MasukSi Anna Soledad "Sol" Madrigal ay isang mataray, matapang at palaban na heiress. Itinakdang ipakasal sa isang lalaking hindi niya mahal bilang bahagi ng pagpapalawak ng negosyo ng kanilang pamilyang nagmamay-ari ng isang kilalang hotel at restaurant empire. Ngunit sa mismong araw ng kanyang kasal, habang naghihintay ang lahat sa kanyang paglalakad sa altar, pinili ni Sol na tumakas at iwan ang mundong matagal nang nagdidikta ng kanyang buhay. Napadpad siya sa tahimik na bayan ng Monteverde kung saan agad siyang sinalubong ng malas nang manakaw ang kanyang maleta. Sa gitna ng kanyang pagod at inis napagbintangan niya ang estrangherong lalaking nakakita nito, si Crisanto "Cris" Domingo, breadwinner ng kanyang dalawang bunsong kapatid at frustrated chef na kilala sa kanilang lugar dahil sa kakaibang lasa ng kanyang mga luto. Hindi alam ni Sol na ang lalaking kinaiinisan niya ang siya ring may-ari ng Karinderya Sa Kanto na dinadayo ng mga tao ano mang estado sa buhay dahil ang mga pagkain ay may kakaibang lasa at sarap. At bilang heiress ng isang emperyo sa larangan ng mga pagkain, hindi niya eto pwedeng balewalain. Mula sa maling simula na nauwi sa bangayan at asaran, hanggang sa hindi nila namalayang unti unti silang naglalapit, at may namuong pag-iibigan. Sa saglit na panahong namuhay si Sol bilang isang ordinaryong dalaga sa Monteverde, nagkunwaring pinsan ng kanyang kaibigan at nagtrabaho sa karinderya. Ngunit nang mabunyag ang kanyang tunay na pagkatao, magiging hahadlang ang agwat ng kanilang estado sa buhay. At may mga taong darating na hahamon sa kanilang pag-ibig. Habang si Cris ay patuloy na hindi bumitaw sa kanyang naudlot na pangarap. Sa pagitan ng pangarap, pride, at pag-ibig, handa ba silang ipaglaban ang isa’t isa?
Lihat lebih banyak“Manong, pwede bang huminto muna tayo… nasusuka ako.”
Napatingin agad ang driver sa rearview mirror, halatang nag-aalala. “Ma’am, malapit na po tayo sa simbahan, konti na lang...” “Please… hindi ko na kaya,” sabat ni Sol habang pinipikit ang mga mata at pinipilit magmukhang nahihilo. Hindi na ito nagtanong pa. Agad nitong inihinto ang sasakyan sa gilid ng kalsada at nagmamadaling bumaba. “Sandali lang po, ikukuha ko kayo ng tubig...” “Manong…” Napalingon ito. Ngumiti si Sol… at inilapit ang maliit na bote sa ilong nito. “Ma’am, ano po...” Hindi na nito natapos ang sasabihin. Ilang segundo lang ang lumipas at tuluyan itong nawalan ng malay. Nanatiling nakatingin si Sol sa driver, inobserbahan kung effective na ang ginawa niya. Wala na... tuluyan nang nakatulog si manong driver. Huminga siya nang malalim at mabilis na kumilos. “Sorry, Manong… kailangan ko lang talagang gawin ‘to.” Inabot niya ang maleta sa ilalim ng upuan at agad kinuha ang sneakers. Halos sabay niyang hinubad ang sapatos na suot at isinuot ang rubber shoes na handang-handa na sa pagtakbo niya palayo sa buhay na hindi niya pinili. Binuksan niya ang pinto at sumalubong ang hangin sa kanya. Nasa di kalayuan ang simbahan, naghihintay ang mga tao, naghihintay si Eugene Uy, isang lalaking Chinese na hindi niya mahal. “Hindi ako pupunta diyan…” bulong niya sa sarili, saka tuluyang tumakbo. Tumakbo siya habang suot ang gown, habang hila ang maleta, habang pinapansin ng mga tao ang eksenang parang eksena sa pelikula. May napahinto, may napanganga, may nagturo, pero wala siyang pakialam. Mas mahalaga ang makalayo. Mas mahalaga ang makahinga. Hanggang sa makarating siya sa isang mall. Diretso siyang pumasok sa loob, hinahabol ang sariling hininga, at agad nagtungo sa CR. Pagpasok sa isang cubicle ay isinara niya ang pinto at sumandal sa dingding. Ramdam niya ang bilis ng tibok ng puso niya habang pinipilit kumalma. “Okay… okay ka lang…” sabi niya sa sarili kahit halatang hindi. Mabilis siyang nagpalit ng damit, hinubad ang wedding gown at iniwan iyon sa loob ng cubicle na parang basta na lang niyang binitawan ang buong nakaraan niya. Isinuot niya ang simpleng damit at inayos ang sarili bago lumabas. Paglabas niya, wala nang bride. Si Sol na lang. Samantala, sa simbahan, nagsisimula nang uminit ang ulo ng lahat. “Nasaan ang bride?” Nagkatinginan ang mga bisita habang unti-unting kumakalat ang bulungan. Ang groom ay halatang naiinip at disappointed na habang paulit-ulit na tumitingin sa relo. Sa harap, nakatayo ang ama ni Sol na hindi gumagalaw ngunit mabigat ang presensya. Hanggang sa bumukas ang pinto at pumasok ang driver, hingal na hingal at pawis na pawis. “S-sir…” “Nasaan ang anak ko,” malamig na tanong ng ama. “Nawala po siya… huminto po kami sandali tapos bigla po akong nahilo… paggising ko po wala na siya…” Parang huminto ang oras sa loob ng simbahan bago tuluyang sumabog ang kaguluhan. At sa gitna ng ingay na iyon, isang bagay lang ang malinaw. Tumakas ang bride. Malayo sa kaguluhan na iyon, nakasakay na ng barko si Sol. Ilang oras ang lumipas, nakarating si Sol sa bayan ng Monteverde, sa bayan ng kaibigan niyang si Dianne Pedrino. Nakatayo siya sa gilid ng kalsada, hawak ang maleta at pinagmamasdan ang paligid. Tahimik ang lugar, walang nakakakilala sa kanya, at sa unang pagkakataon ay walang nagdidikta kung saan siya pupunta. “Okay… bagong simula,” bulong niya habang humihinga nang malalim. Ngunit hindi pa siya nakakabawi nang mapansin niyang wala na ang maleta sa tabi niya. Napalingon siya. “W..wait… nasaan na ang maleta ko? ” Tumingin siya sa kaliwa, sa kanan, saka muling bumalik sa pwesto kung saan niya ito inilapag. Wala na talaga. Unti-unting bumilis ang tibok ng puso niya habang hinahanap ang pamilyar na kulay at hugis. “Hindi pwede… hindi pwede ‘to…” Mabilis siyang naglakad, halos tumatakbo habang sinusuyod ang paligid. Hindi pa siya nakaka-recover sa pagtakas niya at heto na naman ang panibagong problema. “Great, Sol… ang galing mo…” sabi niya sa sarili habang pilit pinipigilan ang panic. Habang paikot-ikot ang tingin niya, may isang bagay na nakakuha ng atensyon niya. Isang lalaking may hawak na maleta. Ang maleta niya. Agad siyang napahinto, saka sumimangot. “Hoy!” Napalingon ang lalaki, halatang nagulat sa biglang sigaw niya. Hindi na siya nag-isip pa. Diretso siyang lumapit, mabilis at puno ng galit. “Anong ginagawa mo diyan,” bungad niya habang nakatitig sa hawak nitong maleta. Napatingin ito sa maleta, saka bumalik ang tingin sa kanya. “Ha?” “Maleta ko ‘yan,” madiin niyang sabi. Kumunot ang noo nito. “Miss, pinulot ko lang ‘to...” “Talaga,” putol niya agad, halatang hindi naniniwala, “ang bilis mo namang makapulot.” Napabuntong hininga ang lalaki at tila pinipigilan ang sarili. “Hindi ko ‘to kinuha.” “Eh bakit nasa kamay mo,” mabilis niyang sagot habang lumalapit pa. Magkalapit na sila ngayon, halos magkatapat ang mukha. Saglit silang nagtitigan. May kung anong dumaan sa pagitan nila na hindi niya pinansin. “Isauli mo na,” sabi niya nang matigas ang tono, sabay kuha ng maleta niya. “Teka nga.....” “Hindi, ikaw ang teka,” sabat niya, mas lalong tumalim ang tinginan nilang dalawa. At biglang may dumaan na pulis at napansin ang komosyon nilang dalawa. “Ma’am, sir... anong kaguluhan ‘to,” awat ng pulis. “Eh kasi sir... ang lalaking ‘to dinekwat ang maleta ko.” “Aba... magdahan-dahan ka sa pambibintang mo, miss.” “Ang mabuti, sumama kayong dalawa sa police station. Nakakaabala na kayo dito sa kalye.” “Sir... nagmamadali po ako... iwan ko na lang po ang number ko,” pakiusap ng lalaki. “Tayo na nga sa police station nang magkaalaman na…” hamon pa ni Sol. Napailing ang lalaki at napabuntong hininga. Ngunit tinalikuran lang ito ni Sol at nagsimulang maglakad kasabay ng pulis. Narinig niya ang mga yabag sa likod niya. Walang nagawa kundi sumunod ito. At habang papalapit sila sa direksyon ng police station, hindi alam ni Sol na ang lalaking pinagbintangan niya ay hindi basta estranghero lamang… kundi ang simula ng bagong hamon niya sa buhay.Umalingawngaw ang boarding announcement. Napatingin si Sol sa monitor. "Time na." Tumango si Cris, kahit halatang ayaw pa nitong bumitaw. Dahan-dahan silang tumayo. Mahigpit siyang niyakap ni Cris. "Mag-iingat ka." "Ikaw rin." "Huwag kang magpapagod masyado." Napangiti si Sol. "Promise." Marahan siyang hinalikan ni Cris sa noo at sa labi bago siya muling niyakap ng mahigpit. "I love you." "I love you too." Huminga nang malalim si Sol bago hinila ang kanyang maleta at naglakad papunta sa boarding entrance. Ilang hakbang pa lamang ay muli siyang lumingon. Nakatayo pa rin si Cris sa parehong puwesto. Nakangiti. Pero halatang pilit lamang nitong itinatago ang lungkot. Kumaway si Sol. Kumaway rin si Cris. Hanggang sa tuluyan na siyang mawala sa likod ng security checkpoint. Nanatili pa ring nakatayo si Cris sa kanyang puwesto. "Six months… at uuwi na rin ako, Babe." __________________________ Tatlong buwan ang lumipas... Halos magkasunod na dumating ang mga pagbabagong ma
Unang nagising si Sol sa banayad na sikat ng araw na sumisilip sa maliit na bintana ng dorm. Ilang segundo siyang nanatiling nakahiga habang pinagmamasdan si Cris na sa kanyang tabi. Mahimbing pa ang tulog nito. Magulo ang buhok. Mahinahon ang paghinga, at guwapo pa rin.Napangiti siya. Dahan-dahan niyang hinawi ang ilang hibla ng buhok na tumatakip sa noo ng binata at marahang isinuklay iyon gamit ang kanyang mga daliri."...Good morning, Babe."Hindi pa man tuluyang nagmulat ng mata si Cris ay ngumiti na ito. "Good morning..."Marahang niyang iminulat ang kanyang mga mata."Ang sarap talaga gumising na ikaw ang una kong nakikita."Napatawa si Sol. "Bolero.""Totoo ang sinasabi ko."Hinila siya ni Cris palapit at muli siyang niyakap."Sana huwag ka nang umuwi. Dito ka na lang."Napapikit si Sol at gumanti din ng yakap."Gusto ko rin. Pero hindi pwede eh."Tumango si Cris. "Alam ko. Madami pang naghihintay sa'yo sa Pilipinas. At kailangan ko rin tapusin pag-aaral ko dito."Saglit s
Mabilis na tinungo ni Cris ang locker area. Halos manginig ang mga kamay niya habang nililigpit ang apron at toque sa loob ng locker. Hindi niya alam kung bakit, pero malakas ang kutob niyang iisa lang ang maaaring gumawa ng ganoong sorpresa."...Babe?"Mabilis niyang isinuot ang jacket, kinuha ang cellphone at wallet, saka halos patakbong lumabas.Paglabas niya sa dining area ay awtomatikong hinanap ng kanyang mga mata ang sinasabing bisita.Hanggang sa tumigil ang kanyang paningin sa isang babaeng nakaupo malapit sa bintana. Nakatayo sa tabi nito ang maliit na cream-colored luggage. Nakaharap ang dalaga sa kanya habang hawak ang tasa ng mainit na tsokolate at nakangiti.Parang huminto ang buong paligid. Nawala ang ingay ng mga kubyertos. Naglaho ang usapan ng mga customer. Tanging ang babaeng nasa harapan niya na lamang ang kanyang nakikita. Hindi makapaniwalang napabulong siya."...Babe?"Dahan-dahang tumayo si Sol nang hindi nawawala ang kanyang ngiti. "Merry Christmas, Babe."Na
Huling linggo ng Hunyo. Masayang-masaya ang buong campus ng Monteverde State University. Puno ng mga estudyanteng nakasuot ng toga, mga magulang na may hawak na bulaklak, at mga kaanak na abalang kumukuha ng litrato sa bawat sulok ng paaralan. Sa reserved seats ng pamilya Domingo, magkatabing nakaupo sina Sol at Dianne. Nakaharap ang cellphone ni Sol sa entablado. Naka-video call si Cris mula sa Vienna. "Babe, malinaw ba?" tanong ni Sol. "Oo," nakangiting sagot ni Cris. "Nasaan na sina Bella at Anton?" "Nasa waiting area pa. Pareho raw kinakabahan." Napatawa si Cris. "Mas kinakabahan pa yata ako." Napailing si Sol. "Ikaw nga ang nasa ibang bansa." Mula sa loudspeaker ay narinig ang pangalan ni Anton. "Anton Domingo, Bachelor of Science in Hospitality Management." Agad na itinapat ni Sol ang camera sa entablado. "Kuya!" masayang kumaway si Anton nang makita ang cellphone. Napangiti si Cris. "Congratulations, Ton!" Tinanggap ni Anton ang diploma habang malapad ang ngiti sa
Nag hahanda na sila umuwi.. Before they left the resort, namili muna sila sa souvenir shop. Habang abala ang lahat sa pamimili ng mga souvenir items, pasimpleng lumapit si Cris kay Sol. Tahimik niyang hinila palabas, pumunta sila sa likod ng shop. “Bakit ba… ano ginagawa natin
“Okay… makinig muna kayo lahat…” Maaga pa lang pero buo na ang presensya ni Cris sa gitna ng karinderya habang tinipon niya sa harap niya ang mga tauhan. Magaan ang galaw niya ngayon, parang walang bakas ng awkward na nangyari kahapon. Saktong pagpasok ni Sol… siya ang huling dumating. “Sorry… l
“Anong imposible… imposible na kaharap mo ngayon ang taong pinagbintangan mong magnanakaw?”Tumayo si Sol mula sa kanyang upuan.“Excuse me? Nagsorry na nga ako eh… ano pa ba ang gusto mo?”“Wait lang guys ha…” singit ni Dianne habang pumagitna, hawak pa ang kutsara at tinidor, “do you know each o
“Dianne… saan mo nga ulit binili ‘yung pagkain kagabi?”Napalingon si Dianne mula sa kinakain niyang tinapay, saka ngumiti nang may halong panunukso. “Bakit… iniisip mo pa rin? Hindi ka talaga maka move on..”“Hindi ah,” mabilis na sagot ni Sol habang kunwari’y abala sa pag-aayos ng buhok, “gusto k







![Hiding The Dangerous Bodyguard's Son [A.G.S #3]](https://www.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)




Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Ulasan-ulasan