auction and they intend to sell me!
“One hundred thousand!” sigaw pa ulit ng panibagong lalake, bakit hindi na ako nabigla na puro lalake ang gustong bumili sa akin? Nagpatuloy ang bidding hanggang sa tumaas nang tumaas ang presyo ko. I was too stunned to utter a single word, never kong na-imagine na magkakaroon ako ng presyo.
“Ten million!” And with that, the whole venue went completely silent. Lahat ng atensyon ay napunta sa lalaking iyon. Everyone in the audience was obviously petrified by his presence, miski ako ay hindi inaasahan na narito siya sa event. I mean, he rarely shows himself. Ito nga yata ang unang beses na nakita ko siya. Lagi ko lang naririnig ang tungkol sa notorious masked man named Crimson and nowㅡnakikita na siya ng dalawang mata ko.
“G-going once, going twice...” Wala nang ibang nag-bid matapos mag-count down ng auctioneer at ang sunod niyang sinabi ay hindi naging maganda sa pandinig ko.
“Sold for ten million!”
“Tres and Revy, since you have consented together in holy matrimony, and have pledged yourselves to each other by your solemn vows and by the giving of rings, and have declared your commitment of love before God and these witnesses, I now pronounce you husband and wife in the name of the Father and the Son and the Holy Spirit. Those whom God hath joined together, let no man separate.” “Tres, you may kiss your Bride.” Ngumiti ako dahil iba sa pakiramdam nang marinig ko ang mga katagang iyon. Ganitong-ganito rin ang sinabi ng priest noong una kaming ikasal ni Tres, noon wala kaming nararamdaman sa isa’t isa pero ngayon ay umaapaw ang pagmamahal namin isa’t isa. Marahan naming hinarap ang isa’t isa bago niya marahang hinawakan ang pisngi ko at hinalikan. Ipinagdikit pa namin ang noo namin bago kami napatingin sa mga bisita, kung noon ay pamilya lang namin ang naka-witness sa kasal, ngayon ay may nadagdag na kaibigan.
“Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na gaing kayo sa mayamang pamilya.” ani Justin habang nasa iisang mesa kaming lahat. Isang buwan matapos ang mission ay nagkita-kita ulit kami dahil gaya ng napag-usapan noong ni-recruit namin sila ay mabubuwag din ang grupo, but since birthday ni Tres ngayon ay inimbitahan namin sila sa private resort.Nag-decide kami na rito mag-celebrate imbis na kasama ang pamilya namin dahil sigurado akong hindi magiging maganda ang araw ni Tres kapag sila ang kasama namin. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin maganda ang relasyon niya sa mga kapatid niya, although nagbago ang pakikitungo sa kanya ng daddy niya. Mukhang nag-trigger na lang iyon para lalong magalit sa kanya ang stepmother niya at mga anak nito.“Ayaw niyo ba gawing permanente ‘yong grupo?” tanong ni Luigi habang nagbubukas ito ng mga bote ng alak.“No.” sabay na sagot namin
“Let’s go.” aya sa akin ni Tres nang tumakbo siya papunta sa akin.“Where are we going?”“Nakatakbo si Lucian, we need to find him.” aniya at tumanngo naman ako bago kami tuluyang bumaba ng hagdan pero agad kaming nabunggo ng mga taong nagsisitakbuhan. Halos matangay pa ako ng iilan sa kanila but Tres was fast enough to grab my hand again.He was looking straight into my eyes, kahit na natatakpan ang kanyang mukha ng maskara ay kitang kita ko pa rin kung paano niya akong tingnan sa mga oras na ito. Minsan napapaisip na rin ako, what if hindi ko siya kasama ngayon? What if hindi ko siya nakilala? Gano’n pa rin kaya ang magiging buhay ko? Kahit ang kamay lang namin ang magkahawak ay ramdam ko ang bigat ng bawat paghinga niya.“Are you okay? Are you hurt?” All my thoughts halted when he pulled me close to him without warning. Napahawak ako sa d
“Are you sure you’re okay? Don’t push yourself too much later,” paalala ko kay Tres habang hinahanda ko ang mga gamit n a gagamitin namin mamaya para sa misyon. Yes, the long wait is over. Noong araw na ma-discharged si Tres sa hospital ay nakumpira ko na totoo ang sinabi ni Zane, may anak nga sa labas si dad pero hindi ko pa siya nakakausap tungkol doon dahil naka-focus ako sa pag-training.Nakaubuo na rin kami ng concrete plan at sa loob ng tatlong linggo ay gumaling na sa paghawak ng baril ang mga miyembro, ganoon din sa fist fight dahil halos araw-araw kaming nag-i-sparring para magsilbing practice na rin. Although hindi nakatira sila Troy, Freya at Loren sa hideout ay araw-araw naman silang pumupunta roon para tulungan kami sa Training.“I’m okay, napatunayan ko na ‘yon sa ‘yo noong nag-sex tayo sa hospital.” sagot ni Tres, dahilan para maalala ko na naman ang kahibangan na ginawa ko
“Bakit naka-disguise ka?” tanong ni Troy nang sumakay silang tatlo sa kotse. Sinundo ko kasi sila sa office at nakasuot ako ng itim na wig. It’s been two days since the incident in the night club happened, wala ni isa sa pamilya ni Tres ang nakakaalam ngayon na nasa hospital siya. Sabi niya kasi ay wala namang silbi kung malalaman nila dahil malamang sa malamang ay baka matuwa pa ang mga ‘yon lalo na ang mag-ina.“Oh yeah, I forgot to tell you. Itinago namin ang identity ni namin ni Tres sa limang na-recruit namin, mas kilala nila si Tres bilang Crimson at ako naman ay Luna.” paliwanag ko bago kuhain ang maskara ko sa compartment at ipakita iyon, “Kasama ‘to sa disguise ko, pamilyar ba ‘yong design?”“Katulad ng maskara ni Crimson. Iba lang ang kulay.” sabi ni Loren na nakapwesto sa likuran kasama si Freya.“Wait, no’ng gabing inatake ako
“What? You’re going to help us?” hindi makapaniwalang tanong ko at tumango-tango naman si Freya. Tiningnan ko si Troy at Loren bago ngumiti nang tipid. Hindi ko inasahan na lalabas sa bibig niya ang bagay na iyon.“Sigurado ba kayo?” paninigurado ko dahil kapag tinulungan nila ako ay nakipagtulungan na rin sila mafia at isa pa, hindi iyon mission galing sa organisasyon.“Of course, but first tell us your plans.” ani Troy kaya naman napalingon ako kay Tres na nasa likuran ko. Tipid lang din siyang tumango, dahilan para mapangiti ako at maupo na para ma-explain ko sa kanila ang lahat mula sa kung sino ang target namin at kung sano ang mga plano naming gawin.“Three weeks from now, we’re going to infiltrate Lucian’s house.” panimula ko bago pasadahan ng tingin ang tatlo dahil halatang na-confuse sila.“Who’s Lucian?” nag