Share

CHAPTER 9

Simula nang mawala si Don Matias ay napakaraming nagbago sa buhay ni Kryzell. Ang dalaga na dating prinsesa sa bahay ng mga Torquero ay biglang nawalan ng halaga. At dahil hindi niya alam ang mga kailangan gawin kaya naging sunod-sunuran lang siya kay Hilda.

Si Sean ay hindi pa rin umuuwi ng Quezon Province kahit ipinagtutulakan na siya ni Kryzell. Ang pakikitungo nito sa dalaga ay mas lalong lumala. Parang sinasakal si Kryzell sa tuwing nakikita n'ya ang lantaran na paglalampungan ng kaniyang nobyo at stepmother. 

"Napakawalang-hiya mo, Sean. Minahal kita para lang pala sa huli ay sasaktan mo ako. Bakit kailangan mo akong lokohin ng harap-harapan?" umiiyak na sabi ni Kryzell habang nakatayo at pinagmamasdan ang paghahalikan nina Sean at Hilda. 

"Kasi you're so stupid. Katulad ka rin ng daddy mo. Puso ang pinaiiral n'yo," nakangising turan ni Hilda. 

Tuloy-tuloy na naglandas ang luha sa magandang mukha ng dalaga ngunit tila balewala iyon sa lalaking nangako noon na mamahalin siya habang-buhay. Buong pagnanasa na hinaplos ni Sean ang gilid ng labi ni Hilda. Ang aksyon na iyon ng binata ay hiniwa ang nasasaktan ng puso ni Kryzell. 

Tumalikod si Kryzell. Gusto na niyang umalis sa mansion ng mga Torquero ngunit para siyang aso na ikinulong ni Hilda doon. Bawal siyang lumabas ng mansion kahit ang tumuntong lamang sa gate ay mahigpit na utos ni Hilda na hindi pwedeng suwayin ng dalaga. Hindi niya alam kung paano niya matatakasan ang impyernong buhay niya sa mansion na pag-aari ng mga magulang niya. 

Mula sa sala ng mansion kung saan inabutan ni Kryzell ang mainit na tagpo sa pagitan ng kaniyang nobyo at stepmother, tumuloy ang dalaga sa kusina upang makainom ng tubig. Subalit mali ang lugar na napuntahan niya. Sa kusina ay naghihintay si Isabel at walang puso niyang sinabuyan ng pinakukulo niyang tubig ang umiiyak na dalaga. Mabuti na lamang at hindi pa ito masyadong mainit kaya hindi napaso si Kryzell. 

"Saan ka ba galing? Napakaraming gawain dito sa kusina, layas ka ng layas!" tungayaw ni Isabel. 

Nagpanting ang tainga ng dalaga. Simula ng mamatay si Don Matias ay itinuring na siyang katulong sa mansion na dapat siya ang nag-uutos sa mga kasambahay. Isang malakas na sampal ang pinadapo niya sa pisngi ng nabiglang si Isabel. 

"Hindi porke't sinusunod ko ang lahat ng gusto n'yo ay pwede n'yo akong tratuhin na ka-level n'yo lang. Matuto kayong lumugar sa kinalalagyan n'yo!" singhal ni Kryzell sa nagulat na katulong. 

Tatalikod na sana si Kryzell nang bigla siyang hablutin ni Isabel sa kaniyang braso. Galit na humarap ang dalaga at isang malakas na sampal ulit ang ginawa niya sa pangahas na kasambahay. 

"For your information lang, huh, hindi ako normal na katulong dito," nakangising turan ni Isabel. "Kapatid ako ng bagong may-ari ng bahay!" 

Ngumisi si Kryzell at saka nakipagtitigan kay Isabel. Batid na niyang ang katulong ay kapatid ng stepmom niya. Ang dalagang inaapi ay puno na kaya lalaban siya sa paraan na alam n'ya. 

"Kapatid? Itinuring ka bang kapatid?" nang-iinsulto na sabi ni Kryzell. "Muchacha ka lang rito sa mata ng Ate Hilda mo. Ikaw lang itong tanga na umaasang aangat pa rin katulad niya!"

Marahas na itinulak ni Kryzell ang nagalit na katulong. Napasalampak ito sa sahig at bahagya itong inapakan ng nanggigigil na dalaga. 

"Pagbabayaran mo ito!" sigaw ni Isabel.

"Subukan mong magsumbong kay Tita Hilda, mas matindi pa riyan ang aabutin mo."

Pagkasabi noon ay tumuloy ang dalaga sa kaniyang silid. Hindi siya makahinga ng maayos dahil sa sobrang sama ng loob. Hindi pa nagtatagal sa loob ng silid niya ang si Kryzell ay pinalalabas na agad siya ni Hilda. Inutusan siya ng babae na linisin n'ya raw ang silid nito. 

Mabilis na tumalima si Kryzell. Pagkakataon niya iyon para makakuha ng ebidensya ng mga mga ginagawa ng malupit n'yang stepmother. Kinuha niya ang mga gamit panlinis at maingat niyang binuksan ang pintuan. Sa loob naabutan niyang naglalambingan sina Sean at Hilda habang nakahiga sila sa kama. 

Kumulo ang dugo ng dalaga ngunit hindi siya umimik. Parang pinipiga ang kaniyang puso pero hindi siya nagpahalata. Maingat niyang sinimulan na linisin ang silid ng kaniyang stepmom kahit kitang-kita niya ang pagtataksil ng kaniyang nobyo. 

Nanlulumo na lumabas si Kryzell sa silid na dating tinutuluyan ng kaniyang daddy at stepmom. Wala na nga siyang nakuhang kahit anong ebidensya nasaksihan n'ya pa kung paano siya pagtaksilan ng lalaking labis niyang minahal. 

Nang dumating ang gabi ay minabuti ni Kryzell na magpahangin sa garden. Hindi siya makatulog kaya mas gusto niyang lumabas muna saglit sa kaniyang silid kahit natatakot siya na baka may gawin sa kaniyang masama si Hilda. 

"I miss you," bulong ni Sean mula sa likuran ng dalaga. Agad itong yumakap sa nabiglang si Kryzell. 

Dahil maliwanag sa garden dulot ng mga ilaw na nakabukas lahat kaya kita ng dalaga ang mukha ng kaniyang nobyo. Malungkot ang mga mata nito at tila lasing ang binata. 

Buong lakas na itinulak ni Kryzell si Sean. Nanginginig ang mga kamay at tuhod niya. Pinipigilan niya ang umiyak at ipakita sa nobyo na nasasaktan pa siya dahil sa mga ginagawa nito. 

"Ubos na ubos na ako sa iyo, Sean," galit na sabi ng dalaga. "Tapos na tayong dalawa! Malaya ka nang makipagrelasyon sa gurang kong stepmomother!"

"Ako lang ang lalaking para sa iyo, Kryzell. Ako lang…"

"Wow!" Natapik ng dalaga ang kaniyang noo. "Sabrang selfish mo! Thank you, ha. Thank you dahil maaga pa lang, ipinakilala mo na agad sa akin ang tunay mong pagkatao. Binigyan mo ako ng chance na makahanap ng mas karapat-dapat pa kaysa sa iyo!" 

Humakbang palayo si Kryzell. Nawalan na siya ng ganang manatili pa sa harden. Mas gusto ng dalaga na magkulong na lang sa kaniyang silid. Ngunit mabilis na hinablot ni Sean ang braso n'ya. Ikinulong siya nito sa bisig at saka sinibasib ng h***k.

Pilit nagpupumiglas ang dalaga. Bihira siyang halikan ni Sean at lahat ng iyon ay punong-puno ng pagmamahal. Ngayon ay nandidiri si Kryzell sa bawat pagdampi ng labi ng binata sa kaniyang katawan. Naaalala niya ang mga nakikita niyang eksena sa pagitan nina Sean at Hilda. 

Marahas na itinulak ni Kryzell ang kasintahan. Nalaglag ang mga luhang pilit niyang itinatago. Ngunit hindi n'ya pa man napapahid iyon ay isang malakas na sampal ang dumapo sa kaniyang pisngi dahilan para mahilo siya. 

"Kung makaarte ka akala mo kung sino ka! Nagkaroon lang ng kaunting yaman, lumaki na ang ulo mo!" sabi ni Sean. 

Hinawakan niya si Kryzell sa braso at pilit na hinahalikan. Subalit kahit anong pagpupumilit ni Sean ay lumalaban ang dalaga. Iyon ang tagpong naabutan ni Hilda. 

Agad niyang hinablot ang anak ng kaniyang dating asawa. Ang kawawang dalaga ay gustong lumaban pero hindi niya magawa dahil batid niyang mas pahihirapan siya ni Hilda kapag ginawa n'ya iyon. Nakakatulig na sampal ang dumapo sa magkabilang pisngi ni Kryzell. 

"What are you two doing in this place? Are you backstabbing me?" hysterical na tanong ni Hilda sa dalawa. 

Ngumisi si Sean at niyakap si Hilda. Inaamo ng lasing na binata ang babaeng nagwawala. Si Kryzell naman ay hindi kaagad nakakilos dahil sa hilo dulot ng sunod-sunod na sampal na natanggap niya. Pakiramdam ng dalaga ay naalog ang utak n'ya. 

"She's trying to seduce me, honey. Gusto n'ya raw akong mabawi muli kaya gusto n'ya nang maghubad sa harapan ko," pagsisinungaling ni Sean. 

"Sinungaling ka, Sean!" malakas na sabi ng dalaga sabay ikot upang lumayo sa dalawang taong kinamumuhian niya. 

Subalit hindi si Kryzell hinayaan ni Hilda na makalayo. Hinila ng babae ang buhok ni Kryzell at pilit siya nitong isinusubsob sa lupa. Gustong kumawala ng takot at galit na dalaga ngunit habang nakikipaglaban siya ay lalo lamang siyang nasasaktan. 

Hinayaan na lang ni Kryzell na lumapat ang mukha niya sa putik. Nanginginig ang buong kalamnan niya pero wala siyang magawa. Hindi siya makatakas kahit ilang beses na niyang sinubukan. Walang gustong tumulong sa kan'ya kaya hindi n'ya alam kung paano pa lilisanin ang impyernong pinagdalhan sa kan'ya ni Gener. 

Buong akala ng dalaga ay doon na matatapos ang parusa niya sa kasinungalingan ni Sean. Ang hindi batid ni Kryzell ay simula pa lang iyon ng kan'yang panibagong pagdurusa. Kinaladkad siya ni Hilda papasok ng bahay at walang awa siyang pinagtatadyakan ng babae nang makapasok sila sa mansion.

Ang mga katulong ay pinanood lang ang dalagang umiiyak. Hawak nito ang kaniyang sikmura dahil sa sakit na halos hindi niya makayang tagalan pa. Putok na ang labi ni Kryzell at dumudugo na rin ang balat n'ya dahil sa pagkakakaladkad sa kan'ya. 

Sa gilid ng mga mata ng kaawa-awang dalaga ay nakikita niya si Sean na nakasandal sa pader habang nakahalukipkip na nakatingin sa kan'ya. Matinding galit ang naramdaman ng dalaga para sa lalaking minsan ay minahal n'ya. Kung nakakamatay lang ang mga tingin niya sa taksil na kasintahan ay gusto na ni Kryzell na itumba si Sean. 

"Haliparot! Kung landiin mo ang nobyo ko akala mo kung sino kang may ibubuga," sabi ni Hilda sabay sipa kay Kryzell. 

Pinilit tumayo ng dalaga. Manhid na 

ang buong katawan n'ya. Hindi na niya naramdaman ang huling sipa ni Hilda sa balakang niya. Nahihilo si Kryzell kaya naman hirap siyang lumakad paakyat sa kan'yang silid. 

"Daddy, bakit mo ako iniwan na walang kakampi?" tanong ng isip ni Kryzell. 

Kumapit ang dalaga sa couches pero hindi pa siya tuluyang nakakatayo ay bigla siyang hinawakan ni Isabel sa kanyang damit.

"Ikaw na ang bahala riyan, Isabel. Huwag mo munang papatayin kasi hindi ko pa tapos ibaon lahat sa lupa ang mga abogado ni Matias," utos ni Hilda sa kapatid niya. 

Magkahawak kamay na umakyat na ng hagdan sina Sean at Hilda. Kita pa ni Kryzell kung paano pisilin ni Sean ang pekeng pang-upo ni Hilda. Panay din ang halikan nila habang naglalakad paakyat ng hagdan. 

Sa likod ng mansion dinala ni Isabel si Kryzell. Nanghihina ang dalaga kaya nagpatianod na lang siya sa kumpas ng kaniyang kapalaran. Panay ang mura at alipusta ni Isabel sa kan'ya ngunit hindi magawang lumaban ng dalagang pagod na pagod na.

"Sana hindi ka na lang umalis sa bundok na pinanggalingan mo. Hindi ka bagay dito. Bagay ka sa gubat kasi hayop ka," sabi ni Isabel kay Kryzell. 

Itunulak ng babaeng parang demonyo na nakangisi ang dalaga na walang kakibo-kibo. Sa harapan ni Kryzell ay isang maliit na silid na nakabukod sa mansion. Kahit nasa likod lang ito ng mansion ay hindi niya pa ito napapasok. 

Binuksan ni Isabel ang ilaw. Isang maduming tambakan ang bumungad kay Kryzell. Maalikabok at maagiw ang lugar. Muling itinulak ni Isabel si Kryzell papasok. Nang lumapat ang paa ng dalaga sa sahig ng silid ay humalakhak si Isabel. 

"Hintayin mo ang kamatayan mo sa lugar na ito." 

Pagkasabi ni Isabel ng mga katagang iyon ay agad na isnara nito ang pintuan at pinagtawanan ang dalagang lihim na umiiyak sa loob.

Mainit sa loob ng silid kaya lalong nahirapan si Kryzell na iniinda pa ang sakit ng kaniyang katawan. Pinagsisisihan ng dalaga na naisip pa niyang lumabas ng kaniyang silid at magpahangin. 

"Daddy, tulungan mo ako," iyak ng dalaga. "Uncle Gener, nasaan ka na? Sabi mo hindi mo ako pababayaan pero bakit heto ako ngayon? Dito na ba ako mamamatay sa lugar na ito?" 

Hindi namalayan ni Kryzell kung ilang oras siyang umiyak. Yakap niya lamang ang kaniyang sarili habang nakasandal sa malamig na pader. Panay din ang bahin niya dahil sa alikabok na nasisinghot niya.

"Paano kaya ako makakatakas pa rito?" bulong ng dalaga.

Hindi na namalayan ni Kryzell kung paano siyang nakatulog. Nagising na lamang siya na tumatahol ang mga aso sa paligid. Nangilabot si Kryzell. Kahit sabihin kasing sanay siya sa bundok ay takot siya tuwing gabi. Sa probinsya kasi kapag ganoon, ibig sabihin ay may nakikita ang mga aso na posibleng hindi nakikita ng tao.

Nanuyot ang lalamunan ng dalaga lalo na nang umalulong ang mga aso. Sumiksik siya sa mga nakatambak na mga gamit sa silid na kinaroroonan n'ya. Naglagay pa siya ng karton sa kaniyang ulo. 

Kinabukasan, maagang nagising si Kryzell. Nagugutom na siya ngunit wala pang dinadalang pagkain o tubig ang bruhang si Isabel. Abala pa ito sa pakikipagharutan sa driver ni Hilda. 

Matagal na naghintay ang dalaga na may makaalala sa kan'ya ngunit tirik na lang ang araw ay wala pa rin balak ang mga nasa loob ng mansion na hatiran siya kahit pagkain man lang. Hanggang sa may narinig siyang ingay. 

"Boss, bilang pinuno ng ating samahan, dapat ka ng magpakita sa grupo. Ikaw ang mafia queen kaya mahalaga ang presensya mo sa bawat araw," tinig ng isang lalaki. 

"Wala kang karapatan na utusan ako," tinig ni Hilda. "Ikaw na rin ang may sabi na ako ang mafia queen ng Triangulo Mafia Group. Ako ang masusunod kung kailan ko pupuntahan ang grupo. May papatayin lang muna akong langaw dito!" 

Natutop ni Kryzell ang kaniyang bibig. Alam niya ang ibig sabihin ng mafia dahil noong nasa probinsya pa siya ay mahilig siyang magbasa ng mga kwento tungkol sa mga ito. Batid niya na mapanganib at walang puso ang mga miyembro nito. 

"Ano ba ang lihim bg mga tao rito sa mansion? Alam kaya ni daddy na mafia queen ang asawa n'ya? Anak ba ako ng isang mafia boss?" tanong ni Kryzell sa kan'yang sarili. 

Halos ilang oras din na hindi mapakali ang dalaga. Ang nalaman niya ay pwede n'yang gamitin upang alisan ng kalayaan si Hilda, ngunit paano? 

Mga Comments (21)
goodnovel comment avatar
Claudia Rico
Ang sama mo Sean kawawa Naman SI Kryzell nasaan na ba Ang uncle Gener ni Kryzell?
goodnovel comment avatar
Mayla Gicaro
be Brave ..kryzell
goodnovel comment avatar
Ryan Caldea Fuentes
it's really good
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status