author-banner
mnwrites
mnwrites
Author

Novels by mnwrites

The Man I was Never Meant to Love

The Man I was Never Meant to Love

Lumaki si Kiara sa mundong puno ng bawal, bawal magkamali, bawal lumaban, bawal magmahal nang sarili niyang paraan. Kaya nang ipilit ng mga magulang niya ang arranged marriage niya kay Zoren, ang cold at dutiful heir, wala siyang nagawa kundi sundin ito, kahit na ramdam niyang hindi iyon ang buhay na gusto niya. Pero ang hindi nila alam ang tunay na panganib ay hindi ang lalaking papakasalan niya, kung hindi ang kapatid nito na si Noah, isang rebelde, wild, at mapusok. Lalaking parang unos na biglang pumasok sa tahimik niyang mundo. He is everything she should stay away from, a man who rides too fast, lives too freely, and kisses like sin. Pero siya lang ang nakakita sa Kiara na matagal nang nakakulong. Siya ang nagpakita ng kalayaan, saya, at pagmamahal na hindi kailanman inalok sa kaniya. Hanggang unti-unti, nahulog siya sa lalaking hinding-hindi dapat naging bahagi ng buhay niya. Pero may tinatagong lihim si Noah, isang katotohanang itinago ng pamilya nito para protektahan ang pangalan nila. A secret that proves he was never ment to be in Kiara's world... or in her heart. Kakayanin ba nilang lumaban sa ano mang unos na kanilang mararanasan? Kahit na alam nilang bawal, mali, at madaming tutol dito. He was the man she was never meant to love pero siya rin ang lalaking hindi niya kayang pakawalan.
Read
Chapter: Kabanata 5
KIARA “Alam mo ang laki ng bahay ninyo, pero hindi mo man lang ako magawang makausap,” kulit na sabi niya. Hindi ko alam kung bakit andito pa rin itong lalaking ito? Gusto ba nito makikain din dito?“Alam mo ang dami mong sinasabi? Bakit ba andito ka pa rin? Kanina mo pa kinukwento na pinadala ka ni Zoren dito kahit na meron kang party na pupuntahan? Bakit hindi ka pa umaalis, iwan mo na ako dito.” wika ko sa kaniya. Napatawa naman siya sa akin na para bang may nakakatawa sa sinabi ko. “Easy lang, parang lahat ng galit mo sa mundo ibinuhos mo sa akin?” patawa niyang sabi. “Besides andito na ako bakit hindi pa ako makikikain, sayang ang utos ni Zoren kung wala rin naman akong benefit.” Napairap na lang ako at napailing-iling. Tinuloy ko na lang ang niluluto ko dahil ano’ng oras na rin. Pero hindi ko alam kung tama ba ang ginagawa ko, dahil first time ko lang na gawin ang pagkain na ito. Sinusundan ko lang kung ano ang step na pinapanood ko. Kumuha ako ng kutsilyo para hiwain ang mg
Last Updated: 2025-11-28
Chapter: Kabanata 4
KIARANakatingin lang ako sa mga gamit na dadalhin ko sa bahay na titirahan namin ni Zoren. Hindi ko na rin dinamihan lahat dahil hindi ko naman alam kung masasanay ako doon. Ang hinihintay ko na lang kung kailan darating si Zoren dahil siya ang maghahatid sa akin papunta sa penthouse. Sinabihan ko naman siya na kaya ko ng mag-isa, magbo-book na lang ako pero mapilit din siya, siguro gawa ng sinabi ni Tito sa kaniya. Hindi pa nagtatagal ay bigla na lang tumunog ang cellphone ko at doon ko nakita ang pangalan ni Zoren. “Andito ka na ba?” I asked politely. “Sorry Kiara, I can’t make it. Ang dami kong inaasikaso sa office. Pero meron na akong tao na pinapunta jan para sunduin ka,” wika niya sa akin. “No need na Zoren, sabi ko naman kasi sa ‘yo na kaya ko naman pumunta mag-isa doon. Magbo-book na lang ako,” sagot ko pabalik. “No I insist, sige na kita na lang tayo mamaya sa penthouse, bye.” Napahinga na lang ako nang marinig kong binaba niya ang tawag. Sigurado akong napipilitan lan
Last Updated: 2025-11-28
Chapter: Kabanata 3
KIARA Gusto ko ng umalis sa lugar na iyon ng bigla niyang hinawakan ang kamay ko para pigilan ako. “What’s wrong?” tanong niya sa akin. Bumibigat lalo ang hininga ko at gusto na makawala sa lugar na iyon. “Please, kailangan ko ng umalis, mali, mali yung ginawa nating dalawa.” Napakunot naman ang noo niya dahil sa sinabi ko. “What’s wrong with it?” tanong niya sa akin. “Ikakasal na ako! Mali yung ginawa natin,” sambit ko. Napatigil naman siya dahil sa sinabi ko, na parang siya rin ay nagkamali dahil sa ginawa naming dalawa. “Sorry, Lianne let’s go!” sambit ko kay Lianne. Agad naman siyang napatingin sa akin at kita sa mukha niya ang pagtataka. Nagmamadali akong lumabas hanggang sa makarating kami sa parking lot. “Wait lang Kiara, ang bilis mong maglakad. Ano bang nangyayari? Sino yung morenong lalaking iyon?” tanong niya sa akin. Napapikit na lang ako sabay napahawak sa aking ulo. “I did something wrong Lianne. Nakipaghalikan ako sa lalaking hindi ko kilala.” Napatigil naman si
Last Updated: 2025-11-28
Chapter: Kabanata 2
KIARAMinsan sa buhay ko ay wala talaga akong nilabag na kahit ano’ng ayaw nila dahil ayaw kong magalit sila. Kaya sa loob ko, nakabuo ako ng mga bagay na alam kong comfort ko at mga bagay na dapat kong iwasan. All of my life sinusunod ko ang kung ano’ng image ang gusto nilang magkaroon ako. Ayaw ko na magkaroon ako ng isang pagkakamali na magiging disappointed sila sa akin dahil sa buhay ko walang room ang pagkakamali. Ni minsan hindi ko pa nagawang maging wild, maging malaya. Sa decisions ko sa nung college about sa mga papasukan kong universities at program, doon lang ako naging malaya. Pero sa pinaka buhay ko, nakakulong pa rin ako sa kung ano’ng alam nilang tama. “Malalim na naman yung iniisip mo, spill it,” tanong ni Lianne sa akin. Napangiti naman ako at napailing-iling. “Ano sila tito at tita na naman? Ganyan ka naman lagi kapag meron silang pinapagawa sa ‘yo.” wika niya sa akin. “Ikakasal na ako,” walang prenong sambit ko. Napatigil siya at seryosong napatingin sa akin. “
Last Updated: 2025-11-28
Chapter: Kabanata 1
KIARAHabang nakatingala sa kalangitan, doon ko napansin ang malalayang bituwin na nagniningning kasama ng buwan na nagbibigay liwanag sa gabing madilim. Kung iisipin, napakalaya nila, napakalaya silang makita ng lahat ng tao. Napakalaya silang gawin ang mga bagay na gusto nila–malayo sa kakayanan kong gawin ang bagay na gusto ko. Minsan naiingit na lang ako sa kalayaan na natatanggap nila, dahil may kalayaan din kaya ako? May kakayahan din ba akong gawin ang gusto kong gawin? Dahil sa pagkakataon na ito, para akong nakatali sa isang tanikala na ang tanging magagawa lamang ay ang sumunod sa utos na sasabihin nila sa akin. “Magpapakasal? Kanino naman po?” tanong ko sa kanila. “Sa anak nila Helena at Victor Alcantara na si Zoren.” Napapikit na lang ako nang marinig ang sinabi nilang iyon. Doon pa lang alam ko ng talo ako. Doon pa lang ay wala na akong kalayaan. “Mom, dad hindi ba sinabi ninyo ako na ang bahala sa buhay ko?” tanong ko sa kanila. “And we did,” sagot ni mom. “Ikaw ang
Last Updated: 2025-11-28
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status