Share

Chapter 4

THIAGO

Hindi ako makapaniwala na makikita ko siya ngayong gabi. Ang babaeng matagal ko nang hinahanap ay dito ko pa sa Casino Imperial matatagpuan. Pero malaking katanungan sa akin kung bakit siya naririto. Kung tama ang hinala ko na alagad siya ng batas ay mali atang narito siya sa pagtitipon ng mga taong illegal ang ginagawa.

Lahat ng kilos ni Keyla ay mataman kong sinusundan masama ang kutob na may magaganap ngayong gabi kagaya ng nangyari sa auction. Kapag totoo ang hinala ko siguradong nandito sa party ang kanyang target. Naagaw ng atensyon ko ang pagsunod ng tingin niya kay Mr. Fang. Tinapik ako ni Harvey kaya napabaling ang tingin ko sa kanya.

“Anong gagawin mo?” Kunot noo na tanong niya sa akin. Pareho kaming dalawa na bumalik ang tingin sa kanya. Kung kanina ay binata ang kausap niya ngayon ay matandang lalaki naman. Mukhang hindi lang ako ang nakakakuha ng atensyon niya. Nakatalikod ito sa gawi namin at ilang dipa ang layo namin sa kanya. Pero alam kong masaya ang usapan nila ng lalaki dahil panay ang ngisi ng kausap nito.

“I don’t know, pero kailangan nating bantayan ang kilos niya.” Seryosong sagot ko sa kanya. Inikot ko ang paningin sa kabuohan ng Casino. Kung sakaling may gagawin si Keyla ay wala siyang ibang lalabasan kundi ang main door ng Casino Imperial. Fully guarded ang buong place sa iba’t-ibang security ng lahat ng taong nandito. Kaya hindi maiwasan na kabahan ako sa maaring gawin niya.

“Tama nga, kailangan mong bantayan si Ms. Keyla.” Nakangusong sabi ni Harvey at tinutumbok ang kinaroroonan ng Keyla.

Kaagad kong naikuyom ang aking kamao at umigting ang panga ko nang makita ko ang ginagawa ng lalaki. Habang nakahawak sa kanyang beywang. Humihimas pa ang kamay nito sa kanyang likuran. Akmang lalapitan ko na sila pero kaagad akong pinigil ni Harvey.

“Anong gagawin mo? Lalapitan mo siya at a-agawin mo si Ms. Keyla sa kanya?” Kunot noo na tanong niya sa akin. Kung sa ganoong paraan ako magpapakita sa kanya siguradong hindi ko siya makukuha.

“Ladies and gentlemen! Thank you for having me here tonight at Casino Imperial. As you all know we are celebrating three years of overflowing success in this business. And I’d like you to all meet the founder of Casino Imperial! Mr. Fang!” Pakilala ng MC. Abala ang isip ko sa kanya kaya hindi ko namalayan na nag-umpisa na pala ang program. Nakangiting umakyat si Mr. Fang sa stage. Habang kumakaway pa sa lahat ng bisita. Sandaling nawala ang tingin ko kay Keyla ngunit nang ibalik ko ang tingin ko sa kanya ay wala na siya kung saan siya nakatayo kanina. Kaagad akong nataranta at hinanap ko kung nasaan siya.

“What’s wrong?” Kunot noo na tanong ni Harvey sa akin nang mapansin niyang hindi na ako mapalagay at nagka-kandahaba na ang leeg sa paghahanap kay Keyla.

“She’s missing, hanapin mo siya and alert all the security!” Mahinang utos ko sa kanya na kami lang ang nakakarinig. Kaagad naman siyang umalis sa harapan ko.

“Good evening everyone! Thanks to all of you. Hindi magiging successful ang Casino Imperial kung hindi dahil sa ilan sa inyo na tumulong sa akin upang maging bahagi ng pagtatayo nito. At gusto kong pasalamatan ang isa sa panauhin kong pandangal si Mr. Thiago Profaci sa pagpunta sa event na ito. Alam naman natin kung gaano siya ka-abala sa kanyang maraming negosyo. Pero nagawa niyang makarating dito. Yun ay dahil alam niyang malaki ang impluwensya ko sa inyong lahat na naririto.” Mayabang na pahayag ni Mr. Fang.  

Nagpalakpakan ang mga tao at hindi ko maiwasan ang mairita sa lahat ng walang kwenta niyang pahayag. Hindi ako pumunta dito para kilalanin na isa siya sa mataas ang rank sa black market. Hindi pa rin nagbabago ang tingin ko sa kanya. Isa pa rin siyang linta na palihim na s********p sa mga taong alam niyang malaki ang magiging pakinabang niya kaya naabot niya ang sinasabi niyang success.

“At ngayong gabi! Nais kong ipaalam sa inyo! Magkakaroon ng panibagong branch ang Casino Imperial dito sa Pilipinas at sa abroad!” 

Lalong naging masigabo ang palakpakan ng mga bisitang naririto sa hall. Ngunit mas naagaw ng atensyon ko ang magandang babaeng kanina ko pa hinahanap. Mabini siyang lumalakad patungo sa harapan ng stage. At ganun na lamang ang gulat ko nang dahan-dahang niyang hinahawi ang slit ng suot niyang gown. Yumuko siya at may kinuha sa makinis nitong hita.

“Fuck!”

Umalingaw-ngaw ang putok ng baril. Naging dahilan upang magpulasan ang lahat ng tao. Kasabay ng pagbulagta ni Mr. Fang sa sahig ng stage ay mabilis siyang nawala sa paningin ko. Nagsimulang magkagulo sa paligid. Naghiyawan ang mga babaeng nasa party at kanya-kanya namang labasan ang mga tao. Habang ang mga bodyguards ni Mr. Fang ay nilapitan kaagad ang katawan nito. Nagpalinga-linga ako sa paligid dahil sa dami ng tao kung saan-saan tumatakbo ay hindi ko makita kung nasaan na siya hangang sa sunod-sunod ang putok ng baril mula sa left wing ng Casino Imperial ang naririnig ko.

“Thiago! Anong gagawin mo?!” Sigaw sa akin ni Harvey nang makalapit siya sa akin kasama ang mga bodyguards kong pumalibot sa akin. Tatakbo kasi ako dapat papunta sa left wing pero naharang nila ako.  

“We need to save her!”

“What?! Nasisiraan ka na ba? Hindi lang sampu ang bodyguards ni Mr. Fang! Mamaya rin ay magdadagsaan na sila dito! Kaya umalis na tayo!” Litanya ni Harvey. Tumigas ang anyo ko at hinarap ko siya.

“I don’t care! I need to save her!”

Nilagpasan ko sila at tumakbo ako papunta sa kung nasaan ang mga putok ng baril na naririnig ko. Nang makarating na ako sa hallway ng left wing ay nadadaanan ko na ang mga bangkay ng tauhan ni Mr. Fang. Maraming kwarto ang narito dahil bukod sa Casino ay hotel din ito para sa mga taong nagpapahinga o naghahanap ng pansamantalang aliw na customers sa Casino Imperial.

“Thiago! Thiago!” Patuloy na tawag ni Harvey sa akin. Nakasunod pala siya sa akin kasama ng mga bodyguards ko.

“Search the area! Nandito lang siya!”

Binuksan nila ang lahat ng kwarto na nadaanan namin. At wala pa rin kaming makita hangang sa bumungad sa amin ang exit door.

“Ako muna!” Wika ni Harvey. Siya ang nagbukas ng pintuan at kaagad akong sumunod sa kanya. Nagulat ako nang makita ko kung paano niya kinakalaban na mag-isa ang mga tauhan ni Mr. Fang. Gamit ang isang baril sa kamay niya at sinasalubong niya ang pagdatingan ng mga ito mula sa labas. Nagmadali akong bumaba ng hagdan at tinulungan ko siyang barilin ang mga kalaban.

Napatingin siya sa akin nang mapatumba ko ang isa sa sumugod sa kanya.

“Ikaw?!” Nag-dalawang tingin pa siya sa akin. Na-distract siya nang makita niya ako kaya hindi na niya alam ang pagsulpot ng kalaban. Kaagad ko siyang hinila at ikinulong sa aking braso. Nilingon ko ang mga paparating pang kalaban at pinaputukan ang mga ito. Tumulong na rin si Harvey at pinalibutan kami ng bodyguards ko. Napa-angat siya ng tingin at nagtama ang mata naming dalawa.

“Did you miss me?” Nakangiting tanong ko sa kanya. Napakaganda talaga niya at napabango din. Lalo na ngayon kahibla na lamang ang layo ng mukha naming dalawa. Parang gusto ko na siyang halikan pero nasa gitna kami ng labanan. Imbis na sagutin ang tanong ko ay impit siyang napangiwi. May naramdaman akong mainit na likido sa aking kamay na nakapaikot sa kanyang beywang. At nang silipin ko yun ay pakiramdam ko binuhusan ako ng malamig na tubig.

“Harvey! Kunin niyo ang kotse! Ako na ang bahala dito bilisan niyo!”

“Bakit?” Naguguluhan niya akong tinignan.

“Damn it! She’s bleeding! We need to get out of here! Now!” Tarantang sigaw ko sa kanila. Hangang sa tuluyan na siyang nawalan ng malay sa dibdib ko. 

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Alona Solomon Bolando
na mao ka isug mangud ka hahhh nawahhh uhhh nayayay nuon ka but ok lang naa mn sa kanlungan ni tiago ok ra hahah
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status