Share

Chapter 27

Ilang oras na nanatili ang dalawa sa rooftop hanggang sa mahimasmasan si Laverna. Nang bumalik siya sa kaniyang katinuan, lubos ang pasasalamat niya kay Charles.

“Hatid na kita sa inyo,” alok ng binata na siya namang masayang tinanggap ng modelo lalo na at hindi niya kabisado ang daan papunta sa hotel nila.

Habang nasa biyahe sila, nilagay ni Laverna ang kaniyang number sa cellphone ni Charles.

“Dahil tinulungan mo ako, ililibre kita doon sa Everwander Bar sa susunod na pupunta ako roon,” saad niya na siyang dahilan para mapatawa ang binata. “May nakakatawa ba sa sinabi ko?”

Umiling si Charles.

“Wala naman. Nakakatawa lang na kahit halos mamatay ka na sa hangover ay gusto mo pa ring umulit. Gano’n ba kabigat ang problema mo?” tanong nito.

Tumango naman si Laverna at tinuon ang pansin sa dinadaanan nila.

“Ikaw ba naman ang ikakasal sa lalaking hindi mo gusto, siyempre mabigat talaga iyon.” Bumuntong hininga siya bago muling tiningnan si Charles. “Kaya sasamahan mo akong uminom pagka
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status