"What the..."
Gulat na nasabi ni Alyssa nang bigla siyang hilahin ni Mark papasok sa loob ng cabin. At bago pa man niya matapos ang kanyang sasabihin ay sinenyasan na siya nito na huwag siyang maingay. Nakita niyang lumapit si Mark sa tabi ng bintana. Hinawi nito nang bahagya ang kurtina para makita kung ano o sino ang nasa labas.
"Sila ang dumukot sa akin." Mahinang sabi ni Alyssa kay Mark, habang matamang nakatingin sa labas ng bintana. Hindi niya maaaring makalimutan ang mga itsurang iyon.
"Are you sure?"
"Yes." Mariing sagot ni Alyssa. Hinila ni Mark ang isang drawer at may kinuha doon.
"Here, take this." Inabot nito sa kanya ang isang baril. "For protection in case you'll need it."
"Okay."
"Sa likuran tayo dumaan."
Mabilis silang naglakad papunta sa back door. Sinenyasan siya ni Mark na ito muna ang mauunang lumabas para icheck kung makakaraan sila doon. Dahan-dahan nitong binuksan ang pinto. Tiningnan muna nito ang paligid at nang makumpirmang safe naman, mabilis na itong lumabas kasunod siya.
Maingat silang naglakad palayo sa cabin. Nakita pa nilang gumawi sa unahang bahagi ng cabin ang grupo ng mga kidnapper kaya hindi nito napansin ang kanilang pag-alis. Gawing bukana ng kagubatan ang tinahak nilang direksyon. Ilang saglit pa ay huminto sa paglalakad si Mark.
"Dito muna tayo. Mas safe dito kaysa sa cabin." Lumapit ito sa isang malaking puno ng narra. "Mauna ka nang umakyat sa itaas para makapagpahinga ka." Itinuro ni Mark ang itaas na bahagi ng puno. Nang tumingala si Alyssa, nakita niya ang isang tree house.
"Nasa gilid ang hagdan paitaas."
Lumapit si Alyssa sa gilid na bahagi ng puno at agad naman niyang nakita ang sinasabi nitong hagdan. Nakaukit ang bawat baitang nito sa puno at may gabay itong puwedeng hawakan kaya hindi magiging mahirap ang pag-akyat. Bago umakyat si Alyssa ay nilingon pa niya ulit ang binata.
"Paano ka?" Tanong pa niya dito.
"Huwag kang mag-alala. Aakyat din ako mayamaya." Nakangiting sabi nito. Nagsimula nang umakyat si Alyssa sa puno. Sa bawat paghakbang niya, hindi niya maiwasang ma-excite. Pakiramdam kasi niya ay may naghihintay na sorpresa sa kanya sa itaas.
Ang tree house ay nakukubli ng mga sanga at dahon kaya hindi ito masyadong pansinin kapag tiningnan mo mula sa ibaba. Kaya lang naman niya ito natukoy na tree house kanina dahil nahawi ang mga dahon na nagkukubli dito ng biglang humangin. Ang hagdan ay hindi rin pansinin unless lalapitan mo ito nang malapitan.
Pagdating ni Alyssa sa itaas, isang napakagandang tanawin ang kanyang nakita. Tanaw kasi mula roon ang kagandahan ng buong isla - ang dagat at ang kagubatan.
Sa cabin...
"Boss, mukhang walang tao rito." Sabi ng isa sa mga kidnapper. Gumawi ang tinukoy nitong boss sa veranda. Nakita nito ang dalawang tasa sa upuang narra.
"Nandito lang sila sa paligid." Sabi nito habang hawak ang isa sa mga tasa. Mainit pa ang tasang kanyang hawak kaya alam niyang hindi pa nakakalayo ang mga gumamit nito.
"Halughugin ang buong paligid. Hindi pa sila nakakalayo."
"Yes, Boss." Sabay-sabay na sagot ng iba pa nitong kasama.
"Tsk! Tsk! Nandito lang pala ang hinahanap natin." Napalingon si Mark nang marinig niyang may nagsalita sa kanyang likuran. Hindi na siya nabigla nang makita niya ang tatlo sa mga kidnapper na humahanap kay Alyssa. "Kapag sinusuwerte ka nga naman." Nakangising sabi ng isa sa mga ito. "Matutuwa sa atin si Boss n'yan." "Tama. Lalo na kapag nahanap din natin iyong magandang babae." "Tara na. Isama na natin 'yan." Lumapit ang tatlong kidnapper kay Mark at akmang hahawakan siya. Ngunit bago pa nila ito nagawa, nagpakawala na nang tig-isang suntok si Mark para sa mga ito. "Aba't..." Nabiglang sabi ng isa sa mga kidnapper. Hindi nito inaasahan ang ginawa ng binata. Sinamantala naman ni Mark ang pagkakataong iyon. Muli niyang inundayan nang tig-iisa pang suntok ang dalawang kidnapper na malapit sa kanya. "Napipikon na ako sa isang ito, ha!" Sabi ng pangatlong kidnapper. Kinuha nito ang nakasukbit na baril sa tagiliran at itinutok kay Mark na abalang sumusuntok sa dalawang kidnappe
"Freeze..." "Drop your guns." Agad na napalingon si Alyssa nang marinig niya ang pamilyar na boses na iyon. Boses kasi iyon ni Jaycee. Nakita niyang papalapit na ito sa kanila at may kasama pang isang dosenang bodyguard na pamilyar din ang mga mukha sa kanya. Mga bodyguard kasi ito ng kanyang mga kapatid. "Subukan mo lang hindi sumunod." Narinig pa ni Alyssa na banta ni Chris, isa sa bodyguard ng kanyang Kuya Kyle sa lalaking nakashades. Pumalag kasi ito at balak pang manlaban ngunit wala rin namang nagawa kinalaunan. Nang matiyak ni Mark na kakilala ni Alyssa ang mga dumating, agad na niyang ibinaba ang kanyang baril at dahan-dahang binitiwan ang baywang ng dalaga. Hindi siya umalis sa tabi nito bagkus ay nanatili pang mas alerto sa mga maaari pang mangyari sa paligid. "Alyssa..." Narinig ni Mark na may tumawag sa dalaga. Pareho silang napalingon dito. "Ate." Isang magandang babae ang tinawag nitong ate. Tumatakbo itong papalapit at agad na niyakap si Alyssa. Kasunod nito ang
Sinag ng haring araw at mahalumigmig na simoy ng hangin mula sa nakabukas na bintana. Ito ang gumising kay Alyssa mula sa mahimbing na pagkakatulog. Alas otso na ng umaga ayon sa suot niyang wristwatch. Mabilis siyang bumangon at balak pa sanang magstretching nang bigla siyang napatigil. Nakaramdam kasi siya ng kirot sa kanyang braso. Napatingin siya dito. Ang gasang nakabalot dito ay may bahid na ng dugo. "Dalawang araw palang kasi ang nakalilipas magmula nang marescue ka." Naisip ni Alyssa. Kaya medyo sariwa pa nga ang sugat niya sa braso. Hindi na niya itinuloy ang balak gawin, sa halip ay nagtungo na lang siya sa kanilang veranda. Napangiti siya pagdating niya roon. Ang buong veranda nila ay natatamnan ng mga sunflower. Kay ganda nitong pagmasdan dahil para itong nagsasayawan sa ihip ng hangin. Bigla niyang naalala ang Verdes Island. Partikular ang veranda ng cabin. Ganitong-ganito din kasi ang tanawing makikita mo. "Kaya pala parang pamilyar ang ganitong view sa akin." Narealiz
"Morning, guys!" Bungad ni Mark sa mga tao sa reception area. "Sir Mark, good morning po." "Long time no see po." "Medyo naging busy lang last week. Available ba 'yong favorite spot ko?" "Always available, sir." "Ang lakas ko talaga sa inyo. By the way, did you see Third Young Master Dave today?" "Not yet, sir. But he'll be here any minute. May VIP po kasing darating." "Okay, just inform me na lang kapag dumating na siya." "Noted, Sir Mark." Araneta Shooting Range. Ito ang pinakamalaking shooting range sa bansa. It was owned by Araneta Group of Companies and managed by Third Young Master Dave. Madalas dito si Mark. Lalo na kapag may extra time siya. While walking to his favorite spot sa shooting range, napatingin si Mark sa kanyang right side. Isang pamilyar na pigura ang kanyang nakita. Napangiti siya. "Alyssa Araneta." Pinagmasdan muna ni Mark ang dalaga. Na-amaze siya sa bawat kilos nito. Kitang-kita kasi sa tindig at porma ng dalaga na alam nito ang ginagawa. Ang bawa
"Nakaalis na ba si Alyssa, Dave?" Bungad na tanong ni First Young Master Kyle sa kapatid ng makita niya itong papasok ng conference room. "Yes, Kuya Kyle. She's with Jaycee. Ayaw pa nga sanang umalis. Buti na lang tumawag ang staff ng studio. Kailangan daw nila ang presence ni Alyssa. Kaya 'yun napilitang umalis." "Buti na lang pala. Hirap pa namang umisip ng puwedeng idahilan kay Alyssa." Pabuntong-hiningang sabi ni Second Young Master Xander habang umiinom ng orange juice. "Sinabi mo pa, Kuya Xander." Sumasang-ayong sabi ni Third Young Master Dave. "Kaya nga, dapat maayos na natin ito as soon as possible. We all know that Alyssa grow independently. Kaya paniguradong hindi siya hihingi ng tulong sa isa man sa ating tatlo. She will definitely solve this problem on her own." Sabi ni First Young Master Kyle sa mga kapatid. "You're right, bro. Base sa ilang araw na nakasama ko s'ya sa isla, masasabi kong maabilidad ang kapatid n'yo. Kayang-kaya n'yang i-solve ang problemang ito eve
"Simon, kindly inform everyone that we will be having an urgent meeting today. I'll be there in five minutes." "Yes, Master." After that phone call, minaniobra ni Mark ang kanyang kotse palabas ng parking area ng shooting range at mabilis itong pinatakbo. Within five minutes narating na niya ang kanyang destinasyon. Ang Le Grande Hotel & Resort. "Good afternoon, Master." Bati sa kanya ni Simon. "Good afternoon." Ganting bati ni Mark dito. "Nasa conference room na po silang lahat, Master." "Okay." Nagtungo si Mark sa conference room kasunod si Simon. "Good afternoon, Master Clyde." Bungad na pagbati kay Mark nang mga tao sa conference room. "Good afternoon, everyone." Ganting bati ni Mark sa mga executives ng Le Grande. "Shall we start?" "Yes, Master." Meanwhile... "Young Miss, here are the documents that needs your approval and signature." Sabi ng secretary ni Alyssa na si Grace. Inilapag nito sa kanyang mesa ang mga naturang dokumento. "Okay, Grace. Thank you." "Is the
Habang abala ang lahat sa rehearsal, isang modelo ang bigla na lang nag-walkout. "Nakakainis." Padabog itong sumakay sa nakaparadang luxury car sa parking area ng Le Grande. "Lagi na lang siya ang bida." "Bakit ba mainit na naman ang ulo mo?" Tanong ng isa pang babae na nasa loob rin ng kotse. "Or should I say sino ang nagpainit ng ulo mo?" "Sino pa ba sa tingin mo?" Galit nitong sabi. "Di si Alyssa lang naman." Mataas ang boses na sabi nito. "Marcus, simulan mo na ang plano natin." Biglang baling nito sa lalaking nakaupo sa driver's seat. "Siguraduhin mong hindi makakarating si Alyssa sa Globe Fashion Week." "Yes, boss." Kaagad na sagot ng lalaki na tinawag na Marcus. "I want her dead." Seryosong sabi muli ng babae. "By the way, friend, tapos na ba ang rehearsal n'yo?" Pag-iibang tanong ng kasama nitong babae. "Hindi pa. Nagdahilan lang ako kay Perry na sumama ang pakiramdam ko." Sagot nito habang inaayos ang dalang Louis Vuitton bag. "Let's go somewhere else. Marcus, same place
"Alyssa..." Mabilis na tumakbo si Mark patungo sa washroom. Nakaramdam kasi siya ng kaba. Sampung minuto na kasi ang lumipas magmula nang magpaalam si Alyssa na pupunta sa washroom. Pagdating niya roon kaagad niyang pinihit ang door knob ngunit ito ay nakalock. Walang pagdadalawang isip na bumuwelo siya ng kaunti at malakas na sinipa ang pinto. "Alyssa..." Bungad na sabi ni Mark nang mabuksan nito ang pinto. Nabungaran niya si Alyssa na nakikipagbuno sa isang tao na nakasuot ng hood. Parehong napalingon ang dalawa sa kanyang direksyon. Kaagad namang sinamantala nang katungali ni Alyssa ang pagkakataon na iyon. Mabilis nitong nadampot ang patalim na kanina ay sinipa ni Alyssa papalayo. Pagkatapos ay iniumang nito ang patalim sa tagiliran ni Alyssa. "Don't try to move..." Bulong pa nito sa natigilang si Alyssa. "Or else you will die." Natigilan rin si Mark sa pagkilos nang marinig niya ang tinuran ng nakahood. Ayaw niyang mapahamak si Alyssa. Mayamaya pa napansin niya na may sine