Share

II

Masakit pa ang ulo ni Jules nang idilat niya ang mga mata niya. The bright light that flooded the room added to the crushing headache. She squinted her eyes as she tried to make sense of her surrounding.

Puting mga dingding, komportableng kama, at malakas na air-con. She could hear a weird beeping sound and a few people talking. Pakiramdam niya any mabigat ang katawan niya at may hangin ang ulo niya. Like she was drugged or something.

"Where the hell am I?" she was startled by how hoarse her voice sounded.

"Ano ba Jules? Papasok ka pa ba?! Late ka nanaman!"

"Pasensya na Leslie, oo papasok ako, wait lang--"

Jules' eyes widened as she remembered the events that happened before she passed out. Naalala niyang nabundol siya ng isang puting Toyota at tumama ang ulo niya sa gutter. She remembered someone calling her name and shouting for an ambulance. And then it was as if the curtains closed and it was all black.

Kasabay ng pagbabalik ng kanyang alaala ay ang pagkirot din ng ulo niya. Agad niyang nasapo ang noo at naramdaman ang benda na nakabalot doon. Noon din niya napansin ang IV na nakakabit sa kaliwang kamay niya. "No--shit.."

Nasa hospital siya! It all made sense now! Nanlamig bigla ang katawan niya.

"No! My god! Hindi ako pwedeng maospital!" pinilit niyang bumangon sa kabila ng pananakit ng katawan. She winced as she tried to pull out the IV line. That's when a nurse suddenly showed up and stopped her.

"Ma'am! Huminahon po kayo! Kailangan po ninyo ang IV n'yo!"

"Please, nurse! Hindi ako pwedeng magtagal dito! Please! May trabaho ako! Kailangan kong pumasok!" kailangan niya ang bawat sentimo na kinikita niya sa pagwewaitress sa isang kainan malapit sa kanila. At kalangan din niyang bumalik sa hospital kung saan naka-confine ang Mamay niya dahil dala dala niya ang gamot na kailangang kailangan nito.

"Hindi mo ba ako naiintindihan? I need to get out of here." tinabig niya ang nurse at hinugot ang swero niya sabay bangon sa kama. She felt slightly dizzy from getting up too soon. Pero hindi napigilan niyon ang tangkang pagtakas niya.

Nakita niyang pinindot ng nurse ang isang buton at alam niyang maaalerto ang mga doktor at any minute ay darating ang mga iyon at pipigilan siya. Kaya naman nagmamadaling tinakbo niya ang pinto.

That's when it opened and in goes Jacob Alexander Mitchell. Muntik pa siyang sumubsob dito kung hindi niya naitukod ang mga kamay sa dibdib nito. Huli na nang mapagtanto niyang duguan ang kaliwang kamay niya at naihawak niya iyon sa mamahaling suit nito.

She pulled back her hand but Jake was quick. He held her bloody hand carefully in his and stared at it...almost lovingly. Like he was sad that something so beautiful was damaged. Like something he cared about deeply was hurt. Her heart shifted. "D-don't.." she rasped desperately.

"Don't what?"

Hindi niya kayang tagalan ang titig ni Jake sa kanya. Puno parin ng hinanakit ang mga mata nito at para iyong kutsilyo na bumabaon sa dibdib niya. Nanliliit siya. Naninikip ang hininga. Nahihiya.

Muli niyang sinubukan na hilahin ang duguang kamay, this time ay pinakawalan siya ni Jake. The coldness in his eyes were back and his face became stoic once again.

"Please put back her IV." he told the nurse behind Jules.

Umatras agad siya. "Jake! Kailangan kong umalis. I need to go to my mamay."

"You don't need to worry about her."

"Ano bang pinagsasasabi mong lalaki ka?!" napahagod si Jules sa buhok nya at agad ding napangiwi nang maalala ang injury niya sa ulo. "Kailangan ni mamay yung gamot na dala ko! Teka nasaan ba ang mga gamit ko? At saka may pasok pa ako--"

"You are clearly confused, Julianna." she stiffened when she felt his warm hand on her upper arm. He firmly--but surprisingly gently--she doesn't know how to describe the way Jake maneuvered her back to her hospital bed. Naramdaman na lang niya na tumama ang likod ng tuhod niya doon.

Walang nagawa na napaupo na lang siyang muli sa kama. Inalalayan siya ng mga nurse na mahiga. "Jake, please, si mamay."

"I told you, she's already been taken cared of." tumalikod na ang lalaki at naramdaman na lang niya na tinutusukan na ulit siya ng nurse.

"What do you mean?" hindi ito sumagot. May mga bodyguard na pumasok sa kwarto niya upang ipaalala dito ang mga dapat nitong puntahan sa araw na iyon. "Jake!"

"We'll talk once you recovered, Julianna. You sustained a concussion. They need to run some tests and the doctor advised that you need to be observed." tumango ito sa doctor na pumasok sa silid niya matapos umalis ng tauhan ni Jake. "Rest now, Julianna." he said, dismissing her.

Nagpupuyos na sinundan na lamang ni Jules ng tingin si Jake pagkatapos nitong talikuran siya. She's still worried of her mamay inspite of Jake's reassurance. She requested the nurse to call the hospital where her mamay is confined but she too just reassured her which pissed her off some more. She needed to make sure Mamay is okay! Can someone at least let her talk to her?

Inis na inis siya kay Jake dahil matapos ang maigsing paguusap nila ng araw na iyon ay hindi muli itong gumawi sa hospital. Alalang alala na siya sa mamay at nakadagdag pa doon ang hospital bill niya. Alam niyang hindi biro ang presyo sa ganun kaprestihiyosong pagamutan.

Saan kaya siyang kamay ng diyos kukuha ng pambayad sa hospital? Ni hindi na nga niya mabili ang mga gamot ng mamay niya. Magbenta na lang kaya siya ng laman? That idea was sounding better and better each day as she lie there in her bed, unable to do anything except be a good patient and follow doctor's orders.

Nang sa wakas ay sabihin ng mga ito na maaari na siyang madischarge ay hindi niya alam kung marerelieve o kakabahan. Nang makaalis ang mga doktor ay saka niya kinausap ang nurse.

"Uhm, pwede ko ba makita kung magkano ang bill ko?"

Ngumiti ang nurse sa kanya. "Okay na po, ma'am. Fully paid na po ang bills ninyo." inabot nito sa kanya ang isang paper bag. Nang silipin niya ang loob ay naroon ang mga damit niya. "Bihis na po kayo at naghihintay na ang sundo ninyo sa ibaba."

Kunot noo na sinunod na lamang ni Jules ang sinabi nito. Sino naman kaya ang sundo na tinutukoy nito?

Nang makalabas siya ng hospital ay nagulat pa siya ng salubungin siya ng isang unipormadong lalaki. Nakakulay puti itong polo-barong at itim na slacks. Iginiya siya nito sa isang itim na sasakyang hindi na niya nasilip kung anong tatak.

Baka kinikidnap na pala ako, hindi ko pa alam. Basta na lang ako sumama sa mamang ito.

"Uhm, excuse me po?" usal niya nag makalulan ang lalaki sa sasakyan. "Mawalang galang na, kuya, pero san po ninyo ako dadalhin?"

"Sa JFM Tower po, ma'am." sagot ng lalaki. Biglang kinabahan si Jules. Bakit dun? "Gusto daw po kayong makausap ni Sir Jake."

Napasapo si Jules sa may benda parin niyang ulo. Bigla yatang kumirot ang bungo niya sa narinig. Pihadong sisingilin na siya ng lalaki sa ibinayad nito sa pagkakaospital niya. At kung totoo nga na tinulungan nito ang Mamay niya, malamang pati iyon ay sisingilin din nito sa kanya.

Kabado siya nang ibaba siya ng driver sa tapat ng mataas na building. Akala niya ay mag-isa na lamang siya simula sa puntong iyon, ngunit may sumalubong sa kanyang isa pang unipormadong lalaki. Katabi nito ang isang babae na sa hinala niya ay isa sa mga sekretarya ni Jake.

They welcomed her with a smile, as if they were long time friends which made Jules all the more suspicious.

"How are you, ma'am, kamusta po ang pakiramdam ninyo?" nakangiting tanong ng babae.

"I-I'm fine."

"That's good. By the way, I'm Kristen, I'm the executive assistant of Mr. Mitchell."

Tipid na ngumiti lamang si Jules sa babae. Masyado itong friendly sa kanya to the point na awkward na ang pakiramdam niya. She was discussing the company's success eversince Jake took over while they were inside the elevator. Nagkukunwari lamang na nakikinig si Jules dahil nasa ibang bagay naman ang utak niya. Sinulyapan niya ang isa pa nilang kasama, wala namang kibo ang lalaki at tila hindi rin naman nakikinig sa ratsada ni Kristen.

The two led her to Jake's office. She stole a glance at the receptionist's desk and surlrisingly, wala na doon ang babaeng nakaaway niya noong una niyang punta dito. They ushered her inside the office and left her alone, nervously wringing her fingers. Hayon nanaman at bumilis nanaman ang pulso niya. She was standing in the middle of the huge office, alone. But she felt like she's being watched. Like a small fish in an aquarium. Observed, being made fun of.

Jules tried to shake her head to get rid of her silly thoughts when the door opened and Jake came inside.

He was wearing a dark blue suit. He was still larger than life. She had to fight the urge to open her mouth like an awestruck fan to his idol.

"Julianna, how are you feeling?" ang bati nito sa kanya.

Gumana nanaman ang pagiging defensive niya. Itinaas niya ang baba upang salubungin ang tingin nito. "Let's cut the chase, what do you want, Jake? Anong kapalit ng mga itinulong mo? Magkano?"

Jake let out an amused laugh. "What? No hello? Or should I say, no thanks?"

"Wala akong panahon para makipagbiruan sa'yo! Sagutin mo ang tanong ko," she knew her cheeks are flaming red, whether from anger or shame, she doesn't care anymore. Tinatapakan ng lalaking ito ang pagkatao niya--kagaya ng ginawa ng ina nito. And she will be damned if she would just let him do that to her. "magkano?!"

He sighed. "I'm not asking for anything, Julianna."

"Please refrain from calling me that," she said, wincing. "at hwag na tayong maglokohan pa dito. We both knew you hindi ka basta basta magbibigay ng kahit ano nang walang kapalit! Kahit pa kakapurit na piraso lamang iyon ng kayamanan mo."

Jake's expression became sober." Is that what you really think of me, Jules?" he asked. Finally using her nickname. "Ganyan ba ang pagkakakilala mo sa akin?"

She hesitated. Jake had been nothing but a good person to her. Before. He was always generous, always forgiving. But that was before.

Before everything turned into shit when she chose another man over him.

"Everything can change." tahimik na sagot niya.

"Well, except me." he moved towards his desk. "You asked for my help and I gave you that. That's it."

Napailing siya sa sinabi nito. "I don't believe you."

"Kailan ka ba naniwala sa mga sinasabi ko sa'yo, Jules? Really, when?"

Jules' lips quivered. Nanginginig ang kamay na nasapo niya ang noo. Jake glanced at her and worry was painted on his face when he saw her holding her forehead. Kaagad itong lumapit sa kanya. His hand touched her hand and it was her undoing. "You are bleeding. Hindi ka pa dapat nila pinalabas ng hospital."

"Mamay needs me, Jake." she brushed his hand away as it was lingering on her skin for too long. "Kung sasabihin mo ngayon pa lang kung anong kapalit ng lahat ng itinulong mo sa akin ay mas makakabuti. I need to go back to the hospital."

"I had Mamay transferred to a bigger hospital, you don't have to worry about her anymore--"

"What?!" panic quickly rose to her throat. "Why would you do that?! Wala akong pambayad--"

"Hindi kita sinisingil, Julianna! Tama na!" he angrily tossed his hair. "Stop it. I'm not asking for anything in return. Mamay had been a good mother figure to me. You don't need to pay me for anything, I'm doing this for her."

"What's the catch, Jake?" she asked grimly. "Bakit hindi parin ako naniniwala na walang kapalit ang mga tinulong mo?"

Matabang siya nitong tinitigan. "I should be mad at you right now."

"Just tell me."

"Alright then, if this is what you want." he pinned her a look. "Work for me, Julianna."

She pursed her lips.

"Work for me until all your debts are paid."

Hindi siya sigurado kung ang mga pagkakautang na sinasabi nito ay pera lang ba? O lahat ng atraso niya?

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status