Share

Kabanata 16

Author: mnwrites
last update Last Updated: 2025-12-11 11:27:26

KIARA

Medjo nakakaramdam na ako ng kalasingan dahil sa iniinom namin ni Noah. Hindi ko mapigilan ang sarili ko na uminom lang nang uminom habang si Noah naman ay patuloy lang na bumibili ng alak. Matagal din kaming nakaupo doon at nagpapakasaya kagaya ng ginagawa ng ibang tao sa paligid namin.

“Alam mo ngayon ko lang naramdaman yung ganitong kalayaan,” wika ko sa kaniya. Kahit na medjo nahihilo na ya hinayaan ko lang ang sarili ko na malunod sa alak. Minsan lang mangyari sa buhay ko ito kaya bakit hindi ko na ito sulitin?

“You know what, pwedeng ito na yung last na order natin, mukhang lasing ka na rin,” wika niya sa akin. Agad ko namang nilapit ang hinlalaki ko sa kaniyang bibig upang pigilan siya.

“Shhh, hindi pa,” iling na sabi ko. “Nag-e-enjoy nga tayo, ‘di ba party ito para sa pagkakaroon ko ng trabaho sa coffee shop.” Napatawa naman siya sa akin habang napailing-iling.

“Yeah, but you’re already drunk. Baka mamaya kung ano’ng gagawin mo,” wika niya. Tinignan ko lang naman siy
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • The Man I was Never Meant to Love   Kabanata 36

    KIARABiglang uminit ang buong dining area dahil sa sinabi ni Zoren. I think ito rin ang sinabi ni Zoren sa akin kanina na ihanda ang sarili ko sa kahit ano’ng mangyayari. Pero one month? Napakabilis lang ng isang buwan. Kung tutuusin, wala kaming pagmamahal sa isa’t isa ni Zoren. We’ve become friends nung nagkasama kami ng isang linggo sa penthouse. And now they wanted na maikasal kami sa loob ng one month? Ano ba sa kanila ang kasal? Isang laro? Business? “Zoren, are you hearing yourself?” diin na sabi ni Tita Helena. Mukhang pinipigilan lang niya ang sarili niya na magalit kay Zoren. Napahinga ako nang malalim at plano siyang saluhin. Alam ko na magagalit sila mom at dad sa gagawin ko, pero ito lang ang alam kong paraan para malaman nila na hindi lahat ng gusto nila ay dapat masunod. “Tita he’s right, one month is too fast.” dagdag ko. Napatingin naman sa akin sila mom and dad dahil sa sinabi ko. “Kiara.” tawag sa akin ni dad. “Why dad? Totoo naman po, we still need to learn

  • The Man I was Never Meant to Love   Kabanata 35

    KIARAIlang araw na rin ang lumilipas pero hindi ko pa rin nakikita si Noah. After ng pag-uusap namin ni Zoren, gusto ko talaga siyang makita at makausap. Pero sobrang busy niya. Hindi na nga siya pumapasok sa coffee shop kaya ang ending ako na lang din ang mag-isang pumupunta doon. “May problema ka ba? Kanina ka pa nakatingin sa cellphone mo?” tanong ni Zoren sa akin. Napangiti naman ako sa kaniya at napatingin sa cellphone ko. “Wala naman.” “May inaabangan ka bang mag-text? Hindi magte text iyon busy iyon ngayon.” Napatingin naman ako sa labas ng sasakyan. Nakakainis, hindi man lang ba marunong mag text kahit na ‘hi okay lang naman ako, ikaw?’ or hindi kaya ‘sorry busy talaga ako, hindi ko magawa ma-text ka.’ nakakainis, kung kailan gusto ko siyang kausapin after ng iilang nalaman ko sa kaniya, pero wala pa rin akong nakukuhang messages galing sa kaniya. 

  • The Man I was Never Meant to Love   Kabanata 34

    KIARA Hindi ako maka-react dahil sa nakita kong text messages niya. Ayaw kong ipakita kay Zoren na naapektuhan ako sa mga sinasabi ni Noah sa akin. “Alam mo ngayon ko lang nakita si Noah na ganito kasaya. He deserves happiness.” Nakangiti niyang sabi. Ni-ready naman niya ang pagkain namin dalawa at nagsimula na kaming kumain. Medjo nakaka-conscious nga kumain ngayon dahil alam naming dalawa na merong nanonood sa amin. “Maiba ako, alam ko na medjo mahihirapan tayo dito. Pero what do you think na lumipat tayo ng bahay?” napakunot naman ang noo ko dahil sa pagtataka. “Bakit naman, hindi pa ba maganda dito?” Tanong ko sa kaniya. “Well maganda, pero masyadong malaki for the both of us. Nung mga nakaraang araw naghahanap ako ng bahay kahit maliit lang, enough for our space. At least doon hindi nila tayo mamanmanan.” Napalunok naman ako dahil sa binabalak niya. Medjo kinakabahan ako doon, pero may point si

  • The Man I was Never Meant to Love   Kabanata 33

    KIARA“Kiara, here.” Nagulat ako nang biglang may papalapit na kutsara sa akin na may laman na pagkain. Napangiti naman ako sa kaniya sabay kinain ang pagkain na gawa niya. Nanlaki naman ang mata ko dahil masarap din siyang gumawa. Hindi ko expected na parehas pala sila ni Noah na magkaparehas marunong magluto. Ngayon ay pangalawang araw namin na ginagawa ang bagay na ito. Hindi ko expected na nakakapagod pala. Nakakapagod magsinungaling na alam mo sa sarili mo na hindi ka masaya sa ginagawa mo. Napangiti naman ako kay Zoren sabay napataas ng kamay with ‘ok’ sign. “You know what, isa iyan sa tinuro sa akin ni Noah.” Napatigil ako dahil sa sinabi niya. “Si Noah ang magaling magluto sa amin, innate na niya iyon siguro dahil lagi siyang nasa kusina kasama yung chef namin.” Nagpatuloy lang naman ako sa ginagawa ko habang nakukwento niya ang bagay na iyon. Hindi ko mapigilan ang hindi mapangiti dahil sa sinasabi ni

  • The Man I was Never Meant to Love   Kabanata 32

    KIARAIlang gabi na rin matapos ng pagsasama namin ni Noah. Hindi ko pa rin makakalimutan yung saya sa nangyaring nung mga gabing iyon.Pero kinakabahan ako sa araw na ito, dahil dapat dadatnan na ako pero hindi pa rin dumadating. Iniisip ko ay dahil ba sa may nangyari sa amin ni Noah kaya ganon. Paano kung nabuntis nga niya ako? Kasalukuyan kaming nasa girls room ng mall ngayon. Bumili ako ng pregnancy test dahil gusto kong malaman kung bakit hindi pa ako dinadatnan ngayong buwan. “Hoy ano ba kasi ang ginagawa natin dito?” tanong ni Lianne sa akin. “Tapos bumili ka pa ng pregnancy test, umamin ka nga may nangyari ba sa inyo ni Zoren?” Nanlaki ang mata ko dahil sa gulat ng sinabi niya.Agad kong hinarangan ang kaniyang bibig at napatingin sa paligid. “Tumahimik ka nga baka mamaya merong ibang taong makarinig sa ‘yo. Isa pa walang nangyari sa amin ni Zoren!” Diin na sabi ko. “Oh bakit ka magp-pregnancy

  • The Man I was Never Meant to Love   Kabanata 31 (SPG)

    KIARA Ang dami naming ginawa sa buong magdamag na magkasama kami ni Noah sa condo niya. At bigla na lang, yung akala naming huling beses naming magagawa ang pagtatalik ay nasundan na naman sa araw na iyon. Hindi ko na rin namalayan ang oras na magdidilim na ulit sa labas. Walang saplot kaming nakahiga sa kama niya, napatingin ako sa labas ng condo niya. Habang ang kalangitan ay unti-unting binabalot ng kadiliman at katahikan. Naramdaman ko ang bigla niyang pagyakap sa akin mula sa akin likuran. Hindi ko ininda ang nararamdaman kong matigas na tumutusok sa akin, dahil mas iba ang yakap na binibigay sa akin ni Noah. “Napagod ka ba?” tanong niya sa akin. “Hindi naman, you always guided me. Baka masanay ako niyan,” wika ko sa kaniya. Niyakap naman niya ako nang mahigpit habang ang kaniyang mukha ay kaniyang sinisiksik sa aking leeg. “I will miss you, magiging busy na ako sa work. Hindi tayo masyadong magkikita.” Bigla naman akong nakaramdam ng kalungkutan dahil sa sinabi niya. “Aal

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status