Share

Chapter 5

Kylie

Nandito kami ngayon ni Ellen sa party ng ka business partner ko. Siya ang date ko ngayong gabi. Tapos na rin na magka sundo kami nito na kapalit ang pag invest ko sa business niya ay ang pag payag nito na maging model ko sa aking bagong ilalabas na summer outfit collection.

Bagay na bagay kasi sa kanya na maging bagong model ng mga collection ko na yun. Unang kita ko pa lang dito ay alam ko na ito ang perfect na mag model para doon.

Tsaka medyo okay na kami nito. Subukan lang naman niya na sungitan pa ako baka nabibigla na siya nyan.

May tatlong buwan na rin pala na hiwalay na kami ni Andrea. Hindi ako nag paramdam dito kahit minsan. Para saan pa e naka pili na ito kung sino talaga ang mas mahal niya at mas gusto niyang makasama habang buhay.

Sabagay bakit ko nga naman ipipilit pa ang sarili ko sa isang tao na hindi man lang ako kayang panindigan. Puro mga pangako na ngayon nga ay napako na lang.

Natatawa na lang ako sa aking sarili kapag naiisip ko ang kagagahan na pinag gagawa ko dahil dito.

Nagkalat naman ang mga press na nandito. Bakit ang hindi e mga kilalang tao ang mga nandito sa party at alam ko na lalabas sa balita malamang kung sino ang date ko ngayon.

Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na isa akong bisexual na tao at lahat ng na di dikit sa akin at na li link ay balita kaagad. Hindi ko naman kayang pigilan ang mga ito. Tsaka wala akong pakialam kung ano man ang sabihin ng iba.

Nilinaw ko din kay Ellen na malamang na ma link siya sa akin ng ganyan. Okay lang naman daw sa kanya at tsaka wala daw akong dapat na ipangamba at single naman daw ito.

Tsaka mas maganda daw yun para sa business niya. Kaya nag kibit balikat na lang ako dahil doon. May point din naman kasi ito e. Tsaka malapit na rin naman na ilabas ko ang summer collection ko at dagdag PR din sa negosyo ko yun.

Kaya win win kaming dalawa ni Ellen nito. Maya lang ay may press ng lumapit sa amin.

"Ms. Kylie pwede bang ma interview namin kayo ng date mo ngayon?" hingi nito ng permiso sa amin.

Nakangiti naman na bumaling ako kay Ellen ngayon. "Babe interviewhin daw tayo. Okay lang sayo?" baling ko naman kay Ellen.

Naka hawak pa ako sa bewang nito ngayon habang naka ngiti ng matamis sa kanya. Sanay naman na ito na ganito kami ka clingy sa isat isa. Kaya parang wala na lang sa kanya na ganito kami. Tsaka babe ang call namin sa isat isa nito.

"Sure babe wala naman problema sa akin yun. " nakangiti na sagot naman nito

Kita ko naman kung paano kiligin ang mga ito habang ang laki ng ngiti sa amin at panay ang kuha ng mga picture.

"Ms. Kylie, si Ms. Ellen na ba ang nag papatibok ng puso mo ngayon?" walang preno at diritsahan na tanong kaagad nito sa akin.

Parang gusto ko naman pag pawisan dahil sa tanong nito sa akin. Kita ko rin na lumingon sa akin si Ellen at hinintay din ang isasagot ko. Bakit pakiramdam ko ay nasa talk show ako ni Tito boy ngayon?

Napipilitan na sagutin ko na lang ang tanongnito pero ayaw ko ng may follow up question pa ang mga ito. "Ano ba sa tingin nyo?" naka ngiti na sagot ko sa mga ito saka biglang mas lalo pang hinapit palapit sa akin si Ellen.

Bahala na sila kung ano man ang gusto nilang isipin para sa aming dalawa. Mabilis naman na nag paalam ako sa mga ito sabay hila na si Ellen upang ilayo sa mga ito. Tama na yung ganun na lang ang isagot ko. Safe na safe kaming dalawa doon.

Mag tatanong pa sana sila ng mag paalam na kami sa mga ito at pigilan na rin sila ng mga staff dito sa party.

Tuluyan na kaming pumasok sa loob upang ma e layo na rin si Ellen sa mga ito. Dahil sure ako na siya naman ang du dumugin ng tanong ng mga ito. Lalo pa nga at wala silang nakuhang matinong sagot sa akin.

Nang makapasok na kami sa loob ay sinalubong na agad kami ng host ng party na ito at giniya kami. Nakipag kwentuhan muna kami sa mga ito at ipinakilala na rin si Ellen sa mga ito.

May mga mapag larong ngiti sa mga labi nila at alam ko na ang akala ng mga ito ay girlfriend ko itong si Ellen. Bahala sila kung ano man ang gusto nilang isipin sa aming dalawa.

Maya lang ay nag paalam na rin ito at may haharapin pa daw ito na ibang bisita na bagong dating kaya naiwan kaming dalawa ni Ellen dito sa table.

"Hoy Kylie! baka mamaya ay bigla na lang may sumugod sa office ko na mga taga media at kung ano ano ang itanong sa akin ha. Alam mo naman na hindi ako sanay sa mga ganito. My god ganito ka pala ka sikat hindi ko alam yun ah." Nag aalala na sabi nito sa akin.

"Hayaan mo at mag papalagay ako ng security sa company mo maging sa bahay mo." sabi ko naman dito.

Maya lang ay parang medyo umingay kaya naman napatingin ako kung saan nanggagaling ang commotion na iyon.

Saktong pag lingon ko ay nakita ko ang papasok na si Andrea kasama ang asawa nito na magka holding hands pa ang mga ito. Kaya naman mabilis na iniwas ko ang tingin sa kanila.

Hindi ko naman maiwasan na kumirot ang puso ko dahil sa nakita ko. Oo kahit naman matagal ng hindi ko nakikita ito ay hindi naman ibig sabihin din nun na nawala na ito sa puso ko.

Hindi naman kasi basta basta na lang mawawala ang nararamdaman ko para sa kanya. Kahit na halos tatlong buwan na akong nag mo move on dito.

Agad naman na hinawakan ni Ellen ang aking kamay at pinisil yun. Alam naman nito ang pinag daraanan ko kaya ganyan na lang siya sa akin ngayon.

Kimi naman na binalingan ko na ito ng tingin at hindi na muli pang tumingin sa mga ito. Ayaw ko na isipin pa nito an affected pa rin ako sa pag hihiwalay namin na dalawa.

Ang gusto ko na ipahatid dito na tuluyan na siyang nawala sa isip at puso ko. Na wala na akong pakialam pa sa kanya.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status