Share

Chapter 3

Kylie

Nandito ako sa sala habang nag hihintay na dumating ang mga kakausapin kong investors. Need ko rin ang mga iyon sa balak kong pag papalawak at pag pa paganda nitong resort at ng iba pang hawak kong negosyo.

Sa ngayon ay mag papaka busy na muna ako at ayaw ko na makipag one on one na naman sa alak. Tama na ang pag inum ko. Siguro naman ay naipag luksa ko na kagabi ang pagka sawi ng puso ko.

Pumunta muna ako saglit sa kwarto ko dito sa bahay at naka limutan kong kunin ang cellphone ko. Need ko pa naman lagi na nasa tabi ko iyon lalo na wala ako sa Manila at palagi pa akong nag bibigay ng instructions kay Maryanne.

Hindi rin ako naka suot ng pang formal kong damit at ang balak ko lang sana eh mag bakasyon lang dito kaya wala akong mga pang formal na damit na nadala.

Lumabas muna ako ng bahay at mag papa hangin na lang dito sa labas. Habang nag hihintay ng bisita. Maya lang ay may natanaw na akong nag lalakad mag isa na naka dress na babae. Base sa hubog ng katawan nito ay masasabi kong isa syang magandang babae. Medyo madilim kasi kaya di ko masyado aninag ang mukha nito.

Baka ito na siguro iyong hinihintay kong investors. Pero bakit mag isa lang. Akala ko ba ay marami sila? Nag tatakang tanong ko sa aking sarili.

Nag pasya na lang ako na salubungin ito. Mukha kasing hirap siya mag lakad eh. Ikaw ba naman kasi ang mag heels dito e alam mong buhanginan dito. Di rin nag iisip ang isang ito. Pabobo ang puta. Basta lang maka porma di na e a adapt pa kung ok ang suot nya sa lugar. Wala din ang isang ito eh. Husto lang sa porma.

Ayaw ko sana mang husga ng tao kaya lang di ko kasi mapigilan habang tinitignan ito sa pakikipag buno niya sa buhanginan ng kanyang heels.

Nagmadali na akong lumapit dito ng makita kong mukhang madadapa na ito.

"Careful" masuyo kung sabi dito at inalalayan na itong mag lakad.

Hindi ko naman maatim na makita na madapa na lang ito ng basta basta.

Bigla naman itong napa piksi sa gulat dahil sa bigla kong paglapit at pag hawak sa siko nito.

"Ano ba!? Bitawan mo nga ako! Sino ka ba at bakit bigla ka na lang nang hahawak.?" Masungit na sita nito sa akin.

Bahagya naman akong natigilan dahil parang familiar ang boses nito sa akin. Pati na rin ang way ng pag sasalita nito. Kaya dahan dahan na tinignan ko ang mukha nito upang kumpermahin kung sya nga iyon.

Mabilis naman na binitawan ko ang siko nito na hawak hawak ko. Si Miss Sungit pala ito. Kaya naman pala parang familiar ang boses eh.

"Ikaw na naman!?? Talagang sinusundan mo ako ano? Isusumbong na talaga kita sa may ari nitong resort at ng mapalayas ka na dito." Sigaw nito sa akin..

Sasagot pa sana ako dito pero bigla nya na lang ako sinampal at nag mamadali na itong umalis sa harap ko papasok sa bahay ko.

Natulala na lang ako dahil sa bilis ng pangyayari. Imagine nasampal ako ng di ko namalayan at isa pa dito pa talaga sa teritoryo ko. Humanda ka sa akin mamaya na babae ka.

Hawak ang pisngi na sumunod na ako kay Ms. Sungit pa pasok sa bahay ko. Tangina lang talaga ang sakit.

"Ma'am Kylie, magandang gabi po." Biglang bati sa akin ng manager na nandito na pala sa tabi ko.

"Magandang gabi din Mr Mendoza." Balik pag bati ko dito. "Tara na sa loob at mukhang nandoon na iyong hinihintay kong kakausapin." Pag aaya ko na dito.

"Akala ko po ba ay madami sila? Bakit mukhang iisa lang iyon?" Tanong ko agad dito habang nag lalakad na kami papasok ng bahay.

Bigla naman itong napakamot sa kanyang ulo. " Medyo nag ka problema po kasi Ma'am at nag mamadali pong umalis kanina iyong iba at may biglaan daw pong gagawin kaya si Ms. Ellen Francisco na lang ang natira." Paliwanag naman nito agad..

Tumango na lang ako at nag patuloy na lang sa pag lakad. Ano pa nga ba ang magagawa ko. Pina una ko na muna ang manager na pumasok sa loob at may bigla kasing tumawag sa akin.

After ko makipag usap ay pumasok na rin ako sa bahay ko. Diritso lang akong nag lakad hanggang living room kung saan ay nakita ko na nag uusap si Mr. Mendoza at yung babaeng tigre.

Excited na ako na makita kung ano ang magiging reaction nito ngayon pag nakilala na ako nito ng tuluyan.

Tignan lang natin kung sino ang mas tigre sa ating dalawa. Kung sino ngayon ang mapapahiya sa mga pinag sasabi nito sa akin.

Parang nakikini kinita ko na ang pagka pahiya nito pag nalaman niyang ako ang may ari ng resort na ito.

Dahan dahan lang na lumapit ako sa mga ito na busy pa rin sa pag uusap at di yata namalayan na dumating na ako.

Maya lang ay biglang huminto sa pag sasalita si Mr. Mendoza at tumayo ito bigla ng mapansin na nandito na ako.

"Ay Ma'am Kylie nandito na po pala kayo." Masiglang sabi nito sa akin na tinanguan ko lang

Dahan dahan naman na lumingon sa gawi ko yung tigre. Kita ko ang pag kagulat sa mukha nito ng makilala ako. Pansin ko rin ang biglang pagka putla ng mukha nito ngayon.

Di ko naman maiwasang mapa smirk dito. Dahil sa nakita kong reaction nya. Nag kunwari naman ako na di ko ito kilala.

"Ah Ma'am Kylie, si Miss Ellen Francisco po pala yung sinasabi ko po sa inyo kanina na gusto kayong makausap." Pakilala naman agad nito sa akin.

Agad ko naman inabot dito ang aking kamay nang makita ko na gusto nitong makipag handshake sa akin.

Nang mag abot ang aming kamay ay bahagya ko itong pinisil at kinindatan pa ito.

Ramdam ko naman ang pan lalamig ng kamay nito. Hindi naman halata na pinag papawisan ito ng malamig. Pansin ko din ang pag lunok nito.

Nang bitawan ko na ang kamay nito ay agad ko na silang niyaya sa dinning room upang makapag dinner na rin.

"Ma'am Kylie di na po ako makikisabay pa at may mga vip po tayong mga dumating eh." Paalam agad nito sa akin.

"Ganun ba Mr. Mendoza? Sige at ng makapag usap kami ng maayos nitong si Ms. Francisco." Nasabi ko na lang dito at tuluyan na itong umalis.

Nang maka alis na ito ay saka ko binalingan ng tingin si tigre. " Shall we.?" Pag aaya ko dito at nag patiuna ng nag lakad.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status