Parang biglang sumakit ang sentido ko dahil sa kakatalak ng landlady sa akin nitong apartment. Hindi ko alam kung pa'no niya nalaman ang nangyaring insidente, pero sa talas ng pandinig niya malalaman niya kaagad anumang oras. Wala pang alas otso dumating na siya rito para pagalitan ako. Para na 'kong nabibingi sa malakas niyang boses, pero wala naman akong karapatan na magreklamo kasi siya ang may-ari nito at kahit hindi naman sinasad'ya ang nangyari, may karapatan pa rin siyang magalit. "Hay naku na lang talaga! Ang mahal nitong materyales pero hindi man lang iningatan ng mabuti. Ano ka ba naman, Erina? Ba't 'di ka nag-iingat? Ano na lang ang ipapalit mo rito? Late ka na nga nagbabayad ng renta, pero sinira mo pa 'tong apartment ko," rinig kong pagtatalak nito. Napabuga na lang ako ng hangin at sabay na napahawak sa ulo ko. Ang aga-aga pero naii-stress na 'ko dahil sa kaniya. "Tsk! Ang aga naman ng sermon, lord," inis na sambit ko at sabay na ginulo ang buhok ko. Nandito ak
Nangyari do'n? Ba't biglang nataranta 'yon? Eh, hindi naman siya gano'n kanina bago dumating si Louie. 'Di kaya .. "Magkakilala ba kayo?" nagtatakang tanong ko bago siya binalingan ng tingin. Nagulat at nagtaka siya dahil sa sinabi ko. Pero hindi ko naman intensyon 'yon. It's just that nagulat ako sa naging reaksyon ni Madam Dolores no'ng nakita niya si Louie. "E-Erina .. I don't remember us meeting before. I don't remember her face," tugon ni Louie ngunit may bahid pa rin ng pagtataka ang mukha niya. Bakit ko pa kasi tinanong kung kilala niya si Madam Dolores? Eh, wala nga siyang maalala. Ang bobo ko talaga minsan at ang bilis ko naman makalimot. "Sorry, nagtaka lang kasi ako sa—Uh anyways, nevermind. Huwag mo na lang isipin baka makasama lang sa 'yo. Um, huwag mo sanang mamasamain ang sasabihin ko." Napahinto ako at hinihintay ang sagot niya. Pero tumango siya bilang sagot kaya okay lang naman 'ata kung sasabihin ko 'to since dito siya nakatira pansamantala sa apartment ko at
Nagbabalak na sana akong lumabas ng shop pero may bigla akong naisip na nagpahinto sa akin. Marahas akong napailing nang mapagtanto na imposible ang iniisip ko tungkol do'n sa sinabi ni Lean."Hindi siya 'yon.. malabong mangyari 'yon," sabi ko sa sarili bago lumingon sa direksyon ni Lean kung saan nagtataka na ito habang nakatingin sa akin."O, bakit ka bumalik? Akala ko ba uuwi ka?" nagtatakang tanong ni Lean nang makabalik ako sa counter.Pero hindi ko sinagot ang tanong niya, sa halip biglang nag-isip ng itatanong ko sa kaniya."Kailan nga ulit nawala 'yong lalaki?" tanong ko bago tumingin sa kaniya."Uh, noong nakaraang araw lang daw.. tapos diniklarang missing after 24 hours kahapon. Bakit mo natanong?" tugon niya at palihim naman akong napabuga ng hangin. Mabuti na lang na hindi ako tumuloy sa pag-alis kundi baka pagsisihan ko lang din.Pero nakahinga naman ako ng maluwag dahil doon kasi kung sakali na tama ang hula ko baka pagsisihan ko na talaga ang ginawa kong pagpapatira kay
Napatakbo agad ako ng kusina para uminom ng tubig. Ewan ko ba, bigla na lang akong nauhaw dahil sa nasaksihan ko roon sa banyo. Sa susunod talaga hindi ko na susundin kung anuman ang maririnig ko dahil baka sa susunod iba na ang makita ko at baka mas malala pa. "Jusko ka, Erina! Katawan lang 'yon pero ba't ka biglang nauhaw?" sabi ko sa sarili at biglang napabuga ng hangin. Ito lang talaga siguro ang epekto sa akin kapag nakakita ng katawan ng lalaki lalo na't harap-harapan. 'Tsaka 'yon pa lang ang unang beses na nasaksihan ko ang gano'ng bagay sa buong buhay ko. Mag-iingat na talaga ako lalo na't hindi na ako ang mag-isang nakatira dito. Jusko, my precious eyes! Nabahiran na ng kamanyakan. "Um, Louie.." Kasalukuyan kaming kumakain ng tanghalian, pero sobrang tahimik ng paligid at tanging tunog lang ng mga kubyertos ang gumagawa ng ingay. Sanay naman ako sa ganito, pero ewan ko ba bakit biglang nagbago ngayong may kasama na 'ko rito? "Hmm?" aniya bago nag-angat ng tingin s
*WAYNE LOUIE ANDERSON POV She was surprised when she saw me behind the door. I just looked at her seriously, but I couldn't help feeling sad because of what I heard outside. I didn't mean to eavesdrop on their conversation, but I saw her stunned earlier when she opened the door. And I know that something is off. She cried.. halata sa mga mata niya. Namumula ang mga ito at may bakas pa ng mga luha ang pisngi niya. I'm supposed to not care about it because I'm not the kind of person who suddenly gets affected when I see someone crying. Pero ngayon.. I felt a sudden pain in my chest. At hindi 'to maganda. I need to stop this, but now isn't the right time for that. "Are you okay?" I asked, but she only nodded in response, offering a small, quiet smile. "Um, kanina ka pa ba nand'yan?" she asked, then walked past me. But I didn't answer her, instead, I followed her to the kitchen. I didn't want to lie, but I had to, especially since what they were talking about was too personal. "
*ERINA ISABEL TUAZON POV Kanina pa ko tulala habang nakatingin sa kisame. Nakahiga pa rin ako sa kama, pero wala pa akong plano na bumangon para gumayak. Wala naman akong pasok ngayon, pero inaya kong lumabas si Louie kahapon. Mabigat ang pakiramdam ko pag-gising dahil na rin siguro sa kung anong meron sa araw na ito. Sa totoo lang hindi ako makatulog ng maayos kagabi dahil sa naging pag-uusap namin ni kuya kahapon. Kahit anong deny ko ay apektado pa rin ako dahil sa sinabi niya. Pero kailangan kong maging okay ngayong araw kasi ayokong bisitahin si Mommy na malungkot ako. “Erina, gising ka na ba?” Agad akong napabangon nang marinig ko ang boses ni Louie sa labas ng kwarto. Pero hindi ako bumaba sa kama—nakaupo pa rin ako at nakatingin sa pinto. Hindi ako sumagot kasi ayoko pa munang lumabas at harapin siya na ganito ang estado ko. “Nakahanda na sa mesa ang breakfast mo. I’ll just take a walk for a while. I’ll be home after 30 minutes, I promise,” aniya mula sa labas ng kwarto
"I thought hindi na tayo matutuloy after what happened earlier, but we still made it. I hope gumaan ang pakiramdam mo na nandito tayo sa isang public park." Hindi ko nilingon si Louie, nanatili lang akong nakatingin sa mga batang naglalaro sa playground kasama ang mga parents nila. Hindi ko maiwasang huwag mainggit kasi no'ng kabataan ko, dalawang beses lang akong dinala ni Mommy sa park at after niyon hindi na naulit. Busy siya sa trabaho gano'n din si Dad, at si Kuya naman hindi trip ang mga gusto kong gawin. Kaya si Mommy lang talaga ang nakakasama ko sa mga gusto kong gawin o puntahan. This park witnessed how happy I was during the times I was still with Mommy. Before she died, nangako pa siya sa'kin na magpi-picnic kami rito for my upcoming 6th birthday. But promises are meant to be broken. Pero ako lang din naman pala ang magiging dahilan niyon. "Hindi ko alam kung gumaan ba, pero sa tingin ko mas lalo lang bumigat," bulong ko habang malungkot na nakatingin sa direksyon ng
"Grabe, kung hindi kita tinext na makikipagkita ako sa'yo 'di mo talaga ako pupuntahan 'no?" sabi ni Faye, pero tunog nagtatampo. Napabuga na lang ako ng hangin bago napahigop ng kape dahil sa sinabi niya. Hindi na 'ko sumagot, hahayaan ko na munang ilabas niya lahat ng tampo niya sa akin bago ako magsasalita. Kasi kapag sumagot ako, lalo niya lang akong babarahin.. lalo lang sasama ang loob niya sa akin. Actually immune na 'ko pagdating sa gan'yan, pero minsan talaga nakakarindi na sa tenga ang mga sinasabi niya. "Kaibigan pa ba ang turing mo sa'kin? May care ka pa ba sa'kin? Iniisip mo man lang ba 'ko?" nagdadrama na sambit niya. Napapikit na lang ako ng mga mata, at napabuntong hininga ng malalim bago siya sinagot. "Faye, kalma.. s'yempre magkaibigan pa rin tayo. Kadramahan mo talaga, eh. Na busy lang ako sa trabaho kaya hindi kita nagawang bisitahin sa inyo." Napahalukipkip siya sa akin sabay na inirapan ako. Palihim na lang akong napatawa dahil sa naging reaksyon niya.
Napabuga ako ng hangin bago humarap sa kaniya. Hindi lang pala siya nag-iisa, kasama niya na si Kuya at ang girlfriend nito na nakatingin na sa'kin ngayon.I blankly looked at the three of them, but my brother's girlfriend, Rachel, smiled and hugged me unexpectedly. Hindi ko inaasahan na gagawin niya 'to since hindi naman kami gano'n ka close. If it's her way of trying to get close to me, well then, it's not effective on me.Ayoko na nagiging feeling close sa akin ang tao lalo na't kapag ayaw naman nito sakin para lang makuha ang loob ko."Hi, Erina... it's so nice to see you here. I heard from your brother that the coffee shop you work at is the one he booked for this event," nakangiting pagkakasabi ni Rachel, pero hindi ako natutuwa.Kailangan pa ba talagang sabihin? Right in front of my dad, who’s now seriously staring at me."Ah, yes... if I hadn’t forgotten, you probably wouldn’t be seeing me here right now," I said sarcastically and forced a smile at her. "Umm, aalis na 'ko... m
"Aalis ka na, Erina?"Agad akong lumingon nang marinig ko ang boses ni Louie. Nagbabalak na sana akong buksan ang pinto pero hindi ko na natuloy. "Uh... oo, madami kasi kaming orders na gagawin mula sa isang company event. Kaya napaaga ako gumayak," tugon ko sa kaniya, at humakbang siya papalapit sa akin. Bigla akong umatras, at umiwas ng tingin sa kaniya. Hindi sa kinakabahan ako, pero kasi baka may gawin na naman siya sa'kin na hindi ko inaasahan. Hindi sa nag-e-expect ako ng kiss mula sa kaniya—baka higit pa ro'n ang gawin niya. Assuming talaga ako, pero nag-iingat lang. "Hindi pa ako nakapagluto ng breakfast mo. I thought 8 am pa ang pasok mo kaya—" "A-Ayos lang, sa shop na 'ko kakain," putol ko sa kaniya, at maliit na ngumiti. "Umm, sige alis na 'ko. Magluto ka nalang nang kakainin mo. Mag-ingat ka rito," dugtong ko, at agad ng tumalikod. Pero hindi natuloy ang pagbukas ko ng pinto nang bigla akong may naisip. "Ikaw na ang bahala rito sa apartment. 'Yong kurtina pala nilabh
Nakahiga lang ako ngayon sa kama, pero napapatingin pa rin ako sa paligid ng kwarto ko. Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na magagawa 'to ni Louie.Hindi ko siya sinabihan kaninang umaga na pati kwarto ko ay linisan niya. Pero pati rin pala 'to ay sinama niya. Mas lalo tuloy akong nakaramdam ng hiya sa katawan. Lalaki pa talaga ang naglinis ng kwarto ko imbes na ako."Shucks! Nakakahiya talaga... pero magpapasalamat ba 'ko sa kaniya? Gosh, ano ang sasabihin ko?" sabi ko habang nakasabunot sa buhok ko.Naloloka na 'ko, parang ayoko nang lumabas ng kwarto.Hindi naman ako galit na pumasok siya rito nang hindi nagpapaalam sa'kin, sa halip mas nangibabaw ang hiya sa katawan ko dahil sa ginawa niya."Lord, ano ang gagawin ko? Tama ba 'tong ginawa ko? Huwag ka sanang magalit sa'kin, at sana huwag mo 'kong parusahan," usal ko habang nakatingin sa taas.My gosh! Pati si Lord kinakausap ko na dahil sa kabaliwan ko."Pero hindi ako titigil, tatapusin ko 'tong nasimulan 'ko," dugtong
Katatapos lang ng shift ko at nakaalis na 'ko sa resto. Kasalukuyan akong nasa supermarket—bumili lang nang kaunting groceries at stocks ng ulam. Tamang-tama na pinahiram ako ni Faye ng pera kaya nakabili ako, at sa wakas may kakainin na rin kami ni Louie this week.Speaking of him... kumusta na kaya siya sa apartment?Kailangan ko na talagang umuwi para malaman ko na kung ginawa niya ba ang inutos ko sa kaniya kaninang umaga."Oh, my gosh!"Napahinto ako sa paglalakad nang tumama ang cart ko sa cart ng isang babae na bigla na lang tumambad sa harapan ko. Napasinghap ako sa gulat dahil sa naging reaksyon niya. Pero napansin kong biglang sumama ang tingin niya sa akin.Oh, ba't siya pa 'tong galit? Siya 'tong bigla-bigla na lang sumusulpot."Are you blind? Hindi mo ba nakita na dumaan ako?" asik niya sa akin. Napatingin tuloy ang mga tao na nasa paligid namin dahil napalakas ang pagkakasabi niya.Nakaramdam na 'ko agad ng hiya dahil sa babaeng 'to. Mukhang magkasing-edad lang kami kaya
*ERINA ISABEL TUAZON POV Nagpakawala ako ng malalim na buntong hininga matapos kong suotin ang sapatos ko. Tumayo na rin ako at kinuha ang bag ko bago lumabas ng kwarto. I need to work harder now 'cause I no longer have a source for my daily needs. Nagdadalawang-isip ako sa naging desisyon ko kahapon. Ayoko sanang gawin 'yon pero kailangan lalo na't hindi lang ako ang magdudusa kundi pati na rin siya. It’s not that I want to ask him to leave, but the truth is hitting me hard—I can no longer afford to support his needs. May natitira pa namang pagmamalasakit sa puso ko pero wala na 'kong ibang choice kundi ang gawin ang sinabi ni Faye. Bahala na kung ano man ang mangyari, pero sana tama 'tong gagawin ko at sana hindi ko pagsisisihan. "Are you leaving, Erina? Kumain ka muna ng breakfast bago ka umalis," salubong sa'kin ni Louie nang palabas na 'ko ng apartment. Hindi ako nakasagot, sa halip nakatingin lang sa kaniya. Ngunit bigla na naman akong dinalaw ng aking konsensiya. Ju
*THIRD PERSON'S POVAng pagkawala ni Wayne ay naging usap-usapan na ng maraming tao. Naging laman na rin ito ng mga balita at kalat na sa lahat ng mga social media platforms sa bansa. Ngunit wala pa ring nakakaalam kung ano ang totoong nangyari sa kaniya at kung ano ang dahilan kung bakit siya nawawala. Pagkalipas ng isang linggo, nakarating ang balita sa tatay ni Wayne na si Mr. William Anderson. Nanggaling pa ito sa bansang Russia para sa isang business trip nang malaman nito ang balita na nawawala ang kaniyang panganay na anak. Nagpautos agad siya ng mga tao para hanapin ang anak ngunit hindi nito naisip na humingi ng tulong sa kapulisan. Para sa kaniya ay aksaya lamang ito sa oras ngunit ang pinakadahilan niya—hindi niya ito pinagkakatiwalaan. "Sir, wala pa rin po akong nakuhang update doon sa tao na inutusan niyo. Hanggang ngayon hindi niya pa rin nahahanap ang anak ninyo," malungkot na balita ng lalaking sekretarya nito. Nagpakawala ng malalim na buntong hininga si Mr. Willia
Napabuga ako ng malalim na buntong hininga bago ako nagdesisyon na katukin na ang pinto ng banyo kung saan naghihintay na si Louie sa akin sa loob magmula pa kanina. Agad itong bumukas at bumungad sa akin ang mukha niya, pero wala akong makitang emosyon sa mga mata niya. Hindi ko alam kung narinig niya ang napag-usapan namin ni Derick kanina pero sana hindi.I didn’t know what to say to him—we just looked at each other, but I was the first one to look away. Baka mabasa pa nito ang iniisip ko, at mag-aalala na naman siya sa'kin."A-Are you okay?" nag-aalangan na sambit niya nang makalabas na siya ng banyo. Hindi ako sumagot, sa halip maliit na ngiti ang isinagot ko sa kaniya bago marahang tumango."Umalis na ba siya?""Uhh, oo... may ibinalita lang siya sa'kin at nag-usap lang din kami saglit bago siya umalis."Naglalakad ako patungong kusina at nakasunod lang siya sa likuran ko. Pero alam kong nagtataka na 'yan sa kung sino ang lalaking dumating kanina at ano ang napag-usapan namin.N
Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko nang maramdaman ko ang sinag ng araw na tumatama sa pisngi ko. Hindi ko alam kung anong oras na, pero sa tingin ko tanghali na. Ang sakit pa rin ng katawan ko, pero nawala na ang sakit ng ulo ko dahil siguro sa gamot na ininom ko kagabi, at dahil na rin sa mahabang pahinga.Nagdesisyon na 'kong bumangon—kailangan ko nang maghanda sa pagpasok sa trabaho kahit na ang bigat ng katawan ko. Hindi na 'ko p'wedeng umabsent kasi baka tuluyan na talaga akong mawalan ng trabaho."Ay anak ng—"Bigla kong natutop ang bibig ko dahil sa pagkagulat. Hindi ko inaasahan na makikita ko rito sa kwarto si Louie na nakahiga sa sahig, at mahimbing na natutulog.Ibig sabihin ba niyan, dito siya sa kwarto ko natulog??Jusko, ba't hindi ko man lang napansin?"Kahit tulog pero ang pogi pa rin," sabi ko sa aking isipan habang nakatingin sa kaniya. Pero biglang nanlaki ang mga mata ko nang mapansin kong unti-unti siyang nagigising, at heto ako ngayon hindi alam kung ano a
Katatapos lang nang trabaho ko sa resto at palabas na rin ako para makauwi na. Masakit ang ulo ko at parang lalagnatin din ako. Hindi ko alam kung bakit, pero sa tingin ko dahil sa mga mabibigat na ginawa ko kanina. Bukod kasi sa pagse-serve ng mga order, tumulong din ako sa pagbuhat ng mga supplies at stocks sa kitchen. Natuyuan din ako ng pawis at na ambunan ng ulan kanina, kaya ko siguro nararamdaman 'to. Kailangan ko talagang magpahinga mamaya kapag nakauwi na 'ko sa apartment. "Hello, Faye..." sabi ko nang sagutin ko ang tawag niya. Kasalukuyan akong naghihintay ng jeep na masasakyan pauwi. Gusto ko sanang maglakad na lang para maka-save sa pamasahe, pero hindi na kaya ng katawan ko ang maglakad. [Tinawagan ko na si Kuya Erick about dito sa binigay mo sa'kin kanina, pero ayaw niyang tanggapin. He wants you to be the one to return this to your dad] Napabuga ako ng hangin sabay na napahilot sa noo ko. Ang tinutukoy ni Faye ay tungkol do'n sa pera na binigay sa'kin ni Dad.