MasukAraw ng patay ngayon, pinagtirik n'yo naba ang mga taong kinaiinisan ninyo?😂 Mag ingat po ang lahat.
••••Rasselle "Pasensya na Liam, maiwan mona kita dito ha! Sasama lang ako sa isang taong nababaliw at kampon ni Satanas, ay mali pala. Siya pala si Haring Satanas. Pasensya na talaga!" Hingi kong paumanhin kay Liam, pinapakalma ko lamang ang aking sarili, dahil ayaw kong sumabog dito sa harapan ng aking kaibigan, baka matakot siya sa akin kapag binugahan ko ng apoy si Rage kapag naubos ang pasensya ko sa kanya. "Ayos lang Rasselle. Sumama kana sa kanya, panahon na seguro na mag usap kayong dalawa para maliwanagan na kayo. Kung ano naba talaga ang status ninyong dalawa, kung kayo parin ba o handa mona siyang patawarin at tanggapin muli saiyong buhay." Sabi ni Liam. Ngumiti ako sa kanya, at yayakapin ko pa sana ang aking kaibigan na si Liam ng tawagin ako ni Haring Satanas. "Tama na yan, masakit sa mata!" Naipikit kona lang ang aking mga mata, at pilit na pinapakalma parin ang aking sarili. "Sege, na Rasselle! Hindi na makapag hintay ang ex boyfriend mo." Pagtataboy na sa aki
•••Rasselle. Napakasaya ko ngayon, sa dalawang buwan ko dito sa Vancouver nakalimotan ko ang mga problema ko sa Pilipinas. Naging matalik na magkaibigan kami ni Liam Schmicker simula nong magkakilala kami nung unang araw na tumapak ako sa art exhibit. Noong una, nailang ako sa kanya, dahil sa sinabi niya na gusto niya raw ako. Pero sinabi ko sa kanya ang totoo kung bakit ako nandito sa Vancouver -upang makalimot dahil sa kabiguan ko sa pag ibig. Naunawaan naman niya ako, kaya mas pinili nalang namin ang maging matalik na magkaibigan nalang dalawa. Tinulongan niya ako na mas mapaganda pa lalo ang obra ko. Katulad ngayon, isa sa gawa kong obra dito sa art exhibit ang napili na isali nila sa bidding ngayong araw dahil sa tulong ni Liam. Excitement at may halong kaba akong nararamdaman dahil baka ni isa sa kanila ay walang gustong tumaas ng numero nila sa obra ko. Ngayon pa lang ay parang pinanghihinaan na ako ng loob. Tinupad naman ni Tito William na hindi ako malalapitan ng magkamba
°°°Rage. Bukod sa galit litong lito na ako. Hindi kona alam ang gagawin ko ng malaman kong umalis si Rasselle dito sa Pilipinas. Gusto kong malaman kung saan bansa siya ngayon pumunta ngunit walang matinong impormasyon akong nakukuha sa taong inutusan ko. Malawak ang koneksyon ko ngunit baliwala lang ang lahat ng ito. May taong makapangyarihan ang humaharang sa akin at nagbibigay ng protekta kay Rasselle. Napadaan ako sa isang church at napahinto ako dahil sa kantang narinig ko. Who am I, that the Lord of all the earth would care to know my name? Would care to feel my hurt? Who am I, that the bright and morning star would choose to light the way For my ever wandering heart? Not because of who I am But because of what you've done Not because of what I've done But because of who you are I am a flower quickly fading Here today and gone tomorrow A wave tossed in the ocean (ocean) A vapor in the wind Still you hear me when I'm calling Lord, you catch me when
°°°Rasselle. Kumakabog ang dibdib ko ng hindi ko inaasahan na makita ko ulit si Rage. Muling bumalik ang galit ko sa kanya. Ayaw ko na s'yang makita kahit kailan, baka hindi kona mapigilan pa ang aking sarili ay bumigay nanaman ang puso ko sa kanya, sa dalawang buwan naming hindi nagkita, siya parin ang lalaking tinitibok ng puso kong ito. Gusto ko ng bumitaw, ngunit ayaw pa ng puso ko. Naguguluhan na ako. Hindi kona alam ang gagawin ko. Tama nga si Mommy Clarabelle, mas nakakabuti sa akin ang umalis na mona dito sa Mandaluyong upang maghilom ang bakas ng sugat na ginawa sa akin ni Rage. At mali ang aking desisyon na manatili dito habang sariwa ang sugat dito sa puso ko upang makalimot. Nakasulat na ang mga gusto kong gawin sa aking pag alis. 1. Una gusto kong sumali sa art exhibit. Gusto kong iguhit ang isang babae na nag asam at nagmahal ng isang lalaki, ngunit niloko lamang ito. Pero ganun pa man, hindi ito nagpatalo sa bugso ng damdamin, ng galit. Nagpakatatag ito para sa mu
•••Rage Umaga ngayon at nandito ako ngayon sa tapat ng coffee shop nila Rasselle. Dito ko siya aabangan upang makausap muli, kung galit parin ba siya sa akin, o ako parin ang nag iisang laman ng puso niya. Hindi nagtagal ay may dumating na sasakyan na hindi sa akin pamilyar, bumaba ang sakay nito mula sa driver seat. Napatayo ako ng tuwid ng si Rasselle ang nakita ko. Ang laki ng pinagbago niya, nag-iba ang estilo ng kanyang pananamit, lalo siyang gumanda sa paningin ko. Pero ang dating Rasselle parin ang gusto ko dahil sa ganun ko siya minahal. "Rasselle!"Tawag ko sa kanyang pangalan. Lumingon ito sa akin. Halatang nagulat ng makita niya ako. "Rage!" Mahina ngunit basa ko sa pagbuka ng kanyang bibig na binigkas niya ang pangalan ko. "Rasselle!" Tawag kong muli sa kanya, "Pwede ba tayong mag-usap na dalawa? Alanganin ko pang sabi, naiilang ako dahil biglang nangunot ang kanyang nuo, pero maganda parin. "P-Pasensya na busy ako ngayon, marami akong gagawin ngayong araw! Maram
•••Rage. Gusto ko pa sanang manatili dito ng ilan pang buwan dito sa private property ko dito sa El Nido Palawan, ngunit sa mga nababalitaan ko tungkol sa aking kambal kung ano ang ginagawa nitong pangungulit kay Rasselle ay hindi ko na pwedeng i extend at baka pagsisihan ko pa ng habang buhay. "Mag-iingat ka hijo saiyong pag-alis! Sana sa susunod na pagbalik mo dito ay kasama mona ang dati mong nobya, alam kong magkakaayos pa kayo kaya sana huwag kayong mainip ha! At huwag na maghanap ng iba. May dahilan ang panginoon kung bakit binibigyan kayo ng pagsubok, malalampasan n'yo din yan na dalawa. Huwag na huwag kayo padadaig sa tukso, dahil yan ang tuluyan na sisira saiyong relasyon at mawawala ang inyong pagmamahal sa isa't isa. Nawa ay gabayan kayo ng poon may kapal sa kalangitan." Payo sa akin ni Manang Tinay. Isang yakap na mahigpit at may pagmamahal bilang anak ang ginawad ko sa kanya. "Hayaan mo po Manang Tinay, palagi ko pong tatandaan ang mga payo mo sa akin. At sana sa dal