KIARANakatingin lang ako sa mga gamit na dadalhin ko sa bahay na titirahan namin ni Zoren. Hindi ko na rin dinamihan lahat dahil hindi ko naman alam kung masasanay ako doon. Ang hinihintay ko na lang kung kailan darating si Zoren dahil siya ang maghahatid sa akin papunta sa penthouse. Sinabihan ko naman siya na kaya ko ng mag-isa, magbo-book na lang ako pero mapilit din siya, siguro gawa ng sinabi ni Tito sa kaniya. Hindi pa nagtatagal ay bigla na lang tumunog ang cellphone ko at doon ko nakita ang pangalan ni Zoren. “Andito ka na ba?” I asked politely. “Sorry Kiara, I can’t make it. Ang dami kong inaasikaso sa office. Pero meron na akong tao na pinapunta jan para sunduin ka,” wika niya sa akin. “No need na Zoren, sabi ko naman kasi sa ‘yo na kaya ko naman pumunta mag-isa doon. Magbo-book na lang ako,” sagot ko pabalik. “No I insist, sige na kita na lang tayo mamaya sa penthouse, bye.” Napahinga na lang ako nang marinig kong binaba niya ang tawag. Sigurado akong napipilitan lan
Terakhir Diperbarui : 2025-11-28 Baca selengkapnya