Share

Chapter 2

Kylie

Kahit na bwi bwisit dito ay dali dali akong tumayo at balak ko pa sana itong tulungan ng bigla na lang nitong tabigin ang in offer ko na kamay sa kanya.

"Huwag na. Kaya ko naman. Baka mahawaan pa ako ng katangahan mo." Inis pa ring sabi nito sa akin at padabog na tumayo na rin ito sabay pagpag ng na dumihan nitong damit.

"Sa susunod huwag kang ta tanga tanga at ng di ka maka perwesyo ng iba. Sarilinin mo na lang yang katangahan mo ha. Parang awa mo na, huwag ka ng man damay pa ng iba." M*****a na litanya nito sa akin.

Mabilis naman na iniwan na ako nito. Hindi ko man lang naipag tanggol ang aking sarili sa mga panlalait na pinag sasabi nito sa akin.

Napapantastikuhang tinignan ko na lang ang papalayo nitong likod. Ibang klase din ang isang iyon ah. Sayang ang ganda pa naman sana nya. Kaya lang na sobrahan ng kasungitan sa katawan. Pero infairness ang ganda nya ha.

Kahit naman na ganito na broken ako ay nakaka appreciate pa rin naman ako ng ganda no.

Nang magsawa na ako sa aking pag lalakad dito sa dalampasigan ay nagpasya na akong pumunta sa aking bahay dito sa resort.

Medyo gutom na rin kasi ako at gusto ko na rin mag kape. Coffee is life kasi eh. Di buo ang araw ko talaga hanggang walang kape.

Papunta na ako sa bahay ko ng maka salubong ko ulit si Miss sungit. Grabi ang sama ng tingin nito sa akin at inirapan pa talaga ako nito.

"Sinusundan mo ba ako ha?" Mainit na agad na tanong nito sa akin.

Hindi ko naman alam kung ano ang magiging reaction ko dito.

"Wow grabi ha ang lakas naman ng hangin dito. At bakit naman kita su sundan aber? Sino kaba? Artista ka bhe???." Pang inis ko namang tanong dito. Kapal kasi ng mukha. Hello paanong susundan eh naka salubong nga diba? Lakas din ng hangin sa katawan ng isang to eh.

Parang tanga lang ng potek.

"Huwag ka ng mag maang maangan pa. Huli ka na tumatanggi ka pa. Tapos sasabihan mo pa akong mahangin. Hindi man ako artista pero alam ko na hindi ko na kailangan pa na mag artista para lang sundan ako duh. Kapal ha." Galit na nitong sagot sa akin.

"Mahuli pa kitang sinusundan ako eh isusumbong na talaga kita sa may ari nitong resort na to. Di mo ba alam na kaibigan ko ang may ari nito? Pananakot nya pa.

Ha? Di ko nga sya kilala tapos sasabihin nyang kaibigan ko sya? At ano raw isusumbong nya ako sa akin? Nag papatawa ba sya? Mag yayabang din lang eh wala pa sa lugar. Baka sya ang palayasin ko dito pag napikon ako sa kanya.

"Hindi nga kita sinusundan. Paano ko naman magagawa yun aber? Eh pasalubong ka sa akin. Gets mo ba ang point ko?" Inis ko na ring sigaw dito.

Ang kulit kasi. Sinabi ko na ngang hindi eh. Tsaka ano ba mapapala ko dito pag sinundan ko sya? Hello mas maganda ako sa kanya no.

"Oo na lang, nang matigil ka na rin." Inis pa nitong sabi tsaka nag dadabog na umalis na.

Imbis na mainis dito ay napa ngiti na lang ako. Ang cute kasi ng itsura nya parang batang inagawan ng candy. Sarap sana e kiss ng kissable lips nito. Pero mukhang haharap naman ako kay kamatayan kapag ginawa ko ang bagay na yun.

Napapailing na lang na nag patuloy ako sa aking pag lalakad. Papuntang bahay ko.

Nang makarating ako sa bahay ay agad akong nagpa handa ng makakain kila manang.

Kumakain na ako ng aking breakfast nang lumapit sa akin ang manager ng resort.

"Ma'am Kylie magandang umaga po. May mga bisita po tayo dyan na nag papatanong po kung pwede daw po ba nila kayong maka usap? Nabalitaan po kasi nila na nandito daw po kayo sa resort eh." Nahihiyang tanong sa akin ng manager.

"Ano daw ba ang sadya nila sa akin?" Tanong ko naman dito.

"Nabanggit po nila na gusto po nilang mag invest sa inyong company. Kaya daw po gusto nila kayong maka usap."

"Sige mag set ka na lang ng dinner mamayang gabi dito na lang kamo sila pumunta sa bahay ko. Sharp seven ha. Ayaw ko na silang harapin pag na late sila." Bilin ko na lang dito at nagpatuloy na ako sa pag kain.

"Kumusta na pala dito sa resort? Maya nga pala ihanda mo yung financial report nitong resort at titignan ko ha."

"Maganda naman po Ma'am ang takbo ng resort. Lalo na po ngayon na malapit na ang summer mas lalong dumami ang ating mga guest at mga nag papa book ng room. Malapit na nga pong mapuno eh. Ilang rooms na lang ang bakante." Naka ngiti naman na pag re report nito sa akin.

" Mas tumaas nga po ng 10 percent ang kita ng resort ngayong buwan. Kumpara nung nakaraang buwan." Pag mamalaki pa nito

Napangiti naman ako at panay lang ang tango habang nakikinig sa kanyang pag re report sa akin.

"Sa tingin mo Mr. Mendoza, ano pa ang kulang ng resort natin?" Tanong ko naman dito.

Mas alam kasi nito ang mga dapat eh improve dito kaysa sa akin. Sya kasi ang naka tutok dito eh.

"Sa tingin ko Ma'am. Medyo mag dagdag tayo ng isa pang hotel. Halos punuan po kasi kahit hindi pick season. Kaya po tuloy madami tayong di na tinatanggap na guests pag puno na po." Suggestion nito.

"Maliban sa hotel, ano pa sa tingin mo ang kulang natin?

" Add din po pala tayo Ma'am ng mga cottages at swimming pool" dagdag pa nito.

"Sige mukhang kailangan nga rin ng mga iyon." Sangayon ko naman dito.

" Pag uusapan pa muna namin iyan ng board at mag papagawa agad ako ng plano para dyan." Sabi ko dito

" Babalitaan na lang kita dyan pag papasimulan ko na ang project. But for the meantime ay ituloy na lang muna ang operation nitong resort sa hanggang kaya lang nitong eh accommodate."

"Thank you for your time Mr. Mendoza, at sa maganda mong idea para sa lalong ika uunlad ng ating resort. Kaya nga di ako nag kamali na ikaw ang pinili ko na mamahala nito eh. Kasi malaki ang tiwala ko sa kakayahan nyo." Ang magiliw na puri ko dito.

"Maraming maraming salamat Ma'am Kylie sa tiwalang binibigay nyo sa akin. Mas pag bubutihin ko pa po ang aking trabaho." Masaya naman nitong sabi sa akin.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status