THIAGO
Kakagising ko palang ay hinarap ko na ang ilang papeles na hindi ko pa napi-pirmahan sa nakalipas na ilang araw ko sa Las Vegas. Lumapit si Harvey sa akin na may dalang itim na envelop.
“Thiago, dadalo ka ba sa inihandang pagdiriwang ni Mr. Fang sa Casino Imperial?” Tinigil ko ang pagpirma ng mga dokumento at kinuha ang itim na envelop na inabot niya sa akin.
“At ano naman ang gagawin natin doon? Alam kong isa si Mr. Fang ang humahadlang sa mga transactions ko sa black market. Kunwari pa siyang gusto akong maging kaibigan. Pero ang totoo, hinaharang niya ang lahat ng mga negosyante na balak lumapit sa akin. Kaya hindi na ako magtataka kung bakit nasa ikatlong rank na siya. Pati nga si Xandro na nasa ikaapat na rank ay nagawa niyang ungusan at kunin ang loyalty ng mga tagasunod nito.”
Kinuha ko ang nilalaman ng imbitasyon at binasa ‘to.
“Bukas na ng gabi yan. Mas maganda kung pupunta tayo. Wag mong problemahin si Mr. Fang kahit naman mas umangat na siya ngayon ay mas kilala ka parin ng lahat ng pupunta doon.”
Napaisip ako sa sinabi niya. Isa kasi sa pinaka hindi ko gusto ay makipagplastikan sa mga taong alam kong kaya akong traydorin ngunit tama si Harvey. Malaking bagay din yun kung dadalo ako. Bukod sa makikita ko ang iilang kasapi din sa black market. Ay makikilala ko pa ibang hindi pa niya kilala. Siguradong yun ang dahilan ni Mr. Fang para mas palawakin pa ang impluwensya niya lalo na sa foreigner na dadalo. At ang presensya ko ang gagamitin niya.
“Okay, ikaw na ang bahalang maghanda ng susuotin natin. At ihanda mo na rin ang mga bodyguards na kakailanganin natin. Pagtitipon yun ng mga mapanganib at mahahalagang tao kaya hindi dapat tayo magpaka-kampante.” Paalala ko sa kanya bago ko itinuloy ang pagbabasa at pagpirma ng mga dokumento.
“Hangang dito ba naman dala-dala mo pa din ang gintong box na yan? Masyado na akong curios kung ano ba talaga ang laman ng box na yan.” Nagtatakang tanong ni Harvey nang mapansin ang gintong box sa ibabaw ng lamesa ko. Gawa kasi ito sa purong ginto at may desenyo na diamond sa gilid may letter K pa na nakalagay sa ibabaw nito at nakaukit.
“Don’t tell me ang ibig sabihin ng letter ‘K’ na nakaukit diyan ay initials ng pangalan ng babaeng hinahanap natin?” Gulat na sabi niya sa akin na ikinatigil ko ulit sa pagpirma. Tiningala ko siya at sinalubong ang gulat niyang mukha.
“Mabuti pa, umalis ka na at gawin mo na ang ipinagagawa ko sa’yo. Wag mong paki-alam ang bagay na walang kinalaman sa trabaho mo.” Seryosong sabi ko sa kanya.
“Gusto ko lang naman silipin ang laman niyan sa lo—”
Malakas na hinampas ko ang mesa dahil sa pangungulit niya sa akin.
“Kung mahal ang gintong box na ito. Mas mahal ang laman niyan. Wag mo ng subukan silipin pa dahil malalagot ko sa akin.” Banta ko sa kanya. Kahit saan ako magpunta ay dala-dala ko ang box na ito at walang ibang pwedeng kumuha o humawak dito kundi ako lang.
“Sorry na, wag ka ng magalit. Curious lang ako, pero malakas ang kutob kong para kay Miss Keyla talaga ang regalo mong yan.” Nakangising sabi niya sa akin.
Napasinghap ako dahil sa taglay niyang pangungulit. Malapit na naman akong maubusan na naman ng pasenya kaya nang mapansin ni Harvey na bubuga na naman ako ng apoy ay nagmadali na siyang lumabas sa room. Nakahinga lang ako ng maluwag nang lumabas na ito.
Napapangiti kong sinalat ang nakaukit na letter sa ibabaw ng box. Habang iniisip ko ang magandang mukha ni Keyla.
Kinabukasan ay maaga ‘kong tinapos ang aking mga gagawin upang pagdating ng gabi ay makapunta kami sa dadaluhan naming pagtitipon. Kinagabihan ay sinuot ko na ang inihanda ni Harvey na magarang dark suit para sa event. Maayos na nakasuklay pataas ang itim kong buhok. Mas makintab pa sa sahig ng solaire ang kulay itim kong sapatos. Si Harvey naman ay itim din ang suit na suot at puti naman ang panloob, naka necktie pa ito. At nakahanda na rin ang mga bodyguards sa pag-alis namin. Pagdating namin sa Casino Imperial ay sinalubong agad ako ng mga nakakakilala sa akin.
“How are you Thiago?” Tanong ng isang British man na si David Hunt. Kilala ko ito sa pagiging experto sa pagamit ng counterfeit money.
“I’m good, how about you Mr. Hunt?” Magalang na tanong ko sa kanya. Kahit isa akong mafia hindi ako pumapatay ng mga taong walang kasalanan. Hindi rin ako gaya ng iba na kumikidnap sa mga inosenteng bata. Para ipatubos sa mga mayayaman nilang magulang. Mas kilala ang pangalan ko sa black market sa pag-aangkat ng iba’t-ibang malalakas na armas. I’m collecting rare and strong firearms, golds and treasures. I’m an expert in weapon dealing. I have also ten illegal ground para sa mga mayayamang adik sa sugal. And now I’m focusing to expand my real estate business. Mainit sa mga mata ng authoridad ang mga illegal na gawain at sa paglipas ng panahon ay ilang bigating druglords na din ang pinatay.
“I have gold bars, if you’re interested I can schedule you anytime to do business with me.” David Hunt said. I smiled and said yes.
Dalawang klase lang ng tao ang pinapapatay ko. Una ay ang traydor at magtatangkang lokohin ako. Pangalawa ay ang magtatangkang patayin ako.
“Thiago!” Nakangising tawag ni Mr. Fang sa akin nang makita niya ako.
“Mabuti naman at tinangap mo ang imbitasyon ko. Nakikita mo ba kung gaano ka successful ang Casino Imperial? Billions of money ang kinikita ko dito kada buwan.” Pagmamayabang niya sa akin. I fake my smile at look at him.
“Hindi na masama Mr. Fang sa dami ba naman nang mahihirap na pinalayas mo sa lupain na ito para maitayo ang Casino Imperial ay hindi na ako magtataka na maging matagumpay ang negosyo mo.” Biglang umasim ang mukha ni Mr. Fang sa sinabi ko.
“Dapat lang na pinalayas ko sila Thiago. Wala naman silang naa-ambag sa lipunan kundi puro kahirapan. Hindi ko na kasalanan kung wala na silang matitirahan ngayon. Hindi ko rin kasalanan kung ipinangak silang mahihirap. Sa maunlad na bansa ay salot ang mga mahihirap.” Nakangising sabi Mr. Fang sa akin na ikinakunot ng noo ko.
“Salot ang mga mahihirap? Nakalimutan mo na ata kung saan ka nangaling Mr. Fang?”
Nawala ang kulay sa mukha nito nang seryosong sabihin ko yun sa kanya. Hindi lang negosyo ang inaalam ko sa aking mga kakompetensya kundi pati na rin ang pinangalingan ng mga ito.
“Kung ano man ang nais mong tumbukin Thiago, mabuti pang wag mo nang ituloy. Sabihin na nating hindi kasalanan ng taong ipinanganak siya dukha. Pero kung tumanda na siya at nagkaedad ay dukha pa rin siya ibig sabihin ay kasalanan niya yun. Dahil wala siyang ginawa para umasenso ang buhay niya.” Seryosong sagot ni Mr. Fang. Bago ito nagpaalam sa akin dahil malapit nang mag-umpisa ang programa.
Magsasalita pa sana ako nang may mapansin akong babaeng nakatalikod. Mahaba ang kulay pulang gown nito at litaw na litaw ang maputing nitong likod nito. May hawak itong wine sa kanyang kaliwang kamay. May kausap din itong binata na sa tingin ko ay hindi nalalayo sa aking edad.Kahit nakatalikod ang babae ay alam kong maganda ito sa tindig pa lamang at kung paano dalhin ang sarili. Hangang sa sandaling lumingon sa kinaroroonan ko ang babae. Para akong naitulos sa kinatatayuan ko nang makita ang kanyang mukha. Kahit segundo lang ang paglingon niya sa gawi ko ay rumihistro kaagad sa isip ko ang nakangiti at mapula nitong labi. Kitang-kita ko din ang tangos ng ilong nito. At ang nakakaakit na mga mata niya. Mga matang minsan na ding bumihag sa akin.
“Hoy! Bakit ganyan ka makatingin sa babae?” Saway sa akin ni Harvey nang mapansin akong naka-awang ang labi. Nararamdaman ko ang pagbilis ng pagtibok ng aking puso na ngayon ko lamang naranasan.
“She’s here." Sambit ko.
“Who?” Kunot noo na tanong ni Harvey sa akin. Sinundan niya ng tingin kung saan napako ang atensyon ko. At nang muling lumingon ang babae ay nanlaki din ang kanyang mga mata.
“Damn it! Siya nga! Ang babaeng hinahanap natin!” Hindi makapaniwalang wika ni Harvey.
SEBASTIAN “Ikaw?!” Bulalas ng babaeng sapilitan kong ipinadukot upang dalhin dito sa isang rest house namin. “Mabuti naman naalala mo pa ako? Hindi ako makapaniwalang nahirapan ang mga tauhan kong dalhin ka dito. Totoo ngang magaling ka sa martial arts dahil bukod sa black-eye bali-bali pa ang mga buto nila.” Naiiling na sabi ko sa kanya. Tumayo siya sa kama at akmang susuntukin ako ngunit mabilis kong nahawakan ang mga kamay niya at inikot ko ang kanyang katawan at hinawakan ko siya ng mahigpit. Nasa likuran niya ako at mahigpit kong hawak ang mga kamay niya. Nakapaikot sa beywang niya ang braso ko. “Manyak ka talaga! Bitawan mo ako! Kung ano man ang balak mo sa akin. Wala kang mahihita sa akin! Hindi ako anak mayaman at kapag nakawala ako dito lagot ka sa tatay ko!” Singhal niya sa akin habang pilit na kumakawala sa pagkakayakap ko. “Hindi pera ang dahilan kaya kita dinala dito. Binasted mo ako remember? Ayoko nang pinaghihirapan makuha ang isang bagay kaya kung ayaw mo ng santo
KEYLAEveryone is here, celebrating with us. Talagang binigyan nila ng araw at oras ang mahalagang araw na ito for me and Thiago. Although wala si Nara dito I know kung nasaan man siya masaya siya for me. Natupad ang isa sa pangarap ko ilang beses na ring hindi matuloy-tuloy ang pagpapakasal naming dalawa pero heto kami ngayon. Were dancing in front of all people who are happy to see both us. Talagang ginastusan ni Thiago ang buong resort dahil exclusive lang ito para sa aming at sa mga bisita. “Are you happy?” Nakangiting tanong niya sa akin. “Of course, ikaw ba? Paano tayo after nito?” Tanong ko sa kanya. Siya kasi ang nagplano ng lahat ng ito. Nang malaman kong gusto niya kaming ikasal sa ibang bansa hindi na niya ako ini-stress sa lahat ng detalye. At kumuha siya ng wedding planner at organizer sa California to prepare our wedding. At hindi ko alam kung ano ang plan niya after the reception. “Huwag mo nang problemahin yun. Si Mommy daw muna ang mag-aalaga kay Seb. Sabi niya mag
THIAGO“Hoy! Ano ka ba? Para kang hindi mapatae diyan!” Saway ni Harvey sa akin. Kanina pa kasi ako hindi mapakali nandito kami waterfront beach resort sa huntington beach sa California. Dito ko napiling pakasalan si Keyla kasama ng pamilya at malapit naming kaibigan. Bukod sa luxurious Hilton hotel kung saan magaganap ang aming reception napili kong maging backdrop ng exchange vows namin ay ang sunset at blue wavy waves ng resort beach resort. At almost five minutes na siyang late nandito na lahat ng a-attend sa kasal namin. Kabilang si Harvey na best man ko. Ang lahat ng kaibigan ni Keyla at agents ng TAJSO kompleto at pati na rin ang mga bago naming business partners at investors. “Late na siya at malapit na ring lumubog ang araw sa tingin mo paano ako kakalma?” Kunot noong tanong ko sa kanya. Lumapit siya sa akin at tinapik niya ako sa balikat. “Five minutes palang, ganun talaga ang mga babae Thiago. Si Cherry nga eh tatlong oras akong pinag-antay sa date namin at nakalimutan d
KEYLANapabalikwas ako ng bangon nang makapa kong wala na akong katabi sa kama. Mataas na rin ang araw at tumatagos na ang hangin sa nakabukas na salamin ng balkonahe. Paglingon ko sa crib ay wala na din doon si Baby Seb kaya bumaba ako ng kama at nagtungo ako sa balkonahe upang tanawin ang magandang panahon sa labas. Napatingin ako sa ibaba at nakita ko silang dalawa. Karga niya si Baby at tuwang-tuwa niya itong nilalaro habang pinapainitan. Hindi ko maiwasan ang mapangiti. Hindi ko kasi akalain na darating ang araw na ito. Na buhay siya at makakasama namin siyang muli. Napa-angat siya ng tingin sa gawi ko at malawak na nginitian niya ako. Kung ganito ba naman ka-guwapo ang bubungad sayo pagising palang ang sarap ng sundan ni Baby Seb! Kumuha ako ng cardigan at lumabas ako ng kuwarto. Pagkababa ko ng hagdan ay bumungasd si Mommy sa akin na naghahanda ng pagkain sa veranda. “Mabuti naman gising ka na. Pinuyat ka ba ni Baby Seb? O baka naman ang lalaking yun ang pumuyat sa’yo? Alala
THIAGONabigla ako nang sabihin ni Keyla na wala na si Nara. Hindi ko inasahan na matatalo siya ng ganun at hahantong sa masaklap na kamatayan. Matagal ko na rin naman siyang napatawad kaya nakikisimpatya ako sa pagdadalamhati nila at nagpasyang ipagpaliban muna ang kasal. Dahil yun ang hiling ng kanyang mga magulang. Isa pa wala pang fourty days at nagluluksa parin sila kaya ni-respeto ko ang kanilang hiling. Hindi ko na naman kailangan ng assurance dahil sapat na si Baby Seb upang masiguro kong papakasalan ako ni Keyla sa kabila ng nangyari sa mga nakalipas na buwan.Sa ngayon ay nandito kami sa crystal de galyo ang islang pagmamay-ari at minana ng kanyang ama. Nalaman kong dito din pala siya nagtago kaya hindi ko siya mahanap noong mga oras na naghiwalay kaming dalawa. Kailangan daw kasi namin ng magandang lugar to unwind lalo pa’t mabigat parin ang kalooban ng kanyang mga magulang. At kasama akong nagdadalamhati dahil alam kong masakit din ito kay Keyla. “Mahal, kanina pa naiya
KEYLATumawid ako sa tulay na inilagay nila upang makatawid kay Thiago. Kaagad niya akong niyakap ng mahigpit.“Natapos din ang lahat.” Mahinang sambit ni Thiago habang yakap niya ako. “Hindi pa tapos Thiago, kailangan muna nating matangal ang bombang inilagay ni Tanita diyan sa katawan mo.” Hinaplos ni Thiago ang buhok ko.“I know, pero hindi na ako nag-alala sa bomba mas inalala kita kanina. Alam mo bang para akong a-atakihin habang nakatingin lang sa inyong dalawa? Bakit ba kasi ayaw mong tulungan kita sa baliw na babaeng yun? Paano kung napahamak ka? Paano kung ikaw ang nahulog? Tignan mo ang nangyari sa’yo.” Paninisi nito sa kanya habang hinahaplos ang duguan niyang labi.“Dahil laban namin yun ni Tanita. Marami siyang atraso sa sayo lalo na sa akin. Kaya nararapat lang na ako ang tumapos sa kanya. Kahit hindi niya sabihin sa akin ng harapan alam kong ngayon lamang siya nakatagpo ng katapat kaya ginamit niya ang huli niyang baraha. And I was satisfied fighting with her. Karapat