Se connecterSanggano. Barumbado. Tarantado. Ilan sa pantukoy kay ISAGANI TRINIDAD sa lugar na kinalakhan. Wala siyang pakialam sa kahit anong marinig lalo na kung walang ambag sa buhay niya. One night, he was kidnapped. And the one who abducted him, was a beautiful woman named Willow Esposito Ivanov. The reason---Willow wants him to join Foedus, an organization that once he won't survive the initiation, it means he will die. Snatched. Fascinated. Jeopardized. Three words he felt while being initiated. And when he thought everything was fine after he became a member of Foedus and has Willow on his side... the reason why he was chosen, and the secret behind his past will blow to his face like a bomb.
Voir plusGANIKunot-noo akong napatingin sa batang biglang dumating dito sa bahay ni Willow. Ano kaya ng mahal ko ang batang ito na Cadence ang pangalan? Narinig ko na siya ang pinag-uusapan nina Blackie kanina kaya sino kaya ito at bakit parang importante sa lahat?“Hi!” bati ng bata sa akin nang malapitan ko siya at tabihan sa sofa. “Hindi naman siguro kayo po ang tatay ko, ‘di ba?” tanong niya habang nakakunot din ang noo na nakatingin sa akin. “Tatay?” tanong ko sa bata. “Hinahanap mo ang tatay mo? Dito?” Napaisip ako. Baka anak ng isa sa mga kuya ni Willow. Imposible naman kasing anak ni Poyong at napakagwapong bata nito.Kumibit balikat ang bata. Napalabi. Hindi na umimik. Ayaw na yata akong kausapin. Loko rin, eh. Siya ang nagsimula banggitin ang tatay niya tapos ngayon parang ako pa ang usisero bigla. “Ano mo pala si Willow?” tanong ko na lang. Nasa bahay kami ni Willow kaya siguro naman okay lang na itanong ko kung ano niya ang mahal ko. Kumibit ulit siya ng balikat. “Hindi ko po a
WILLOW “Master Trace is calling.” Inabot sa akin ni Leviticus ang phone ko, na nasa kaniya pala kaya kanina pa nawawala. Ano na naman kaya ang pinaggagawa ni Levitius sa phone ko? Nakaraan na pinakialaman niya ay napalitan na lahat ng nasa settings, pati wallpaper ko ay pinalitan niya ng picture ni Gani na tulog at nakanganga. Kalalabas ko sa kuwarto. Iniwan ko si Gani at tatawagan ko rin sana si Trace para ipaalam na gising na ang isa. I need Trace help, for Gani, kaya mabuti na rin na saktong tumawag pala ito. “Hello, Trace!” I said to Trace excitedly as I answered his call. Noong isang araw ay nandito siya at pagkaalis niya ay dumating naman si Chloe. Akala ko nga okay na sila pero sabi ni Chloe ay hiwalay na talaga sila. As in hiwalay. I rolled my eyes thinking of how Chloe said that without batting her eyelashes. But I got worried at first. But now, hindi na. Naisip ko na kahit sabihin pa ni Trace na nagdududa siya sa mga plano ni Chloe, at kahit sabihin pa ng huli na saw
GANI Idinilat ko ang mga mata ko pero agad din akong napapikit dahil sa liwanag ng ilaw mula sa kisame. Nakakasilaw. Nakakabulag. Pakiramdam ko ay may kung anong mabigat na bakal sa loob ng utak ko. Ipinilig ko ang ulo ko para sana mawala iyon pero lalo lang sumakit. ‘Pero teka… nasaan ako?’ Nagtataka ako sa hindi pamilyar na kuwarto. Iniisip kung sino ang may-ari ng kuwarto at bakit ako napadpad rito. Pinilit kong bumangon at napangiwi ako sa masakit kong binti na nakabenda. Pinilit kong tandaan ang nangyari nakaraang gabi. May gulo at may pinatay. Sino ang mga ‘yon? At sa dami ng lugar dito sa Maynila ay bakit doon pa sa amin nila naisipan magbarilan? Muling kumirot ang ulo ko dahil sa pagbangon. Kinapa ko iyon at may benda din pala ang ulo ko. Pilit kong tinandaan ang nangyari kagabi. May bumaril sa akin at pupuruhan pa sana ako pero nanlaban ako, hanggang sa may naglagay ng sako sa ulo ko, kasunod ay ang paghampas ng kung ano, at iyon na ang huling natandaan ko. Ako ba a
WILLOW “What have you done?!” tanong ko sa triplets pagpasok ko pa lang sa loob ng bahay. Nandito sila sa penthouse ko sa main WEI Mall na narito sa Marikina. Tinawagan nila ako kanina at kailangan ko raw silang puntahan dahil may problema. Nilapitan ko sila at tiningnan kung ano ang nangyari. May mga bahid ng dugo ang mga braso nilang lahat. Kahit sa mga mukha nila ay may mga mantsa ng dugo. Kay Exodus ako nag-alala masyado nang makita ko na may benda pa ang noo niya. “Anong gulo ang pinasok niyo?” I checked Exodus wound na sinabi niyang daplis lang naman. Daplis daw pero may walong tahi ang sugat sa taas ng noo niya nang alisin ko ang benda. “You look like you have a centipede on your forehead!” inis kong sabi na ngiti lang ang sinagot ni Exodus. “You might want to check him…” sabi ni Ganesis na ikinalingon ko. “Him?” tanong ko na nakakunot ang noo at sinundan ng tingin ang ‘him’ na tinutukoy ni Genesis. “The problem that we are informing you about earlier.” Genesis turne
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
commentaires