Share

Chapter 8

Zeph Pov

Nang muling maglakad palapit sa akin ang lalaki ay mabilis akong tumayo. Pasimpleng iniikot ko ang aking paningin sa aking paligid para alamin kung may bagay ba akong makikita na maaari kong gamitin laban sa kanya. Ngunit biglang tinakpan ng makapal na ulap ang buwan kaya biglang dumilim ang paligid. Hindi ko tuloy makita kung may bagay ba sa paligid ko na makakatulong sa akin para maipagtanggol ko ang aking sarili. Ngunit hindi ako pinanghinaan ng loob. Maraming pagsubok na akong dinaanan at hindi lang ito ang unang beses na may nagtangka ng masama laban sa akin ngunit lahat sila ay hindi nagtagumpay sa masama nilang plano sa akin. Kaya naniniwala ako na sa pagkakataong ito ay hindi rin magtatagumpay ang lalaking ito sa anumang binabalak niya laban sa akin.

Katulad ng sinabi ko ay hindi lang ito ang unang beses na may nagtangka ng masama sa buhay ko dahil dalawang beses nang may inutusan si Hillary para turuan ako ng leksiyon. Iyong una ay itinulak ako sa mataas na hagdan sa
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status