•••Rasselle  Huling araw nanamin dito sa Nasugbo Batangas, mamayang gabi ay kailangan nanaming umuwi ng Maynila dahil may pasok pa kinabukasan sa university.  "Shit! Sila ba si Joaquin at Jacob? Grabe mga mistiso pala sila. Parang ang sarap magpalahi sa kanila." Sabi ni Aria na parang kinukuryenteng isda.  "Oo, mga pinsan ko ang mga yan. Anak sila ni Tita Emily na kapatid ni Daddy. Halika kayo, ipapakilala ko kayo sa kanila. Huwag n'yo lang sila papapakin, malilintikan ako sa kanila, ayaw kasi nila na malalanding babae." Sabi ko sa kanila, sabay aya ko.  "Hindi ako malandi, mabait ako at stick to one. Ewan ko lang sa kanila. Laking kumbento ako, you know naman diba, Rasselle?" Ani Marian.  "Kahit hindi ako laking kumbento, bahay, trabaho lang talaga ako... At wala pa akong nilalanding lalaki, ngayon pa lang." Sabi ni Aria.  "Lalo na ako, mga kambing lang namin na lalaki ang hinaharot ko, hindi ang mga lalaki sa probinsya namin." Ani Issa.  Talagang pursigido silang makilala ang 
 Last Updated : 2025-09-19
Last Updated : 2025-09-19