Zach's point of view I was in the middle of checking the quarterly report when my phone buzzed. One unread message.Celestine: We need to talk. Urgent. I’m downstairs. Napahinto ako. Shit, anong ginagawa niya dito sa kompanya? Napatingin ako sa table ni Katalina, wala siya nag-paalam na lalabas saglit, baka pumunta sa kabilang wing or sa restroom. Katatapos lang din ng lunch break pero agad akong bumalik sa trabaho dahil may kailangan tapusin. For a second, I just stared at the message, Damn it. Hindi ko inaasahang pupunta siya rito. Alam kong isang bagay lang ang dahilan kung bakit siya nandito…the engagement.The very thing na ayaw ko, pero patuloy na ipinipilit ng mga pamilya namin. Sa huli wala akong nagawa.I closed my computer, kinuha ang phone at tumayo.Pinilit kong pakalmahin ang sarili kahit ramdam ko ang kabang nararamdaman. Relax, Zach. Just talk to her. Make it quick. ‘Yung walang makakakita. Lumabas ako ng opisina, sinigurado kong walang makakakita sa akin
Continuation... Natigilan ako. Parang huminto ang mundo ko habang nakatitig ako sa screen ng phone.Hindi ako makagalaw.“Kat?” tawag ni Jems, napansin niyang bigla akong natahimik. “What’s wrong? Anong sabi niya?”Hindi agad ako nakasagot.Ramdam ko ‘yung kabog ng dibdib ko habang binabasa ko ulit ‘yung message.Paulit-ulit.Gusto kong siguraduhin kung tama ba ‘yung nabasa ko.“Please, just hear me out. It’s not what you think. I need to explain everything.” Ilang ulit kong binasa ‘yung linya na ‘yon. Parang nag-e-echo sa tenga ko, habang bumibilis ang tibok ng puso ko.“Kat,” ulit ni Jems, this time mas lumapit siya. “Anong sabi ni Zach?” Parang may bara sa lalamunan ko pero nagawa ko pa ring basahin ng mahina ‘yung text ni Zach. “Baby, please. I’ve been trying to reach you for a while now... Can we talk? Please, just hear me out. It’s not what you think. I need to explain everything.”Sandaling katahimikan. Narinig ko ang malalim na buntong-hininga ni Jems. “It’s obvious
Habang ako tahimik lang at naghihintay ng sasabihin niya. Then she turned to me. “Kat, base sa kinuwento mo, I think arrange marriage ang meron sa kanila.” Nakatingin lang ako sa kanya, tila pinaprocess ‘yung sinabi niya. “Arrange marriage?” wala sa sariling sagot ko. “Yeah,” sagot niya. “Think about it. ‘Yung mga sinabi ni Zach at nung Celestine, may mention ng family, sinabi ni Zach na napag-usapan na nila ang bagay na ‘yon, umuwi siya ng pinas kahit hindi pwede, sinundan siya ni Celestine dito para kausapin at dahil malapit na ang engagement party nila, chances are, hindi siya ang may gusto ng setup. Maybe si Zach, he’s forced into it. Alam niyo naman sa business world, uso yang arrange marriage na 'yan.” Napaisip ako sa sinabi ni Jems, may punto lahat. Pwedeng ganon nga, Arrange Marriage lang lahat.“P-pero bakit hindi niya sinabi? Hindi niya sinabi ‘yung totoo sa akin?” tanong ko, halos pabulong. “Bakit kailangan niyang itago?”“Maybe he was trying to protect you,” sagot
Katalina’s point of view Pagdating ko sa condo, agad kong isinara ang pinto, binagsak ang bag sa sahig saka sumandal sa pinto. Nanghihina ako at namumugto ang mga mata. “Katalina?” nag-angat ako ng tingin nakita ko sa sala si Jems at Fia na abala sa kanilang laptop, Nandito pala sila, Akala ko pumasok sila sa trabaho. “What are you doing here? Bakit ang aga mo—” hindi natuloy ni Fia sa sinasabi, nagulat siya nang makita ang itsura ko, namumula at mugto ang mga mata saka nanginginig ang labi. “Oh my God, girl…” mabilis siyang tumayo saka lumapit, hinawakan niya agad ako sa braso ko. Nakasunod naman sa kanya si Jems na nag-aalala din. “What happened? Bakit mugto ang mata mo? Nag-away ba kayo ni Zach?” Sunod-sunod na tanong ni Fia. Umiling ako. Hindi ako makapagsalita.Ang hirap. Parang may bara sa lalamunan ko.Parang kahit gusto kong magpaliwanag, walang boses na lumalabas. Nakatingin lang ako sa kanila, tapos ‘yung mga luha ko unti-unting tumulo. “Hey, hey…” hinawakan ni F
Next Day Ganon pa rin ang routine ko. work, reports, meetings, lunch, nap and uuwi.. Ang kaibahan lang, I kept catching myself watching him. Kapag nakatingin siya sa computer, Kapag nagbabasa ng reports, kapag may kausap sa team, o kapag seryoso siya sa calls, every moment, gusto kong sabihin na magiging tatay na siya. Pero lagi akong nauudlot.Hindi ko alam kung paano uumpisahan. “Baby,” tawag niya habang nasa meeting room kami. Katatapos lang ng meeting at naiwan kaming dalawa dito. “You okay?”“Yeah,” ngiti ko. “Just sleepy.”“Hmm. Lagi ka na lang sleepy ah. Parang lagi kang puyat? May problema ba or bumabagabag sa’yo?” Tanong niya. Damn, halata na ba? “Wala naman Baby, talagang sleepy lang.” Sagot ko. Seriously Katalina? “You sure you’re not hiding something?” tanong ulit niya habang seryosong nakatingin na sa akin. Natawa ako pero pilit.“What could I possibly be hiding?” At the back of my head, napa-facepalm ako sa sarili ko.Shit, Katalina. Did you really just say tha
Pag-uwi namin sa condo galing sa pag-go grocery, umupo agad ako sa couch habang ‘yung dalawa abala sa pagpasok ng mga pinamili namin. Hindi nila ako pinagbuhat o pinaghawak kahit ano, kahit magaan ayaw nila.. Sa pag-iikot naman sa super market mas pinili nilang maupo na lang ako malapit sa counter kesa sumama sa kanila sa pag iikot. Baka daw matagtag ako at mapagod. Kaloka, sabi ko sa kanila pwede naman ako kumilos dahil sabi ni Doc okay naman ang pagbubuntis ko. Kaso hindi talaga sila pumayag. Akala ko ok na pero hindi pa rin mapakali ‘yung dalawa. Si Jems pagkatapos ilagay sa ibabaw ng counter ang grocery agad siyang nagbukas ng laptop, nag-search ng “Foods for twin pregnancy,” habang si Fia naman busy maglista ng mga bawal. Akala ko ok na ‘yung pagbili nila ng vitamins at foods na sobrang OA sa dami kaso hindi pa pala. “Okay, bawal muna coffee. Bawal softdrinks. Bawal junk food. Bawal ang stress!” sabi ni Fia, parang doktor habang naglilista. “At bawal din ang overtime,