Zeph PovMasakit man ang aking katawan dahil sa mga latay ng latigo ni Sir Keiver ay wala akong choice kundi ang sundin ang kanyang ipinag-uutos. Inutusan niya akong dalhin sa kaibigan nitong si Amy ang isang bote ng pabango. Nakakatakot pa naman ang daan papunta sa bahay nina Amy dahil nasa loob ng masukal na kagubatan ang kanilang malaking bahay. May isa pang daan papunta sa bahay nina Amy na hindi dadaan sa masukal na kagubatan ngunit malayo naman iyon sa bahay nina Sir Keiver. Masyado na akong aabutan ng dilim kung iyon ang pipiliin ko. Kaya kahit na nakakatakot ang daanan na masukal ay iyon ang aking pinili dahil mas malapit iyon. Kung lumabas na sana ang aking kakayahan bilang taong-lobo ay mabilis sana akong makakarating sa bahay nina Amy. Kaso para lamang normal na tao ang aking lakas at ewan kung may kakayahan nga ba ako ng isang taong-lobo at hindi pa lamang lumalabas o sadyang wala talaga akong abilities katulad nila.Gusto ko sanang tanggihan si Hillary at sabihin sa kan
Zeph PovNang muling maglakad palapit sa akin ang lalaki ay mabilis akong tumayo. Pasimpleng iniikot ko ang aking paningin sa aking paligid para alamin kung may bagay ba akong makikita na maaari kong gamitin laban sa kanya. Ngunit biglang tinakpan ng makapal na ulap ang buwan kaya biglang dumilim ang paligid. Hindi ko tuloy makita kung may bagay ba sa paligid ko na makakatulong sa akin para maipagtanggol ko ang aking sarili. Ngunit hindi ako pinanghinaan ng loob. Maraming pagsubok na akong dinaanan at hindi lang ito ang unang beses na may nagtangka ng masama laban sa akin ngunit lahat sila ay hindi nagtagumpay sa masama nilang plano sa akin. Kaya naniniwala ako na sa pagkakataong ito ay hindi rin magtatagumpay ang lalaking ito sa anumang binabalak niya laban sa akin.Katulad ng sinabi ko ay hindi lang ito ang unang beses na may nagtangka ng masama sa buhay ko dahil dalawang beses nang may inutusan si Hillary para turuan ako ng leksiyon. Iyong una ay itinulak ako sa mataas na hagdan sa
Zeph PovNakaramdam ako ng kaligtasan nang makita kong biglang dumating si Alpha Hunter. Kahit isa akong omega ay miyembro pa rin ako ng kanyang pack kaya natitiyak ko na hindi niya ako pababayaan. Gusto kong maiyak nang tapunan niya ako ng tingin ngunit pinigilan ko ang aking sarili na gawin iyon. Higit sa lahat, ayokong makita ng kahit na sino na umiiyak ako. Iisipin nila na isa akong mahina kaya mas lalo lamang nila akong aapihin. Iyong time na nasaksihan ni Alpha Hunter ang pag-iyak ko ay hindi iyon sinasadya. Kung al ko lamang na hindi ako nag-iisa sa itaas ng rooftop ay pinigilan ko sana ang mapaiyak ng malakas."Do you have a death wish? Ang lakas ng loob mo na manakit ng miyembro ng aking pack at dito pa mismo sa aking teritoryo," madilim ang mukha at mapanganib ang boses na sita ni Alpha Hunter sa taong-lobo na nagtatangka ng masama laban sa akin. Dahil sa sinabi ni Alpha Hunter kaya nalaman ko na hindi pala miyembro ng Golden Wolf Pack ang lalaking ito na inutusan ni Hilla
Zeph PovPagdating ko sa bahay nina Hillary ay bigla siyang napasimangot nang makita niya ako. "Bakit buhay ka pa?" matalim ang tingin na sita niya sa akin. "Ang ibig kong sabihin ay mabuti at walang nangyari sa'yo sa daan. Pasusundan na sana kita kay Melong ngunit naisip ko na baka magkaiba kayo ng dadaanan magkasalungat pa kayo kaya hindi ko na lamang siya pinasunod sa'yo," biglang bawi ni Hillary. Mabilis ding nawala ang talim sa kanyang tingin ngunit makikita pa rin ang disappointment sa kanyang mukha. Iniisip siguro niya na uuwi ako sa bahay nila na punit-punit ang damit at bugbog-sarado. O baka iniisip niya na hindi na ako makakauwi pa sa bahay nila."Siyempre buhay pa ako. Ngunit muntik na akong mapahamak dahil sa isang Dust Wolf na nagtangka ng masama laban sa akin. Nguniy hindi siya nagtagumpay dahil dumating si Alpha Hunter at iniligtas niya ako," pagbabalita ko sa kanya. Biglang namutla ang mukha ni Hillary nang marinig ang pangalan ni Alpha Hunter. Alam kong natatakot at
Keiver PovKakagaling ko pa lamang sa bahay ng isa sa pinagkakatiwalaan kong tauhan dahil pinag-usapan namin kung paano namin masisira ang pangalan ni Alpha Hunter. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin matanggap na siya ang naging alpha sa halip na ako. Hindi ko matanggap na nasa ilalim ako ng pamamahala ng isang teenager. Malaki ang naging ambag ko kung bakit ang ama ni Alpha Hunter ang naging alpha noon. Ginawa ko ang lahat para maging matatag siya sa kanyang posisyon bilang alpha. Sinunod ang lahat ng mga ipinag-utos niya sa akin at nagpaalipin ako sa kanya dahil umasa ako na kapag namatay siya ay ako ang ipapalit niya sa kanya bilang bagong alpha ng Golden Wolf Pack. Ngunit sa aking malaking pagkadismaya ay ipinamana niya ang titulo sa kanyang legitimate na anak na noon ay maglalabinwalong taong gulang pa lamang. Bagama't malakas at matapang si Hunter ay hindi ko pa rin siya gusto na siyang papalit na maging alpha ng aming pack. Maliban sa masyado siyang bata pa ay sobrang malaki n
Beta Keiver PovMatapos pumasok sa isip ko ang isang ideya ay agad akong lumabas sa kuwarto ni Zeph at iniwan siya para puntahan ang taong makakatulong sa akin para maisakatuparan ko ang binabalak kong gawin. Ilang minuto lamang ay nakarating ako sa isang bahay na nasa gitna ng gubat. Gawa ang bahay sa pinagtagni-tagning palapa ng niyog ngunit maganda ang pagkakagawa kahit luma na iyon. Sa labas pa lamang ng bahay ay nararamdaman ko nna agad ang malamig na aura na nagmumula sa loob ng bahay. At ang nagmamay-ari ng bahay na ito ay walang iba kundi si Urusula. Ang kinatatakutang witch sa lugar namin. Malupit kasi ito kaya iniiwasan ng lahat ang mapagawi sa lugar kung saan nakatayo ang bahay niya.Madalas ay nananatili lamang si Urusula sa loob ng bahay niya dahil natatakot siya na makasalubong niya si Alpha Hunter. Ang batang alpha namin ang tanging kinatatakutang nilalang ni Urusula. Kahit anong kapangyarihan kasi ang gamitin niya laban kay Alpha Hunter ay hindi ito tinatalaban. Hindi
Zeph PovNagising ako na medyo mabigat ang pakiramdam ko. Para bang may bahagi ng aking katawan ang nawawala. Bumangon ako sa kama at nag-unat-unat ng aking mga braso. Wala namang kulang sa akin. It's weird. Complete pa naman ang buo kong katawan ngunit hindi pa rin nawawala ang aking pakiramdam na tila may nawala sa katawan ko. Ipinilig ko na lamang ang aking ulo at pilit na iwinaglit ang weird na pakiramdam kong ito. Nagtungo ako sa maliit kong banyo para maghilamos at mag-toothbrush. Paglabas ko ay agad kong hinagilap ang aking face towel para ipampunas sa aking mukha. Humarap ako sa maliit na na salamin habang pinupunasan ko ng bimpo ang aking mukha. Mayamaya ay bigla akong natigilan nang mapatitig ako sa aking repleksiyon sa salamin. Naalala ko na ang nangyari kagabi. Biglang may lumabas na drawing na tila buwan sa aking noo. Magliliwanag iyon at sobrang mainit sa aking noo. Kinapa-kapa ko ang aking noo ngunit wala namang indikasyon na may naka-drawing sa noo ko. Hindi ko tuloy
Zeph PovNanlalaki ang aking mga mata at hindi ako makapaniwala sa aking nakita. Biglang naglaho ang sakit at sugat sa aking katawan. Kailan pa ako nagkaroon ng ganitong kakayahan na mapaghilom ng mabilis ang aking mga sugat? Ang mga taong-lobo maliban sa akin ay may kakayahan na mapagaling ng mabilis ang kanilang mga sugat ngunit hindi ganito kabilis katulad ng nangyari sa akin ngayon. Hindi ko alam kung anong himala ang nangyari sa akin ngunit ikinatuwa ko ang aking bagong tuklas na kakayahan. Nagulat ako at nagtaka ngunit hindi ko maikakaila na talagang natuwa ako sa nangyari. Sa wakas ay may kapangyarihan na rin ako. Hindi na ako isang ordinaryong taong-lobo lamang na parang normal na tao dahil may kapangyarihan na ako ngayon. Ngunit kailangan kong makasiguro na kaya ko nga ang magpagaling. Ngunit sino naman ang pagagalingin ko?Tila sinasadya naman na biglang may nasagasaang rabbit sa aking harapan. Mukhang nakatakas lamang ang rabbit mula sa kanyang kulungan dahil malinis ito.