Share

CHAPTER 10

Author: Magic Heart
last update Last Updated: 2022-01-02 11:51:22

Maghapon na walang dumating na pagkain. Gutom at uhaw na si Kryzell ngunit walang nakaalala sa kan'ya mula sa loob ng mansion. Kahit ang nobyo na minsan n'yang minahal ay hindi man lang siya naisip na dalawin at dal'han ng kahit tubig man lang. 

Mainit sa silid na kinaroroonan ng dalaga. Ang kwarto ay nabububungan ng pinagtagpi-tagping butas na yero. Dati itong tambakan ng mga gamit ngunit dahil sa mga nakaraang sama ng panahon kaya nasira na ang bubong nito at hindi na naipaayos ni Don Matias bago siya namatay. 

Pagdating ng gabi ay namimilipit na sa sakit ng tiyan niya ang dalaga. Alumpihit na siya dahil sa madalas na pagtunog ng kaniyang tiyan at panunuyo ng kaniyang lalamunan. Panay ang dasal niya ng himala habang tahimik na umiiyak. 

"Hindi nila ako bubuhayin. Ngayon tiyak ko nang ako ang langaw na gustong mawala ni Tita Hilda," umiiyak na sabi ni Kryzell. "Paano ko ba tatakasan ang kalupitan niya?"

Habang kausap ng Kryzell ang kaniyang sarili ay biglang bumuhos ang malakas na ulan. Ang uhaw na dalaga ay nagkaroon ng kahit kaunting pag-asa. Itinapat niya ang kaniyang bibig sa tumutulong bubong. Kahit nangangawit na ang kaniyang batok dahil sa pagkakatingala ay nagtiya siya upang makainom at maibsan ang labis na panghihina. 

Basa na ang sahig at walang pwedeng higaan si Kryzell. Sa halip na mawalan ng pag-asa ay naghanap siya sa silid ng kahit anong pwedeng isahod upang makaipon siya ng tubig na inumin sa mga susunod na araw kung sakaling walang tubig at pagkain ang dumating katulad ng araw na iyon. Nang makita ang isang helmet na ginagamit sa construction ay hindi nagdalawang-isip ang dalaga na gawing ipunan iyon ng tubig. 

Para makatulog ng gabing iyon ay inilagay ni Kryzell sa sahig ang dalawang makapal na tabla na may isang dangkal na lapad. Nakasandal lang ito sa pader kaya naisip niyang pagtabihin at gawing higaan dahil basa ang semento. Sa isang bahagi ng silid na walang tulo nahiga ang dalagang determindong mabuhay. 

"Saan kaya dinala ni daddy sina tatay at nanay? Magkikita pa kaya kaming muli? Ligtas kaya sila?" tanong ng dalaga sa sarili. "Nasaan na kaya si Uncle Gener? Kakampi ko ba talaga siya o kaaway?"

Nakatulugan ni Kryzell ang mga tanong na iyon. Nang sumunod na araw ay nagising ang dalaga sa isang tadyak sa kaniyang sikmura. Hindi pa man siya nakababawi sa sakit ng katawan noong bago siya ikulong sa silid na iyon ngunit heto na naman si Hilda, parang isang buwetre na gustong pagpyestahan ang kaniyang mahinang katawan. 

"Bumangon ka! Magbabakasyon tayo," utos ni Hilda. 

"Saan po tayo pupunta?" lakas-loob na tanong ng dalaga. 

"Do I have to tell you my plans in life?" tanong ng mataray na stepmother ni Kryzell. 

Umiling ang dalaga at pinilit na tumayo. Napakapit pa siya sa pader habang hawak ang sikmura. Nangingilid ang kaniyang luha ngunit hindi siya nagsalita. 

"Ano ba ang bagal-bagal mo?!" sigaw ni Hilda. 

Sinipa nito ang dalaga kaya tuluyan siyang bumagsak sa sahig na basa pa rin ng tubig ulan. Ang suot na palda niya ay nabasa at ganoon din ang kaniyang pang-itaas. Subalit walang awa na ngumisi lang si Hilda. 

"You're weak just like your mommy." 

Pagkasabi noon ay lumakad si Hilda palabas ng silid na kinalalagyan ni Kryzell at tinawag ang dalawang lalaki. Inutusan niya ang mga ito na buhatin si Kryzell at isakay daw sa chopper na naghihintay sa kanila. 

Walang nagawa ang dalaga ng isampa siya sa balikat ng isang matipunong lalaki. Naramdaman n'ya ang bahagyang paghipo nito sa kaniyang pang-upo. 

"Ang ganda mo kahit ang baho mo," nakangising sabi ng lalaki. 

"Bastos!" sigaw ni Kryzell. 

Bilisan n'yo na!" sigaw din ni Hilda. 

Nagwala si Kryzell at pinagsusuntok ang lalaking may karga sa kan'ya dahil paulit-ulit nitong hinahaplos ang katawan ng dalaga habang buhat siya nito. Ngunit bigla siyang inihagis ng lalaki sa sementadong kalsada. Napaiyak si Kryzell sa labis na sakit na naramdaman n'ya.

Sa gilid ng mga mata ng dalaga ay nakita n'ya si Sean na naglalakad palapit sa kan'ya. Nakasilip siya ng kaunting pag-asa na baka tulungan siya ng dating nobyo. 

"Tulungan mo ako, Sean. Please, iuwi mo na lang ako sa Tagkawayan," pakiusap ni Kryzell sa dating kasintahan. 

"Manahimik ka!" sabi ni Sean kasabay ang isang malakas na sampal na binigay nito sa kawawang dalaga. 

"Nakatungtong ka lang sa mansion na ito, naging walang puso ka na rin katulad nila," umiiyak na sabi ni Kryzell. 

Hinawakan ni Sean ng ubod higpit ang panga ng dalaga. Walang awa o pagmamahal ang mababakas sa gwapong mukha ng lalaki habang nakikipagtitigan sa mata ni Kryzell. 

"Huwag na huwag ka na ulit magmamakaawa sa akin," mariin na sabi ng binata sabay higpit ng hawak nito sa panga ng babaeng minsan ay minahal siya. 

"Sean, ano ba? Buhatin mo na siya at dal'hin mo na rito!" utos ni Hilda. 

Agad tumalima si Sean. Para siyang aso na sunod-sunuran lang sa utos ng amo. Mangangagat siya kapag inutusan ni Hilda. Nawala ang lahat ng paghanga na dating inukol ni Kryzell sa kan'ya. 

Sa chopper ay panay ang halikan nina Sean at Hilda. Nasa likuran naman ang nakataling si Kryzell kaya kitang-kita niya ang lahat. Parang sinasaksak ang puso ng dalaga. Hindi niya matanggap sa kan'yang sarili na naloko siya ng isang taong katulad ni Sean. Nagsimulang lumiyab ang galit sa puso niyang dati ay puro pagmamahal ang laman. 

"Hindi ako papayag na patayin ako ng mga walang kaluluwa na taong ito! Maghahanap ako ng pagkakataon para makatakas," bulong ng isip ni Kryzell. 

Sa isang beach resort lumapag ang chopper. Hindi alam ni Kryzell kung nasaan sila ngunit batid ng dalaga na ang lugar na pinagdalahan sa kan'ya ay pagmamay-ari ng daddy niya. Makikita kasi sa hardin ang mga katagang Torquero Paradise.

At dahil kinakaladkad siya ni Sean kaya hindi nagawang magbigay galang ni Kryzell sa matandang babae na nadatnan nila sa resort. May awa siyang nakita sa mga mata nito kaya batid ni Kryzell na maaari siyang tulungan ng babae. 

"Inday, ikandado mo siya sa basement!" mala-donya na utos ni Hilda. 

"S-si-ge po, ma'am," nauutal na sabi ng matandang babae. 

"Don't you dare talk to her. Kilala mo ako," banta pa ng stepmother ng dalaga. 

Biglang binitawan ni Sean si Kryzell kaya napasalampak ang dalaga sa sahig. Lumapit siya kay Hilda at agad naging malikot ang kamay nito sa katawan ng m*****g rin na babae. Wala silang pakialam kung nakikita ni Kryzell ang paglalampungan nila.

"Hali ka na, iha," sabi ng katulong na inutusan ni Hilda. "Patawarin mo ako sa gagawin ko. Kailangan kong sumunod sa utos."

"Tulungan n'yo po ako," pabulong na sabi ni Kryzell habang inaalalayan siya ng matanda. "Tiyak ko pong papatayin nila ako para makuha ang yaman ng mga Torquero."

"Wala akong magagawa para sa kahilingan mo," nanginginig na sabi ng matanda. 

"Kahit ako ang dating nawawalang anak ni Don Matias Torquero?" tanong ni Kryzell sa ma-awtoridad na tono. 

"A-a-nong si-si-na-bi mo?" 

"Ako si Kryzell Torquero, ang nag-iisang anak ni Don Matias. Batid kong pinatay ni Tita Hilda ang daddy ko at maaaring siya rin ang nasa likod ng kamatayan ng mommy ko noon. Tulungan n'yo po ako, please…" 

"Inday! Bakit ang tagal mo?" pasigaw na tawag ni Hilda sa inutusan n'ya. 

Nasa itaas ito ng hagdan ng basement at nakatingin sa kanila. 

"Titingnan ko ang magagawa ko," mahinang sabi ng katulong kay Kryzell sabay sagot kay Hilda ng, "Saglit lang po, ma'am. Sa dami po kasi ng hawak kong susi, hindi ko na po alam kung alin ang para sa basement." 

"Bilisan mo riyan at ipaghanda mo kami ng pagkain ng nobyo ko," ani ni Hilda. 

"Lasunin mo po sila," utos ni Kryzell.

"Diyos ko! Hindi ko kayang gawin iyan," sabi ng nanginginig na matanda. 

Mabilis na umakyat ang matanda at naiwan si Kryzell sa basement. May malaking bintana ang silid ngunit hindi makakatakas doon ang dalaga dahil may harang na bakal ang bintana mula sa labas. Tanaw niya ang malawak na dagat na nasa hindi kalayuan. Amoy din ng dalaga ang alat na dala ng simoy ng hangin. 

Maaliwalas ang paligid ngunit ang puso ng dalaga ay puno ng takot at pag-aalinlangan. Nararamdaman niyang sa lugar din na iyon siya papatayin ng sakim niyang stepmother kaya kailangan niyang makahanap ng paraan kung paano matatakasan ang sundo ni kamatayan. 

Bago dumating ang tanghalian ay lihim si Kryzell binigyan ni Inday ng pagkain at inumin. Sa isang saglit ay napawi ang gutom at uhaw ng dalaga. Lumipas ang maghapon na tahimik ang paligid. Hindi narinig ni Kryzell ang boses nina Sean at Hilda. 

Nang dumilim na ang paligid ay nakadama si Kryzell ng matinding takot. Tinalo ng kaba ng kan'yang d****b ang gutom at puyat n'ya. Alerto ang dalaga sa bawat tunog na naririnig niya. Hanggang sa may marinig siyang mga yapak ng paa pababa sa hagdanan.

Bumukas ang pintuan at bumungad kay Kryzell ang walang emosyon na mukha ni Sean. Agad nitong hinablot ang nahintakutan na dalaga. 

"Bitawan mo ako!" sigaw ni Kryzell sabay sipa niya kay Sean. Tinamaan ang p*********i ng huli kaya hindi siya nakakilos agad.

Ngunit sa hagdanan ay nakaharang si Hilda. Hawak niya ang isang latigo na agad tumama sa katawan ni Kryzell. Ang isang palo ay nasundan pa, hindi lang isa kun'di ng napakarami.

Dama ni Kryzell ang pagkahiwa ng balat niya. Hindi siya halos makakilos dahil sa sobrang sakit ng bawat latay ng latigo. Subalit hindi papayag ang dalaga na matapos ang buhay n'ya nang hindi siya lumalaban. Sinalag ni Kryzell ang latigo at kahit halos himatayin siya sa sakit ay hinigpitan n'ya ang kapit rito at hinala n'ya ito dahilan upang malaglag si Hilda sa hagdan. 

"Habulin mo siya, Sean, at patayin mo!" sigaw ni Hilda  

Pilit tumayo si Sean at umakyat ng hagdanan. Palibhasa'y mahina dahil sa mga nakaraang bugbog sa kan'ya kaya hindi makatakbo ng mabilis si Kryzell. Sa hardin ay inabutan siya ni Sean. 

"You have to die!" malakas na sabi ni Sean sabay sampal kay Kryzell. 

Ang dati ng sugat sa nguso ng dalaga ay muling dumugo. Napasadsad din siya sa mga rosas kaya napasigaw si Kryzell dahil sa sakit ng mga tinik na bumaon sa katawan n'ya. 

"Patayin mo na siya!" sigaw muli ni Hilda. 

Nang marinig iyon ni Kryzell ay muli niyang tinangkang saktan si Sean subalit hindi na siya nakakilos pa ng sinaksak siya ni Sean sa tiyan. Dama ni Kryzell ang kirot na dulot ng ginawa ng kan'yang dating karelasyon ngunit mas masakit ang nararamdaman ng kaniyang puso. 

Bahagyang natulala si Sean ng makita niyang unti-unting nawawalan na ng buhay si Kryzell. Ang mga alaala ng kanilang nakaraan ay bumalik sa isip ng binata. 

"Patay na ba?" tanong ni Hilda. Halos tatlong metro ang layo nito sa dalagang nakahandusay sa damuhan.

"Oo. Patay na. Tapos na," nakangising sabi ng binata. 

"Ibaon mo na," sabi ni Hilda. "Katulad ng ginawa ko sa daddy at mommy niya, gusto ko ng malinis at walang ebidensya ang kamatayan n'ya."

"Itapon na lang natin sa dagat para wala talagang ebidensya na makita ang nga pulis," suhestiyon ni Sean. 

"Go. Sige, itapon mo na!"

Binuhat ni Sean si Kryzell. Hindi na siya nag-abala pa na hugutin ang kutsilyo na nakabaon sa dalaga. Mabilis niya itong dinala sa dagat at doon niya tinapos ang sumpang mamahalin ang kasintahan hanggang sa huli ng kanilang mga buhay. 

Kinabukasan, gumising si Kaizer na mainit ang ulo. Ilang oras lang ang tulog niya kahit nilunod n'ya sa alak ang kan'yang sarili noong nakaraang gabi. Ang alaala kasi ng h***k ni Jade ay hindi mawaglit sa isip ng binata. Dagdag alalahanin pa niya ang anak ni Don Matias.

"Totoo kayang nasa panganib ang buhay ng anak ni Don Matias? Bakit ang sabi sa mansion nila ay nagbakasyon ito kasama ang kaniyang stepmom?" tanong ng binata sa sarili niya. 

"Boss, training lang kami sa dalampasigan," paalam ni Mer na sumilip lang sa silid na kan'yang kinaroroonan. 

Tumango lang si Kaizer at saka muling umupo sa ka kaniyang upuan sa basement ng pribadong resort na kaniyang pinagtataguan. Mas gusto n'yang mamalagi roon dahil bukod sa tahimik ay mas nakakapag-isip siya kapag medyo madilim ang lugar. 

Tinawag ni Kaizer ang isang miyembro ng Devil's Angel Organization. Magalang naman itong lumapit sa kan'yang boss. 

"Maghanap ka nga ng babae sa mga karatig isla. Bayaran mo ng malaki para hindi magsalita," utos ni Kaizer. "Gusto ko ay wild sa kama at kayang alisin ang mga alalahanin ko."

"Masusunod po, boss."

Nang mapag-isa ay napatayo si Kaizer sa kan'yang upuan. Kinuha n'ya ang isang bote ng alak at tinungga ito. 

"Damn it! Bakit ganito ang epekto sa akin ng isang h***k lang ng Jade na iyon?" tanong ni Kaizer sa sarili pagkatapos lunukin ang alak na gumuhit sa kan'yang lalamunan.

Iinom pa sanang muli ang binata nang rumaragasang pumasok sa silid na kinaroroonan niya ang grupo ni Mer. Buhat-buhat ng mga ito ang mahinang si Kryzell. Walang malay ang dalaga at nangingitim ito dahil sa ilang oras na pagkababad sa tubig-dagat. Si Kaizer na noon ay nagulat ay biglang natulala habang nakatitig sa mukha ng babaeng kay tagal niyang hinahanap. 

Magic Heart

Hello readers! Please don't forget to leave your feedback and ratings on this book. Sana mabigyan n'yo rin po ito ng gems. Thank you for your warm support. Love lots, Magic Heart

| 36
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (109)
goodnovel comment avatar
Jhoana Rasonable
please update Naman ganda Ng storya kawawa Naman Ang tagapagana humanda Sila dahil babalik Siya para mangili ito yong storya pag katapus Ng api babalik para mag hignati
goodnovel comment avatar
Ailene Villocero
pa unlock namn po
goodnovel comment avatar
Lilian Simon Dela Cruz
pwede pa unlock po
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • The Mafia's Hidden Angel (Tagalog)   CHAPTER 90: WAKAS

    Makalipas ang tatlong taon, masayang pinagmamasdan nina Kaizer at Kryzell ang anak nilang pumapasok na sa paaralan. Sa kabila ng kanilang maraming trabaho, prayoridad nila ang kapakanan nito."Pwede na…" sabi ni Kaizer."Pwede ng… ano?" tanong ni Kryzell."Pwede na tayong gumawa ng baby number two para forty-eight na lang ang hahabulin natin," pilyong wika ni Kaizer."Ah, okay. Mayabang ka. Sige, hubad!"Biglang napatingin ang teacher ng anak nila sa labas ng classroom kung nasaan sila. Nagtatanong ang mga mata nito dahil sa narinig nito."Naku, pasensya na, ma'am. Feeling ko kasi ay na-allergy ako kaya gusto ko sanang patingnan sa asawa ko kung may mga pantal na ako sa likod. Iyon ang dahilan kaya pinahuhubad niya ako," paliwanag ni Kaizer."Oo nga naman, ma'am. Pasensya na po talaga."

  • The Mafia's Hidden Angel (Tagalog)   CHAPTER 89

    Sigawan ng hospital staffs ang nagisnan ni Kryzell. Nagtataka na inilibot niya ang paningin sa paligid. Nasa isang puting silid siya kung saan ay napapalibutan siya ng mga miyembro ng Devil's Angel Mafia Organization at ng Sabado Boys. Ang binti niya ay nababalutan ng kung ano at hindi niya maigalaw iyon. "Kaizer," tawag niya sa pangalan ng kaniyang asawa. Hindi niya kasi ito makita ngunit batid niyang nasa paligid lang ito. Tanda niya kasi ang mga naganap bago siya nawalan ng malay. "Ma'am, may ginagawa lang si Boss Kaizer. Baka maya-maya ay nandito na rin siya," saad ng isa sa mga miyembro ng Sabado Boys. "Si Uncle Gener, nasaan?" tanong ulit ni Kryzell. "Nasa paligid lang po siya. Sinisigurado niyang ligtas ang buong ospital." Nagtataka na tinanong ni Kryzell ang kausap niya kung ano ang nangyayari sa loob ng hospital. Nagtatakbuhan kasi ang mga doktor at nars maging ang mga tao. Nakikita niya iyon dahil sa salamin na bintana ng silid na kinaroroonan niya. Ang mga nagsigawan

  • The Mafia's Hidden Angel (Tagalog)   CHAPTER 88

    Isang malakas na kalabog ang narinig sa silid. Kahit masakit ang kan'yang binti ay nagawa ni Kryzell na patumbahin ang lalaking may peklat sa mukha. Ang totoo ay kaya niya naman talagang igalaw ang kan'yang mga paa. Umarte lang siyang hindi makalakad upang hindi mahalata ng mga taong nakasalamuha at nakakita sa kan'ya. Sa loob ng ilang araw ay pinilit niyang labanan ang kirot upang puwersahin ang sarili niya. Sa layo ng lugar na iyon na kinalalagyan niya ay batid niyang aabutin siya ng umaga bago siya makarating ng bayan kung maglalakad siya gamit ang kan'yang mga paa. Ini-lock niya ang pintuan. Mababa lang ang bintana sa silid kung saan siya ikinulong kaya pwede n'yang talunin lang iyon. Wala rin ikalawang palapag ang bahay kaya madali para sa kan'ya ang lumabas doon sa pamamagitan ng bintana gaya ng ginagawa niya noong bata pa sila. Sumilip si Kryzell sa sliding window. Napangiti pa siya at natu

  • The Mafia's Hidden Angel (Tagalog)   CHAPTER 87

    Isang malakas na sigaw ang pinakawalan ni Kryzell at lumabas siya mula sa ilalim ng banig. Hinawakan kasi ng lalaki ang kaliwang binti niyang nabali. Ang kirot no'n ay tagos hanggang buto niya. Nagtawanan ang mga lalaki habang takot na takot na sumiksik si Kryzell sa dingding. "Bagong paligo na siya mga pare." Boses demonyo ang narinig ni Kryzell. Nabuo na sa sarili niyang lalaban na siya ng patayan kung pagsasamantalahan siya ng mga lalaki. "Huwag n'yong galawin ang babaeng iyan!" sigaw ng lalaking may peklat sa mukha. Agad na binuhat si Kryzell ng lalaking nakakita sa kan'ya. Tawa ito nang tawa habang walang kibo si Kryzell na nakasampa sa balikat nito. "Sabi ko na nga ba at nagsisinungaling kanina ang mag-asawa," sabi ng isa sa mga lalaki. "Tama talaga ang sinabi ninyong bumalik tayo rito," sagot din ng isa.

  • The Mafia's Hidden Angel (Tagalog)   CHAPTER 86

    Magkakasunod na putok ng baril ang pinakawalan ni Kaizer. Kasalukuyan silang nasa Camarines Norte sa pag-aakalang naroon ang grupo ng Triangulo subalit mali ang impormasyon na nakuha ni Ruel.Tahimik ang lahat ng miyembro ng Devil's Angel Mafia Organization habang nagagalit siya at binabaril ang lupang nasa harapan niya. Lahat sila ay nakayuko lang habang pinanonood siya."Find my wife! Sobrang tagal na ng sixteen days para hindi n'yo siya makita!" Nakakabingi ang mga salitang binitawan ng mafia boss. Pinipigilan niya ang mga luhang gusto na namang pumatak. Mahigpit ang hawak n'ya sa gatilyo ng kaniyang baril na kung hindi siya magpapaputok ay baka atakihin siya sa puso kahit wala naman siyang sakit dito."Yes, boss," mahinang usal ng mga tauhan niya.Agad sumakay ang mafia boss sa chopper na naghihintay sa kan'ya. Habang nasa ere ay pasimple n'yang pinahid ang kan'yang luha.

  • The Mafia's Hidden Angel (Tagalog)   CHAPTER 85

    Halos himatayin si Kryzell dahil sa kirot na nararamdaman niya. Sinuntok kasi siya sa sikmura ng lalaking mahaba ang bigote. Pilit kasing ipinasusulat nito sa kan'ya ang mga ari-arian na hindi raw alam ni Hilda ngunit natuklasan niya. Sa pag-aakalang maiisahan niya ang mga kalaban kaya gumawa siya ng pekeng listahan.Kahit namimilipit sa sakit ng sikmura ay pilit na nagpapakatatag si Kryzell. Walang puwang ang salitang pagod sa kan'ya. Ayaw niyang sumuko para sa kan'yang anak at asawa.Matindi ang galit niya kay Hilda. Ang galit na iyon ang nagtutulak sa kan'ya upang lumaban at manatiling buhay sa kabila ng mga paghihirap na pinagdadaanan niya sa kamay ng Triangulo.Isang araw ay inutusan ni Hilda ang kan'yang mga tauhan na ilabas siya mula sa silid kung saan siya nakakulong. Walang ginawa si Kryzell kung hindi ang sumunod lamang upang hindi na siya pagdiskitahan pa ng mga tauhan nito.

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status