Agad ding naayos ang sasakyan ko noong araw ding 'yon. Tahimik sila tuwing kaharap ako at kapag hindi naman ay doon sila nag-babangayan. Akala ko nga tutulungan ako ni Vern para awatin sila, ang loko nakisali pa. Ginagatungan n'ya pa ang dalawa, pustahan pa raw.
Simula rin noong araw na 'yon, palagi nang sumasabay sa'min tuwing lunch ang dalawa. Si Theo palaging bumibisita sa bahay, lagi akong pinapaalalahanan na isara nang maayos ang mga pinto at bintana. Si Maeve naman, tuwing wala pa si Vern lagi n'ya 'kong hinahatid patungo sa coffee shop dahil sabay kami minsan ng uwi.
Afternoon ang shift ko sa coffee shop, from 1 pm until 7 pm. Inayos ko na rin ang schedule ko sa school para tumugma sa shift ko sa coffee shop.
"You know you can hire me as your personal driver." He looked at me and flashed a smile.
Since then, Maeve's presence doesn't bother me at all. I'm comfortable when I'm with him. There's something about him that feels like I've known him my entire life. Like he's one of those missing pieces in my life.
"You know I can't do that, wala akong pera pambayad sa'yo!" I chuckled.
He parked the car in front of the coffee shop. Agad akong lumabas, agaw pansin ang sasakyan nito kaya laking gulat ng iba nang makita akong lumabas mula roon. Who wouldn't notice an old Ferrari 250?
Kumatok ako sa bintana, agad n'ya namang binuksan 'yon.
"A merienda or dinner will do," bungad niya sa'kin.
Kumunot ang noo ko dahil doon, mukhang mas mapapagastos pa 'ko sakanya, ah?
"No way, Maeve! Anyway, thank you. Next time ulit?" biro ko.
He bid his goodbye before started driving away. As soon as he vanished out of my sight, I went inside the coffee shop to work.
"Good afternoon, Tiya Lo!" masiglang bati ko rito.
Naroon siya sa usual table niya, sa pinakadulong bahagi ng coffee shop. She's wearing her specs while peacefully reading a book. She's sipping on her coffee when she noticed me. Agad s'yang tumayo at hinagkan ako.
"Maaga ka yata, hija?" tanong n'ya bago naupong muli.
"Maaga pong natapos ang klase," saad ko.
Nagpatuloy ito sa pag-babasa habang ako ay nag-ayos muna ng mga lamesa. Unti-unting dumarami ang tao sa coffee shop kaya naging abala ako. Late na rin kasi dumating 'yung katrabaho ko. Napagalitan pa s'ya ni Tiya Lo kaya medyo nagtagal sila sa kitchen.
"Three Americano, two espresso and one latte. And.. what's your best seller quick bites here?" the girl smiled sweetly.
Ngumiti rin ako kahit pilit. There's something on her that scares me. I find her dangerous. Her smile reflected evil to me. I don't know why..
"Cinnamon rolls, bagel, muffins and croissant, Ma'am," tugon ko.
"I'd like to have that," sambit n'ya.
Nagbayad na s'ya bago nagtungo sa isang upuan para hintayin ang order. She's with someone. The guy is wearing sunglasses ngunit ramdam kong nakatingin ito sa'kin. Ipinagsawalang bahala ko na lamang 'yon at itinuon ang atensyon sa order nila.
Tiya Lo turned on the television, balita agad ang bumungad doon.
"Lumabas sa autopsy na animal attacked nga ang ikinamatay ng babae ngunit hindi naniniwala ang pamilya ng biktima na isang hayop ang may gawa nito. Ayon sakanila ay mas masahol pa sa hayop ang may gawa nito sa anak nila.."
Agad na napukaw ang atensyon ko sa telebisyon, ipinakita roon ang blurred na imahe nung katawan ng babae. Ngumiwi si Tiya Lo at agad na pinatay ang tv.
"Nakakawalang gana naman ang balitang 'yon," aniya at nag-focus nalang sa pagbabasa.
Nang maibalot ko na ang mga order ay tinawag ko na ang babae.
"Miss Akasha!" tawag ko rito dahil 'yon ang pangalang sinabi n'ya kanina.
Agad s'yang tumayo at nagtungo sa'kin. She didn't check her orders, abala s'ya sa pagtingin sa'kin habang nakangisi na para bang may nakakatuwa sa'kin.
"Here's your order, Ma'am. Thank you!" I glance at her once to observe, she has a pale skin color, blonde ang buhok nito at pulang-pula ang labi.
Kalaunan ay umalis na ito kasama ang lalake. Napansin kong naiwan n'ya ang wallet sa mesa nila kaya hinabol ko ito. Mabuti at hindi pa sila nakakalayo.
Isang Bugatti Chiron ang bumungad sa'kin nang makalabas, papasok na sila rito nang tawagin ko. Parang hindi pa nagulat ang babae nang makitang hawak ko ang wallet n'ya.
"Naiwan niyo po, Miss," saad ko rito.
Inilahad ko ang wallet n'ya, sinulyapan n'ya ito bago ibinalik ang tingin sa'kin. Itinaas n'ya ang kamay n'ya para abutin ang wallet ngunit ang mga mata n'ya ay abala sa pagtingin sa'kin na para bang hinuhuli nito ang mga mata ko. Napatingin ako sakan'ya, may kung ano sa mata nito na parang hinihigop ako, gustuhin ko mang umiwas ay hindi ko magawa.
Para akong nababalot sa isang mahika, hindi ko magawang umiwas. Tanging mga mata n'ya lang ang tinitingnan ko at pakiramdam ko kaunting minuto nalang ay mawawala na 'ko sa wisyo.
"Mystica!" Agad akong napatingin sa kung sino ang tumawag at nang ibalik ko ang tingin sa harap ay wala na ang babae at kasama nito.
Sabay kaming pumasok ni Vern sa coffee shop, lutang pa rin ako dahil iniisip ko kung bakit biglang naglaho ang dalawa sa paningin ko kanina. Napakabilis ng mga pangyayari..
"Si Maeve daw naghatid sa'yo? May bagong bestfriend ka na? FO na ba tayo?" May pagtatampo sa boses nito.
Medyo naging abala kasi si Vern nitong mga nakaraang araw kaya hindi ko na s'ya inabala pa. Napag-usapan din namin na sakanila ako matutulog ngayong araw dahil Saturday naman bukas, walang pasok sa eskwela. Madami rin kaming dapat pag-usapan, marami akong tanong at marami rin s'yang kwento.
"Ang arte mo!" asar ko rito.
Naupo s'ya sa tapat ni Tiya Lo. Close silang dalawa dahil palagi n'yang binobola si Tiya Lo para makalibre ng kape. Hindi naman s'ya nabibigo tuwing nag-pupunta s'ya rito.
"Nag-merienda ka na ba, hijo? Naku, bagay talaga kayo nitong si Mystica! Kayo na ba?" malisyosyang tanong ni Tiya.
Iniwan ko na sila roon para maghanda ng merienda ni Vern. Si loko, gustong-gusto ang napiling topic ni Tiya Lo.
"Hindi pa nga po ako sinasagot, e. Sabi ko nga Mamita, sayang ang genes namin sakaling 'di kami magkatuluyan," biro n'ya.
Panay ang tawa nila. Kung ano-ano pang kwento ni Vern tungkol sa'min noong bata pa kami, hindi naman nagsasawa si Tiya Lo sa mga kwento nito.
"Bilisan mo kasi pumorma, mukhang nauunahan ka na, e. Nitong nakaraan, may ibang nag-hahatid d'yan, gara ng kotse hijo!" ani Tiya Lo.
Ibinaba ko sa mesa ang merienda ni Vern bago nag-tungo sa ibang mesa para linisin 'yon. Malapit na kasing magsara ang shop kaya mas ayos kung lilinisin ko na ngayon.
"Alam ko po 'yon, Mamita. 'Di hamak na mas gwapo naman ako roon! 'Di ba?" wika n'ya.
Nag-pose pa s'ya at kumindat sa'kin kaya mas lalong natawa si Tiya. I shook my head, daming alam nitong lalaking 'to!
Pagkatapos ko sa mga mesa ay nag-pasya akong mag walis habang patuloy na nakikinig sa pinag-uusapan ng dalawa.
"Heto, Mamita, seryosong tanong. Sinong boto n'yo sa'ming tatlo para kay Myst? Ako, si Chodor o yung kanong 'yon?" aniya.
Natawa ako sa description n'ya kay Maeve, kano talaga? Porket maputi, kano agad? Palibhasa malibag siya e, syempre biro lang. Gwapo si Vernon, moreno ito gaya ko. Itim ang mga mata at mahahaba ang pilik-mata, bagay na kinaiinggitan ko sakan'ya. Mahaba naman ang pilik-mata ko pero ang kan'ya ay tikwas, ang akin ay hindi masyado. May kakapalan din ang kilay nito na lalong nagpapagwapo sakan'ya. Well-defined ang panga n'ya, matangos ang ilong at mapulang labi. He is 5'11 and has a slender but muscular body, pinipilit ko nga s'yang sumali sa sports kaso ayaw n'ya, wala daw s'yang hilig sa ganoon.
"Sino pa ba? Syempre hindi ikaw!" ani Tiya Lo sabay tawa.
Rinig na rinig ang halakhak ni Tiya sa buong coffee shop samantalang lugmok itong tinitingnan ni Vern. Nang mapunta sa'kin ang tingin ay nginitian ko ito nang nakakaloko. I mouthed 'buti nga' dahilan para irapan ako nito.
"Hala si Mamita tawang-tawa, pag 'to inasar ko, iyak 'to," pabirong sabi ni Vern.
Medyo umayos na si Tiya Lo, kinailangan pa ng tubig dahil nasobrahan yata siya sa pagtawa kaya inubo. Sinermonan naman s'ya ni Vern habang pinaiinom ng tubig. Mas lalo akong natawa dahil sa panenermon ni Vern, parang s'ya pa ang mas matanda sakanilang dalawa.
Vernon is a grown up man now, nasubaybayan ko kung paano s'ya nag-matured, saksi ako sa lahat ng 'yon. Kaso, tuwing kaming dalawa nalang ay minsan para s'yang bata kung umasta, nakasanayan na rin kasi namin at isa pa, nangako kami na walang magbabago sa pakikitungo namin sa isa't-isa.
"To be honest, wala akong iboboto sainyong tatlo dahil sa huli, desisyon pa rin ni Mystica 'yan. Kung saan s'ya sasaya, 'yon ang mahalaga," Tiya Lo smiled sweetly at me.
"Kung ako po ang tatanungin, Tiya, wala akong pipiliin sakanila sakaling may gusto nga sila sa'kin. Ayos na ko sa pakikipag-kaibigan lang," seryosong sambit ko.
Seryoso rin akong tiningnan ni Vern na unti-unting nag-form ng ngiti ang labi. Alam kong may iba s'yang nararamdaman para sa akin pero ayaw kong masira ang friendship namin. Alam kong alam n'ya na ang desisyon ko patungkol doon.
Tinulungan na 'ko ni Vern sa pag-aayos at nang matapos ay isinara na namin ang coffee shop.
Sumakay na silang lahat sa van. Hinihintay nalang si Amion na hindi pa lumalabas sa munting bahay ni Mama. I waited for him too. Gusto kong makausap siya bago man lang sila umalis. But I doubt if he will ever talk to me. Nakita ko siyang palabas na ng pinto. Marahas ang bawat hakbang nito at mariin ang titig sa'kin. Napaatras si Constantine nang agresibo itong lumapit sa'kin. Hinawakan nito ang palapulsuhan ko at dinala ako palapit sa van. "Come with me. It's dangerous here!" aniya, mahina ngunit mariin ang pagkakasabi. Nagpumiglas ako at dahil hindi masyadong mahigpit ang kapit niya ay nakawala ako rito. He looked at me, annoyed by my sudden movement. "What? No! I know what I'm into, Amion. I know how dangerous it is, I know.. and I'm staying.." sagot ko, hawak ang palapulsuhan na mukhang namumula dahil sa kapit niya kanina. Napatingin siya rito at agad na ibinalik ang tingin sa'kin. Ang mata niya ay unti-unting pumungay at sa sandaling 'yon ay nakitaan ko siya ng takot at kah
A lot of things happened the past months. It is, so far, the most unexpected things that ever happened to me. I am Mystica Iuella Braganza, a simple maiden living in Peculium Ville. I met Theodore and Vernon, my best friends. And then, I met Maeve.. the one who made me feel things. We became close. He's protective and gentleman. He made me realize that I am also a woman. I thought I liked him, it turns out that the reason why I'm feeling such things towards him is because I am sired to him. Through Amion, who almost killed me with his motorcycle that night, I found out that Maeve is a vampire. And Theodore is a werewolf. I was devastated, I feel like they betrayed me. But that doesn't change the fact that they are my friends.. and friends always understands. And I'm sure that even if I'm the most difficult person in the world, they would understand me. That's for sure.And then, the Montgomery's entered the picture. I thought they were bad. Maybe they are, but they are not 'just' bad
THIRD PERSON'S POINT OF VIEWHindi pa rin makapaniwala si Mystica sa lahat ng nangyari. She made Ambrogio taste a werewolf's bite. Alam niyang walang takas si Ambrogio sa kamatayang 'yon at kaunting oras na lang ang natitira rito kaya pinakawalan niya rin ito kalaunan. Pagkatapos no'n ay nawalan din siya ng malay. Ayon ang huling naaalala niya sa mga nangyari. Nalaman niya nalang paggising na natagpuan siya nila Maeve at mabilis na dinaluhan, pati na rin si Amion na walang malay. "Where's Amion? Is he alright?" ayon ang unang lumabas sa bibig niya nang magising siya sa araw na 'yon. Nang magising ay bumungad sakaniya ang mga nag-aalalang kaibigan. Naroon si Maeve, Theodore at Vernon sa gilid ng kaniyang kama, mukhang nabitin ang pinag-uusapan nang magising si Mystica. Nagtataka ito dahil isang hindi pamilyar na kwarto ang kinaroroonan nila. Halatang gawa sa kahoy ang kabuuan nito. May isang bintana na hinaharangan ng puting kurtina. May mga simpleng muwebles sa ibabaw ng maliit na
THIRD PERSON'S POINT OF VIEWSa gitna ng kagubatan na 'yon ay nanaig ang katahimikan. Tanging kuliglig, tunog ng tuyong dahon at kaluskos ng mga hayop lamang ang maririnig. Napapalibutan ito ng mga alagad ni Ambrogio kaya nararapat lamang na maging maingat sila sa mga gagawin."Nakita niyo ba sila Mystica?" tanong agad ni Theodore nang makita nila sila Maeve at Zoraidah.Samantalang bakas naman ang pagkalito sa mukha ng dalawang kaibigan. Marahil ay nagtataka sila kung bakit kasama nila Astraea si Constantine gayong kalaban nila ito."Let me guess, something's not right here and you needed help?" tanong ni Zoraidah.Lingid sa kaalaman ng lahat ay may kakaiba itong nararamdaman at kahit pa hindi sabihin ni Mystica sakaniya ang problema ay alam niyang may kakaiba nga rito. She just feel it but she's not sure where to start. Alam niyang may mali, naghinala siya noong nagtungo si Constantine sa shop para kausapin si Mystica. Kasunod no'n ay ang pag atake nila Harriet at Randall, at ang pa
"Mystica!" I pushed Ambrogio as soon as I heard Amion's voice. Napatingin agad ako sa gawi nito, naka luhod ito at may balisong na naka tapat sa leeg niya. Bihag siya ngayon ni Harriet na malawak ang ngisi habang naka sabunot ang isang kamay sa buhok ni Amion. I gritted my teeth and tried to step backwards, distancing myself from Ambrogio. He was taken aback.I clenched my fist more as I realized everything. Ambrogio is here to kill me. Hindi ko alam kung bakit ako nagpadala sa emosyon ko gayong narito siya para patayin ako. But.. I felt something. Alam kong ganoon din siya. Pareho kaming nakaramdam ng lukso ng dugo.. ngunit hindi dapat ako magpa-apekto roon. Hindi ko dapat kalimutan ang misyon ko. Hindi ako pwedeng magpadala sa emosyon ko.He's my goddamn father, yes! But he's evil.. and I refused to be his daughter."Leave him alone!" utos ko rito. Ngunit parang walang narinig si Harriet at mas idiniin ang balisong sa leeg ni Amion. I saw blood on it. Mas lalo akong nagpuyos sa g
THIRD PERSON'S POINT OF VIEW"Stop following me, Vernon! I wanted to be alone!" sigaw ni Akasha at mas binilisan pa ang paglakad palayo kay VernoMasama ang loob nito. Pagtapos ng nangyari kanina ay iniwan niya agad ang mga kaibigan. Hindi niya matanggap na napakadali para kay Amion na pagbintangan siya. Wala naman siyang nagawa, pakiramdam niya'y hindi niya kayang dependahan ang sarili. Gusto niyang ipagtanggol ang sarili ngunit alam niyang hindi ito maniniwala. Marami na siyang nagawang mali kaya naiintindihan niya kung bakit siya agad ang napagbintanganNgunit hindi niya pa rin maiwasang hindi masaktanPatuloy ang paglandas ng mga luha sa mata niya. Huling iyak niya ay noong nawala si Aphelios sakaniya.. at si Vernon ang may gawa no'n. Hindi niya alam kung bakit kahit alam niyang ito ang pumatay sa kapatid niya ay iniligtas niya pa rin ito. Noong una ay gusto niya lang gantihan si Mystica. Kinuha nito ang mga mahal niya sa buhay kaya nararapat lang na kunin din ni Akasha ang mga ma
THIRD PERSON'S POINT OF VIEW "Oh shit! Now, what are we gonna do? Iniwan nila tayo!" reklamo ni Zoraidah habang tinatanaw ang papalayong imahe ni Mystica na sinundan naman ni Amion. Sa gitna ng kagubatan ay matatagpuan ang magkakaibigan. Dahil sa isang pangyayari ay nagkawatak watak ang mga ito. Naiwan si Zoraidah kasama si Maeve. She doesn't know what she's risking into. Magmula nang makilala niya si Mystica ay nagbago na ang buhay nito. She badly hated danger, that's the reason why she chose to stay at their home in Solemn. She found peace in being alone and it's better because she can freely read her books and learn new witchcraft tricks. All her life, she believes that there are two kinds of witch. The good one who is known for using their powers in a right way and the bad one who is using dark magic. She's obviously not the latter. But her twin sister chose to take that path. Matagal na niyang hinihintay na makita si Mystica. Alam niya ang tungkol dito dahil inihabilin ito sak
Kung minamalas ka nga naman, nasiraan pa ang van namin at tuluyang huminto sa gilid ng madilim na kalsada. Puro talahiban at puno ang nasa gilid, siguro ay kumokonekta 'yon sa gubat ng Amityville. Nagpasya kaming maglakad nalang at iwan ang sasakyan doon dahil malapit naman na raw kami sa mismong tirahan ng aking Ina. Hanggang ngayon ay naguguluhan pa rin ang lahat sa kung paano kami nasundan ng mga alagad ni Ambrogio.Naglalakad kami ngayon sa gitna ng kagubatan, madilim at nakakatakot. Tanging ilaw ng bilog na buwan ang nagbibigay liwanag sa'min. Kanina ko pa nararamdaman ang higpit ng hawak ni Amion sa'kin. Para itong nagpipigil at kaunti nalang ay sasabog na. "Seriously? Who told them about our whereabouts? Imposibleng coincidence lang na naroon din sila Constantine!" reklamo ni Akasha. Nagulat nalang ako nang bitawan ako ni Amion at mabilis niyang dinaluhan ang kapatid. Hawak niya ito sa leeg, marahas na gumalaw ang panga nito at puno ng galit ang mga mata."Cut the act, Akash
We spent an hour talking about how we missed our normal life. Habang kausap ko ito ay hindi ko mapigilang matuwa dahil sa sandaling 'yon, muli niyang ipinaramdam sa'kin na walang nagbago sa'min. Tumigil lang kami nang ihinto ni Amion ang sasakyan sa tapat ng nag-iisang kainan na nakita namin. Malapit na raw kami sa Amityville, trenta minutos nalang at naroon na kami ngunit mas pinili nilang maghapunan muna dahil walang kasiguraduhan kung naroon ba ang aking Ina.Hanggang sa makababa ay nakatabi sa'kin si Vernon, patuloy na kinukulit ako tungkol sa mga nangyari sa'min noon. Narinig tuloy kami ni Theodore kaya nakisali pa ito sa pang iinis sa'kin. "The Lakambini we never had," pang-aasar ni Theodore sa'kin.They are talking about the time where someone jokingly nominate me as the Lakambini during our intramurals in highschool. Alam kong si Theodore ang may pakana no'n, mabuti nalang at kaunti lang ang bumoto sa'kin kaya hindi ako nanalo. It's not a big deal, though. Ayaw ko naman talag