*ERINA ISABEL TUAZON POV
Parang gusto kong umiyak o 'di kaya sumigaw sa sobrang inis na nararamdaman ko. Ewan ko ba kung bakit bigla akong pumayag sa pakiusap niya na manatili siya rito sa apartment ko. Nawalan ako bigla ng choice dahil sa awa na nararamdaman ko mula sa kaniya. Ayoko rin naman kasi siyang paalisin lalo na't wala siyang naaalala, at baka kung ano pa ang mangyari sa kaniya kapag pinaalis ko siya. Bukod doon ayaw niya ring dalhin ko siya sa ospital o 'di kaya sa presinto. Nabubuang na 'ko sa kakaisip kung ano ang gagawin para mapaalis siya rito. "Erina, kalma lang. Malalampasan mo rin 'to. Sabi nga niya 'di ba, once na bumalik na ang alaala niya aalis na siya rito," sabi ko sa sarili at napabuntong hininga ng malalim. Nandito ako ngayon sa kusina, nagluluto ng kakainin naming hapunan. Mabuti na lang may natira pang kalahating baboy sa ref kaya 'yon na lang ang niluto ko. Nakakahiya naman kasi na delata ang ipapakain ko sa kaniya at baka hindi siya kumakain niyon. Sa mukha, ayos, at pananamit niya halatang yayamanin ang lalaking 'yon. 'Yon pa ang inaalala ko, kung ano ang ipapakain ko sa kaniya habang nakatira siya rito. "Do you need help?" Rinig kong sabi nito, at agad ko naman siyang nilingon. Nakasuot na siya ng pambahay na damit. Binili ko pa 'yan sa malapit na clothing store mula rito. Wala kasi akong oversize na damit na magkakasya sa kaniya. Kaya 'yong inipon kong pera binawasan ko muna para pambili ng damit niya. "Uh, hindi na kaya ko na 'to. Magpahinga ka na lang muna dahil baka masakit pa katawan mo," sagot ko at pinagpatuloy na ang ginagawa ko. "Pagpasensiyahan mo na pala 'yang damit na binili ko sa 'yo. 'Yan lang kasi ang kaya ng budget ko," sabi ko bago siya nilingon. Pero naabutan ko siyang nakamasid sa paligid. Tinitingnan niya ang bawat sulok ng apartment ko, pero hindi ko naman makita sa mukha niya na nandidiri siya or what. "It's alright, kasya naman sa'kin. Thank you for buying this. Don't worry, I'll pay you back once I have money," aniya nang balingan niya na 'ko ng tingin. Jusko, men, ang gwapo niya talaga! "Sige, ikaw bahala, pero okay lang naman sa'kin kung—" "No, I insist. I will make it up to you for all the help you've given me," putol niya sa akin. Sumang-ayon na lamang ako sa kagustuhan niya, at maliit na ngumiti sa kaniya. Pinagpatuloy ko na ulit ang ginagawa ko, pero napabuntong hininga na naman ako dahil sa mga iniisip ko. Hindi naman ako nagsisi na tinulungan ko siya, pero hindi ko lang talaga akalain na ang magiging kapalit niyon ay magiging responsibilidad ko siya. "Ang tapang mo .." aniya na ikinagulat ko. Pero hindi ko siya nilingon, nagpatuloy lang ako sa paghiwa ng mga sangkap sa lulutuin ko. "You jumped over the bridge without thinking about yourself just to save me. You could have been drowned by what you did, but you still chose to save me," dugtong niya. "Wala rin naman kasing ibang taong tutulong sa 'yo kanina, at 'yon agad ang pumasok sa isip ko para sagipin ka," sagot ko nang 'di nakatingin sa kaniya. "That was my first kiss." Aniya na mas lalo kong ikinagulat. Jusko, nalaman niya ang ginawa ko kanina?! Oh, my God! Nakakahiya! Parang ayoko na tuloy siyang harapin. Pero wait— first kiss niya 'yon? FYI, first kiss ko rin 'yon!! "You stole a kiss from me, but don't worry, I'll forgive you since I survived because of it." Aniya at naramdaman ko ang biglaang pag-alis niya. Balak niya pa ba 'kong asarin? Loko 'yon, ah. Siya na nga 'tong tinulungan, siya pa 'tong may balak mang-asar. "Ako pa talaga? Seryoso? Kung 'di ko kaya siya pakainin?" Naiinis na sabi ko sa sarili. Wala pang isang araw siyang naka-stay rito pero parang nahuhulaan ko na magkakagulo lang kami rito sa apartment ko. *WAYNE LOUIE ANDERSON POV This apartment is small, it’s just enough for one person, but it's clean and neat, probably because a woman lives here. I don’t want to live here, but I need to stand by my decision and follow through with my plan. I'm not picky, I can live in this apartment. But this is the first time in my whole life that I'll live in a house with a woman I don't fully know. Will I be able to endure staying here? "Tara, kain na tayo," she said when I returned to the kitchen. She had just finished cooking, and the food was already prepared on the table. It smells good, but I don't know if it will suit my taste. "Kapag 'di mo nagustuhan 'tong niluto ko magsabi ka lang. Bibili na lang ako ng ibang pagkain sa labas." ""No, it's fine, I eat that." I looked at her while she was putting rice on the plate in front of me. I don’t know, but I was suddenly amazed by her when I remembered how she saved me earlier. "Thank you for the food you cooked for me. I'll make it up to you." She didn't answer, instead, she just smiled at me and started eating. "Ilang years ka ng nakatira dito?" I asked just to break the silence covering the place. I don't know why I suddenly became talkative because of this woman. I just want to know her, that's it. "Six years .. and counting," she replied, but her face suddenly became sad. Did I say something wrong? "Nag-aaral ka pa or nagtatrabaho na?" I asked again, but she didn't replied. She just continued eating and ignored what I said. "Erina? A-Are you alright?" "Ha? Ah, oo, okay lang ako. May iniisip lang, pero ang sagot do'n sa tanong mo nagtatrabaho na. Tumigil na 'ko kasi kailangan kaya nagtrabaho na lang muna ako para may pangkain araw-araw." She's such an amazing woman, even though she's not extremely beautiful, but she's pretty, hardworking, and kind. I don't know where she got the strength to save me with such a small body. But I am truly amazed by her because of her bravery.I shouldn’t have lied to her, now she thinks my dad kidnapped her and killed her mother. But I can’t tell her that my dad is the one looking for her because it would just ruin all my plans. Dad is looking for her because of me, not because of her father.That was all a lie.The situation suddenly got complicated, and now she plans to have him imprisoned.Fuck! What should I do?Lumabas ako sa kwarto niya at nagtungo sa labas ng apartment. Parang hindi ako makahinga sa loob dahil sa mga sinabi ni Erina. Now I can feel the fear—fear that she might discover the truth, and everything I've done to hide the real me.I took the cellphone from the pocket of my shorts and immediately dialed Deo’s number. But my hands were trembling, and I didn’t know why. I had never felt this kind of feeling before, not once in my entire life.[Hello, boss, ba't kayo napatawag? Nagkaproblema ba d'yan?]“Nothing happened, I just have something I need you to do,” I replied, stepping back a little in case Erina
Nakatulala ako habang nakatitig sa litrato ng nanay ko na nakalagay sa ibabaw ng study table. Kanina ko pa ito ginagawa simula nang makauwi ako sa apartment galing sa trabaho. Hindi ko rin naiwasang mapaluha habang nakatingin dito.I miss my mom so much. Hanggang ngayon, sarili ko pa rin ang sinisisi ko kahit alam ko na kung sino ang dahilan ng pagkawala niya sa amin, sa buhay ko. Kung hindi niya ako niligtas, sana hanggang ngayon kasama ko pa siya, at sana hindi ako ang sinisisi ni Dad sa pagkamatay niya."I miss you, Mom," hikbi kong sambit habang patuloy na umaagos ang luha sa pisngi ko. Parang bawat patak nito'y nagpapaalala sa akin ng bigat ng pagkawala niya sa buhay ko.Tuluyan na akong napahiga at napayakap sa unan, saka napahagulgol nang sariwa na namang bumalik sa isip ko ang araw na binaril siya sa mismong harapan ko.That was the most painful thing that happened in my life—the moment I witnessed my mother’s death."Erina..."Bumaling ang tingin ko sa direksyon ng pinto nang
Ilang segundo muna ang lumipas bago sinagot ni Dad ang tanong ko. "Yes, I know him very well," he said seriously, which left me speechless.He knows, but why didn’t he tell me when I was old enough to know this?"But you don’t need to know who that is anymore," Dad added, then looked away from me."B-Bakit po? Karapatan ko rin naman po 'atang malaman kung sino po 'yon," puno ng hinanakit na sambit ko, dahilan para mag-angat siya ng tingin sa akin."Even when I was still a child, I already managed to blame myself for Mom’s death. You blamed me too, Dad, even though I never wanted that to happen," dugtong ko, ngunit tuluyan ng bumuhos ang mga luha ko. "Kaya karapatan ko rin naman sigurong malaman kung sino ang taong naging dahilan ng lahat para mangyari 'yon sa akin."Hindi nakasagot si Dad, nanatili siyang tahimik habang nakatingin sa akin. Pero bigla siyang yumuko at napabuntong hininga ng malalim."It was my best friend..." pag-amin nito, bago nag-angat ng tingin sa akin. At doon ko
"Ugh, kaloka," sabi ko, sabay buntong hininga ng malalim. Naii-stress ako dahil sa nalaman ko kanina. Naguguluhan ako, na nalilito dahil doon. Hindi pa rin ako makapaniwala na mangyayari ang bagay na iyon, lalo na't nasa isang lugar ito kung saan ligtas at protektado, kung saan ang pangyayaring 'yon ay malabong mangyari. Paano mangyayari ang pagpatay sa kaniya kung may mga pulis namang nakabantay sa paligid, or else nando'n lang din sa loob ng presinto ang pumatay sa kaniya? "Erina, ayos ka lang ba?" Kaagad kong hininto ang ginagawa kong pagpunas sa mesa nang marinig ko ang boses ni Lean. Nasa tabi ko na pala siya, pero hindi ko man lang napansin dahil sa iniisip ko. "Uhh, oo ayos lang naman ako. Bakit mo natanong?" tugon ko, bahagyang ngumiti sa kaniya. "Wala naman, napansin ko kasi na kanina ka pa tulala d'yan. Tapos ilang beses mo na ring pinunasan 'yang mesa," aniya, dahilan para mapatingin ako sa tinutukoy niya. Tama nga siya—malapit ng magmukhang crystal ang mesa da
"Umm.. Louie," tawag ko sa kaniya nang makalabas na ako ng kwarto.Kasalukuyan siyang nasa kusina, naghuhugas ng mga pinanggamitan niya sa pagluluto. Pero kaagad naman siyang lumingon sa akin no'ng narinig niya na ang boses ko."Aalis ka na ba?" tanong niya, at tumango na lamang ako bilang sagot. "I've prepared your lunch. Here, finish that."Kaagad ko namang tinanggap ang inabot niya sa akin, at nilagay sa loob ng bag ko. Pero hindi ko magawang tumingin sa kaniya ng diretso nang dahil sa nangyari kagabi.Nahihiya pa rin ako hanggang ngayon, at hindi ko pa rin siya makausap ng maayos. Pero samantalang siya, kinakausap ako na parang nakalimutan niya ang nangyari kagabi, na parang wala siyang ginawa sa akin na hindi ko inaasahan."S-Salamat dito. Sige, alis na 'ko. Mag-ingat ka rito," halos pautal ko nang sabi, at kaagad na siyang tinalikuran.Hindi ko na hinintay na makasagot siya, pero bigla akong napahinto nang tawagin niya 'ko."Erina..."Hindi ko siya nilingon, nakatingin lang ako
Wala akong ideya kung bakit niya 'ko hinalikan. Wala namang rason para gawin niya sa akin 'yon.Ilang beses niya na 'kong hinalikan, pero ito ang mas hindi ko inaasahan. Halik na parang puno ng pagmamahal, halik na kailanman hindi ko makakalimutan.Hindi ko siya nagawang itulak, hinayaan ko siyang halikan ako kahit na tutol ang utak ko sa ginawa niya. I returned his kisses with the same feelings and the same intensity. Hindi ko alam kung ano ang dahilan ko para tumugon sa halik niya—kung gusto ko na ba siya o dahil sa reaksyon lang ito ng katawan ko?Bigla siyang huminto sa paghalik sa akin at unti-unti nilayo ang mukha niya, pero napatitig ang mga mata niya sa labi ko bago nag-angat ng tingin sa akin."Ano'ng ginawa ko? I-I'm sorry, Erina. Fuck! I'm such an idiot," aniya, na parang hindi alam kung ano ang ginawa.Bigla siyang umatras at umiwas ng tingin sa akin na ipinagtaka ko. Hindi ako nakapagsalita dahil sa sinabi niya. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin dahil hindi ko rin alam