Halos himatayin sa kaiiyak si Hilda habang kalong-kalong ang duguan na si Don Matias. Si Kryzell na pupungas-pungas ay hindi halos makaalis sa pwesto niya at natulala na lang habang nakatingin sa kaniyang duguang ama na nakahandusay sa may puno ng hagdan, sa ground floor ng mansion.
"Faster! Call an ambulance!" lumuluhang sabi ni Hila. "Matias, hold on. You have to fight!"
"D-da-ddy… Dad!" sigaw ni Kryzell nang mapansin niyang pilit siyang inaabot ng ama.
Malalaki ang mga hakbang na lumapit ang dalaga sa kaniyang ama. Nanginginig ang mga kamay, nangangatog ang mga tuhod at hilam sa luha ang mga mata, yumuko si Kryzell para halikan ang agaw-buhay na ama.
Kinabig ni Don Matias ang ulo ni Kryzell at pilit siyang bumubulong sa dalaga. Hindi naman maunawaan ng babae ang nais iparating ng kaniyang ama. Nang makita ni Hilda ang ginagawa ni Don Matias ay bigla niyang tinabig si Kryzell ng ubod lakas kaya napasalampak ito sa sahig.
"Don't lean on him. Baka mas makasama sa kan'ya," sabi ni Hilda sa pagitan ng pagluha.
Dumating naman ang medic at nakikipag-unahan si Hilda sa pag-sakay sa ambulance. Si Sean na saksi ng lahat ng mga kaganapan ay mahigpit ang hawak sa railings ng hagdanan.
"Wala kang nakita at wala kang sasabihin," mariin na banta ni Isabel.
Hindi kumibo si Sean at pumasok na lang sa kaniyang silid. Sa higaan ay nanatili si Sean na nakatulala sa kisame ngunit sa isip niya ay naglalaro ang napakaraming mga katanungan.
Samantala, dead on arrival nang dumating sa hospital si Don Matias. Matindi ang tama sa kan'yang ulo dahilan para mamatay siya kaagad. Walang pagsidlan ng labis na pighati ang anak na kay tagal
nawalay sa ama ngunit agad namang pinutol ng panahon ang dapat sana ay magandang alaala na pagsasaluhan pa sana nila.
Si Hilda ay hinimatay din sa labis na pagdadalamhati. Hindi malaman ni Kryzell ang kaniyang gagawin. Pilit niyang tinatawagan ang mga Fabian ngunit hindi niya makontak ang mga ito. Pakiramdam ni Kryzell ay nasa limbo siya, nangangapa at walang makitang kahit anong liwanag.
"Miss, pakiasikaso na ng bill ni Don Matias Torquero para mailabas n'yo na ang amo n'yo," sabi ng nurse.
"A-a-mo?" putol-putol na sabi ng dalaga.
"Bakit, heredera ka ba? Lutang na lutang ka naman, miss, sa pagkamatay ng amo mo," sabi ng nurse.
"Baka kabit," sabad ng bantay ng isang pasyente.
"Oo nga. Uso na iyan ngayon, ang katulong kabit ng amo lalo na kung maganda," singit din ng isa pang bantay.
Napabuga ng hangin si Kryzell. Gusto niyang patulan ang mga tsismosa pero wala siyang panahon. Abala ang isip ng dalaga kung paano na siya ngayon na wala na ang kaniyang ama at hindi niya makontak ang mga Fabian. Panay ang dasal ng dalaga na sana dumating si Gener. Ang kaniyang uncle ang tanging tao na pwedeng makatulong sa kaniya.
Nang kunwari nagkamalay na si Hilda ay agad nitong inasikaso ang pagbuburulan kay Don Matias. Sa isang funeral homes malapit sa mansion ng mga Torquero ibinurol ang don.
Dumating at nakiramay ang mga tao. Halos lahat ng mga kilalang personalidad sa mundo ng pagnenegosyo, politics at showbiz industry ay bumisita. Si Hilda ang punong-abala sa pagtanggap sa mga bisita. Si Kryzell naman ay nanatili lang tahimik sa isang tabi at nagmamasid.
May mga pagkakataon na bigla na lang pumapalahaw ng iyak si Hilda dahil daw sa hindi niya kaya ang pagkamatay ni Don Matias. Madalas din itong mawalan ng malay. Sa mata ng mga nakakakita ay isang mabuti at mapagmahal na babae si Hilda Torquero. Ipinakita niya rin sa lahat kung gaano niya kamahal si Kryzell.
Nang may dumating na bulaklak galing sa isang Kaizer Gerzon ay si Kryzell ang tumanggap dahil nagpapahinga si Hilda sa payo na rin ng mga kakilala. Hinabol ng dalaga ang mga naghatid upang makausap ang mga ito.
"Kuya, sandali lang! Pwede ko bang malaman ang detalye ni Kaizer Gerzon?" pabulong na tanong ng dalaga sa driver.
Nagulat naman ang lalaki. Hindi siya makapaniwala sa tanong ng magandang dalaga na pumigil sa kan'ya. Nakangiti na hinarap si Kryzell ng driver.
"Miss, magkaibigan sina Don Matias Torquero at si Sir Kaizer Gerzon. Subalit hindi ako pwedeng magbigay sa iyo ng detalye ni Sir Kaizer kasi wala po akong alam. Ang sabi lang ng bumili sa flowershop ay galing daw sa kaibigan kaya alam kong magkaibigan sila," pilosopong sagot ng driver. Halatang nagpapa-cute din ito sa dalaga.
"Ang labo mo naman, kuya. Ang haba ng statement mo pero sa huli iyon din ang ending ng sagot mo," nakanguso na sabi ni Kryzell.
Nakaalis na ang driver at naiwan si Kryzell na hawak ang sash na may nakasulat na condolence. Paulit-ulit niyang binibigkas ang pangalan ni Kaizer.
"Nakakabulol naman ang pangalan ng taong ito," mahinag usal ng dalaga.
"Sino ang nagpadala niyan?" usisa ni Sean. Nakasimangot na naman ito at mukhang wala sa loob ang makipag-usap sa nobya niya.
"Galing daw kay Kaizer Gerzon," mahinang sabi ng dalaga.
"Manliligaw mo?" walang preno na tanong ni Sean.
Uminit ang ulo ni Kryzell at hinarap ang nobyo. Nagtataka ang dalaga sa mga inaasal ngayon ni Sean. Malayong-malayo kasi iyon sa ugali ng Sean na nakasama niya dati sa probinsya.
"Mayroon bang nanliligaw na condolence ang nakalagay sa bulaklak? Ang labo mo ngayon, Sean. Bigla ka na lang nagbago," inis na sagot ni Kryzell. "Ibili mo ako ng bouquet of roses tapos palagyan mo ng condolence na word. Iyon, baka manalo ka sa diskusyon natin."
"Kryzell," hinawakan ni Sean ang kamay ng palayo na sanang kasintahan. "Umuwi na lang tayo sa atin. Magsimula tayo ulit."
"Hindi, Sean. Bilang nag-iisang anak at tagapagmana ng Torquero ay mananatili ako rito. Hindi ako pinabalik rito ni Uncle Gener kung walang matinding dahilan. Ang pagkamatay ni daddy ay alam kong sinadya."
Naramdaman ni Kryzell ang panlalamig ng kamay ni Sean. Lumuwag din ang hawak ng binata sa kamay ng dalaga. Sa hindi kalayuan ay masama ang tingin ni Hilda sa magkasintahan. Nanlilisik ang mga mata niya at parang gustong patumbahin ang sino man sa dalawang nag-uusap.
Ngunit nang makalapit si Hilda kina Sean at Kryzell ay ngumiti siya na parang isang tunay na ina na nag-aalala sa anak.
"May pinagtatalunan ba kayo?" magiliw na tanong ni Hilda.
"Wala po, tita," mabilis na sagot ni Kryzell. Ngumiti siya sa stepmother niya.
Kahit binalaan siya ni Gener at ng kuya niya ay hindi niya naman makitaan si Hilda ng masamang ugali. Mas dama pa nga ni Kryzell ang pag-aalaga ng babae nang mamatay ang kaniyang daddy.
Biglang nahilo si Hilda kaya mabilis na inalalayan ni Sean ang babae. Hindi nakita ni Kryzell ang matinding pagpisil ng asawa ang balo ng kaniyang ama sa braso ng kasintahan niya.
Ang dalaga na lalayo na sana kanina ay muling binalikan ang bulaklak na nasa may pintuan. Nakaramdam siya ng inis kay Kaizer Gerzon na nagpadala noon.
"Kung totoong kaibigan ka ni daddy, bakit wala ka rito? Hindi ba't dapat kasama kitang naglukuksa? Para ka ring si Uncle Gener, maiilap kayo," gigil na sabi ng dalaga habang hinahampas ang bulaklak na padala ni Kaizer. Kasabay noon ng pagtulo ng luha niya dahil pakiramdam ni Kryzell ay wala siyang kakampi.
Napatingin si Kryzell kina Sean Hilda. Masinsinan ang usapan ng dalawa. Parang kinurot ang puso ng dalaga dahil sa sobrang selos. Sa edad kasi ni Hilda ay maganda pa rin ito at parang dalaga kung umasta. Napansin agad ni Kryzell ang mga lalaking nagpapalipad hangin sa babae kahit na nakaburol pa ang daddy niya.
Dumating ang araw ng libing. Walang kahit sino sa mga Fabian ang dumating. Lalong hindi rin nagpakita si Gener o maging si Kaizer. Tanging ang umalalay kay Kryzell ay walang iba kun'di ang stepmom niya.
"Please let him go. Ayokong mahirapan si Matias sa pag-alis niya," umiiyak na sabi ni Hilda.
Hindi maampat ang luha ni Kryzell kahit na panay ang pakiusap ni Hilda. Ngunit nang inilagak na si Matias sa kaniyang huling hantungan ay halos mahulog si Hilda sa hukay dahil sa tindi ng drama niya. Si Sean na nakakita ng pagpatay ni Hilda kay Matias ay nakatayo lang at walang mababakas na ekspresyon sa mukha.
Nang matapos ang libing at nakapasok na sa loob ng silid nilang mag-asawa si Hilda ay halos himatayin siya sa labis na tuwa. Ang kapatid niyang si Isabel ay pinapanood lamang siya.
"Mission accomplished, Isabel. Hindi ko naman talaga balak patayin si Matias. Kaya lang masyado siyang naging kampante. Akala niya ang mga abogado niya ay tapat sa kan'ya," sabi ni Hilda. "Balak niya pang alisan ako ng karapatan. Ayun tuloy, nag-bye-bye siya sa mundo."
Sinundan ni Hilda ng nakakapanindig balahibong tawa ang mga sinabi niya. Nakitawa na rin si Isabel. Nag-toast pa ang magkapatid sa tagumpay nila.
Si Kryzell naman ay tahimik na lumuluha sa loob ng kaniyang silid. Gulong-gulo ang isip ng dalaga at hindi niya alam kung paano magsisimulang muli.
Samantala, sa isang private resort sa Aklan ay tahimik na umiinom ng alak si Kaizer habang nakatingin sa paglubog ng araw. Nagluluksa ang binata sa pagkamatay ng isang taong tumulong sa kan'ya noong mga panahong pinatay ang kaniyang ama na dating mafia king ng grupo nila.
Matindi ang ugnayan ng ama ng binata at ni Don Matias. Kung hindi kay Don Matias ay baka wala na rin si Kaizer kaya utang ng binata ang buhay niya sa don. Labis siyang nalulungkot sa pagpanaw nito, subalit hindi siya pwedeng magpakita sa lamay dahil mainit ang grupo nila sa mga alagad ng batas. Iyon ay dahil sa gulo na nilikha ng Triangulo at dahil na rin sa pagdukot nila sa anak ng isang senador.
Lumapit si Mer sa boss niya. Maraming gustong i-report ang lalaki kay Kaizer ngunit hindi makapagsalita ito dahil sa nakikitang itsura ng binata. Kunot na kunot ang gwapong mukha ni Kaizer at malalim ang iniisip.
"Kung may sasabihin ka, sabihin mo na," utos ni Kaizer sa kanang kamay niya.
"Boss, itinanong ng anak ni Don Matias ang pagkakakilanlan mo. Iyon po ang ulat ng inutusan natin na maghatid ng bulaklak doon."
"Bakit interesado sa akin ang babaeng iyon?"
"Hindi ko po alam, boss."
Tumayo si Kaizer at walang pag-aalinlangan na sinuntok sa sikmura si Mer. Nanlilisik ang mga mata niya at sa kunting pagkakamali ng sinuman ay handang pumatay ng tao ang binata.
"Bago kayo mag-report sa akin, kumpletuhin n'yo muna ang detalye dahil hindi ko kaibigan ang mga manghuhula ng bansa!" malakas na sigaw ni Kaizer sa tauhan niyang nananatiling nakatayo kahit nakakaramdam ng sakit ng sikmura.
"Pasensya na, boss," mahinang sabi ni Mer.
Napakuyom ang kamao ni Kaizer at dinampot ang bote ng alak na nasa lamesa. Ubod lakas niya iyong itinapon papunta sa tubig dagat. Kasabay noon ay ang isang malakas na sigaw.
Sa isip niya ay bumalik ang mga kwento ng kan'yang ama. Malapit na magkaibigan ito at si Don Matias. Noong una ay hindi alam ni Don Matias na ang kaibigan niya ay member ng isang mafia organization. Subalit nang malaman nito ang tunay na pagkatao ng kaibigan ay hindi nito hinusgahan ang ama ni Kaizer. Sa halip ay sumuporta ng palihim ang don sa mga lakad ng ama ni Kaizer. Hanggang sa ang dating kanang-kamay lang ay naging mafia king.
Iginagalang at kinatatakutan man ng lahat ang ama ng binata ngunit nanatili ang solidong samahan ng magkaibigan hanggang sa kamatayan ng ng mafia king. Si Don Matias din ang tumulong kay Kaizer upang maging isang ganap na tagapagmana ng Devil's Angel kaya masakit sa binata na hindi niya nakita ang ninong niya sa huling araw nito sa mundo.
"Ahhhh... damn it! Gusto kong malaman ang dahilan ng kamatayan ni Don Matias! Magpadala ka ng tauhan sa mansion ng Torquero at ipasundo mo, Mer, ang anak ng don!"
"Masusunod, boss," sagot ni Mer.
Tumalikod si Mer at naiwan naman si Kaizer. Nagbabanta ang tingin niya.
"Oras na malaman kong sinadya ang kamatayan ni Don Matias, magbabayad ng mahal ang sinumang may gawa noon," bulong ng binata.
Ngunit hindi lang iyon. Nasasabik din ang batang mafia boss na makilala ang dalagang anak ni Don Matias. Handa siyang gawin ang lahat para proteksyonan ito kung kinakailangan.
"Saka na kita iisipin Jade Fabian. Sa ngayon ay uunahin ko munang asikasuhin ang anak ng taong hinding-hindi ko makakalimutan," bulong ni Kaizer sa hangin.
Makalipas ang tatlong taon, masayang pinagmamasdan nina Kaizer at Kryzell ang anak nilang pumapasok na sa paaralan. Sa kabila ng kanilang maraming trabaho, prayoridad nila ang kapakanan nito."Pwede na…" sabi ni Kaizer."Pwede ng… ano?" tanong ni Kryzell."Pwede na tayong gumawa ng baby number two para forty-eight na lang ang hahabulin natin," pilyong wika ni Kaizer."Ah, okay. Mayabang ka. Sige, hubad!"Biglang napatingin ang teacher ng anak nila sa labas ng classroom kung nasaan sila. Nagtatanong ang mga mata nito dahil sa narinig nito."Naku, pasensya na, ma'am. Feeling ko kasi ay na-allergy ako kaya gusto ko sanang patingnan sa asawa ko kung may mga pantal na ako sa likod. Iyon ang dahilan kaya pinahuhubad niya ako," paliwanag ni Kaizer."Oo nga naman, ma'am. Pasensya na po talaga."
Sigawan ng hospital staffs ang nagisnan ni Kryzell. Nagtataka na inilibot niya ang paningin sa paligid. Nasa isang puting silid siya kung saan ay napapalibutan siya ng mga miyembro ng Devil's Angel Mafia Organization at ng Sabado Boys. Ang binti niya ay nababalutan ng kung ano at hindi niya maigalaw iyon. "Kaizer," tawag niya sa pangalan ng kaniyang asawa. Hindi niya kasi ito makita ngunit batid niyang nasa paligid lang ito. Tanda niya kasi ang mga naganap bago siya nawalan ng malay. "Ma'am, may ginagawa lang si Boss Kaizer. Baka maya-maya ay nandito na rin siya," saad ng isa sa mga miyembro ng Sabado Boys. "Si Uncle Gener, nasaan?" tanong ulit ni Kryzell. "Nasa paligid lang po siya. Sinisigurado niyang ligtas ang buong ospital." Nagtataka na tinanong ni Kryzell ang kausap niya kung ano ang nangyayari sa loob ng hospital. Nagtatakbuhan kasi ang mga doktor at nars maging ang mga tao. Nakikita niya iyon dahil sa salamin na bintana ng silid na kinaroroonan niya. Ang mga nagsigawan
Isang malakas na kalabog ang narinig sa silid. Kahit masakit ang kan'yang binti ay nagawa ni Kryzell na patumbahin ang lalaking may peklat sa mukha. Ang totoo ay kaya niya naman talagang igalaw ang kan'yang mga paa. Umarte lang siyang hindi makalakad upang hindi mahalata ng mga taong nakasalamuha at nakakita sa kan'ya. Sa loob ng ilang araw ay pinilit niyang labanan ang kirot upang puwersahin ang sarili niya. Sa layo ng lugar na iyon na kinalalagyan niya ay batid niyang aabutin siya ng umaga bago siya makarating ng bayan kung maglalakad siya gamit ang kan'yang mga paa. Ini-lock niya ang pintuan. Mababa lang ang bintana sa silid kung saan siya ikinulong kaya pwede n'yang talunin lang iyon. Wala rin ikalawang palapag ang bahay kaya madali para sa kan'ya ang lumabas doon sa pamamagitan ng bintana gaya ng ginagawa niya noong bata pa sila. Sumilip si Kryzell sa sliding window. Napangiti pa siya at natu
Isang malakas na sigaw ang pinakawalan ni Kryzell at lumabas siya mula sa ilalim ng banig. Hinawakan kasi ng lalaki ang kaliwang binti niyang nabali. Ang kirot no'n ay tagos hanggang buto niya. Nagtawanan ang mga lalaki habang takot na takot na sumiksik si Kryzell sa dingding. "Bagong paligo na siya mga pare." Boses demonyo ang narinig ni Kryzell. Nabuo na sa sarili niyang lalaban na siya ng patayan kung pagsasamantalahan siya ng mga lalaki. "Huwag n'yong galawin ang babaeng iyan!" sigaw ng lalaking may peklat sa mukha. Agad na binuhat si Kryzell ng lalaking nakakita sa kan'ya. Tawa ito nang tawa habang walang kibo si Kryzell na nakasampa sa balikat nito. "Sabi ko na nga ba at nagsisinungaling kanina ang mag-asawa," sabi ng isa sa mga lalaki. "Tama talaga ang sinabi ninyong bumalik tayo rito," sagot din ng isa.
Magkakasunod na putok ng baril ang pinakawalan ni Kaizer. Kasalukuyan silang nasa Camarines Norte sa pag-aakalang naroon ang grupo ng Triangulo subalit mali ang impormasyon na nakuha ni Ruel.Tahimik ang lahat ng miyembro ng Devil's Angel Mafia Organization habang nagagalit siya at binabaril ang lupang nasa harapan niya. Lahat sila ay nakayuko lang habang pinanonood siya."Find my wife! Sobrang tagal na ng sixteen days para hindi n'yo siya makita!" Nakakabingi ang mga salitang binitawan ng mafia boss. Pinipigilan niya ang mga luhang gusto na namang pumatak. Mahigpit ang hawak n'ya sa gatilyo ng kaniyang baril na kung hindi siya magpapaputok ay baka atakihin siya sa puso kahit wala naman siyang sakit dito."Yes, boss," mahinang usal ng mga tauhan niya.Agad sumakay ang mafia boss sa chopper na naghihintay sa kan'ya. Habang nasa ere ay pasimple n'yang pinahid ang kan'yang luha.
Halos himatayin si Kryzell dahil sa kirot na nararamdaman niya. Sinuntok kasi siya sa sikmura ng lalaking mahaba ang bigote. Pilit kasing ipinasusulat nito sa kan'ya ang mga ari-arian na hindi raw alam ni Hilda ngunit natuklasan niya. Sa pag-aakalang maiisahan niya ang mga kalaban kaya gumawa siya ng pekeng listahan.Kahit namimilipit sa sakit ng sikmura ay pilit na nagpapakatatag si Kryzell. Walang puwang ang salitang pagod sa kan'ya. Ayaw niyang sumuko para sa kan'yang anak at asawa.Matindi ang galit niya kay Hilda. Ang galit na iyon ang nagtutulak sa kan'ya upang lumaban at manatiling buhay sa kabila ng mga paghihirap na pinagdadaanan niya sa kamay ng Triangulo.Isang araw ay inutusan ni Hilda ang kan'yang mga tauhan na ilabas siya mula sa silid kung saan siya nakakulong. Walang ginawa si Kryzell kung hindi ang sumunod lamang upang hindi na siya pagdiskitahan pa ng mga tauhan nito.