"Alyssa...Alyssa..." Tawag ni Mark sa dalaga habang tinatapik n'ya ito sa balikat. "Hmmm..." "Alyssa...naggayak ako ng tubig sa bath tub in case gusto mong gumamit." Sabi ni Mark dito. "Alyssa...Alyssa..." Muling tawag ni Mark dito. Nang hindi kumibo si Alyssa, nagtaka na si Mark. Tapos naisip ni Mark na hawakan ang noo nito. Tumpak! Tama nga si Mark ng hinala. Nilalagnat na naman ang dalaga. Marahil ay kanina pa masama ang pakiramdam nito. Nawala naman sa loob ni Mark na tanungin ito matapos n'ya itong makita kanina na uminom ng gamot. At ngayon nga, kinumpirma ng butil-butil nitong pawis sa noo ang tunay nitong kalagayan. Kumuha si Mark ng gamot sa lagnat at ipinainom n'ya ito kay Alyssa. "Hello, Simon sabihan mo si Capt. James na hintayin ako sa helipad in five minutes. Dadalhin ko si Alyssa sa ospital." "Yes, Master." Sagot ni Simon sa kabilang linya. Matapos ang pag-uusap nila ni Simon, muling nag-dial sa kanyang cell phone si Mark. "Hello, Zari si Mark ito. Nasa ospital
"Doktora, kumusta po si Alyssa?" Bungad na tanong ni Mark ng makita n'yang lumabas si Dra. Santos sa silid na okupado ni Alyssa. "As of now, maayos na naman ang lagay ni Alyssa. Bumaba na rin ang lagnat n'ya. Nagkaroon lang s'ya ng kaunting impeksyon sa kanyang sugat kaya s'ya nilagnat. She needs to rest para makabawi s'ya ng lakas at mas madali ring gumaling ang sugat n'ya. All in all okay na s'ya. She can go home after two to three days stay sa hospital. Tapos sa bahay na lang n'ya ipagpatuloy ang pagpapahinga." Sagot ni Doktora Santos. "Mauna na po ako, Master." "Okay po, Doktora. Salamat po." After nang pag-uusap na iyon, pumasok si Mark sa silid ni Alyssa. Tulog na tulog pa rin ito. Magmula nang dalhin niya ito sa ospital hanggang sa ngayon ay hindi pa ito nagigising. Marahil ay talagang kailangan nga nito ng mahabang pahinga. Lumapit si Mark sa hospital bed ni Alyssa at inayos ang nagulo nitong pagkakakumot. "Ang tigas kasi ng ulo mo. Masama na pala ang pakiramdam mo hindi
"Tok! Tok! Tok!" Nagkukuwentuhan sina Alyssa at Mark nang biglang may kumatok sa pinto. "Come in." Sabi ni Alyssa. "Alyssa..." Bungad na bati ni Laura kay Alyssa habang papasok ito ng hospital room niya. "Ate Laura." Masayang sabi ni Alyssa. "Don't bother to move." Sabi ni Laura nang magtangkang tumayo si Alyssa mula sa pagkakaupo sa kanyang hospital bed. "Ako na lang ang lalapit." Nang makalapit si Laura kay Alyssa, kaagad na yumakap si Alyssa dito. "I missed you, Ate." "I missed you too, brat." "Kumusta ang pamangkin ko?" Tanong ni Alyssa sabay haplos sa tiyan ni Laura na ngayon ay maumbok na. "They're fine." "They're? Do you mean to say you're having twins, Ate?" Excited na tanong ni Alyssa dito. "Yes. Kaya nga mas lalong naging mahigpit ang Kuya Kyle mo sa tuwing lalabas ako." Sabi nito. "Dapat lagi ko raw s'yang kasama." "Where is Kuya Kyle nga pala?" Biglang naitanong ni Alyssa ng hindi nito makita ang kapatid. "He's outside. May kausap lang sa cell phone." "Maiwa
"Hmmm...Hmmm...Hmmm..." "Who are you? Ano bang kailangan n'yo sa akin?" "Hmmm...Hmmm...Hmmm..." "Alyssa... Alyssa..." Nagising si Alyssa sa tawag sa kanya ni Mark. "Alyssa...nananaginip ka." "Mark..." Napayakap si Alyssa dito. "Take a deep breath." Bulong ni Mark sa dalaga habang nakayakap ito sa kanya. "Para marelax ka." Matapos ang tatlong minuto kumalma na ang pakiramdam ni Alyssa. "Hold a second, I'll get you a glass of water." Sabi ni Mark kay Alyssa. "Here. Uminom ka muna." Kaagad na ininom ni Alyssa ang tubig na ibinigay ni Mark. "Are you alright?" "I'm fine." "Ano bang napanaginipan mo?" Biglang naitanong ni Mark. "I was running in the dark when a group of men started to chase me. I ran fast but suddenly someone caught me..." Kuwento ni Alyssa kay Mark. "Tapos nagising na ako. 'Yung panaginip ko parang totoo. Ramdam na ramdam ko pa rin 'yung totoong emosyon habang nandun ka ganoong sitwasyon." "That's because memories are hiding under our subconsciousness. Kaya sa
"Sweetheart, I think we should stop now," Mahinang bulong ni Mark kay Alyssa. "Or else..." Sabay kindat nito sa dalaga. Namula ang pisngi ni Alyssa matapos marinig ang sinabi ni Mark. Naisubsob tuloy n'ya ang kanyang mukha sa dibdib nito. "It's okay, sweetheart." Bulong muli ni Mark nang makita nito ang naging reaksyon ni Alyssa. "You don't need to be shy." Saka niyakap muli ang dalaga. "Kainis ka. Tinutukso mo pa ako." Sabi ni Alyssa sabay hampas ng mahina sa dibdib ni Mark. Natawa si Mark sa sinabi ni Alyssa at saka hinalikan ito sa noo. "Tayo ng tumayo." Sabi ni Mark. Nang makatayo na silang dalawa, muling niyakap ni Mark si Alyssa. "Tulungan mo akong magluto." "Sige." Sagot ni Alyssa at nagtungo na silang dalawa sa kusina na magkahawak-kamay. Pagdating sa kusina, inabot ni Alyssa ang nakasabit na apron sa may cupboard at tinulungan si Mark na isuot ito. "May ekstrang apron pa sa may cabinet." Sabi ni Mark matapos nitong maisuot ang apron. "Sige. Kukunin ko na lang." "Ano
Dumaan ang katahimikan sa pagitan nina Alyssa at Mark habang iniinom nila ang kanilang mga tsaa. "S'ya nga pala..." Sabay pa nilang sabi sa isa't isa. Pagkatapos ay bigla silang natawa pareho. "You go first, sweetheart. Ano 'yon?" Sabi ni Mark kay Alyssa. "I just want to say thank you. Thank you sa pag-alaga at pagbantay mo sa akin habang nasa ospital ako. Alam ko kung gaano ka ka-busy. Pero nagawa mo pa rin akong samahan." Sinserong sabi ni Alyssa kay Mark. "For that, thank you." "You're welcome, sweetheart." Nakangiting sabi ni Mark. "Mark, can I ask you something?" "Sure. Fire it away?" "Bakit mo ito ginagawa? Bakit pinag-aaksayahan mo ako ng panahon?" Seryosong tanong ni Alyssa kay Mark. "Because I like you." Direktang sagot ni Mark habang nakatingin ng diretso kay Alyssa. "I got mesmerized with your beauty the first time I saw you." Napangiti si Alyssa. "Mark, huwag mo nga akong binibiro ng ganyan." Saka tumayo para pumunta sana sa kusina. Ngunit laking gulat ni Alyssa na
"Ready?" Tumango si Alyssa bilang sagot sa tanong ni Mark. "Then, let's go." Sabi ni Mark saka inilapit ang braso nito para doon humawak si Alyssa. "You're gorgeous with that gown." Bulong muli ni Mark. "Sa gown lang na ito?" Seryosong tanong ni Alyssa saka ngumiti pagkatapos. "Syempre hindi lang sa gown na 'yan. Pati na rin sa iba." "Mark, are you sick?" "No, sweetheart. Why did you ask?" "You spoke bolder now than you usually did." Natawa si Mark sa sinabi ni Alyssa. "Mas confident na kasi akong ipakita sa'yo ngayon kung gaano ako kaaffectionate." Sabay kindat kay Alyssa. "Tara na nga." Natatawang sabi ni Alyssa matapos nilang lumabas sa elevator. "Kung anu-ano na tuloy ang lumalabas sa bibig mo." xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx Sa Globe Fashion Week closing ceremony... Medyo marami ng tao sa venue nang dumating doon sina Alyssa at Mark. Si Alyssa ay nakasuot ng isang sky blue off-the-shoulder na evening gown. The evening gown features a popular sheer bodice with delicate
"Alyssa is not just our younger sister but also our best buddy. Kaya huwag ka sanang magseselos kung makita mo kaming ganoon ka-close sa kanya." Sabi ni Second Young Master Xander kay Mark habang umiinom ito ng wine. "Kapag may pagtatalong nagaganap sa pagitan naming tatlo, si Alyssa ang mediator namin. Hindi uubra sa kanya na hindi namin aayusin ang problema." Natatawang sabi ni First Young Master Kyle. "Siya ang pinakabata sa amin pero mas madalas na parang s'ya ang pinakamatanda." "Di inaamin mo rin, Kuya Kyle na minsan ay childish ka." Natatawang sabi ni Second Young Master Xander sa kapatid. "Yeah. It's Alyssa who made me realize that." Sagot ni First Young Master Kyle. "Ikaw din naman, honey." Biglang sabat ni Zari sa usapan ng tatlo. "May pagkachildish ka rin paminsan-minsan." Natawa sina First Young Master Kyle at Mark sa tinuran ni Zari. "I know, honey. Hindi ko rin naman itinatanggi." Bulong si Second Young Master Xander sa asawa sabay yakap dito. "Definitely all of us