Isang masiyahin na babae si Zeri until she disappeared. Ilang taon siyang nawala, and when she finally returned, she was no longer the jolly child they remembered. She became cold, distant, and feared. She had become the Heartless Queen of the most unruly section in their school. Everything was normal until she met Yudos. A man who was supposed to fall for her twin sister, Zera. But fate had other plans. Yudos finds himself drawn to Zeri instead, captivated by the girl who’s doing everything she can not to feel the same. But this isn’t just about a forbidden love. As hidden truths come to light, their hearts and lives are thrown into danger. Because loving the Heartless Queen comes with a price...especially once Yudos discovers who Zeri truly is.
View MorePROLOGUE
"Kailan po ba dito uuwi si Zeri, Mom? Ang tagal na po namin siyang hindi nakikita." Dawn sighed dahil sa naging tanong ni Zero at Zera na ngayon ay labing tatlong taon na gulang na. "Bakit po hindi siya sa amin tumatawag? Ayaw po ba sa atin ni Zeri, Mom?" "Kaya nga po, matapos mamatay ni kuya casper ay sumama na si Zeri kay tito Sayron sa ibang bansa." Muling sabi ng mga ito. "Wala kasing signal sa lugar kung saan nakatira ang tito Sayron niyo. Kaya hindi nakakatawag si Zeri, pero hindi ba't sumusulat naman siya?" Sagot ni Zior sa tanong ng dalawang anak "Isa pa, syempre gusto tayong makasama ni Zeri." "Pero bakit sumama po siya kay tito Sayron? Bakit po doon siya tumira? eh nandito naman tayo. Bakit umalis pa po siya?" Napakamot sa ulo si Zior. Malaki na ang mga anak kaya mahirap ng mag-sinungaling sa mga ito. "Busy pa kasi sa pag-aaral si Zeri doon, hindi pa siya pwedeng umuwi dito kasi nag-i-school pa siya. But don't worry uuwi rin siya dito pag-tapos ng pag-aaral niya doon. Okay ba iyon?" Nag-katinginan ang anak tsaka sabay na tumango. "Promise po 'yan dad ha? Uuwi rito si Zeri 'pag tapos ng pasukan." Sambit ni Zero "Oo naman," "Yehey! 2 weeks nalang po matatapos na ang pasukan. Excited na po akong makita si Zeri." Napaubo si Zior dahil sa sinabi ni Zera. "T-two weeks nalang? Sure ka ba dyan anak?" Paninigurado nito "Opo, Dad. Kaya po makikita na namin siya." Napailing si Dawn. "Stop talking about her, gabi na. Pumunta na kayo sa kwarto niyo." Singit niya sa usapan ng mga ito. "Opo, mom. Goodnight po." Humalik ang dalawa sa kanilang pisnge bago lumabas at pumunta sa sariling silid. "P-paano 'yan coolybab? Nag-promise ako sa kanila pero hindi pa natin nahahanap si Zeri. Aish! Bakit ba kasi ang aga 'ata natapos ng school yea—" "Hindi maaga natapos Zior, hindi ka lang talaga tumitingin sa kalendaryo kaya hindi mo alam na dalawang linggo nalang at tapos na ang klase." Putol niya sa sinasabi nito Ngumuso naman ang asawa. It's been 3 years simula ng umalis si Zeri sa kanila. Bigla na lamang itong nawala na parang bula matapos malaman na patay na ang kuya casper. Pero ang alam ni Zero at Zera ay sumama si Zeri kay Sayron papunta sa ibang bansa dahil mami-miss lang nito si Casper kung mananatili ito sa pilipinas. Ang mga sulat na natatanggap nila Zero ay si Sayron ang gumagawa. Nagpapanggap siyang si Zeri. Sumusulat siya sa mga ito tsaka iyon ipapadala. Iyon ang naisip nila para maniwala sila Zero na naroon nga si Zeri sa kanya. Hindi naman kasi pwedeng makausap ng mga ito si Zeri sa telepono o maka-video call dahil nga wala naman ito. Sinong ipapakita at ipapakausap nila sa mga ito? Ika-sampung kaarawan nila Zeri noon ng may kumidnapped kay Casper habang papunta ito sa kanilang bahay upang ihatid ang regalo para sa kanila. Nakuhanan iyon ng isang cctv. They hide the fact that Casper got kidnapped from them. Pero sabi nga nila, walang sikreto ang hindi nabubunyag. Nalaman ni Zeri ang nangyari sa kuya Casper noong matagpuan na itong patay. May tumawag sa kanila at sinabi kung saan ito matatagpuan. Pero sigurado silang ang may gawa kung bakit ito namatay ay ang taong tumawag pero bigla nalang rin itong naglaho na parang bula. They tried to find that person na hindi nila alam kung babae o lalaki dahil gumamit rin ito ng voice changer. Pero nabigo sila, They can't find him/her kahit gamitin pa nila ang mga koneksyon. Kung anong motibo nito ay wala silang ideya. Wala itong sinabi, at wala rin silang maisip na dahilan kung bakit pinatay nito si Casper na mababakas sa itsura ang labis na paghihirap mula sa taong kumuha rito. Gumuho ang mundo ni kath at storm maging ni Zeri matapos makita ang itsura ni Casper. Dahil sa labis na sakit na nararamdaman ay pumunta sa ibang bansa sila kath at nagpasya na doon na manirahan. Pilit kinakalimutan ang nangyari sa kanilang anak pero syempre hindi nila basta tinanggap ang pagkamatay ni Casper. Hanggang ngayon ay pilit pa rin nilang inaalam kung sino ang walang awa na pumatay rito. At ang araw na natagpuan ang walang buhay na si Casper ay ang araw rin na nawala si Zeri. Tumakbo ito paalis at kahit kailan hindi na bumalik. Hinanap nila ito, ginamit nila ang koneksyon pero bigo rin sila. Hindi nila ito natagpuan. Walang bakas nito ang naiwan kahit saan. Hindi nila alam kung ano ng nangyari rito. Hindi nila alam kung nasaan ito. Hindi nila alam kung may nangyari bang masama rito. Hindi nila alam kung buhay pa ito. Pero mas gusto nilang isipin na ayaw lang talaga nitong magpakita. Dahil kung ayon nga ang nangyayari ay may pag-asa pa rin na makita nila ito. Matalino ang anak na si Zeri kaya hindi na nakakapagtaka kung sakali man na nagagawa nitong iwasan ang paghahanap nila. Pero sa anong dahilan? Bakit ayaw nitong magpakita sa kanila? Aaminin niya, nag-aalala siya sa anak. Hindi lang siya kung hindi maging ang asawa't mga kaibigan. Maging ang kanyang ina na si West at ama na si Kalem ay nag-aalala rin kay Zeri. Kamusta na kaya ang anak? Nasaan na ba ito napadpad? "Lady Dawn?" May kumatok sa kanilang pintuan. Isa sa mga butler nila. Matapos kasing mawala ni Zeri ay kumuha sila ng mga maids at butlers. Wala na rin sila sa bahay ng kanyang mga magulang. "Come in," Pumasok ang butler. "What is it?" Kunot noong tanong niya "May tao po sa labas, gusto raw po kayong makausap." Mas lalong nangunot ang kanyang noo. Wala siyang inaasahan na bisita. Tumayo siya at lumapit sa bintana. Sinilip ang taong naghahanap sa kanya. Hindi niya makita ang mukha nito dahil nakasuot ito ng itim na kapote. Maulan kasi ang gabing iyon. "Bring that person in my office, I'll talk to him there." Sambit niya. Hindi sigurado sa kasarian ng bisita dahil nga hindi niya ito makita. "I understand lady Dawn." Umalis ang butler kaya bumuntong hininga siya. Sino kaya ito? At anong kailangan nito sa kanya para pumunta pa ito sa kanilang bahay gayong umuulan at gabi na. "Sino kaya 'yon coolybab? Kilala mo ba?" Nagkibit balikat siya Hindi niya alam. Nakalimutan niya rin ipatanong sa butler kung sino ito. "Pupuntahan ko muna siya," Aniya at tumango naman ang asawa Lumabas siya sa kanilang silid at pumunta sa opisina. Naabutan niya ang bisita. Nakatalikod sa kanya. Nakatayo ito sa tapat ng glass window habang nakatingin sa labas. Dumiretso siya sa kanyang swivel chair at naupo roon. Pinasadahan ng tingin ang bisita na hanggang ngayon ay suot pa rin ang kapote niya "So, what do you want from me? Ano ang gusto mong pag-usapan natin?" Diretsong tanong niya Hindi ito sumagot kaya kumunot ang noo niya. "Are you kidding me right no—" "This place didn't change a bit." Natigilan siya. Pakiramdam niya ay tumigil ang oras. Ilang taon na ang lumipas subalit hindi niya malilimutan ang boses nito. Tatlong taon na ang lumipas at ngayon niya lang ulit narinig ang boses nito. "Zeri..." Banggit niya sa pangalan ng anak Pangalan na simula ng mawala ito ay ngayon niya lang ulit binanggit. Umikot ang babae paharap sa kanya. "Mom," Inalis nito ang hood ng kapote kaya malaya niyang nakita ang itsura nito May nagbago rito pero hindi niya maitatanggi na ito nga ang anak niyang si Zeri. Iba ang ganda nito. She look so handsome despite being a girl. Wala na ang mapaglarong ngisi na palaging nakapaskil sa labi nito noon. Wala na ang kislap sa palaban nitong mga mata. Ang malambing ngunit nakakaasar nitong boses ay naging malamig na rin. Ang mukha na palaging may iba't ibang emosyon ay hindi na makikitaan ngayon. She changed. Zeri looked lifeless. "It's been three years since you disappeared. Without a word, without telling your family kung saan ka pupunta." Sambit niya Pinipigilan ang sarili na tumayo at hakbangin ang pagitan nila. Gusto niya itong yakapin at iparamdam rito kung gaano siya nangulila pero mas pinili niyang mag-mukhang kalmado at hindi apektado sa biglaan na pagbalik nito. "Mabuti at na isipan mo ng umuwi. Akala ko ay nakalimutan mo ng may pamilya ka. Masyado ka bang nalibang sa paglalakbay at nakalimutan mo ang daan pauwi?" Malamig na patuloy niya pa Walang naging reaction ang anak. Walang gana, walang emosyon ang kulay pink nitong mga mata. "Bakit hindi ka sumasagot?" Muling tanong niya subalit nanatili itong nakatitig sa kanya Hindi umiimik. "Saan ka nagpunta? Bakit sa loob ng tatlong taon ngayon ka lang bumalik? Ano bang nangyari sayo Zeri? Bakit bigla kang umalis?" Sunod sunod pa ang naging tanong niya pero kagaya kanina ay hindi ito sumagot Marahas niyang inihampas ang palad sa ibabaw ng table. "Sumagot ka! Alam mo ba kung anong naramdaman namin ng umalis ka?! Hindi ba pumasok sa isip mo na masasaktan kami sa pag-alis mo?! Naging makasarili ka Zeri. Inisip mo lang ay ang nararamdaman mo pero hindi mo inisip ang mararamdaman namin na mga iniwan mo. You leave because you can't accept the fact that your kuya Casper died, aren't you? He's more important for you than us, your family." Tumaas ang kanyang boses. Hindi niya na napigilan ang sarili na hindi ilabas ang emosyon na tatlong taon niya ring kinimkim. "I'm hungry," Napasinghal siya. Matapos ng kanyang mga sinabi ay iyon lang ang sasabihin nito? Nagugutom siya? Ha! Tumayo siya mula sa pagkakaupo tsaka lumapit rito. "Are you going to slap m—" Hindi nito naituloy ang sasabihin ng mahigpit niya itong yakapin. "You stupid kid." She cried. Oo, umiyak siya. Hindi siya niyakap pabalik ng anak. "Why are you crying?" Tanong nito "Hindi mo ba talaga alam ang sagot?" "I'm sorry," Sa wakas ay sambit nito "I'm sorry if i leave without saying anything, but whether you believe it or not. There's no times where I didn't think about you." Muling sambit nito "Then, why didn't you go home? We'll be always happy to welcome you." "No, I can't. Maraming nangyari habang wala ako sa puder niyo. And I can't tell you what are those. But, I tried. I tried to go home, once, twice, thrice hanggang sa hindi ko na mabilang kahit gamit pa ang daliri ko sa mga paa." Kumalas siya mula sa pagkakayakap rito. Tinitigan ito sa mga mata. Wala pa rin itong emosyon. Tila isang robot ang kaharap niya. "Anong nangyari? May nangyari tama ba? Sabihin mo sa akin, Zeri." "It's useless to know now mom. Tapos na 'yon, nangyari na. Mas mabuti na huwag niyo ng pilitin na alamin pa." Sagot nito Kumurap siya. Sa mga salita nito ay alam niyang may hindi nangyaring maganda. Kumuyom ang kanyang kamao. Gusto niyang malaman ang nangyari sa anak. Pero mas pinili niya nalang na huwag ng mag-tanong pa. Mukha kasing wala itong balak na mag-kwento. "Fine, I will not question you anymore." "Let's go to the dining area," Hinawakan niya ang kamay ng anak na hinayaan naman siyang gawin iyon. "Nasaan sila Zero?" Tanong nito habang naglalakad sila Palinga-linga ito sa paligid. "Nasa kanila ng silid. Tulog na siguro, puntahan mo sila mamaya pagkatapos mong kumain at mag-linis." "Okay," Nang makarating sa dining area ay agad niyang sinenyasan ang mga maids na kumuha ng pagkain. She watched how her daughter ate the foods infront of her. Kung may hindi man nagbago rito iyon ay ang hilig nito sa pagkain. Matakaw pa rin ito. Napangiti siya. After three years sa wakas nakasama niya na ulit ito. Ano man ang nangyari rito. Maghihintay siya hanggang sa handa na itong mag-kwento. "Are you not going to eat?" Umiling siya. "I already ate earlier," "That's good. Wala akong balak na hatian ka sa pagkain ko." She laughed. "Yeah. That's all yours, don't worry." END OF PROLOGUE>> >>———— ♡ ————> >>———— ♡ ————“Mabuti at gising ka na Yezire,” Ngiting ani Sky kaya malamig itong tiningnan ni Yurizo kaya nag-taas ito ng kamay na para bang sumusuko sa pulisya “Easy, bro. Sa'yong- sa'yo na si Yezire. Wala akong balak na agawin.” Nakangiwing sambit nito kaya napa-ngisi siya “Mabuti at nagkaka-intindihan tayo dahil akin lang ang babaeng 'to.” Nginitian niya si Yezire tsaka inalalayan na maupo kaya napangiwi nalang ito Possessive. Nag-simula silang kumain habang panay ang sulyap ni Yurizo sa dalaga na nasa pagkain lang naman ang attention. “Matunaw si Yezire, cous.” Bulong sa kan'ya ni Yuan subalit hindi niya ito pinansin Nang matapos kumain ay tumayo si Yezire at akmang aalis subalit agad niya itong pinigilan. “Why?” Patay malisya nitong tanong nang lingunin siya nito Hindi naman siya sumagot at binitawan lang ang braso nito tsaka siya lumuhod at inilabas ang gold ring na pinagawa niya. “I love you, Yezishurea. I fe
>> >>———— ♡ ————> >>———— ♡ ————“This will gonna be your end. DIE, BARON.” Puno ng pagkamuhi niyang litanya at mas lalo pang ibinaon espada sa tiyan nito dahilan para mapa-hiyaw ito Marahas niyang hinugot ang espada sa tiyan nito tsaka niya ito sinipa sa dibdib dahilan para tumalsik ito at bumulagta sa lupa. He walked towards him tsaka inapakan ang dibdib nito before she smirks at inangat ang kan'yang espada sa ere. “H-huwa—” Hindi na nito natapos pa ang balak na sabihin dahil ibinaon niya
>> >>———— ♡ ————> >>———— ♡ ————“Are you okay, tabachoy?” Tanong ni Yezishurea nang ihiwalay nito ang labi sa napakurap nalang na si Yurizo Namumula ngayon ang lalaki na napaiwas sa kan'ya ng tingin at sumimangot upang itago ang kilig at ngiti na gustong kumawala sa kan'yang mga labi. “T-tsk. Ginulo mo ang nararamdaman ko payatot gayo'ng i-isa lang pala kayo ni YESHUA.” Kunwari ay nag-tatampo niyang sambit Kaya pala minsan ay wala siyang nararamdaman kay Yeshua dahil hindi talaga ito ang totoong YESHUA pero binalewala niya lang iyon dahil kahit minsan ay hindi pumasok sa isip niya na ang Yeshua na nakakasalamuha niya minsan ay si Yohan at Zeny pala. “I'm sorry if I didn't tell you the truth. I just don't want you to be drag on this mess.” Ani Yezire tsaka tumayo kaya tumingala sa kan'ya si Yurizo na napanguso nalang “Pst! Hindi na 'yon mahalaga. At least napatunayan kong kahit ano pang maging katauhan mo a ikaw lang ang gusto ko.” Samb
>> >>———— ♡ ————> >>———— ♡ ————“F-fuck!” Mabilis na napalingon si Yurizo kay Yezire nang marinig niya ang pag-mura nito at bumilog ang kan'yang mata nang makitang nakaupo ito sa lupa habang nakatayo sa harapan nito si .Yeshua. na kasalukuyang naka-tutok ang katana sa kan'yang lalamunan Mula naman sa likuran nila Goro ay nakita ni .Yeshua. si CARL at JAKE na tumango sa kan'ya dahilan para mapa-ngisi siya. “I don't want to kill you Yezire dahil parang kapatid na kita pero dahil kailangan ko 'tong gawin para makapag-higanti ay wala akong pag-sisisihan sa huli.” Litanya ni .Yeshua. kasabay nang paggalaw niya patagilid sa kan'yang katana upang pugutan ng ulo si Yezire na nakayuko lang at may nakakalokong ngiti sa labi. “S-stop it YESHUA!” Sigaw ni Yurizo habang pilit nag-pupumiglas sa kadenang nakatali sa kamay at paa niya subalit walang nangyari Isang dangkal nalang ang layo nang katana nito sa leeg ni Yezire at paniguradong mapuputulan na
>> >>———— ♡ ————> >>———— ♡ ————“Nagpakita ka rin sa wakas.” Nakangising ani .Yeshua. habang diretsong naka-titig sa taong sumipa kay Yurizo. “Goro.” Mahinang sambit naman ni ZENY tsaka ikinuyom ang kan'yang kamao. Napa-titig sila kay Sky nang mabilis itong lumapit kay Baron at inalalayan ito nang muntik na itong matumba. “Hah! That bastard almost got me huh?” Hindi makapaniwalang bumuga ng marahas na hangin si Baron na pilit itinatago ang panginginig ng mga kamay. That was close. He almost die. If Goro didn't appeared he might be headless now. He can't believe that he almost lost his life to a kid. He dont want to admit it subalit malakas si Yurizo. Hindi ito ordinaryo, nacu-curious tuloy siya kung saan ba ito nag-mulang pamilya. “You're being slow now, Baron.” Sambit ni Goro kaya ngumiwi siya “My age is the one to blame,” He replied “Bakit nga pala mukhang napa-aga ang pag-punta mo rito.” He asked back tsaka ngumisi subalit walang
>> >>---- ♡ ----> >>---- ♡ ----
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments